You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 6

Ikalawang Kwarter- Ikalimang Linggo


Unang Araw
Kasanayan: Natatalakay ang pangyayari sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

PAG- ISIPAN NATIN

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot. Piliin mula sa kahon ang
sagot.
Allied Forces
Axis Power
Setyembre 1, 1939
Setyembre 2, 1945
Heneral Douglas MacArthur

1, Ang mga bansang Japan, Italy at Germany ay tinawag na mga


bansang nasa _________________________.

2. Noong ___________________ nagsimula ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.

3. Si ____________________________ang itinalagang pinuno ng bagong


tatag na United States Armed Forces in the Far East (USAFFE)

4. Natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong ____________.

5. _______________ ang tawag sa mga bansang Estados Unidos, Great


Britain.

TUKLASIN NATIN

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang


labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos
ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng
mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.

Ang bansang Hapon ay naglalayon na masakop ang Asya at


Pasipiko. Sinimulan nitong atakehin ang Tsina noong 1937. Ang
bansang Germany naman ay hangad na masakop ang Poland. Ang
French Indochina ay mga bansa sa Asya na sakop ng France noong
1860. Binubuo ito ng Laos, Cambodia at Vietnam. Nakiusap naman
ang Estados Unidos sa mga Hapones na alisin ang Hukbo nito sa
Indochina, subalit hindi pumayag ang mga Hapones at sa
halip,nagpahayag sila ng pakikidigma sa Estados Unidos.

Noong Seyembre 1, 1939 ipinahayag ng France ang


kagustuhang masakop ang Poland. Nangako naman ang ang mga
bansang Frace at Great Briatin na tulungan ang Poland. Setyembre
27, 1940, lumagda sa isang kasunduang ang Japan, Italy at Germany
upang magtulungan na salakayin ang Estados Unidos. Tinawag silang
Axis Powers. Nagsanib pwersa naman ang Estados Unidos, Great
Britain, Russia at France bilang Allied Forces.

Paghahanda ng Pilipinas Para sa Digmaan

Naging malaking banta sa pamahalaang Commonwealth ang


digmaan. Isinaayos ang pagsasanay- militar ng kalalakihang
kabataan.
Noong Abril 1, 1941, binuo ni Pangulong Quezon ang Civilian
Emergency Administration na may mga sangay sa iba’t- ibang sangay
sa iba’t- ibang lalawigan.

Itinalaga ni Pangulong Roosevelt si Heneral Douglas MacArthur


bilang pinuno ng bagong tatag na United States Armed Forces in the
Far East (USAFFE) Naisagawa pa rin ng pamahalaang Commonwealth
ang ikalawa nitong halalan noong Nobyembre 11, 1941. Ang nagging
Pangulo ay si Manuel L. Quezon at ang Pangalawang Pangulo ay si
Sergio Osmeńa.

Tinuturing na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na


pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán
sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang
lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming
pansandatahang-lakas upang lupigin ang bawat kalaban.

GAWIN NATIN

PANUTO: Basahin ang mga tanong na nagtatalakay sa Ikalawang


Digmaang Pandaigdig. Piliin ang titik ang tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Kailan nagsimula ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig
A. Setyembre 1939 C. Setyembre 1937
B. Setyembre 1938 D. Setyembre 1936

2. Anong bansa ang sumakop sa Tsina noong 1937?


A. Germany C. Japan
B. Italy D. Poland

3. Ito ang tawag sa bansang Japan, Italy at Germany.


A. Allied Forces B. Allied Power
B. Axis Power D. Axis Forces
4. Anong bansa ang ang balak angkinin ng Germany noong
Setyembre 1,
1939?
A. France C. Great Britain
B. Russia D. Poland

5. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging banta sa ating


bansa, anong paghahanda ang ginawa ng ating bansa noon?
A. Isinaayos ang pagsasanay- militar ng mga
kalalakihang kabataan at pagtatag ng Civilian
Emergency Administration.
B. Pagtatayo ng mga malalaking gusali at pagkakaroon
ng kuryente sa bawat lugar.
C. Pagsasanay sa mga kababaihan at pagkakaroon ng
isang malaking kuweba kung saan magtatago ang
mga Pilipino
D. Pagpapadala ng mga armas at iba pang pandigma
sa mga kakamping bansa ng Estados Unidos

ATING GAGAWIN PA

Ipaliwanag ang katagang “Sa digmaan walang panalo lahat talo.”


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________

You might also like