You are on page 1of 2

Prince Thad Montessori School

San Juan, Magarao, Camarines Sur


S/Y 2020-2021

Huling Pagsusulit sa Ikatlong Markahan


FILIPINO 1

Pangalan: __________________________________________________ Iskor:


Petsa:________________________________

I. Bilugan ang titik ng pariralang nagsasabi ng paraan o kung paano isinasagawa ang kilos sa larawan.
1.
a. namangka nang dahan
b. magtiyong maaga

2.
a. masayang naglilinis ng bintana
b. naglilinis ng bintana

3.

a. pumayag na nanay
b. nagpaalam nang magalang

4.
a. nagdasal nang taimtim
b. nagdarasal na bata

5.
a. umiyak nang malakas
b. umiiyak na bata

II. Punan ng angkop na pang-abay na pamaraan ang di tapos na pangungusap.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Ang mabuting bata ay _____________ sa mga gawain sa bahay.
a. masayang tumutulong
b. nakikinig nang mabuti
c. magalang makipag usap
7. Siya rin ay ________ sa mga nakatatanda.
a. tumawid nang maayos
b. tahimik magbasa
c. magalang makipag-usap
8. Sa halip na manood lang ng telebisyon, siya ay ________ ng mga aklat.
a. nakikinig nang mabuti
b. tahimik na nagbabasa
c. magalang makipag-usap
9. _______ ang bata sa kanyang guro.
a. nakikinig nang mabuti
b. tahimik na nagbabasa
c. tumawid nang maayos
10. Ang mga bata ay dapat ding _______ sa tamang tawira.
a. magalang makipag-usap
b. tumawid ng maayos
c. masayang tumutulong
III. Punan ng angkop na pang-ukol ang di tapos na pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. _______ Ruben ang regalong hawak ni ate.
a. Para kay
b. Para kina
c. Sa
12. Ang pagsasaliksik ay _______ epekto ng sobrang paggamit ng mga gadget.
a. kina
b. tungkol kina
c. tungkol sa
13. _______ Dr. Medrano, kailangang ipahinga ang mga mata kung pagod na.
a. para sa
b. ayon kay
c. ukol kina
14. Ikaw anak, nakikita mo ba ang mga ginawa ko ______ iyo?
a. para sa
b. ayon sa
c. sina
15. Ang mga aklat na ito ay ______ Faith, Mariane, Mary.
a. sina
b. si
c. kina
16. ______ Nanay ay nagtitinda ng balot tuwing gabi sa kanto.
a. sina
b. si
c. kay
17. Huwag mong hahayaan na makaalis _____ Pedro at Juan dahil nasa kanila ang baon natin.
a. sina
b. kay
c. kina
IV. Isulat sa patlang ang P kung pangungusap at DP kung di-pangungusap.
________18. maitim na mukha
________19. Ang bata ay mataimtim na nanalangin.
________20. maikling tali
________21. Makinig ka nang mabuti sa iyong guro.
________22. Ang aklat ay mahalaga sa pag-aaral.
________23. matalinong bata
________24. Masarap kainin ang kanina kapag mainit pa.
________25. malusog na pusa

You might also like