You are on page 1of 4

The Little Sparrow Pedie Care Center

#55 T.M Kalaw St., Lipa City


School Year 2021-2022
First Bi-Monthly Period

ESP 4

NAME: ________________________________________ DATE:_________

Aralin 1
Ang Batang si Marie

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang…

 Masasabi ang katotohanan anuman ang maging bunga nito;

 Maipapakita sa kilos ang katapatan sa kapwa; at

 Mapapahalagahan ang kabutihang dulot ng pagsasabi at pagpapakita ng katapatan sa


kapwa.

SURIIN MO!
Si Marie ay nag-iisang anak lamang nina Aling Julia at Mang Fidel. Bata pa lamang si
Marie ay kinakitaan na siya sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa. Lumaki sa pangaral
kung kaya hindi mahirap sa kanya ang pasunurin sa mga bagay na ninanais ng magulang. Bata
pa lamang si Marie ay marunong na siyang manindigan sa tama.
Isang araw habang papasok ng kantina si Marie ay nakita niya ang kaibigang si Luisa na
umiiyak. Nilapitan niya ito at tinanong.
“Bakit ka umiiyak Luisa, anong nangyari?” tanong ni Marie.
“nawawala ang pitaka ko, may kumuha sa bag ko. Bagong bili pa naman ng nanay ko iyon.”
Umiiyak na sabi ni Marie.
“Iyon ba ang ipinapakita mo sa amin ni Mina noong isang araw?”
“Oo, iyon nga. Lagot ako kay Nanay,” ang sabi ni Luisa.
“May baon ka bang pagkain? Di bale hatian na lang kitasa baon ko. Halika,kain na tayo huwag
ka nang umiyak,” ang pag-aalok na sabi ni Marie.

‘Hindi lang naman iyon ang iniiyak ko. Naroon kasi sa pitaka iyong perang pambayad ko sa
aklat na kailangan natin. Wala ng pera sila Nanay pero pinilit pa rin nilang mabigyan ako ng
pambili ng aklat. “Paano iyon?” umiiyak pa ring sabi ng kaklase.
Natapos ang oras ng kainan, bumalik na ang mga bata sa kanilang silid-aral. Pagkatapos ng
klase, hindi na nakapag-usap pa sina Marie at Luisa dahil umuwi na ito. Nagdaan muna sa
palikuran ng Paaralan si Marie bago umuwi. Nakita niya roon ang kaibigang si Mina. Nang
Makita siya ni Mina ay parang nagulat pa ito. Napansin niyang may hawak na pitaka si Mina,
kamukha ito ng nawawalang pitaka ni Luisa. Hindi nagpahalata si Marie. Maya-maya ay
nilapitan siya ni Mina.
“Marie, may napulot akong pitaka tingnan mo,” pagmamalaking sabi ni Mina.
Iniisip ni Marie na baka kamukha lamang ng pitaka ni Luisa ang hawak ni Mina. Ngunit hindi
mapakali si Marie kaya kinausap niya si Mina.
“Saan mo napulot iyan?” tanong ni Marie.
“Diyan lang sa may kantina,” sagot ni Mina.
Hindi na nakatiis si Marie, ikinuwento niya nang mabilisan ang nangyari kay Luisa.
“Ang iniiyak ni Luisa ay hindi lang dahil sa pitaka kundi iyong perang pambili ng aklat na
kailangan niya. Kasama roon sa nawalang pitaka. Gumawa lang kasi ng paraan ang mga
magulang upang mabigyan siya ng perang pambili ng aklat kahit gipit sila,” patuloy na sabi ni
Marie.
“Bakit mo iyan sinasabi sakin? Ano ang ibig mong sabihin? Ako ang kumuha ng pitak ni Lusia?
Pagalit na tanong ni Mina.
“Mina, huwag kang magalit sa akin. Pareho nating kaibigan si Luisa at nakita mo ang pitaka ni
Luisana bigay ng nanay niya nung kaarawan niya. Ang sinasabi ko lang, kamukha kasi ng
pitaka ni Luisa ang pitakang pinakita mo sa akin ngayon. Kung hindi ikaw ang kumuha, e di
hindi,” paliwanang ni Marie.
Hindi na nakaimik pa si Mina; padabog itong umalis at iniwanan si Marie. Ilang araw ang
lumipas at hindi parin kinikibo ni Mina si Marie. Isang araw, lumapit si Luisa kay Marie.
“Marie, may nagsauli ng pitaka ko. Nakita ko na lang sa loob ng bag ko. May nakalagay pa
ngang sulat, humihingi ng tawad sa pagkuha niya ng pitaka ko,” natutuwang sabi ni Luisa.
“Mabuti naman kung ganoon, natutuwa ako para sa iyo,” ang sabi ni Marie.
Masayang umuwi si Marie at naisip niya si Mina. Alam niya mapapawi rin ang galit nito. Ang
mahalaga sa kanya at nagawa ni Mina ang dapat.

SAGUTIN MO!
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
____________________________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ano ang nangyari sa kaibigan ni Marie na si Luisa?


____________________________________________________________________________
________________________________________________________
3. Paano kinausap ni Marie ang kaibigang ni Mina?
____________________________________________________________________________
________________________________________________________

4. Ano ang naging epekto nito sa kanilang pagkakaibigan?


____________________________________________________________________________
________________________________________________________
5. Kung ikaw si Marie, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa ?
____________________________________________________________________________
________________________________________________________

6. Magbabalik pa kaya ang mabuting pagkakaibigan nina Marie at Mina matapos ang nangyari?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
____________________________________________________________________________
________________________________________________________

II. Panuto: Isulat ang SA sa linya kung sang-ayon ka sa pahayag sa bawat bilang, DS kung
hindi ka san-ayon.

_________ 1. Aaminin mo ang totoong pangyayari.

_________ 2. Sasabihin mo ang totoo kahit magalit ang kaibigan mo.

_________ 3. Ituturo mo ang iba maligtas lang ang sarili.

_________ 4. Isasauli mo ang sobrang sukli sa tindahan.

_________ 5. Itatago mo ang sulat ng guro para sa nanay mo.

Nakatitiyak ka ba?
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Ano-ano ang mga bagay na inaakala mong totoo?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang suriin muna kung katotohanan ang isang bagay, pangyayari, o sitwasyon
bago ito paniwalaan?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Sino ang mga taong maaari mong tanungin para tulungan kang suriin ang isang pangyayari o
bagay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________

4. Paano mo maipapakita ang pagiging mapanuri?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________

5. Bakit mahalaga ang pagiging bukas ng isipan sa pagpapasiya?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________

You might also like