You are on page 1of 11

Halimbawa ng mga larawan:

Namatayan ng mahal sa buhay Naiwan ng magulang


Halimbawa ng mga larawan:

Nag-iisa Malungkot
Ang Kuwento ni Mina
Kataka-takang walang imik buong
araw si Lydia. Napansin kong sa buong araw
ay hindi man lang siya nakibahagi sa mga
talakayan. Sa mga pangkatang gawain ay
hindi ri siya nakilahok. Wala man lang ngiti
sa kaniyang mukha. Bakas sa kaniyang mga
mata na siya ay umiyak. Hindi ako sanay na
makitang ganito si Lydia.
Tinapik ko ang kaniyang balikat sabay: “Lydia,
ganyan talaga ang buhay. Lahat tayo ay pahiram
lang sa mundo. Nauna lang ang tatay mo.
Magpasalamat na lang tayo at minsan ay
naranasan natin ang pagmamahal ng ating tatay.
May mga bata nga na hindi pa nila nakita o
nakilala man lang ang kanilang magulang.”
Nang lapitan ko siya ay bigla siyang umiyak.
Tinapik ko ang kaniyang mga balikat at tumabi sa
kaniya. Nagsimula siyang magkuwento na ngayon
ang ikaisang taon ng pagkamatay ng kaniyang
mahal na tatay. Tahimik kaming dalawa habang
nakaupo pagkatapos niyang magkuwento na noong
buhay pa ang kaniyang tatay ay hindi nito
nakaligtaang mag-uwi ng pasalubong mula sa
kaniyang trabaho kahit ito ay kendi lang, pansit na
hindi naubos o di kaya’y lapis na maaaring gamitin
ni Lydia sa paaralan.
Isapuso Natin
Ayon sa naibahaging • Panginoon, bigyan mo po
karanasan sa pagdamay sa ng lakas ng loob ang mga batang
kapuwa, alam mo na ngayon nawawalan ng pag-asa sa buhay.
kung sino ang ___________________________
nangangailangan ng iyong ___________________________
pag-unawa. Dugtungan mo ___________________________
ang isang panalangin para sa ___________________
kanila. Gawin ito sa
Amen.
kuwaderno.
Tandaan Natin
Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras na siya ay
masaya-masaya, ngunit may mga panahon din na siya ay
malungkot dahil sa problema. Sa ganitong pagkakataon,
kakailanganin niya ng taong puwedeng dumamay sa kaniya.
Maaaring material na bagay ang tulong na maibahagi o isang
kaibigan na makikinig at magbibigay ng payo.
Sa lahat ng pagkakataon, kailangan maging sensitibo sa
damdamin at papangangailangan ng kapuwa. Ito ang
pinakamabuting paraan upang maipadama natin ang
pagmamahal at pag-unawa na kinakailangan ng ating kapuwa
na walang anumang hinihintay na kapalit.
Isabuhay Natin
Gumawa ng talaarawan upang itala kung paano kayo nagpakita ng pag-unawa o
pagdamay sa mga kaklaseng may suliranin. Tingnan ang talaarawan ng pag-unawa sa ibaba.
TALAARAWAN NG PAG-UNAWA

Kapuwa kong Suliranin ng aking Paraan ng pagpapakita ko ng pag-


nabigyan ng pag- kapuwa unawa o pagdamay
unawa
Lunes
Martes
Miyerkules

Huwebes

Biyernes

__________________
Lagda ng Guro
Subukin Natin
Gawain 1
Masayang-masaya ang
nanalo sa paligsahang ito. Ano
kaya sa palagay mo ang
damdamin ng hindi pinalad na
manalo? Gumawa ka ng isang
sanaysay para sa natalong
kandidata at iparamdam mo sa
kaniya ang iyong pag-unawa.
Gawain 2
Malungkot ang iyong kamag-aaral na si Mico.
Napagalitan siya ng kaniyang magulang sapagkat
bumaba ang kaniyang marka. Kasama siya dati sa mga
nangunguna sa klase subalit dahil sa pagbaba ng
kaniyang marka ay hindi na siya nakasama. Ano ang
maaari mong sabihin kay Mico?
Gumuhit sa iyong kuwaderno ng speech balloon at
isulat sa loob nito ang iyong payo sa kaniya.
Mico, nais kong sabihin sa iyo
na_____________________
______________________
__________________

You might also like