You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Argao II
LINUT-OD ELEMENTARY SCHOOL
Linut-od, Argao, Cebu

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Pangalan: __________________________________ Iskor: _______________

Test I. A. Basahin nang mabuti ang kuwento at sagutin ang mga katanungan.

Simpleng Pangarap

ni Meagan Alexis A. Almasco

Si Tomas ay isang batang ulila na kasalukuyang nasa ikaapat na baitang sa Paaralang Elementarya ng San Nicolas, Lungsod Iriga.
Bata pa lamang siya ay namatay na ang kaniyang mga magulang sa hindi inaasahang aksidente. Kinupkop siya ng kaniyang
tiyahin at pinag-aaral kapalit ng kanyang serbisyong paglilinis, pagluluto, at paglalaba.

Hindi ito ikinahiya at ikinahina ng loob ni Tomas. Kahit na napakarami ng kanyang gawain araw-araw ay ipinagpapasalamat pa
rin niya na nasa mabuti siyang kalagayan, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at higit sa lahat, nakapag-aaral.

Ayaw na ayaw lumiban sa klase ni Tomas at madalas ay madaling araw na kung matulog dahil sinisigurado niya na siya ay
nakapag-aral ng kanyang aralin. Minsan sa paaralan, tinanong siya ng kanyang kamag-aral kung ano ang kanyang sikreto at kung
bakit siya ang nangunguna sa klase at halos lahat ng mga pagsusulit ay kanyang nasasagot nang tama sa kabila ng napakarami
niyang gawain. “Gusto kong matulungan at mapasaya ang aking tiya, yan ang aking simpleng pangarap,” sagot ni Tomas.

1. Nasa anong baitang na si Tomas?

A. ikatlong baitang B. ikalimang baitang C. ikaapat na baitang D. ikaanim na baitang

2. Saan nag-aaral si Tomas?

A. Paaralang Elementarya ng San Nicolas C. Paaralang Elementarya ng San Isidro

B. Paaralang Elementarya ng San Antonio D. Paaralang Elementarya ng La Medalla

3. Sino ang kumupkop kay Tomas?

A. lola B. pinsan C. tiya D. kapatid

4. Maliban sa isa, ano-ano ang kapalit ng pagkupkop sa kanya?

A. paglilinis B. paglalaba C. pagluluto D. pagtitinda

5. Bakit ayaw na ayaw lumiban sa klase ni Tomas at madalas ay madaling araw na siya kung matulog?

A. Tuwing gabi ay naglalaro siya ng cellphone. B. Sinisigurado niya na siya ay nakapag-aral ng aralin.

C. Naglalaba siya upang kumita ng pera. D. Siya ay nagtitinda ng kakanin sa labas.

6. Para kanino ang pangarap ni Tomas?

A. sa kanyang tiya B. sa kanyang kaklase C. sa kanyang kapatid D. sa kanyang guro

B. Basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan.

Ipinatupad ng pamahalaan ng Lungsod ng Iriga ang tamang pagtatapon ng basura noong Nobyembre 16, 2019. Dinaluhan ito ng
iba’t ibang departamento ng lungsod. Layunin nito na ipaalam sa mga mamamayan ang tatlong uri ng basura at ang tamang
paraan ng pagtapon nito.

7. Tungkol saan ang balita?

A. Ang balita ay tungkol sa Lungsod ng Iriga. C. tungkol sa pagdalo ang balita

B. tungkol sa pagtatapon ng basura ang balita D.Ang balita ay tungkol sa mamamayan.


8. Sino ang nagpatupad ng tamang pagtatapon ng basura?

A. Lungsod ng Maynila B. Lungsod Makati C. Lungsod ng Naga D. Lungsod Iriga

9. Sino-sino ang dumalo sa pagpapatupad ng tamang pagtatapon ng basura?

A. Departamento ng Agrikultura C. Isang Departamento

B. Departamento ng Edukasyon D. Iba’t ibang Departamento

10. Ano ang layunin ng pagpapatupad ng Lungsod?

A. Ipaalam sa mga mamamayan ang tatlong uri ng basura at ang tamang paraan ng pagtapon nito.

B. Ipaalam sa mamayan ang dalawang uri ng basura at tamang pagtatapon nito.

C. Ipaalam sa mga piling mamamayan ang tatlong uri ng basura at ang tamang pagtatapon nito.

D. Ipaalam sa mamamayan na bahala na sila sa tamang pagpapatupad sa pagtatapon ng basura.

Test II. A. Punan ng wastong salita ang mga patlang sa tula. Piliin ang tamang sagot sa kahon sa gilid.

Ang Aming Mag-anak pamilya

Ang aming 11.______________ ay laging masaya , kuya

Maligaya kami nina ate at 12. ______________.

Mahal kaming lahat ina ama’t ina, ama

Mayroon ba kayong ganitong 13. ______________?


katawan

Kahit sa paggawa’y pagod ang 14. ______________,

Tulong ni 15. ______________ay laging nakaabang mag-anak

Suluranin ni ate ay nalulunasan,

Sa tulong ni inang lagging nakalaan..

B. Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Manok at Ang Uwak

Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang uwak kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw
nito.

Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon. “Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang
ganda-ganda!” sabi niya sa uwak.

“Sige, iiwan ko muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli,” sagot ng uwak na mabilis na lumipad uli.

Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing niya nang lumapit ang isang tandang. “Bakit mo
suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay hindi manok na tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan diyan. Itapon mo ang
singsing!”

Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing. Kinabukasan, napansin agad ng uwak na di niya suot ito. “Nasaan ang
singsing ko?” tanong ng ibon.

“Ewan ko,” takot na sagot ng manok. “Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala sa mga kuko ko. Luwag kasi.”

Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. “Alam ko, itinapon mo siguro dahil ayaw mo na sa akin.
Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang singsing, kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at
ililipad ko sa malayo.”

Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang itinapong singsing. Pati ibang mga manok, sa
pakikisama sa kanya, ay naghahanap din. Kapag may lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang tawag ng inahin sa mga sisiw at
tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka danggitin ng uwak.

16. Sino ang matalik na magkaibigan?

A. Inahin at Tandang B. Inahin at Sisiw C. Sisiw at Uwak D. Manok at Uwak

17. Ano ang hiniram ni Inahing Manok kay Uwak?

A. korona B. kuwintas C. singsing D. hikaw

18. Ano ang ginawa ni Inahing Manok sa singsing?

A. ipinahiram B. itinapon C. ipinagbili D. itinago

19.Bakit itinapon ni Inahing Manok ang singsing ni Uwak?

A. dahil galit siya kay uwak C. dahil pangit ang singsing

B. dahil sa kakapilit ni tandang D. dahil maluwag sa kanya ang singsing

20.Bakit daw hanggang ngayon ay walang tigil sa pagkutkot sa lupa ang mga manok?

A. upang gumawa ng pangingitlugan C. upang hanapin ang itinapong singsing

B. upang gumawa ng taguan kapag dumating ang uwak D. upang tabunan ang mga sisiw kapag dumating ang uwak

Test III. A. Panuto: Ibigay mo ang kailanan ng mga panghalip panao na may salungguhit kung ito ay ISAHAN, DALAWAHAN o
MARAMIHAN.

___________21. Ako ay naglilinis ng bakuran tuwing araw ng Sabado.

__________22. Tumutulong kami sa pagluluto ng agahan.

___________ 23. Sila ate at kuya ang nagliligpit ng pinagkainan.

___________ 24. Ikaw naman ang magpunas ng bintana.

____________25. Tulong- tulong kami sa mga gawaing bahay

B. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot upang mabuo ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

26. ______ po ba ang mga magulang ni Sandrei?

A. Kayo B. Ikaw C. Kami D. Siya

27. “______ ang punongguro namin,” sabi ni Carlo kay Anjo.

A. Ako B. Siya C. Ikaw D. Kami

28. “Mauna ka na, April. ______ na lang ang maghihintay kay Inay,” sabi ni Lisa kay April.

A. ako B. tayo C. ikaw D. siya

29. “Maglakad na lang ______ pauwi,” sabi ni Renz sa kanyang mga kapatid.

A. ako B. tayo C. ikaw D. kami

30.“______ na mga kaibigan ko ang gusto kong kasama sa paggawa ng proyekto,” sabi ni Lyka.
A. Ako B. Sila C. Ikaw D. Kayo

31. ______ po ang lasa ng ampalaya?

A. Ano B. Saan C. Ilan D. Magkano

32. ______ nakabibili ng sariwang mga prutas?

A. Ano B. Kanino C. Saan D. Ilan

33. ______ ang mga sangkap ng pinakbet?

A. Ano-ano B. ilan-ilan C. Saan-saan D. Magkano

34. ______ ang mas masarap na isahog sa lulutuing gulay, karneng baboy o karneng manok?

A. Alin B. Ano C. Saan D. Magkano

35. ______ bang basket ang naiwan sa palengke?

A. Ano B. Sino C. Kanino D. Saan

36. ____________ ay may karapatang magtanong sa pangulo.

A. Sinoman B. Kailanman C. Anuman D. Ilanman

37. _____________ ang karangalang natanggap mo kailangang magpasalamat sa Poong Maykapal.

A. Kailanman B.Anuman C. Sinuman D. Lahat

38. Nasiyahan ang ________________ sa ginawang pagtatanghal ng MAG Dancers.

A. isa B. bawat-isa C.iba D. Kaunti

39. _____________ ang kailangan mong pera ay sabihin mo lang.

A. Bawat B. Madla C. Pulos D. Magkano

40. _____________ ng Batang Pilipino ay may karapatang makapag- aral.

A. Lahat B. Sinuman C. Bawat-isa D. Kaunti


Susi sa Pagwawasto:

Test I Test II Test III


1. C 11. mag-anak 21. ISAHAN
2. A 12. kuya 22. MARAMIHAN
3. C- 13. pamilya 23. DALAWAHAN
4. D 14. katawan 24. ISAHAN
5. B 15. ama 25. MARAMIHAN
6. A 16. D 26. A
7. B 17. C 27. B
8. D 18. B 28. A
9. D 19. B 29. B
10. A 20. C 30. D
31. A
32. C
33. A
34. A
35. C
36. A
37. B
38. B
39. D
40. A

Table of Specifications
SY: 2022-2023

Item Placement No.


COMPETENCIES Percentage
of
Easy Average Difficult Items
Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasang
1-10,
kuwento, tekstong pang- 16-20 15 37.5%
impormasyon, at SMS (Short
Messaging Text)
Nakakasulat ng natatanging
kuwento tungkol sa natatangin 11-15
tao sa pamayanan, tugma o 5 12.5%
maikling tula

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng


panghalip ( panao) sa usapan at
pagsasabi tungkol sa sariling 21-30 10 25%
karanasan
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip ( pananong) isahan-
maramihan sa usapan at 31-35 5 12.5%
pagsasabi tungkol sa sariling
karanasan
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip ( panaklaw) tiyakan-
isahan/ kalahatan-di-tiyakan sa 36-40 5 12.5%
usapan at pagsasabi tungkol sa
sariling karanasan

TOTAL 25 10 5 40 100%

Inihanda ni :

Guro
Tagapatnubay:

FELCIE S. OGABANG
Punongguro

You might also like