You are on page 1of 18

MGA LAYUNIN AT

MAHAHALAGANG
PANGYAYARI SA
PANANAKOP NG MGA
HAPONES
• Nakipagdigma ang
bansang Hapon sa
mga bansa sa Asya.
Sinakop nito ang
Manchuria noong
1932, ang malaking
bahagi ng Tsina
noong 1937, at ang
Hilagang France
Indochina noong
1940.
• Ang Pilipinas ay inanyayahan ni Arita,
Ministrong Panlabas ng Hapon na
makiisa sa kanyang programa na Sama-
samang Kasaganaan ng Kalakhang
Silangang Asya (Greater East Asia Co
Prosperity Sphere) Hindi naniwala ang
mga Pilipino sa pang-aakit dahil ayaw
nilang mapasailalim muli sa mga
dayuhan. Tumanggi sila sa paanyaya.
Dahil sa nakaambang panganib, tinipon
ni heneral Douglas MacArthur, na siyang
namumuno sa hukbong sandatahan ng
Pilipinas, ang reserved forces at regular
armed forces ng Pilipinas.
• Sinalakay ng mga Hapones ang Pearl Harbor ang
pinakamalaking baseng pandagat ng Amerika sa
Hawii noong Disyembre 7, 1941, araw ng
Linggo,7:44 ng umaga (sa Pilipinas ay 2:30 ng
madaling araw, Disyembre 8, 1941) Pagkaraan ng
apat na oras mula sa pagbomba ng Pearl Harbor ay
sinunod ang Davao,Clark Field, Baguio.
• Disyembre 22,1941 dumaong ang pangunahing hukbo ng
Hapones na pinamunuan ni Hen. Masaharu Homma sa
Lingayen. upang mailigtas ang Maynila sa ganap na
pagkakasira ipinahayag ni Hen. Douglas MacArthur ang
Maynila bilang Open City noong Diyembre 26,1941
ngunit hindi ito iginalang ng mga Hapones. Disyembre 27,
1942 binomba ang Maynila. Maraming nasawing Pilipino at
wasak ang mga gusali sa Intramuros. Tuluyan nang
napasakamay ang Maynila sa mga Hapones noong Enero
2,1942.
Ang mga Layunin ng Pananakop ng
Hapones sa Pilipinas
1. Hinangad ng Japan na mapalawak ang teritoryo nito sa
pamamagitan ng pananakop ng mga bansa sa Asya.  
2. Naghanap ang Japan ng mapagdalhan ng kanyang mga
produkto.
3. Pagpapatupad sa planong magtatag ng bagong
kaayusan sa Asia na tinatawag na Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere.
 4. Hinangad ng Japan na masunod ang kanilang
patakaran sa pagtatatag ng pangkabuhayang
pagtutulungan ng mga bansa sa Asia.
 5. Nais nilang sila ang makilalang lider ng mga
Asyano at pairalin ang paniniwalang ang Asia ay para
sa mga Asyano.
• Pebrero 20,1942-umalis ang pangulo ng bansa na si
Manuel L. Quezon sa utos ng pangulo sa Amerika na si
Franklin Roosevelt dahil malaking kahihiyan ng Amerika
kapag mahuli ang pangulo ng bansa sa mga Hapones.
Marso 11, 1942 sumunod na umalis si Hen. Douglas
MacArthur dahil pamunuan niya ang digmaan sa
Southwestern Pacific. Bago siya umalis nangako siya sa
mga USAFFE at sa mga Pilipinong sundalo na iniwan niya
para ipagtanggol ang bansa mula sa mga kalaban. Ang sabi
niya “I SHALL RETURN’.
• Si Hen. Jonathan Wainright ang pumalit kay Douglas
MacArthur bilang komander ng USAFFE.
• Ang Bataan at Corregidor ay mahalagang lugar sa ating
bansa dahil dito ang mga sundalong Pilipino at Sundalong
Amerikano nakaabang sa mga kalaban. Ngunit lahat sila ay
natalo. Bakit nga ba sila ay natalo at sumuko sa mga
Hapones? Ano-ano ang mga Pangyayari na mahalaga nating
malaman? Bakit Nagkaroon ng Death March?
• Ang Labanan sa Bataan
• Sa pamumuno ni Hen. Jonathan Wainright ang pumalit kay
Douglas MacArthur bilang komander ng USAFFE, buong
tapang sila na nakikipaglaban kasama ng mga Geriyang
Pilipino na sumapi sa kanila ngunit hindi sapat ang kanilang
kagitingan upang labanan ang mga mananakop na Hapones
dahil kulang ng mga armas ang mga USAFFE at mga
sundalong Pilipino.
• Ang pagbagsak ng depensa ng USAFFE (United States
Armed Forces in the Far East) sa baybayin ng Lingayen
at Lamon ng Luzon, at ang walang humpay na pag-atake ng
hukbong panghimpapawid ng Japan ang nagtulak upang
isulong ni Douglas MacArthur ang War Plan Orange3
(WPO-3). Ang nasabing plano ni Douglas McArthur ang
nagpasimula sa pag- atras ng pwersang USAFFE at ng mga
girelyang Pilipino patungong Bataan. Sa Bataan sila nanatili
at nakipaglaban habang naghintay na dumating ang tulong
at pangako ni Douglas MacArthur. Ngunit walang
dumating.
• Abucay Line ang kauna-unahang depensa sa Bataan na
kumalat ito sa kabuuan ng pulo hanggang sa bayan ng
Mauban. Tuloy-tuloy na paglusob ang ginawa ng mga
Hapones sa Abucay Line. Masigasig ang ginawang pag-
atake ng tropa ng Hapones sa Bataan subalit napigilan sila
ng 41st Division na pinamunuan ni Brigadier General
Vicente Lim. Dahil sa katatagan ng 41st Division sa
pakikipaglaban tinaguriang itong “ Rock of Bataan”
Ngunit maraming namatay at sugatan na mga sundalo ang
dahilan upang mapasok ng tuluyan ang Abucay Line sa mga
Hapones noong Abril 9,1942.
• Ang hukbo ni Hen. Masaharu Homma ay sumalakay ng
walang awa sa kampo ng USAFFE na sa panahong iyon
wala nang lakas lumaban parasa Bataan.Si Edward P. King
ang namumuno ng USAFFE sa Bataan ay sumuko sa
Hapones nang walang pahintulot ni Hen.Jonathan
Wainwright. Ito ang dahilan sa pagbagsak ng Bataan sa
kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.
• Ang Death March
• Nabihag ng hukbong Hapones ang 70,000 kawal na Amerikano at
Pilipino at labing-anim na heneral ang sumuko anim dito ang
heneral na mga Pilipino. Pinuwersa ng mga Hapones na pagmartsahin
ang mga bihag sa loob ng 7 hanggang 11 na araw mula Maraviles,
Bataan, hanggang San Fernando, Mula rito sumakay ang mga bihag
sa tren at dinala sa kampo sa Capas, Tarlac. dumanas ng gutom uhaw,
pagod at sakit ang mga bihag na Pilipino at Amerikano sa
pagmamartsa patungong San Fernando. Binabayoneta ang mga
sundalong hindi na makalakad. Lahat ng mga nakaligtas ay isinakay
sa tren patungong Capas, tarlac subalit marami sa mga sundalong
bihag ang namatay dahil sa kawalan ng hangin sa kanilang
sinasakyan.
• Ang pagbagsak ng Corregidor
• Ang Corregidor na lamang ang natirang kuta ng mga
USAFFE kaya sinikap ni Hen. Jonathan Wainwright na
ipagtanggol. Subalit hindi na ito makayang pigilan ang mga
kalaban dahil sa pagbagsak ng Bataan. Bumagsak ang
Corregidor sa kamay ng mga Hapones noong Mayo 6,
1942. May 12,000 sundalong Pilipino at Amerikano ang
sumuko kay Hen. Masaharu Homma.
• Pinilit ng mga Hapones si Hen. Jonathan Wainwright na
ipahayag ang pagsuko sa lahat ng mga sundalong USAFFE
sa bansa. Marami sa mga Pilipino ang hindi sumunod sa
utos ni Hen. Jonathan Wainwright sapagkat para sa mga
Pilipino ay hindi pa tapos ang laban. Tumakas sila at
namundok, nagtatag ng mga pangkat gerilya,at patuloy na
nakipaglaban sa mga Hapones. Noong Enero 12,1942, bago
pa man bumagsak ang Bataan at Corregidor matagumpay na
nasakop ng mga Hapones ang Maynila at inaitatag ang
Pamahalaang Militar ng Japan.
• Ang Pamahalaan sa panahon ng Hapon ay tinawag na
Ikalawang Republika at binansagang Panahon ng
Kadiliman dahil naghirap ng husto ang mga Pilipino.

You might also like