You are on page 1of 19

Aralin 1:

Pagbasa: Ito ang Aking Bayan


(Liham)
Wika: Magagalang na
Pananalita
Maglaro Tayo
Nasa ibaba ang isang mapa papunta sa iyong kaibigan. Sundan
ang arrow.
Ano-ano ang mga ginamit na paraan para makarating ang
mensahe sa iyong kaibigan?
Basahin Natin
Ang liham ay paraan ng
komunikasyon na ginagamit sa
paglalahad, pagsasalaysay, paghahatid
ng balita sa taong matagal nang hindi
nakikita, nababalitaan, o nasa
malayong lugar.
Basahin natin ang isang liham.
Ito ang Aking Bayan
1234 Bongao, Tawi-Tawi,
Lalawigan ng Mindanao
Hulyo 25, 2016
Mahal kong kaibigan,
Gusto kong ibalita sa iyo na narito na kami sa isla ng Baguan sa
Mindanao.
Mahaba ang naging biyahe namin ni Nanay para makarating
lang dito sa bayan namin. Kahit hirap at pagod, sabik na sabik
akong makita muli ang magagandang tanawin dito. Pagdating
namin sa bahay, masaya kaming sinalubong ng mga kapitbahay
namin na sina Ginoong Modesto, Ginang Gloria, at Kapitan Bojyok.
Bumisita rin ang dati kong guro na si Binibining Lacson.
Marami silang inihandang pagkain para sa amin.
Oo nga pala! Muntik ko pa tuloy malimutan. Tinatawag nga
rin palang Turtle Islands itong bayan namin. Marami kasing
pawikan dito. Kinabukasan nga ay bumaba agad kami sa tabing-
dagat para magbantay ng mga mangingitlog na pawikan.
Nagbaka-sakali rin kami na makakita ng mga mapipisang itlog.
Alam mo ba? Nakita ko ulit ang ginagawa ng inang pawikan sa
kanyang mga itlog.
Tinatabunan niya ang mga ito ng buhangin. Sabi ni
Mang Bobet, iyong katiwala namin sa bahay, ay
kailangan daw ito para magbigay ng sapat na init at
proteksiyon laban sa mga nangunguha ng itlog ng
pawikan. Kailangan din daw maghintay ng 50 hanggang
70 araw bago ito mapisa. Kapag lumabas na ang maliliit
na pawikan, nag-uunahan naman ang mga ito sa
paggapang patungo sa dagat. Maya-maya lang ay may
maliliit na pawikan ang naglabasan. Naku, nakatutuwa
itong tingnan!
Hindi ginagalaw o sinasaktan ang malalaking pawikan dito. Nakapagliligtas kasi
ito ng mga nalulunod na tao. Puwede kasing maging salbabida ang likod ng mga
pawikan. Bukod sa matibay, hindi rin ito kayang pataubin kahit ng malakas na
alon. Matalas din ang pakiramdam ng mga pawikan. Kung may gustong manakit o
pumatay sa kanila, makikita mo na lumuluha sila na parang tao. Hay!
Napakasarap talagang magbakasyon sa probinsiya. Pakiramdam ko lumalakas
ang katawan ko. Presko ang hangin. Sariwa rin ang gulay at isdang kinakain ko
rito.Sana makapasyal ka rin dito para maranasan mo rin ang mga ikinuwento ko
sa iyo.

Nagmamahal,

Chica
Payamanin Natin
Bumuo ng iba pang salita mula sa sumusunod na mahahabang salita.
Halimbawa: makapamasyal = kapa pasyal mapa
1. buhangin = _____________________, _____________________
2. bantayan = _____________________, _____________________
3. matalas = _____________________, _____________________
4. ginagalaw = _____________________, _____________________
5. napakasarap = _____________________, _____________________
Talakayin Natin
A. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa liham na binasa. Isulat sa
linya ang bilang 1 hanggang 5. Isalaysay muli ang liham ayon sa
pagkakasunod- sunod ng bilang.
Ito ang Aking Bayan
­______ Hindi sinasaktan ng mga tagaroon ang malalaking pawikan.
______ Pinasyalan niya ang tabing-dagat.
______ Nakita niya ang maliliit na pawikan na patungo sa dagat.
______ Bumisita sa kanya ang dati niyang guro.
______ Sumulat si Chica sa kanyang kaibigan upang ibalita ang
kanyang pag-uwi.
B. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Sino ang sinulatan ni Chica?
2. Saan nakatira si Chica? Isulat sa kahon sa ibaba ang buong adres
ng kanyang tirahan ayon sa binasang liham.
3. Bakit gustong-gusto ni Chica na manatili sa lugar na iyon?
4. Paano raw nangyayari ang pagpisa ng mga itlog ng pawikan?
5. Sa pamamagitan ng dugtong-dugtong na bilog, isulat ang
magagandang pangyayari sa pag-uwi ni Chica.
Tukuyin Natin
Basahin ang isang bahagi mula sa tekstong binasa. Magbigay ng
maaaring maging pamagat nito. Isulat ang naisip na pamagat sa linya.

__________________________________
Pamagat

Alam mo ba ang ginagawa ng inang pawikan sa kanyang mga itlog? Tinatakpan niya ang
mga ito ng buhangin para magbigay ng sapat na init at proteksiyon lában sa mga nangunguha
ng itlog. Kailangang maghintay ng 50 hanggang 70 araw bago mapisa ang mga ito.

Ang malalaking pawikan ay hindi ginagalaw o sinasaktan dahil nakatutulong ang mga ito
sa pagsagip ng nalulunod na tao sa gitna ng dagat. Ang likod ng pawikan ay nagsisilbing
salbabida dahil matibay at hindi kayang itaob ng malakas na alon. Matalas din ang
pakiramdam ng mga pawikan. Kung may gusting manakit o pumatay sa kanila ay makikita
mo na lumuluha ang mga ito na parang tao.
Linangin Natin
WIKA

Magagalang na Pananalita

(Panawag sa Tao at Pakikipag-usap sa Matatanda)

May magagalang na pananalita na ginagamit bilang panawag sa tao


na mahalaga sa pakikipag- usap sa matatanda. Ang mga salitang ito ay
Ginoo, Ginang, Binibini, Mang, Aling. Maaaring gamitin ang pinaikli o
dinaglat na panawag gaya ng G. sa Ginoo, Gng. sa Ginang, at Bb. sa
Binibini.
Gawain A
Lagyan ng (/) kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapamalas ng
pagiging magalang. Lagyan naman ng (X) ang patlang kung hindi.

_________1. Aking na iyang laruan mo!

_________2. Pasok po kayo.

_________3. Maligayang bati!

_________4. Makikiraan po.

_________5. Kasalanan mo kung nadapa ka!


Gawain A
_________6. Hindi mo ba hihinaan yang radyo mo!

_________7. Maaari po bang tumabi sa inyo?

_________8. Tabi riyan!

_________9. Tuloy po kayo!

_________10. Walang anuman po.


Gawain B

Salungguhitan ang angkop na panawag para makompleto ang


pangungusap.

1. “(Ginoo, Ginang) Gloria, kumusta na po kayo?”

2. “Si (Aling, Binibini) Lacson, ang dati kong guro.”

3. “(Mang, Aling) Ato, mamamasyal po ba tayo?”

4. “Si (Mang, Aling) Tali ay kasáma po ba natin?”

5. “Kasáma rin si (Binibining, Kapitan) Bojyok sa pagsalubong sa


atin.”
Gawain C

Ano ang sasabihin mo sa sumusunod na mga sitwasyon? Gumamit ng


magagalang na pantawag sa taong kausap.
1. Paano mo sasabihin sa inyong kapitan na may nakita kang
kapitbahay na nagtatapon ng basura sa tabing-dagat?
2. Magtanong ka sa iyong magulang ng mga paraan ng pagtitipid ng
tubig at koryente.
3. Hikayatin mo ang inyong mga kapitbahay na sama-sama kayong
maglinis ng paligid.
Likhain Natin
Gayahin nang maayos at tama ang Malaki at maliit na titik. Pagkatapos, isulat ito
nang tatlong ulit sa nakalaang espasyo.
Maraming Salamat

You might also like