You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Davao City Division
LOWER TAMUGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Lower Tamugan, Marilog Dist., Davao City

ARALING PANLIPUNAN 8
Semi-Final Exam

I. Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.
________________ 1. Damdaming makabayan na mapapakita sa labis na pagmamahal at
pagpapahalaga sa bansa.
________________ 2. Isang paraan ng pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-
aangkin ng mga kolonya.
________________ 3. Pagkakaroon ng mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at
karagatan at pagpaparami ng mga armas nito.
________________ 4. Pangulo ng United States na nanguna sa pagtatatag ng Liga ng mga Bansa.
________________ 5. Organisasyon na itinatag pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
________________6. Lugar sa Japan na unang pinasabog ng Unites States sa pamamagitan ng
atomic bomb.
________________ 7. Organisasyon na itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
________________ 8. Ang pagmartsa ng mga sundalong Amerikano at Filipino mula Bataan
hanggang Pampanga sa loob ng maraming araw .
________________ 9. Labanan na hindi ginagamitan ng dahas.
________________10. Biglaang paglusob na walang babala.
_______________ 11. Batas na nagsabing ang US ay magbibigay o magpapahiram ng mga
kagamitang pandigma sa mga bansang gustong kumalaban sa Axis Powers.
________________12. Alyansa na binubuo ng mga bansang Germany, Austria- Hungary at Italy
________________13. Lihim na imbensyon ng Great Britain kung saan nalalaman nila kung may
hukbong panghimpapawid papunta sa kanilang bansa.
________________14. Pataksil na pagsalakay ng Japan sa Pearl Harbor.
________________15. Pagpatay sa anim na milyong hudyo sa mga concentration camp sa
Germany.

Day of Infamy Nasyonalismo blitzkrieg Cold War Holocaust Triple Entente


Bataan Death March imperyalismo Woodrow Wilson Hiroshima Lend Lease
Militarismo Triple Alliance United Nations Radar kolonyalismo League of Nations

II. Panuto: Tukuyin ang mga inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.
___________ 16. Lider ng mga Nazi
___________ 17. Pinuno ng bansang Italy sa WW2
___________ 18. Kasalukuyang Secretary-general ng U.N.
___________ 19. Heneral ng Amerika sa Pilipinas
___________ 20. Unang Secretary-General ng United Nations
___________ 21. Kasalukuyang Secretary – General ng United Nations
___________ 22. Kasunduan sa pagitan ni Franklin Roosevelt ng USA at Prime Minister Winton
Churchill ng Great Britain, ito ang kasunduan na pagkatapos wasakin ang Nazi Germany ay
lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, Malaya sa takot at di na muling gagamit pa
ng puwersa.
___________ 23. Ikalawang lugar sa Japan na binomba ng USA
___________ 24. Pangulo na nagtatag ng United Nations
____________25. Kauna- unahang Presidente ng Pilipinas sa pamahalaang Komonwelt

A. Trygve Lie B. Douglas MacArthur C. Benito Mussolini D. Adolf Hitler E.


Woodrow Wilson F. Atlantic Charter G. Manuel Quezon H. Karl Doenitz I. Nagasaki
J. Roosevelt K. Hiroshima L. Antonio Guterres

III. Panuto: Salungguhitan ang tamang sagot na kukumpleto sa bawat pangungusap.


26. (Monarkiya, Awtoritaryanismo) ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang
ng isang tao. Ang pinuno ng sistemang monarkiya ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.
27. Ang (Kasunduang Versailles, Atlantic Charter) ang tumapos sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
28. (Bataan, Batangas) ang isa sa pinakahuling pananggalang ng demokrasya sa Pilipinas.
29. (Oktubre 23, 1944, Oktubre 24, 1945) nang itinatag ang United Nations.
30. Ang (General Assembly, Security Council) ang sangay ng United Nations na kinikilala bilang
town meeting ng daigdig dahil dito nagaganap ang talakayan sa mga isyung pandaigdig.
31. Ang ( operasyong overlord, operasyong blitzkrieg) ay tumutukoy sa operasyong
pinagtulongan ng Allied forces ang mga sundalong Aleman.
32. Ang (demokrasya, kapitalismo) ay uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay
nasa kamay ng mga tao.
33. Si (Carlos Romulo, Antonio Luna) ang unang Filipino na nagging Secretary-General ng
United Nations.
34. Ang cold war ay labanan sa pagitan ng (USSR at USA, France at Great Britain).
35. (October 24, 1945, September 2, 1945) nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

IV. Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng bawat pangungusap at kung mali
naman,isulat ang tamang sagot.
___________ 36. Sa Asya-Pasipiko naganap ang unang yugto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
___________ 37. Sina Woodrow Wilson, David Lloyd George, Vittorio Orlando, Clemenceau ang
bumubuo sa “Big Four”.
___________ 38. Mas marami ang namatay at naapektuhan noong Unang Digmaang Pandaigdig
kaysa sa Ikalawang digmaang Pandaigdig.
__________ 39. Sa barkong US Missouri na nakadaong sa Tokyo Bay naganap ang pagsuko ng
Japan sa USA.
___________ 40. Si Heneral Douglas MacArthur ang naging Supreme Commander of the Allied
Powers o SCAP sa digmaan sa Pasipiko.
___________ 41. Tumiwalag ang Germany sa League of Nations noong 1933, sapagkat ayon sa
kanila, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ay pag-aalis sa kanila ng
Karapatan sa pag-aarmas.
___________ 42. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay binubuo ng mga alyansa na Triple
Entente at at Triple Alliance.
___________ 43. Ang International Court of Justice ang sangay ng United Nations na nagpapasya
sa mga may kasong may kinalaman sa alitan ng dalawang bansa.
___________ 44. Ang Sosyalismo ay ideolohiya na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na
kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Sila ang
nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng
produksyon.
___________ 45. Ang Munich Pact ay isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng
European leaders at Hitler ng Germany.
____________46. Ang Germany ang nagtatag ng Greater East Asia Co- Prosperity nang marating
nila ang tugatog ng kanilang pananakop sa Asya
____________ 47. Noong 1935, Sinakop ng Italy ang Ethiopia sa pamumuno ni Adolf Hitler.
____________48. Setyembre 2, 1945 nang sumuko ang Japan sa Amerika.
____________ 49. Slave Women ang tawag sa mga babaeng naging parausan ng mga sundalong
hapon
____________ 50. Tinatayang 60 milyon ang namatay sa ikalawang digmaang pandaigdig.

You might also like