You are on page 1of 4

SAN BARTOLOME HIGH SCHOOL

YUNIT TEST - ARALING PANLIPUNAN 8 - KASAYSAYAN NG DAIGDIG


– IKAAPAT NA MARKAHNG PAGSUSULIT

Pangalan:_________________________________________________ Bilang:_______
Taon/Seksyon:________________ Petsa:____________ Iskor:__________

Maramihang Pamimili. Panuto: Basahin ng maigi ang bawat katanungan. Isulat sa patlang
bago ng bilang ang titik ng iyong napililing sagot.
_____ 1. Sa apat na sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang pinakamabigat o pangunahing
nag-udyok sa digmaan ay:
a. militarismo b. alyansa c. imperyalismo d.
nasyonalismo
_____ 2. Ang pinakamabuting bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa mga bansang
nasakop ng mga imperyalistang bansa ay ang
pagkakaroon ng: a. kasarinlan b. katahimikan
c. kaunlaran d. kaayusan
_____ 3. Umigting ang “Cold War” pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang
pangunahing sanhi nito ay:
a. militarism b. nasyonalismo c. alyansa d. ideolohiya
_____ 4. Maraming nabuong samahan ang mga bansa sa kasalukuyang panahon, may
nangangalaga sa ekonomiya, kapayapaan, kalusugan,
edukasyon at iba pa. Ang samahang pang-ekonomiya na ipinalit sa GATT ay:
a. World Bank b. AFTA c. WTO d. NAFTA
_____ 5. Ang imperyalismo, kolonyalismo at neokolonyalismo ay mga patakaran ng mga
makapangyarihang bansa na manakop ng mga bansang
mahina. Sa tatlo ang neokolonyalismo ay nangangahulugang pananakop na:
a. makabagong anyo b. makalumang anyo c. ultra-moderno
d. ultra-archaic
_____ 6. Si Pangulong Woodrow Wilson ng U.S.A. ay nagpahayag ng pagiging neutral ng
kanyang bansa noong Unang Digmaang Pandaigdig. Kapag
neutral ang bansa, ito ay may:
a. sarling layunin b. kinakampihan c. lihim na kinakampihan
d. walang kinakampihan
_____ 7. May dalawang pangakat ang ideolohiya, ito ay ideolohiyang politikal at ideolohiyng
pang-ekonomiya. Ang mga halimbawa ng ideolohiyang
pang-ekonomiya ay:
a. Komunismo at Demokrasya b. Kapitalismo at Sosyalismo c. Aristokrasya at
Sosyalista d. Totalitaryanismo at Kapitalismo
_____ 8. Ang mga bansang kasapi sa samahang ASEAN ay nagmumula sa rehiyon ng Asya na:
a. Timog Asya b. Silangang Asya c. Timog Silangang Asya
d. Kanlurang Asya
_____ 9. Si Archduke Francis Ferdinand ng Austria ay pinatay ni Gavrilo Princip na kasapi ng
“The Black Hand”. Ang pagpatay kay Archduke
Francis Ferdinand ay naging dagliang sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig dahil sa
kanya ay inaasahang:
a. magpalawak sa teritoryo ng Austria c. magpapatuloy sa trono ng Austria
b. magpapanatili ng kapayapaan ng Austria d. mag-aangat sa ekonomiya ng
Austria
_____ 10. Ang Blitzkrieg ay taktikang pangmilitar at salitang Aleman na ginamit ni Adolf
Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig laban sa
mga kaaway. Ito ay nangangahulugan:
a. mabilisang giyera b. mabagal na giyera c. pataksil na paglusob
d. marahas na paglusob
_____ 11. Isang ideolohiyang pampulitika na ipinapatupad ng mga namamahala sa bansa at
binibigyan ng laya at pantay na karapatan ang lahat
ng mga mamamayan. Ito ay: a. oligarkiya b. aristokrasya
c. sosyalismo d. demokrasya
_____ 12. May mga instrumenting gamit ang neokolonyalismo. Isa na dito ay ang pagbibigay
ng “Foreign Aid” o dayuhang tulong sa mga bansang
mahihirap. Ang implikasyon nito ay _____________.
a. bumibilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansang nangutang
b. sumusunod ng sapilitan ang bansang nangutang sa mga kondisyon ng nagpautang na
bansa
c. dumadami ang mga lokal na mangangalakal ng bansang nangutang
d. dumadami ang mga kapitalistang dayuhan sa bansang nangutang
_____ 13. Ito ay dahilan ng pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig at isa rin ito sa
dahilan ng pagkakaroon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ito ay tumutukoy sa Kasunduang:
a. Paris b. Zaragosa c. Versailles d. Tordisillas
_____ 14. Ang Liga ng mga Bansa ay itinatag pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
upang panatilihin ang kapayapaan ng daigdig, subalit
nagkaroon pa ng Ikalawalang Digmaang Pandaigdig. Ito ay may implikasyon na ang
Liga ng mga Bansa ay:
a. nabigo b. nagtagumpay c. tumagilid d. nadalian
_____ 15. Presidensyal at demokrasya ang uri ng pamahalaan ng Pilipinas, ngunit sabi ng mga
aktibista ang bansang ito ay pinamumunuan ng
mga mayaman, samakatuwid maaari ring sabihin na ang praktis ng Pilipinas ay isa
ring pamahalaang:
a. Totalitaryanismo b. Monarkiya c. Aristokrasya
d. Oligarkiya
Test II. TAMA o MALI. Panuto: Isulat ang buong salitang TAMA kung ang pahayag ay
tumpak, ngunit kung ang pahayag ay hindi tama, isulat ang
buong salitang MALI.

__________ 1. Ang militarismo ay pagpapadami ng armas at sundalo.


__________ 2. Nilalaman ng Zimmerman Note na papasabugin ng Alemanya ang Pearl Harbor.
__________ 3. Ang Sudete ay bahagi ng Czechoslovakia.
__________ 4. Pangunahing layunin ng U.N. ang kapayapaan ng daigdig.
__________ 5. Ang digmaang sibil ay digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.
__________ 6. Ang ADB ay samahang pangdaigdig na ang pangunahing layunin ay paunlarin
ang agrikultura.
__________ 7. Ang pagkaing hamburger ay dala ng mga Europeo sa Asya at ito ay anyo ng
neokolonyalismong kultural.
__________ 8. Ideolohiya ang pangunahing dahilan ng Cold War.
__________ 9. Itinatag ni Benito Mussolini ang Black Hand.
__________ 10. Mahalaga ang kapayapaan.

Test III. Pag-uugnay. Panuto: Pag-ugnayin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng
wastong sagot.

A
B
________ 1. Alyansang binubuo ng Austria-Hungary, Italya at Alemanya.
________ 2. Bagong patakaran ng pakikitungo sa mga Kanluranin A. Belgium
________ 3. Pangulo ng U.S.A. na nag-utos sa pagbomba ng Hiroshima.
________ 4. Nagsabing “I Shall Return” sa Pilipinas. B. Manchuria
________ 5. Heneral ng Alemanya na natalo sa digmaan sa Hilagang Africa.
C. United Nations
________ 6. Siya ang nagpatupad ng patakarang Demokratizasiya sa Russia
________ 7. Lugar sa Germany kung saan itinatag ang pader na naghati sa D. Gorbachev
Silangan at Kanluran
________ 8. Ang pandaigdigang samahan na itinatag pagkatapaos ng E. Rommel
Ikalawamg Digmaang Pandaigdig. F. MacArthur
________ 9. Lugar sa China na sinakop ng Japan.
________ 10. Neutral na bansang sinakop ng Alemanya noong Unang
Digmaang Pandaigdig

Test IV. Patutukoy. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang napiling
sagot sa
patlang sa kaliwa.

A. Cold War B. Stalin, C. INF D. Watergate Scandal E. Détente


F. Perestroika G. Glastnost H. Demokratizatsiya I. 38th parallel
J. 17th parallel

________1. Kauna-unahang misyon sa kalawakan na nakapagdala ng unang tao sa buwan.


________2. Paraan ng paghahati sa Korea.
________3. Pinuno ng USSR nang magkaroon ng Cold War.
________4. Isyung kinasangkutan ni Pangulong Nixon at naging dahilan ng kanyang pagbitiw sa
tungkulan.
________5. Dating Formosa at bahagi ng kalakalang Tsina na pinamumunuan ni Dr. Sun Yat
Sen.
________6. Paraan ng pagkakahati sa Vietnam.
________7. Tawag sa pagbabawas ng tensyon.
________8. Nangangahulugang muling pagsasaayos ng ekonomiya ng Russia.
________9. Pinuno ng kalakalang Tsina at nagtatag ng Komunismo sa bansa.
________10. Nangangahulugan ng Openess ng Russia sa mga mamamayan.
________11. Kauna-unahang spaceship na nakalibot sa kalawakan ng daigdig.
________12. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas.
________13. Pangulo ng Amerika nang magsimula ang Cold War.
________14. Kasunduang nilagdaan nina Nixon at Brezner na bawasan ang panganib ng
pagkakaroon ng digmaang nukleyar.
________15. Nagbigay ng karapatan sa mga Russian na bumoto at pumili ng kanilang pinuno.

You might also like