You are on page 1of 3

Week 5

Learning Activity Sheet


Araling Panlipunan 6

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________


Baitang/Pangkat: _________________________________ Marka: _______________

Aralin 1 Pagsiklab ng Digmaan

Suriin

Samaraming taong pakikipaglaban, unti-unti nang nakararanas ng kaunlaran at pagsasariling kalayaan


ang Pilipinas sa panahon ngPamahalaang Komonwelt.Sa panahongito inihanda ng pamahalaan ang Pilipinas sa
pagsasarili. Naudlot ang paghahanda ng kasarinlan ng Pilipinas nang biglang dumating ang sigwa ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at muli itong naligalig.Pinangambahan ng maraming Pilipino sa pangunguna na rin ni
Pangulong Quezon at ni Claro M. Recto, isang makabayang lider, ang maaaring pagputokng digmaan at
pagkasangkot ng Pilipinas sa digmaang iyon.
Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre 1, 1939 nang simulang lusubin ng
Alemanya o Germany ang Warsaw, Poland bahagi ng Europasapamumuno ni Adolf Hitler napinuno ng Germany.
Isinunod ni Hitler na sakupin ang Norway, Denmark, Netherlands,at Belgium. Noong Hunyo 22, 1940 nasakop
nila ang France at binomba ang Britain. Ngunit lumaban ang mga sundalo ng British Royal Air Force at nailigtas
ang Britain sa mga Nazi.
Habang sumisiklab ang digmaan sa Europa noong 1939 ay nakipagkasundo ang Hapon sa Alemanya at
Italya. Ang tatlong bansang ito’y tinawag na AxisPowers o Lakas Axis.
Sa simula, walang balak ang Estados Unidos na sumali sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang plano ni
Pangulong Roosevelt ay tulungan lamang ang Inglatera sa pakikihamoknitosa Europa, ayon sa kasunduang
Europe First Policy, at bilang miyembro ng Allied Powers.
Mula noong magkaroon ng digmaang Tsina at Hapon na nagsimula noong1930, nangamba ang mga
bansa sa Asya na ang Hapon ay may layong manakop ng mga bansa sa dulong silangan. Ang mga kolonya ng
Alemanya sa Karagatang Pasipiko ay naisalin na sa kamay ng Hapon kaya’t may pangamba ang mga Amerikano
na sasakupin din ng Hapon angPilipinas sa sandaling masangkot sa digmaan ang Estados Unidos.

Sa pagsakop ng Japan sa Tsina ang naging sanhi ng pagkasangkot ng Estados Unidos sa digmaan. Pinutol
ng Estados Unidos ang kasunduang pangkalakalan sa Japan, kaya nawalan ng magagamit na metal sa paggawa
ng mga kagamitang pandigmaang mga Hapones.
Nangunguna sa Asya ang Japan sa pagpapalawak ng teritoryo.Kilala ang Japan bilang “Energetic People”.
Noong 1931 sinakop ng Japan ang Manchuria. Pagkatapos ng anim na taon isinunod niya ang bahagi ng China at
French Indochinao Indotsinang Pranses(binubuo ito ng Myanmar, Laos, Cambodia, Thailand, at Vietnam).
Nang masakop ng Hapon ang Indochina,pinutol ng Estados Unidos ang pagtutustos ng langis sa Japan.
Dahil dito nagpasya ang Japan na makipagdigma sa Estados Unidos.
Iminungkahi ng Estados Unidos na ayusin ang kanilang sigalot sa pamamagitan ng patakarang dapat
igalang ang kasarinlan ng lahat ng bansa. Hindi tinanggap ng Hapon ang mungkahing ito.
Dahil sa mga naganap na tensiyon sa pagitan ng Japan at Estados Unidos, pinag-ibayo ng Estados Unidos
ang paghahandang militar sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Timog-Silangan Asya. Itinatag ang United State
ArmedForces in the Far East o USAFFE sa pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur. Sa Pilipinas, binuo din ni
Pangulong Quezon ang Civilian Emergency Administration sa bawat bayan at nagsagawa ng mga pagsasanay
militar para sa mga kabataan.

Simula ng Digmaan sa Pilipinas


Nang sagitna ng mga negosasyon sa pagkakasundo, walang kaabog-abog na binomba ng Hapon ang
Pearl Harbor sa Hawaii na isang kolonya ng Estados Unidos sa dagat Pasipiko, noongDisyembre7, 1941, araw ng
Linggo, 7:44 ng umaga (sa Pipinas ay 2:30 ng madaling -araw,Disyembre8). Ito ang pinakamalaking baseng
pandagat ngEstados Unidos sa Pasipiko na nasa Hawaii.
Nabigla at nasindak ang mga Amerikano sa pagkawasak ng base militar sa Hawaii, at kulang-kulang sa
5,000 Amerikanong opisyal at marino ang napinsala (namatay, nasugatan,at nawawala).
Sa ginawang pataksil na pagbomba sa Pearl Harbor sa Hawaii, kinabukasannito, ipinahayag ni Franklin D.
Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos ang pakikidigma sa Hapon. Sumagot ang Hapon ng pakikidigma rin sa
Estados Unidos at ang Inglatera ay nagpahayag na rin ng pakikidigma samgaHapon.
Pagkaraang ng apat na oras mula sa pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor, sumalakay ang mga Hapon sa
Pilipinas. Binomba ng mga Hapon ang lungsod ng Davao, Clark Air Field, Baguio, Aparri, Nichols Air Base, at
Sangley Point sa Cavite.Nawasak ang maraming eroplanong Amerikano, kaya’t namayani ang mga Hapon sa
himpapawid.Naging malaya sila sa pagbomba sa maraming lugar sa kapuluan na ikinabigla at ikinagimbal ng
lahat. Pinasabog maging ang mga imbakan ng gasolina ng Shell at Caltex.
Unang dumaong ang Hukbong Pandagat ng Haponsa Aparri at Vigan, sa Hilagang LuzonnoongDisyembre
10, 1941. Sa mga sumunodna dalawang araw, lumunsad namansa Legaspiang ibapang puwersang Hapones.
Noong Disyembre20 nilusob nila ang Davaoatang pinakapunong puwersang panakop ng mga Haponesay
dumaong sa Lingayen atLeyte noong Disyembre22sa pamumuno ni Tinyente Heneral Masaharu Homma.
Nang sumunod na mga araw, patuloy na dumadating ang mga Hapon sa iba’t ibang lugar ng bansa.
NoongDisyembre24ang Atimonan, at Mauban sa Tayabas (Quezon na ngayon) ang kanilang binomba.Sinunod
nilang wasakin ang mga barko ng Hukbong Pandagat ng USAFFE ateroplano sa mga base militar.
Nakagigimbal ang malawakang pambobomba at pagdating ng mga Hapones, ngunit buongtapang na
nakipaglaban ang mga Pilipinongkawal nakabilang sa USAFFE, kabalikat ang hukbong Amerikano. Habang
dumadaong ang mga puwersang Japan, binomba at dinurog ng mga eroplano nito ang US Navy Yard sa Cavite,
ang Nichols Air Base, Fort Mckinley atang Kampo Delgado sa Iloilo. Sa Batangas Airfield, naipakita ng mga
Pilipinong piloto na sina Kapitan Jesus Villamor, Tinyente Cesar Basa,at Tinyente Geronimo Aclan ang kanilang
kabayanihan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa himpapawid at pagpapabagsakng mga eroplano ng mga
Hapones.

Pagdedeklarang Open City sa Maynila


Habang umaatras ang mga hukbong USAFFE, patungo naman sa Maynila ang puwersa ni Hen. Homma
pagkaraang umahon ang mga ito sa Aparri at Lingayen. Naiwan sa Maynila bilang tagapamahala sina Kalihim
Jose B. Vargas, Hukom Jose P. Laurel,at iba pang mataas na opisyal upang pangalagaan ang kapakanan ng mga
mamamayan doon sa sandaling masakop ng Hapones ang Kamaynilaan. Dahil sa kawalan ng puwersang
panghimpapawid at pandagat, tuluyang nawalan ng paraang ipagtanggol maging ng mga sibilyang
tagapamahala ang siyudad.
Upang mailigtas ang Maynila sa malaking pinsala ipinahayag ni Hen. Douglas MacArthur ang Maynila
bilang Open City noong Disyembre 26, 1941. Ibig sabihin ay maaari nang sakupin ito nang walang paglalaban
upang maiwasan ang pambobomba at tuluyang pagkasira ng lungsod. Ngunit hindi ito iginalang ng mga
Hapones at binomba pa rinnilaang Maynila noong Disyembre27. Dahil dito marami ang nasawing sibilyan at
nasirang mga ari-arian.
Sa gitna ng ganitong kalagayan at kaguluhan, nagpalabas ng isang mensahe kay Hen. MacArthur si
Pangulong Roosevelt ng Amerika,“Ipinangangako ko sa bayang Pilipino na tutubusin ang kanilang kalayaan at
ang kanilang kasarinlan ay itatatag at ipagtatanggol.”
Mula sa hilaga at timog, malayang nakapasok ang mga tropang Hapones at sinakop angMaynila. Tuluyan
nilang napasok ang loob ng Maynila noong Enero2, 1942. Sa kanilang pagdating, nanalanta ang mga Hapones,
pinaslang pati ang mgasibilyan at dinakip ang maraming kalalakihan. Ikinulong ang mga bihag sa Fort Santiago
at sa iba’t iba pang malalaking gusali na ginawa nilang mga garison o kulungan.
Nang masakop na ng mga Hapon ang Maynila, hinirang nila si Jose Vargas bilang Tagapangulo ng
Komisyong Tagapagpalaganap ng Pilipinas. Ang komisyong ito ang siyang tumayong pamahalaang sentral na
ang gawain ay ipahayag sa sambayanan sa pamamagitan ng radyo ang mga patakaran ng mga Hapones.
Sinasabing naghasik ng lagim ang mga Haponessa Maynila gayundin sa iba pang bahagi ng
kapuluan.Pinahirapan nila ng todo angmgaPilipino, iba’t ibang paraan ang kanilang ginawang pagpapahirap
samga ito.Dahilan sa digmaan at sa paninikil ng mga Hapones, naubos ang mga pagkain, maraming nagutom
atnamatay, at ang mga pamilya ay nagkahiwa-hiwalay. Mangyari pa, ang mga sundalong USAFFE ay nahiwalay
sa kanilang mga pamilya sa kanilang pag-atras patungong Corregidor at Bataan.
Upang masagip ang PamahalaangKomonwelt ng Pilipinas hinimokni Pangulong Franklin Roosevelt ng
Estados Unidos na umalis sinaPangulong Manuel L. Quezon sa Pilipinasat tumungo ng Australia. Marso 26, 1942
umalis si Pangulong Quezon kasama ang kanyang pamilyaat si Pangalawang Pangulong Sergio OsmeñaSr.lulan
ng Flying Fortress na ipinadalani MacArthur atlihim na nagtungo sa Australia noong Pebrero 20, 1942.
Si Hen. Douglas MacArthur ay inutusang umalis ng Pilipinas upang pamunuan ang Southwestern Pacific.
Noong Marso 17, 1942 mula Corrigedor pumunta si MacArthur kasama ang kanyang pamilya at mga opisyalsa
Australia. Ipinahayag niya sa kanyang pag-alis ang mga katagang,“I shall return.”

Layunin ng Japan sa Pananakop


Sa pagsakop ng Japan sa Maynila, naging dahilan upang maantala ang pagkamit ng Pilipinas ng
kasarinlan. Sa paghahangad ng Japan na mapalawak ang kanyang teritoryo, nagsimula siyang manakop ng mga
bansa sa Asya.
Naghanap ito ng mapagdadalhan ng kanilang produkto at mapagkukunan ng mga hilaw na materyales.
Ngunit ang pangunahing layunin nito ay ang magtatag ng bagong kaayusan sa Asya na tinatawag na Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere.
Gusto nilang mapasunod ang mga bansa sa Asya sa kanilang pamamaraan ng pagpapaunlad ng
kabuhayan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga bansa sa Asya. Dahil nais nilangsila ang kikilalaning lider
ng mga Asyano at papaniwalain ang mga Asyano na ang Asya ay para sa mga Asyano.

Tayahin

Panuto:Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusapo pahayag tungkol sa pananakop ng mga Hapones.
Isulat sa sagutang-papel ang Tama kung wasto angpangungusap o pahayag at Malinaman kung hindi.

_____1.Ipinahayag ng mga Haponesang layunin nilang palaganapin ang Samahanng Kaganapan ng mga bansa sa
Kalakhang Asya (Greater Asia Co-prosperity Sphere).

_____2.Axis Power ang tawag sa samahang kinabibilangang ng bansang Germany, Italy at Japan.

_____3.Gumanti lamang ang Japan sa pambobomba ng Estados Unidos.

_____4.Dahil sa malakas na puwersa ng USAFFE hindi nasakop ng mga Hapones ang Maynila.

_____5.Ipinahayag ni Hen. Douglas MacArthur na Open City ang Maynila upang madali sa mga Hapones na
wasakin ito.
_____6.Sa pangunguna ni Hen. Douglas MacArthur nagsanib puwersa ang hukbong Pilipino at Amerikano
upang maitatag ang “Asya Para sa mga Asyano”.
_____7.Nais ng Japan na kikilalaning lider ng mga Asyano at papaniwalain ang mga Asyano na ang Asya ay
para sa mga Asyano.
_____8.Kagimbal-gimbal man ang pag-atake ng mga Hapones ngunit buong tapang na lumaban ang mga
sundalong Pilipino at Amerikano laban sa mga ito.
_____9.Hindi tumungo ng Australia si Pangulong Quezon.
_____10.Sa pagbomba sa Pearl Harbor ng mga Hapones, naging hudyatitong pakikidigma ng Japansa
Estados Unidos.

You might also like