You are on page 1of 2

PAMAHALAANG KOLONYAL NG MGA AMERIKANO

Nagsimula ang pananakop ng Amerikano o ang pagkakolonyal ng Amerikano sa


Pilipinas. Nagkasundo ang Pilipinas at ang Estados Unidos na magsama para sa
kalayaan ng Bansa. Binigyan ng suportang militar and Pilipinas dahil dito ngunit
nagkaroon ng alitan ang dalawang kampo dahil sa hangarin ng Pilipinas na mag isa
nalang at gusto ng Pilipinas na makamit ang kalayaan na sila lang kaya tumutol si
Aguinaldo nung panahon na iyon at nagawa ng Pilipinas na bumuwag sa kampo ng
Estados Unidos.

Phil. Organic act 1902


Ang Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng
1902 (english: Philippine Bill of 1902 o Philippine Organic Act (2013)) ay isang
batas na ipinatupad ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1902. Ipinagtibay ito noong
2 Hulyo 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang
pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilango dahil sa
pagkakautang,pagiging pantay-pantay sa harap ng batas at kalayaan mula sa
pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino na kasapi sa
komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng
Estados Unidos.
Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas. Noong Hulyo
30,1907 ginanap ang halalan at ang pagpapasinaya ay ginanap noong Oktubre
16,1907 sa Grand Opera House. Naging speaker si Sergio Osmeña at si Manuel L.
Quezon naman ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi. Nahirang din sina
Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng
Estados Unidos.

Phil. Autonomy Act of 1916


Ang Batas Jones o ang Philippine AutonomyAct ay ang batas na nagbibigay sa
mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa
Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang
matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng
Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng
Pilipinas. Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas
Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at
nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.Ayon sa preamble ng Batas
Jones,babawiin ng USA ang soberanya nito sa Pilipinas at kilalanin ang kalayaan ng
mga Pilipino makaraang magkaroon ang Pilipinas ang isang matatag na
pamahalaan.
Isa pang mahalagang probisyon ng Batas Jones ang pagtatag ng lehislatura na may
dalawang kapulungan,ang Senado at ang kapulungan ng mga Kinatawan.Ang
senado ay bubioinng 24 na kasaping inihal at 80 naman sa Kapulungan ng
Kinatawan.May dalawang senador naman ang itinalaga ng gobernador-heneral
upang magsilbing kinatawan ng mga Pilipinong hindi kristiyano.Bagama't Batas
Jones ang unang batas na nagbigay ng pangakong kalayaan sa mga Pilipino,hindi
tinukoy kung kailan ipinagkakaloob ang pangakong kalayaan.

Phil. Independence Act Of 1934


Ang Batas Tydings–McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng
Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Ika-24 ng
Marso taong 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng
nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados
Unidos) pagkatapos ng sampung taon.
Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong politikong si Manuel L. Quezon ang
"misyong pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa
pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.Kabilang sa mga probisyong tinutulan
ng misyong pangkalayaan ni Manuel L. Quezon ang pananatili ng base militar sa
Pilipinas;ang walang katiyakang kapangyarihang taglay ng High Commissioner na
itatalaga sa Pilipinas; at ang limitasyon kaugnay sa pagpasok ng mga Pilipino
sa U.S.A..

You might also like