You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
District of Mainit II
MANSAYAO ELEMENTARY SCHOOL
First Quarter sa Filipino Grade 3

Pangalan:__________________________________________________________Score:__________

I. Tingnan mo ang mga larawan sa bawat bilang. Isulat ang letra sa patlang at pumili ng
sagot sa kahon.

A. matalinong guro C. malinis na parke

B. malaking gitara D. malambot na unan

E. naghahabulan na mga bata


II. Basahin at isulat ang titik ng tamanag sagot sa patlang.

Tungkulin sa Tahanan
Sinulat ni: Helen A. Bustamante

Maraming natutuwa sa pamilya nina Aling Nita at Mang Karding. Napalaki kasi nila
ang kanilang tatlong mga anak nang mabuti. Sila ay mababait at masisipag na minana nila
sa kanilang mga magulang.
Si Nelo ang panganay nilang anak. Siya ang katuwang ng kaniyang ama sa pag-
aalagai ng kanilang mga alagang hayop. Si Mina ang nagdidilig ng kanilang mga halaman
at tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto at paglalaba. Ang bunso namang si Ben ang
nagliligpit ng kanilang hinihigaan at mga laruang nakakalat. Natutuwa siya kapag malinis
ang kanilang bahay.
Ang pamilya nila ay tinaguriang modelong pamilya dahil sa ipinakitang
pagtutulungan at kasipagan sa paggawa ng mga tungkulin sa kanilang tahanan.
_________6.Sino ang pangalawang anak nina Aling Nita at Mang Karding na tumutulong
sa pagluluto at paglalaba?

a. Ben b. Nelo c. Mina


_________7.Ano ang ginagawa ni Ben bilang bunsong anak?
a. nagluluto ng pagkain
b. nagliligpit ng hinihigaan
c. naglalaba ng mga damit
________8.Si Mina ay tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto at paglalaba. Paano mo
mailalarawan si Mina?
a.mahiyain b.mayabang c.matulungin
________9.Tuwing umaga, ginagampanan ni Nelo ang pag-aalaga ng kanilang mga
alagang hayop. Natutuwa siya habang ginagawa ito lalo na kapag kasama ang kaniyang
ama.
Tulad ni Nelo, bakit kailangang gampanan mo ang iyong tungkulin sa
tahanan?

a. para maging sikat sa pamilya.


b. dahil pinilit nina nanay at tatay
c. upang matuto at lumaking responsableng bata
________10.Si Ben ang tagaligpit ng mga laruang nakakalat sa kanilang bahay.
Natutuwa siya kapag malinis ito.
Ginagawa mo rin ba sa inyong bahay ang ginagawa ni Ben?
Bakit?
a. Hindi, dahil nakakapagod.
b. Oo, dahil binibigyan ako ni nanay ng pera pagkatapos.
c. Oo, dahil magandang tingnan ang malinis at maayos na tahanan.

III. Basahin mo ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa patlang.

Araw ng Barangay
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Bata at matanda ay may kani-kaniyang gawain sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay.


Lahat ay abala sa kanilang mga gawain. Ang mga kababaihan ang nag-aayos ng mga
palamuting bulaklak sa entablado para sa gagawing programa. Ang mga kalalakihan
naman ang nakatoka sa pagkabit ng mga banderitas.
Abala ang mga kabataan sa pag-eensayo ng sayaw para sa paligsahan, Kami naman ay
tumutulong sa paglilinis ng aming mga tahanan.

________11.Tungkol saan ang kuwento?


a. Araw ng Bayan
b. Araw ng Barangay
c. Araw ng Lalawigan
________12.Sino ang nag-ayos ng mga bulaklak sa simbahan?
A. kabataan b. kalalakihan c. kababaihan
________13.Saan naganap ang kuwento?
A. sa bayan b. sa paaralan c. sa barangay
________14.Paano ka makatutulong sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay?
a. maghihintay na tawagin
b. maglilinis ng paligid nang hindi inuutusan
c. magpapabayad sa pagsasabit ng banderitas at palamuti
________15.Bakit mahalagang magtulungan sa bawat gawain?
A. upang madaling matapos ang mga gawain
B. para maabutan pa ng bukas ang mga gawain
C. upang maging magulo ang paggawa ng mga gawain

IV. Bilugan ang salitang may tatlong pantig.

16. ba-ta ma-gu-lang pa-a-ra-lan

17. ak-lat na-nay bu-lak-lak


18. wa-lis sa-nga wa-ta-wat

19. ga-mot ba-su-ra ma-ma-ma-yan

20. ba-to sa-li-ta pa-a-ra-lan

Isulat ang pangngalan ng bawat larawan sa angkop na hanay.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

21. 22. 23. 24. 25.

Lagyan ng bituin ang mga pangungusap na may panggalang.


___________26. “Paalam na po, Nanay, aalis na po ako.”
___________27. “Ano ang sinasabi mo, Ana?”
___________28. “Mano po, Inay at Itay.”
___________29. “Umalis ka sa dinadaanan ko!”
___________30. “Ipagpaumanhin niyo po, hindi ko po sinasadya.”
Inihanda ni: Gng. Juliperl J. Logronio

You might also like