You are on page 1of 4

Division of City Schools

JOSE CORAZON DE JESUS ELEMENTARY SCHOOL


Manila

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE III

Pangalan:______________________________________ Petsa: _______________

Grade 3, Pangkat: ______________________________ Marka:_____________

I. Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Mahal kong Lolo at Lola

Bakasyon nang dumalaw ang pamilya ni Benjie sa kanyang Lolo Benny at Lola Berna sa Bicol. Payak
at masaya ang buhay ng kaniyang Lolo at Lola sa probinsya kaya naman gustong-gusto ni Benjie ang
magbakasyon sa kanila dahil siya ay napapasaya nito.

____1. Sino ang dinalaw ni Benjie sa Bicol?


a. Ang kaniyang Lolo at Lola c. Ang kaniyang magulang
b. Ang kaniyang kaibigan d. Ang kaniyang aso
____2. Kailan dumalaw ang pamilya ni Benjie sa probinsya?
a. Tuwing umuulan c. Doon sila nakatira
b. Kada pasukan sa paaralan d. Tuwing bakasyon
____3. Bakit gustong-gusto ni Benjie na dumalaw sa probinsya ng kaniyang Lolo at Lola?
a. Kasi nakakapaglaro siya roon.
b. Dahil masaya at payak ang pamumuhay doon.
c. Kasi nagswi-swimming sila.
d. Dahil nandoon ang kaniyang Lolo at Lola.
____4. Ano ang naidudulot na emosyon ng pagbabakasyon sa Bicol kay Benjie?
a. Siya ay sumasaya. c. Siya ay inaantok.
b. Siya ay lumulungkot. d. Siya ay napapagod.
____5. Ano kaya ang magandang gawain na pwedeng gawin ni Benjie kasama ang
kaniyang Lolo at Lola tuwing siya ay nasa Bicol?
a. Makipaglaro sa kaibigan. c. Matulog lamang.
b. Makipag-bonding sa kaniyang Lolo at Lola. d. Manood ng TV.

B. Basahin ang tula. piliin ang letra ng tamang sagot.

Aklat
Kilala mo ako,
ako’y isang aklat.
Sa bawat pahina,
ay may nakasulat.
Mahalin mo ako,
ako’y pag-ingatan.
Sa pag-aaral mo,
kita’y tutulungan.

____6. Ilang saknong ang bumubuo sa Tula?


a. Isa b. Dalawa c. Tatlo d. Apat

JMOG/10.23.22/ 1
____7. Bakit kailangan nating mahalin ang Aklat?
a. Dahil ito’y mahalaga.
b. dahil tinutulungan tayo nito sa p ag-aaral.
c. dahil dito tayo nagsusulat.
d. dahil ginagamit ito sa paaralan.

C. Piliin ang salitang nagsasaad ng kahulugan ng idyomatikong ekspresyon na may salungguhit.

____8. Balat-sibuyas ang pinsan ni Emily kapag ito ay nanonood ng mga pelikula.
a. sensitibo c. matanda na
b. kaibigan d. sibuyas ang kaniyang balat
____9. Halos kayod kalabaw ang aking ina para kami ay makatapos ng pag-aaral.
a. kalabaw ang aking ina c. tamad
b. masipag d. mabagal
____10. Mababaw ng luha ni Renzo kapag nakikita niya ang kaniyang yumaong aso.
a. naiiyak c. Basa ang mata
b. sumasaya d. natutulala

D. Piliin ang nagsasaad ng wastong ekspresyon ng Obligasyon, Pag-asa at Pangarap.

____11. Si Kianne ay tinanong ng kaniyang guro ano ang kaniyang dapat gawin bilang
isang anak. Paano ito sasabihin ni Kianne?
a. “Gusto ko maging isang mabuting anak.”
b. “Dapat lamang na ako ay sumunod sa aking mga magulang.”
c. “Pangarap kong maging masunuring anak.”
d. “Sana ako ay sumunod sa utos ng aking magulang.”
_____12. Napakataas ng pangarap ni Al. Gusto niya maging isang Piloto. Paano ito sasabihin
ni Al?
a. “Pangarap ko maging isang Piloto balang-araw.”
b. “Sana ako ay maging isang Piloto.”
c. “Nararapat lamang na maging isa akong Piloto.”
d. “Dapat matupad ko ang pangarap kong maging isang piloto.”

_____13. Sobrang tagal na ng pandemiya na ito. Halos 3 taon na simula noong tayo ay
nasalanta ng COVID-19. Hinihiling ni Jaila na mawakasan na itong pandemiya na ito.
Paano ito sasabihin ni Jaila?
a. “Dapat mawala na ang virus na iyan.”
b. “Pangarap kong mawakasan na ang pandemiyang ito.”
c. “Sana matapos na ang pandemiyang ito.”
d. “Gusto kong mawala na ang COVID-19 na iyan. “

II. A. Pagtambalin ang mga sumusunod na sugnay na nakapag-iisa sa Hanay A sa Hanay B. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
14. Ikaw ba ay tatayo___________ a. saka ako ay kumain.
15. Ako ay natulog kanina ________ b. o ako ang lalapit sa iyo?
16. Hirap na hirap na ako _________ c. ngunit kailangan kong magtrabaho.
III. A. Punan ng wastong panlapi ang mga salitang-ugat. Mamili sa loob ng kahon.

JMOG/10.23.22/ um an 2
mag in
17. K_______main
18. Hila________
19. _______-sipag

B. Tukuyin ang uri ng panlaping ginamit sa mga salitang-ugat. Isulat ang U kung Unlapi, G kung
Gitlapi at H kung Hulapi.

____20. Bumasa ____21. Masayahin ____22. Nagsipag

C. Isulat ang K kung konkretong pangngalan at DK kung di-konkretong pangngalan.

____23. Lapis ____24. Pananampalataya ____25. Pag-ibig

D. Isulat kung PAMILANG o DI-PAMILANG ang pangngalang may salungguhit.

________________26. Bumili ka nga ng isang boteng suka.

________________27. May bago kaming telebisyon.

________________28. Nagpagiling sila ng dalawang sako ng palay.

IV. Bumuo ng isang payak na pangungusap tungkol sa mga larawan. Isulat ang pangungusap sa loob
ng kahon na katabi nito.

29.

30.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JUSTINE MARRITZ O. GUEVARRA RHEA T. TAMAYO


Teacher Master Teacher

Pinagtibay ni: Binigyang pansin ni:

EMMALYN FORTUNATO
Public Schools District Supervisor Principal

DR. EDWIN R. MABILIN


Superbisor ng Programang Edukasyon
JMOG/10.23.22/ 3
JMOG/10.23.22/ 4

You might also like