You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IKA-8 BAITANG

Araling Panlipunan: Dahilan ng pagsiklab ng ikalawang Digmaang Pandaigdig


Quarter 4 Week 2 Grade 8

I. LAYUNIN:

(a) Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


ikalawang Digmaang Pandaigdigan.

(b) Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit and kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran.

(c) Nakapagbibigay ng mga angkop na hakbang para mapanatili ang kapayapaan upang
maiwasan ang anumang uri ng kaguluhan.

II. PAKSANG ARALIN:

1. Paksa: Dahilan ng pagsiklab ng ikalawang Digmaang Pandaigdig

2. Sanggunian: Kayamanan III. p. 407-423

https://www.studocu.com/ph/document/the-national-teachers-college/accountancy/q4-
module-2-ap8-eyyy/46011004

3. Kagamitan: TV, laptop, larawan, visual aids

III. PAMAMARAAN

A. Pang-araw araw na Gawain

1. Panimulang Panalangin

2. Pagsasaayos ng Silid Aralan

3. Pagtatala ng Liban

B. Balik Aral

Bago natin tunguhin ang ating aralin, balikan muna natin ang kaganapan bago
sumiklab ang ikalawang digmaaan.
C. Pagganyak

FOUR PIC ONE WORD

1. 2.

G A N I D A M G A L I G N

A G M S N A B A

3. 4.

G A B S P A K A G N A Y A L S A

G N I O N A M K E Y O

SAGOT:

1. DIGMAAN

2. LIGA NG MGA BANSA

3. PAGBAGSAK NG EKONOMIYA

4. ALYANSA
D. TALAKAYAN

MGA DAHILAN O SALIK SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG DIGMAANG


PANDAIGDIG

1. PAG-AGAW NG JAPAN SA MANCHURIA

- Noong 1931 sinakop ng Japan and Manchuria na bahagi ng China, ang


pangyayaring ito ay mahigpit na tinutulan ng Liga ng mga Bansa na naging dahilan
upang itiwalag and Japan sa Liga ng mga Bansa.

2. PAG-ALIS NG GERMANY SA LIGA NG MGA BANSA

- Umalis ang Germany sa Liga dahil pinagbabawalan sila na magsandata, at


ito ay nanganga-hulugang pag-aalis din sa kanilang karapatan. Ito ang nag udyok kay
Adolf Hitler na muling palakasin ang sandatahang lakas at tahasang labagin ang
kasunduan sa Versailles na naglagay sa kanya at sa Germany sa nakahihiyang
kondisyon, ang muling pagpapalakas ng Germany ay paghahanda sa muling
pananakop at ang naging tugon ng France dito ang makipag alyansa sa Russia laban
sa Germany. Lubos na ikinapoot ni Adolf Hitler and Treaty of Versailles, naniniwala
siya na hindi kasunduan ang nangyari sa Versailles kundi isang pagkakanulo sa
kapayapaan.

3. PAGSASAKOP NG ITALY SA ETHIOPIA

- Ang Italy ay isang malakas na Bansa sa pamumuno ni Benito Mussolini na


nagsusulong ng Pasismo (Fascism). Taong 1935 tuwirang nilabag ng Italy ang
Kasunduan sa Liga (Covenant of the League) ng sakupin ang Ethiopia. Ang pagtulong
ni Adolf Hitler kay Benito Masulini ay lalong nagpalakas sa pwersa at nagbigay ng
daan at pagkabuo ng Alyansang Militar na tiniwag na Axis Powers na nang lumaon ay
nagging kasapi din ang Japan.

4. DIGMAANG SIBIL SA SPAIN

- Nagsimula ang digmaang Sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng Pasistang


Nationalist Front at ang Sosyolistang Popular Army. Nanalo ang Nasyonalista ngunit
marami ang nadamay dahil sa pakikialam ng ibang bansa at ito ay nagababadya ng
kampihan at kaguluhan. Ninais ni Hitler na pairalin at palawakin ang ideya ng. Ang
Pasismo ay ideolohiya na naniniwalang napapailalim ang kapakanan ng mamamayan
sa tunguhin at interes ng estado sa kahit ano o sino pa man. Samantalang ang Nazism
ay ideolohiyang nagtataguyod ng paniniwala sa pagiging superior ng lahing Arian na
kinabibilangan ng mga German. Ang malagim na epekto ng nasabing paniniwala ay
ang malawakang pagpatay sa mga Jews sa mga Concentration Camp sa Germany at
Poland tinawag itong Holocaust.

5. PAGSASANIB NG AUSTRIA AT GERMANY

- Noong 1938, Hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan


na matamo ang kanilang Autonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na
magdaos ng pagpupulong. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang
mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta rin sa Germany.

6. PAGLUSOB SA CZECHOSLOVAKIA

-Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa


Germany. Sumalungat ang mga bansang kasapi ng Allied Powers ( Pransya, Gran
Britanya, Estados Unidos ). Tumutol si Mussolini sa unyon kaya nawalan ng bisa ito
noong 1938. Ito ang kinalabasan ng kasunduan ng Italya at Germany na Rome-Berlin
Axis.

7. PAGLUSOB NG GERMANY SA POLAND

- Pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. Tuwirang pagbaliktad ng


Germany sa Russia sa Kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi
pakikidigma. Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng mga sumusunod na pangyayari:

a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa Krisis ng Czechoslovakia.

b. Pagkainis ng Germany sa Russia nang magpadala ito ng negosyador sa Kasunduan


ng Pagtutulungan ay hindi importanteng tao.

Patuloy ang Germany sa pananakop panibagong lupain ang nilusob nila. taong 1939
Setyembre napasakamay ng Germany ang Poland.

Saan patungo ang ganitong Gawain nila?

Maaring iba iba kayo ng sagot ngunit kung susuriin karugtong ng unang digmaan ang
ikalawang digmaang pandaigdig, bakit? dahil sila sila parin ang mga bansang sangkot
sa digmaang ito na may hangaring maghigante at makapagpalawak ng teritoryo
maging makapangyarihan ay matibay na ebidensya nsa dalawang digmaang
pandaigdig na naranasan ng mundo.

Tingnan natin ang mga dahilan ng pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig.


(Isaisahin ang mga dahilan mula una hanggang sa ikapito).
Na naging mitsa upang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig. Na naging
dahilan ng paglaganap ng ikalawang digmaang pandaigdig.

DIGMAAN SA EUROPE

Tuluyan nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at ang Europe ang
nagsilbing intablado nito. Paano lumaganap ang digmaang ito sa Europe at paano ito
naging pandaigdigang digmaan? Magaling, sanhi ng mga pagsabog ng Germany sa
Poland. nagdeklara ng pakikidigma ang France at Great Britain noong ika-3 ng
setyembre 1939. Kapwa ng lagay ng depensa ang bawat isa sa kanilang mga
hangganan naglagay ang France ng mga sundalo sa Maginot Line sa paggitan ng
France at Germany, nagpadala din ng hukbo sa hilagang France ang Britain naglagay
din ng hukbo ang Germany sa Siegfried line sa panahong ito ginamit ng Germany ang
patakaran (Blitzkrieg) lightning war na nangangahulugang mabilisang pakikidigma.
Samantalang umasa ang France sa Maginot Line bilang tanggulan ay biglang
dumating sa pinto Paris ang mga German noong June 1940 at bumagsak ang Paris at
ang pamahalaan ay ililipat sa Bordo. Samantalang hindi na kayang pabagsakin ng
ritwap ng Germany ang Royal Airforce o RAF ng Britain dahil sa mga himpilan ng
radar na nasa baybayin nito.

DIGMAAN SA ASYA PASIPIKO

Pano nasangkot ang Japan sa Digmaan? Ano ang nagbigay hudyat sa para lumaganap
ang digmaan sa Asya Pasipiko? Tama, habang ang hukbong Nazi ng Germany ay
namiminsala sa Europe ang Japan ay naghahanda sa pagsalakay sa Pasipiko, binomba
ng Japan ang basi military ng Estados Unidos sa pearl harbour Hawaii noong ika pito
ng disyembre 1941 at Asya naman ay noong disyembre 8, 1941(Pilipinas). Ang
Pilipinas ba ay nasangkot sa Digmaang Pandaigdig? Magaling, nadamay ang Pilipinas
dahil tayo ay sakop ng USA. Ilang oras matapos salakayin ang pearl harbour ng USA
biglang sumalakay sa Pilipinas ang Japan. magiting na lumaban ang mga Pilipino sa
pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon at ni Heneral Douglas McArthur. Kung
susuriin nagsimula ang sa Europe ang digmaan noong pang 1939 dalawang taon pa
ang nakalipas bago pa simulan ng Japan ang pagsalakay sa Asya noong 1941. Bakit
ang Japan ang nanguna sa Asya Pasipiko? Ano ang dahilan niya para sumali sa
digmaan? Matatandaan ang Japan ay kasapi ng Axis Power na kinabibilangan din ng
Germany at Italy naging malakas ang pwersa ng Japan sanhi ng pagtulong ng mga
kaalyadong nagpahayag din ng pakikidigma laban sa estados unidos.

DIGMAAN SA AFRICA

Maliban Asya Pasipiko lumaganap din ito sa Africa kung saan kinasangkutan din ito
ng Italy sa ilalim ng pamumununo ni Heneral Erwin Romel ang tinaguriang dessert
fox ng Germany laban kay Heneral Bernard Montgomery ng Britain hanggang sa
umurong ang pwersang Nazi sa Libya. Samantalang lumusob naman sa Morocco at
Algeria ang hukbong Amerikano at English sa pamumuno ni Heneral Dwight
Eisenhower pagkalipas ng maraming buwan ng mahigpot na labanan sa pagitan ng
Axis Powers at Allied Powers nagwagi ang Allied Powers sa Hilagang Africa. Ito ang
matibay na patunay na ang digmaan ng mga European na Bansa ay kumalat na sa
ibang lugar at ang pagkakampihan o alyansa ay mahalaga upang mahanap ang Isang
digmaang pandaigdig.

PAGTATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Paano nagwakas ang ikalawang Digmaang Pandaigdig? Sa isinagawang Arcadia


Conference ay napagpasayahan ng mga lider ng pwersang Allies napagpasayahan na
unang talunin ang Germany kaysa Japan unang binawi ang Sicily sa Italy pagkatapos
ay nilusob ang France upang mabawi sa Germany. Nagsimula ang pagbawi sa
kanlurang Europe tinawag itong battle of Normandy sa isang amphibious assault na
isinagawan ng mga pwersang Amerikano British Canadian at French matapos mabawi
ang France sinunod ang Germany. Magkasanib na pwersang ng Russian at Amerikano
napabagsak neto ang Germany at noong Abril 30 1945 mas pinili ni Hitler na
magpakamatay at ang Asawa niyo kaysa sumuko, samantalang si Musollini ay nahuli
sa Lombardy Northern Italy mula sa pagtakas at pinatay ng mga guerillang Italiano
nakaalyado ng Allies. Tanging Japan nalamang ang natitira sa Axis Powers sa
sinagawang pagpapasabog ng atomic bomb sa Hiroshima sa Ika anim ng Agosto 1945
at Nagasaki noong Agosto 9 1945 napilitang sumuko ang Japan sa Yalta settlement
itinakda ang kaparusahan at kapalaran ng mga natalong bansa.
BUNGA NG DIGMAAN

Matapos ang digmaan lumaganap sa buong daigdig ano ano ang naging bunga ng
ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Ang ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa


kasysayan ng mundo, ito ay ang mga sumusunod;

1. Malaking bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian.

2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang Pandaigdig dahil sa pagkawasak ng


agrikultura, industriya, transportation at pananalapi ng maraming bansa.

3. Bumahsak ang pamahalaang totalitaryang Nazism ni Hitler, Fascismo ni Mussolini,


at imperyong Hapon ni Hirohito.

4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa


ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.

5. Naging daan ito ng pagsilang ng malayang bansa - ang Silangang Germany,


Kanlurang German, Nsayonalistang Stina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia,
Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.

6. Itinatag ang United Nations o mga bansang nagkakaisa.

Anong aral ang natutunan sa ikalawang Digmaang Pandaigdig na naranasan ng


mundo? “Walang panalo sa anumang uri ng digmaan lahat ay talunan”.

Ang pagsisikap ng mga bansa at mga taong sangkop sa digmaan na tapusin ito upang
magkaroon ng kapayapaan at kalayaan ay maituturing na prebilihiyo na patuloy
nating natatamasa sa kasalukuyan kayat dapat natin itong ingatan at panatilihin.
Iwasang ang pananakop, pang aapi na naguudyok sa atin na makidigma. Daanin sa
diplomasya o paguusap ang di pagkakaunawaan

E. PAGHAHALAW

Paano mo mailalarawan ang ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Ang ikalawang Digmaang Pandaigdig ay bunga ng maraming Salim pangunahin dito


ang bisyon ni Hitler na palawakin ang kanyang teritoryo at ang mga naiwang isyi na
Hindi nalutas sa unang Digmaang Pandaigdig at nagdulot ng masama at mabuting
bunga.

F. PAGPAPAHALAGA

Alam niyo ba na Ang bawat napakalaking digmaan ay nagsisimula sa napakaliit na


bagay? Maaring sabihin nating ang Isang palitong posporo ay maaaring
makapagpaliyab ng buong mundo. O sa mas madaling maunawaan ay, ang galit sa
puso mo ay maaaring makalikha ng Digmaang sangkot ang buong mundo. Kung
ganun ano ang kailangan upang ang maliit na digmaan sa ating buhay ay mapigilan?

Tama, ang Isang digmaan ay nagsisimula lang sa maliit na di pagkakaunawaan. Kaya


habang maaga pa, kailangan na iton pag usapan at ayusin. Maaaring dito sa silid
aralan ninyo may lihim kayong galit sa isa’t isa na maaaring pagsimulan ng away ng
pweding isangkot ang buong klase, so ngayon palang dapat itoy mapag-usapan at
mabigyan ang bawat isa ng pagkakataong maipahayag ang kani-kanilang banda.

G. PAGLALAPAT

Bilang mag-aaral paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan upang


maiwasan ang anumang uri ng kaguluhan?

Daanin sa mabuting pakikipagusap at laging humanap ng maayos na paraan sa


paglutas sa anumang isyu upang itoy hindi na lumaki at mag udyok ng mas malaking
di pagkakaunawaan.

IV. PAGTATAYA

Para sa inyong Gawain: Surrin ang mg pahayag kung ito ay nagpapakita ng Dahian o
Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang DAHILAN kung itoy
nagpapahiwatig ng dahilan at BUNGA naman kung ito’y tungkol sa bunga.

1. Ang pearl harbor ay pinasabog ng Japan noong Diayembre 7, 1941.

2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang Pandaigdig dahi l sa pagkawasak ng


agrikultura, idustriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.

3. Naitatag ang United Nations noong October 24, 1945 bilang kapalir sa League of
Nations.

4. Sinakop ng Germany ang kabuuan Czechoslovakia at Poland

5. Naganao ang Battle of Normandy bilang pagbawi sa France at sa Germany.

Sagot:

1. Dahilan

2. Bunga

3. Bunga

4. Dahilan

5. Dahilan

V. KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN
Basahin ang sussunod na Aralin sa inyong aklat, unawain ang bawat pangyayari at
sagutan ang paunang Gawain mula unang bilang hanggang lima.

Inihanda ni:

JERWIN G. DIAZ
Guro sa Asignatura

You might also like