You are on page 1of 6

1|Page

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III-CENTRAL LUZON
Division of Tarlac Province
LUZON POLYTECHNIC COLLEGE INC.,
Paniqui, Tarlac

ARALING
PANLIPUNAN 8
IKA-APAT NA MARKAHAN:
WEEK 6

Mga Mahahalagang Pangyayaring


naganap sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
NAME:
GRADE LEVEL:
ADDRESS:

PREPARED BY: NOTED:

MARVIN B. PALASIGUE ALBERTO P. GAMBOA, Ed. D.


SUBJECT TEACHER TECHNICAL ADVISER

Page | 1
2|Page

ARALING PANLIPUNAN
ARALI Mga Mahahalagang Pangyayaring
N naganap sa Ikalawang Digmaang
1 Pandaigdig

Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natatalakay ang pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


 Nabibigyang-diin ang mga bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Napapahalagahan ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang pandaigdigang kapayapaan.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pangungusap

1.Ang unang tagumpay ng mga Allied Powers sa ay naganap sa _______ Enero 1945.
A. Battle of the Bulge
B. Battle of the Coral Sea
C. Battle of the Midway
D. Second Battle of the Philippine Sea

2.Sino ang namuno sa puwersa ng Allied na nakipaglaban sa Normandy at natalo niya ang
Nazi?
A. Hen. Douglas MacAthur
B. Hen. Dwight Eisenhower
C. Hen. Erwin Rommel
D. Hen. Karl Doenitz

3. Ang unang bomba atomika ay ibinagsak ng United States sa Lungsod ng________.


A. Hiroshima
B. Hokkaido
C. Nagasaki
D. Tokyo

4. Ang Normany ay matatagpuan sa Bansan?


A. England
B. France
C. Poland
D. Russia

5. Magiting na Heneral na nagwika na “I Shall Return “


A. Hen. Douglas MacAthur
B. Hen. Dwight Eisenhower

Page | 2
3|Page

C. Hen. Erwin Rommel


D. Hen. Karl Doenitz

ANG PAGWAWAKAS AT BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Tagumpay ng Alyado sa Europe

Ang Tagumpay ng Alyadong Bansa sa Europe at sa Hilagang Africa noong taong 1943, nagsimulang
magbago ang ihip ng digmaan. Noong ika 6 ng Hunyo ,1944, ang mga hukbong Alyado ay lumapag ang puwersa ni
Heneral Eisenhoower sa Normandy, nagkaroon ng ilang linggong labanan at napalaya ang Paris noong Agosto 25,
samantalang sa Silangang Europe ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin.

Nagsimula ang pagpagkapanalo ng Allied Powers, sa Battle of the


Bulge. Noong Enero 1945 natalo nila ang mga Nazi naitaboy sa ang mga
Germans sa kanlurang hangganan, tumawid sila sa Siegfried Line. (West
Wall).

Sa huling araw ng Abril 1945, gumuho na ang mga Nazi sa ilalim ng


Allies mula sa kanluran at ng mga Russo mula sa silangan. Napagtanto ni
Hitler na tapos na ang laban. Humingi ng kapayapaan si Admiral Karl
Doenitz. Noong umaga ng ika -30 ng Abril 1945 nagpakamatay si Hitler. Na
bihag ng mga Ruso ang Berlin kaya’t noong ika – 7 ng Mayo 1945 sumuko
ang Aleman. Tinawag ang araw na ito na “V- E Day “Victory in Europe”.

Ang Tagumpay sa Pasipiko

Lalong lumakas ang Amerika ng bumagsak ang Germany. Sinalakay


ni Hen. Douglas MacArthur Marshall Island, Marianas, Guam at Caroline.
Ang unang tagumpay ng Alyado sa Pasipiko ay naganap sa Battle of the
Coral Sea. Noong Oktubre 20 lumapag si Mac Arthur sa Leyte at buong
karangalan niyang pinahayag sa mga Pilipino “I have Returned “, Second
Battle of the Philippine Sea at noong Oktubre 23-26, 1944, natalo ang mga
Hapones.

Ang paghahanda ng mga Allies sa huling paglusob sa Japan ay


isinagawa sa Pilipinas. Habang binobomba ng hukhong dagat ng mga Allies
ang mga baybaying lungsod ng Japan, inuulan naman ng bomba ng B-29 ang
mga lunsod at paliparan Nakuha ng mga Amerikano ang Iwo Jima noong
Marso 16 at ang Okinawa noong Hunyo 21, mga Kuta ng bansang Japan.

Noong Hunyo 26, ang Britain, China at United States ay nagpalabas ng ultimatum ng pagsuko ng Japan, Postdam
Declaration ng hindi sumuko ika 6 ng Agosto ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Nawasak ang
buong lunsod at libo- libo ang namatay. Pag karaan ng ilang araw, sinalakay ng Ruso ang Manchuria, Korea at
timog Sakhain.

Page | 3
4|Page

Ang pangalawang bomba atomika ay inihulog sa Nagasaki noong


Agosto 9, 1945. Tinanggap ng Japan ang walang pasubaling pagsuko sa
Allies noong Agosto 15.
Ang Japan ay lumagda sa tadhana nang walang pasubaling pagsuko
sa USS Missouri sa Tokyo Bay noong Setyembre 2,1945. Ito ang hudyat ng
pagwawakas ng ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko.

MGA BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


 Nagdulot ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng daigdig.
 Nagwagi ang demokrasya. Bumagsak ang pamahalaang totalitarian, ang Nazi ni Hitler, Pasismo ni
Mussolini at Imperyong Japan ni Hirohito.
 Natigil ang pagsulong nag ekonomiyang pandaigdigan dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya,
transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
 Dahilan ito ng pagkawala ng buhay ng maraming tao at pagkasira ng ari-arian.
 Lumaya ang maraming bansa tulad ng Germany, China Pilipinas, Indonesia, Malaya, Burma, Ceylon,
Pakistan, at iba apa.
 Naitatag ang United Nations upang panaglagaan ang pandaigdiagng kapayapaan at kalayaan ng mga
bansa.

Panuto : Bigayan ng paglalarawan ang mga mahalagang tauhan sa ikalawang digmaang pandaigdig.

Douglas MacArthur

Adolf Hitler

Page | 4
5|Page

Benito Mussolini

Japan Bombing

Postdam Declaration

Paano ka makakatulong sa pagtaguyod ng kapayapaan sa mga sumusunod? Isulat ang sagot sa isang malinis na
papel.

Sa iyong pamayanan
Sa iyong pamilya Sa iyong paaralan

Sa iyong Bansa
Page | 5
6|Page

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat pangungusap.

1. Ang isang tagumpay ng mga Alyado sa Pasipiko ay naganap sa _____ Oktubre 23- 26 ,1943.
A. Battle of the Bulge
B. Battle of the Coral Sea
C. Battle of the Normandy
D. Second Battle of the Philippine Sea

2. Isang bagong daigdig ang sumibol paglipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ng hindi kabilang sa mga
pangyayari pagkatapos ng digmaan?
A. Naitatag ang United Nations
B. Nagkaroon ng World War III
C. Nagkaroon ng labanan ng ideolohiya
D Nawala ang Nazismo at Pasismo

3. Isang Heneral nag wika na “I have Returned “


A. Adm. Doenitz
B. Hen. Douglas MacArthur
C. Hen Dwight Eisenhower
D. Hen. Montgomery

4. Ang paghulog ng bomba atomika sa Nagasaki ay naganap noon?


A. Agosto 9, 1945
B. Agosto 15, 1945
C. Setyembre 2, 1945
D. Disyembre 7, 1941

5. Saan lugar dumaong si Hen. Douglas MacArtur noong Oktubre 1944 ?


A. Leyte
B. Manila
C. Palawan
D. Quezon

Page | 6

You might also like