You are on page 1of 6

Aralin 1

Katapatan: Saanman, Kailanman


Ang pagiging tapat ay isang pag-uugali na kinikilala at pinupuri sa buong daigdig. Ang
katapatan ay walang pinipiling pook o panahon. Isang kahanga-hangang ugali ang pagsasabi ng
toto at pagiging matapat sa lahat ng pagkakataon. Maipakikita ng sinuman, bata man o matanda,
ang kaniyang katapatan sa iba’t ibang paraan at sitwasyon.

Sino ang batang matapat?

 Ibinibigay ko ang tamang marka sa


sariling sagutang papel o proyekto o sa
papel ng ibang kamag-aral.
 Inaalam ko muna nag tamang dahilan o
pangyayari bago ako magbigay ng
pahayag .
 Sinusuri ko muna ang mga balita at
impormasyong nakukuha bago ako
maniwala.

 Nagbabayad ako ng tamang halaga ng


pamasahe
 Ibinibigay ko ang tamang bayad at
ibinabalik ang sobrang sukli
 Pinaghahati-hati ko nang pantay-pantay
ang ano mang ipinamamahagi.

1
 Inaamin namin ang aming pagkakamali kahit kami ay
mapagalitan
 Ipinaaalam namin sa kinauukulan kapag may nakita kaming
sakuna
 Ibinabalik namin sa may-ari ang mga bagay na napulot o
ibinibigay ito sa lost-and-found corner sa paaralan o barangay.

Minsan, nasusubok ang iyong katapatan. Halimbawa, nasira mo ang proyekto ng iyong
kapatid. Dahil ayaw mo mapagalitan, hindi mo aaminin ang iyong pagkakamali. Kung minsan
naman nagsasabi ka nga ng totoo ngunit hindi lahat ng katotohanan. Halimbawa, may bagong
gamit ang iyong kamag-aral. Kinuha mo ito ng walang pahintulot. Ibinalik mo naman ito ng
hindi niya nalalaman. Ano kaya ang kaniyang gagawin o maaaring mangyari kapag ito ay
kaniyang nalaman?
Ang hindi pagsasabi ng totoo ay magbibigay sa iyo ng alalahanin. Maaari rin ito sa iyo ng
kapahamakan. Kapag nangyari ang mga ito, hindi ka mapapalagay at maaaring makaapekto sa
iyong pag-aaral at pagtulog.
Ang pagiging matapat saanman, kailanman, ay magpapabuti ng ugnayan ng mga ito.

Pag-aralan at Sagutin

Basahin ang mga tanong. Isulat ang mga sagot sa patlang.


1. Sa anong mga sitwasyon naipakikita ng mga bata ang kanilang katapatan?
a. _______________________________________________________________
b. _______________________________________________________________
c. _______________________________________________________________
d. _______________________________________________________________

2
e. _______________________________________________________________
f. _______________________________________________________________
2. Anong mga pangyayari o sitwasyon ang maaaring sumubok sa katapatan ng isang
bata?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Ano ang kabutihang ibinubunga ng pagiging matapat?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod. Isulat o ilahad ang mga sagot.
1. Ilarawan ang iyong damdamin tuwing ikaw ay nagsasabi ng totoo.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Alalahanin ang isanf karanasan kung saan nasubok ang iyong katapatan. Isulat ito.
Ipaliwanag mor in kung paano mo ito napagtagumpayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Sino-sino ang iyong nilalapitan upang tumulong sa iyo na maging tapat?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Kung bibigyan mo ng marka ang iyong pagiging tapat, ano ang iyong marka? Bilugan
ang bilang sa iskala (1-10).
Hindi matapat Matapat

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
5. Ipaliwanag kung bakit ganitong marka ang ibinigay mo sa iyong sarili.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Magdesisyon
Gawin ang mga sumusunod. Sundin ang mga panuto.
A. Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na pagkakataon?
Bilugan ang mga titik ng iyong sagot.
1. Hindi ka tinulungan ng iyong kapareha sa paggawa ng proyekto ngunit sinabi niya sa
guro na dalawa kayong gumawa nito.
a. Isusumbong mo siya sa guro.
b. Susulatan mo ang iyong guro at sasabihin ang totoo ngunit hindi ka
magpapakilala.
c. Kakausapin mo siya para sabihin niya ang totoo sa guro.
d. Tatahamik ka na lang at walang gagawin.

3
2. Nais makita ng iyong mga magulang ang iyong marka sa pagsusulit. Mababa ang
iyong nakuhang marka.
a. Ipakikita mo pa rin ang iyong marka sa iyong mga magulang.
b. Sasabihin mong hindi natuloy ang inyong pagsusulit.
c. Papalitan mo ang iyong marka.
d. Sasabihin mong pasado ka ngunit hindi mo ipakikita ang nakuha.
3. Nagastos mo ang perang pambili ng mga gamit para sa iyong proyekto.
a. Ipaliliwanag mo sa iyong mga magulang ang tunay na nangyari.
b. Hihingi kang muli ng perang pambili at magdadahilan na nawala mo ang perang
ibinigay sa iyo.
c. Padaragdan mo ang pera sa iyong magulang at sasabihing kulang ang perang
ibinigay nila.
d. Hihiram ka sa iba ng pera para punan ang nagastos mo.
4. Naatasan kang magbigay ng marka sa proyekto ng inyong kamag-aral.
a. Gagamitin mo ang batayang ibinigay ng inyong guro sa pagmamarka.
b. Tataasan mo ang ibibigay na marka para mataas sin ang ibigay na marka sa iyo ng
iyong kamag-aral.
c. Ibabatay mo ang kaniyang marka kung gaano siya kalapit na kaibigan sa iyo.
d. Gagayahin mo ang marking ibibigay niya sa iyo o sa iba.
5. Mali ang kuwenta ng tindera sa kantina sa iyong mga binilli kaya kulang naibayad
mo.
a. Ipauulit mo ang kuwenta sa tindera at ibibigay ang tamang bayad.
b. Babayaran mo ang halagang kaniyang nakuwenta.
c. Ibibigay ang tamang bayad nang hindi sinasabi sa kaniya.
d. Bibili ka ulit ng halagang kulang sa iyong ibinayad.
B. Isulat ang titik ng iyong mga sagot sa mga tanong. Ano ang maaring mangyari kung
susundin mo ang isinagot mo?

Bilang Sagot Maaaring Mangyari


1.

2.

3.

4.

5.

Tandaan

 Ang pagiging tapat ay tungkulin ng bawat tao.


 Ang pagiging tapat ay pagmamahal at paggalang sa sarili at sa katotohanan.
 Nawawala ang mga alalahanain at mga takot kung magsasabi ng totoo.
 Ugaliing maging tapat sa lahat ng oras at pagkakataon.

4
Isapuso at Isagawa
Gawin ang mga susumunod. Sundin ang mga panuto.
A. Bilugan ang IK kung ang mga gawain ay ipanagmamalaki mo o ang HKI kung ang mga
gawain ay hindi mo ipinagmamalaki.

1. Inaalam ko ang totoo bago ito ibalita sa iba. IK HKI


2. Nagsasabi ako ng totoo sa lahat ng pagkakataon IK HKI
3. Hindi ako nandaraya sa pakikipaglaro IK HKI
4. Nangongopya ako ng takdang-aralin kapag ito ay aking
IK HKI
nakaligtaang gawin.
5. Ginagaya ko ang ideya ng iba at sinasabi kong ito ay aking
IK HKI
ideya.

6. Pinagtatakpan ko ang pagkakamali ng aking mga kaibigan. IK HKI

7. Maingat kong ibinibigay ang aking puna sa iba. IK HKI


8. Hindi ako nangongopya sa mga pagsusulit. IK HKI
9. Gumagawa ako ng dahilan upang hindi tumulong sa mga
IK HKI
gawaing-bahay.

10. Ginagawa ko muna ang gawaing nakatakda sa akin bago ako


IK HKI
maglaro.

B. Piliin ang mga hindi mo ipinagmamalaking gawan. Kung gagawin mo itong muli, anong
pagbabago ang isasagawa mo? Isulat sa katapat na kahon.
Mga Gawaing Hindi Ipinagmamalaki Pagbabagong Gagawin

5
Pag-isipan at Sagutin
Gawin ang mga panuto.
A. Isulat ang ilang pagkakataon na hindi ka nagsabi ng totoo. Isulat din ang nagging bunga
ng iyong ginawa.

Mga Pagkakataon Ang Naging Bunga

B. Gumawa ng mga paalala sa sarili upang baguhin ang mga gawaing hindi mo
ipinagmamalaki.

You might also like