You are on page 1of 3

Prince Thad Montessori School

San Juan, Magarao, Cam Sur


S/Y: 2020-2021

3rd Quarter Final Exam

ARALING PANLIPUNAN 6

PANGALAN:
BAITANG AT SEKSYON: PETSA:

I. Basahin ang bawat pahayag o tanong at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Alyansa na binubuo ng Germany, Japan, at Italy noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a) Axis powers
b) Allied powers
c) Central powers
d) Tripartite powers

2. Teritoryo ng US na pinabagsak ng puwersang Hapones at naging mitsa ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig sa Asia-Pacific.

a) Guam
b) New York
c) Pearl Harbor
d) Manila Bay

3. Alyansa na binuo ng Soviet Union, US, at Great Britain noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a) Axis powers
b) Allied powers
c) Central powers
d) Tripartite powers

4. Sino ang heneral ang nagsuko ng puwersang USAFFE sa Corregidor?

a) King
b) MacArthur
c) Wainwright
d) Yamashita

5. Siya ang pangulo ng Pamahalaang Commonwealth nang sumalakay ang mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

a) Manuel Roxas
b) Jose P. Laurel
c) Manuel L. Quezon
d) Douglas MacArthur

6. Upang makaiwas sa mas higit na pinsala, idineklara ni Heneral Douglas MacArthur ang lungsod ng
Maynila bilang __________.

a) Open City
b) Close City
c) Haunted City
d) Star City

7. Puwersang binuo ng US sa Asia-Pacific na kinabibilngan ng mga Pilipino upang labanan ang lumalakas
na puwersa ng Japan.

a) UNICEF
b) UNESCO
c) USAFFE
d) NESCAFE

8. Isa sa malagim na pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas matapos ang pagbagsak ng Bataan.

a) Death March
b) War Plan Orange
c) Labanan sa Maynila
d) Wala sa nabanggit

9. Kalian sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asia-Pacific?

a) December 28, 1941


b) December 18, 1941
c) December 8, 1941
d) December 25, 1941

10. Ang planong ito ay taktikang pandepensa ng US sa PIlipinas na nagpaplano ng pag-atras ng lahat ng
puwersa mula Maynila patungo sa Bataan at Corregidor.

a) War Plan Red


b) War Plan Blue
c) War Plan Orange
d) War Plan Yellow

II. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang nilalaman ng pangungusap at HINDI naman kung hindi
wasto.

_______________ 11. Si Heneral Douglas MacArthur ang tagapayong militar ng Commonwealth.

_______________ 12. Batay sa Cebuano ang pambansang wikang inirekomenda ng Surian ng Wikang
Pambansa noong 1937.

________________ 13. Hanggang pitong oras lamang ang legal at nararapat na oras ng pagtatrabaho ng isang
empleyado sa isang araw, ayon sa batas na pinagtibay ng Pambansang Asemblea.

_______________ 14. Itinakda ng pamahalaang Commonwealth ang pagkakaroon ng minimum wage.

_______________ 15. Gumamit ng mga dummy ang mga dayuhan upang makapagmay-ari ng mga kompanya
ang mga dayuhan sa bansa.

_______________ 16. Bumuo ng mga pamayanang agricultural sa Mindanao upang mahimiok ang mga walang
lupang magsasaka na lumipat doon.

_______________ 17. Si Elisa Ochoa ng Agusan ang unang babaeng naihalal bilang kongresista ng bansa.

_______________ 18. Sapilitan at libre ang primarying edukasyon sa ilalim ng Commonwealth.

_______________ 19. Ang isang taong akademiko ay itinakdang magsimula sa Hulyo at magtaps sa Abril.

_______________ 20. Magkasama ang pamamahala ng Simbahan at Estado sa Commonwealth.


III. Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng pagsalakay ng Japan
sa Pilipinas sa bawat kategorya. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ayos sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.

Pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya

_____ 21. Pataksil na sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii


_____ 22. Binomba ng Japan ang Clark Air Base sa Pampanga
_____ 23. Pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
_____ 24. Nakipag-alyansa ang Japan sa Germany at Italy
_____ 25. Nagdeklara ng digmaan ang US laban sa Japan

Pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas

_____ 26. Pagbagsak ng Corregidor


_____ 27. Pagdeklara sa Maynila bilang Open City
_____ 28. Pagsisimula ng Death March
_____ 29. Pagbobomba sa Pearl Harbor, Hawaii
_____ 30. Pagbagsak ng Bataan

You might also like