You are on page 1of 3

Prince Thad Montessori School

San Juan, Magarao, Camarines Sur


S/Y 2020-2021

Huling Pagsusulit sa Ikalawang Markahan


FILIPINO 5

Pangalan: __________________________________________________ Iskor:


Petsa:________________________________

I. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa pangungusap mula sa mga pormal na
kahulugang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kahon.
a. tao o bisitang nagmula sa ibang lugar d. nagwagi o nagkamit ng gatimpala
b. maipagmamalaki sa sinuman e. lugar o bagay na dinarayo o binibisita ng
mga turista
c. magpasabi o maghabilin

1. Ang kagandahan ng ating bayan ay maipagkakapuri ng bawat Pilipino.


2. Maraming dayuhan ang namamasyal sa mga atraksiyon sa bansa natin.
3. Nahirang ang Vigan bilang isa sa mga New 7 Wonder Cities.
4. Maraming lugar sa bansa ang dinarayo ng mga turista.
5. Kung aakyat kayo sa Bundok Apo ay mag-abiso kayo para may nakaaalam na aakyat kayo rito.
II. Kilalanin ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin gamit bilang pahiwatig ang
sitwasyong pinaggamitan nito. Hanapin sa kahon ang tamang sagot at saka isulat sa linya.
gumalaw natutukso pagpayag resosponsabilidad tumikim
_________________ 6. Ang gawain ng bibig at dila ay tumanggap ay lumasa ng pagkaing isinusubo sa kanila.
_________________ 7. Natatakam ang ilong sa amoy ng pagkaing hindi naman niya nakakain.
_________________ 8. Tumigil na sila sa pagkunsinti sa maling ginagawa ng kapamilya nila.
_________________ 9. Dahil sa gutom, gustuhin man nilang kumilos ay hindi nila magagawa.
_________________ 10. Mahirap din pala ang tungkuling ginagampanan niya.
III. Basahin ang tanong at bilugan ang titik ng wastong sagot.
11. Ito ay kaantasan ng pang-uri na naglalarawan sa iisang pangngalan o panghalip lamang.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
12. Ito ay kaantasan ng pang-uring naghahambing sa katangian ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
13. Ito ay kaantasa ng pang-uri na nagsasabi ng katangiang pinakamatindi o nakahihigit sa lahat.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
14. Masama ang tsitsirya sa katawan. Anong kaantasan ng pang-uri ang nasalungguhitan?
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
15. Maraming asin kasi ang taglay ng mga ito. Anong kaantasan ng pang-uri ang nasalungguhitan?
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
16. Mas mabuti ito sa katawan kaysa sa mga kendi at iba pang matatamis.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
17. Pinakamatamis ang mga lansones sa Camiguin. Anong kaantasan ng pang-uri ang nasalungguhitan?
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
18. Siyempre, kung anuman iyan, huwag kalimutang sabayan ng pag-inom ng malinis na tubig. Anong
kaantasan ng pang-uri ang nasalungguhitan?
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
19. Alin sa sumusunod ang halimbawang pangungusap ng pang-uring pahambing?
a. Pinakamabuti ang tubig sa katawan kaysa sa anumang inuming may taglay na asukal.
b. Mas mabuti ang prutas kaysa matatamis na meryenda.
c. Ang mga gulay ay mabuti sa katawan.
20. Alin sa pangungusap ang hindi halimbawa ng pang-uring pasukdol.
a. Higit na maganda ang lapis na ito kaysa sa lapis niya.
b. Sobrang sarap ng luto ni nanay, nabusog ako.
c. Pinakamahusay siya sa pangkat.
21. Matalino ang taong nag-iisip nang mabuti bago gumawa ng anumang hakbang.
Alin sa pangungusap ang pang-uri?
a. matalino
b. tao
c. gumawa
22. Dalawa nag planong aking naisip upang matulungan si Moymoy Matsing.
Anong uri ng pang-uri ang dalawa?
a. panlawaran
b. pamilang
c. pantangi
23. Mayroon siyang limandaang pisong magagamit sa pagnenegosyo.
Anong uri ng pang-uring pamilang ang limandaang piso?
a. patakda
b. palansak
c. pahalaga
24. Siya nag ikatlo sa kanilang magkakapatid.
Alin sa pangungusap ang pang-uri?
a. siya
b. ikatlo
c. magkakapatid
25. Likas na mababait ang mga naunang hayop na nakilala ni Moymoy kaya’t lubos siyang naging
mapagtiwala.
Anong uri ng pang-uri ang mababait?
a. panlarawan
b. pamilang
c. pantangi
26. Tigatlong-kapat sana ang pagkain ng mga inakay ni Agila kung hindi nakatakas ang matsing.
Anong uri ng pang-uring pamilang ang tigatlong-kapat?
a. pamahagi
b. patakaran
c. patakda
27. Maraming magagandang aral ang kanyang natutuhan mula sa nasabing karanasan.
Alin sa pangungusap ang pang-uri?
a. aral
b. magaganda
c. karanasan
28. Ang hangin sa kagubatan ay sariwa.
Anong uri ng pang-uri ang sariwa?
a. panlarawan
b. pamilang
c. pantangi
29. Maberde ang gawing kanluran ng kagubatan.
Alin sa pangungusap ang pang-uri?
a. gawi
b. kanluran
c. maberde
30. Matalino ang taong nag-iisip nang mabuti bago gumawa ng anumang hakbang.
Anong uri ng pang-uri ang matalino?
a. panlawaran
b. pamilang
c. pantangi

You might also like