You are on page 1of 28

Week 4

Damdamin Mo,
Nauunawaan
Ko
Ang pagdamay sa kapuwa ay isang
gawaing kinalulugdan ng Diyos.Ang
magagandang karanasan sa pagtulong
na naibabahagi sa iba ay maaaring
kapulutan ng magandang halimbawa ng
ibang mga kabataan.
Ang Kuwento ni Mina
Kataka-takang walang imik boung
araw si Lydia. Napansin kong buong
araw ay hindi man lang siya nakibahagi
sa mga talakayan. Sa mga pangkatang
gawain ay hindi rin siya nakilahok. Wala
man lang ngiti sa kaniyang mukha.
Bakas sa kaniyang mga mata na siy ay
umiyak. Hindi ako sanay na makitang
ganito si Lydia.
Nang lapitan ko siya ay bigla siyang
umiyak. Tinapki ko ang kaniyang mga
balikat at tumabi sa kaniya. Nagsimula
siyang magkuwento na ngayon ang
ikaisang taon ng pagkamatay ng
kaniyang mahal na tatay. Tahimik
kaming dalawa habang nakaupo
pagkatapos niyang magkuwento na
noong buhay pa ang kaniyang tatay ay
hindi nito nakaligtaang mag-uwi ng
pasalubong mula sa kaniyang trabaho
kahit ito ay kendi lang, pansit na hindi
naubos o di kaya’y lapis na maaaring
gamitin ni Lydia sa paaralan.
Tinapik ko ang kaniyang balikat
sabay sabi: “Lydia,ganyan talaga
ang buhay.Lahat tayo ay
pahiram lang sa mundo. Nauna
lang ang tatay
mo.Magpasalamat na lang tayo
at minsan ay naranasan natin
ang pagmamahal ng ating
tatay.May mga bata nga na
hindi pa nila nakita o nakilala
man lang ang kanilang
magulang.
1.Kilalanin mo sina Mina at Lydia batay sa
binasang kuwento. Magbigay ng mga
katangian nilang dalawa.
2. Mula sa mga katangiang iyong
binanggit, masasabi mo ba kung sino sa
kanila ang nagpakita ng pag—unawa sa
damdamin ng kapuwa? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

3.May maibabahagi ka bang karanasan


tulad ng kay Mina? Ikuwento ito sa
klase.
DAY 2
GAWAIN 1:
1. Suriin ang mga larawan.

A. Batang nahiwalay sa kaniyang mga


kasama sa parke
B. Batang pinagagalitan ng
guro.
c. Mga batang marurumi at
namumulot ng basura .
D. Batang pilay na pinatid
ng isa ring bata.
2. Gamit ang iyong kuwaderno, gumuhit ng dalawang
puso.

3. Sa unang puso, isulat kung ano ang iyong


nararamdaman tungkol sa mga larawan A,B,C,D. Sa
ikalawang puso isulat kung paano mo maipakikita ang
iyong pagdamay.

Damdamin ko para sa aking


kapuwa
1.
2
3
Gagawin ko upang maipakita ang
akig pagdamay.
A.
B.
C.

GAWAIN 2: Tayo’y maglaro ng


Unawa-awa.”
DAY 3
Ayon sa inyong ibinahaging karanasan sa
pagdamay sa kapuwa,alam mo na ngayon
kung sino ang nangangailangan ng iyong
pang-unawa.Dugtungan mo ang isang
panalangin para sa kanila.

Gawin mo
ito sa iyong
kuwaderno.
Panginoon,bigyan mo po ng lakas
ng loob ang mga batang nawawalan
ng pag-asa sa
buhay._________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________.
TANDAAN:
Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras na
siya ay masayang-masaya,ngunit may mga panahon
din na siya ay malungkot dahil sa problema. Sa
ganitong pagkakaataon,kakailanganin niya ng taong
puwedeng dumamay sa kaniya.Dahil bawat tao ay
gumagalaw sa isang komunidad,marapat na siya ay
makipag-ugnayan o makibahagi sa ibang tao. Sa
kaniyang pakikibahagi,natutuhan niya ang pagdamay
at pag—unawa sa damdamin ng iba,hanggang sa
maipamamalas niya ang paglalagay ng kaniyang sarili
sa kinalalagyan ng ibang tao.Sa paraang ito ay
nakatutulong na siya.
Maaaring materyal na bagay ang tulong na
maibabahagi natin ngunit hindi laging ito ang
kailangan ng iba.May mga panahon na kailangan
ng isang kaibigan na makikinig ng payo.Kung
minsan nama’y kasama sa isang tagumpay ang
kailangan ng tao.sa lahat ng
pagkakataon,kailangan lang maging sensitibo sa
damdamin at pangangailangan ng kapuwa.Ito
ang pinakamabuting paraan upang maipadama
natin ang pagmamahal at pag-unawa na
kinakailangan ng ating kapuwa na walang
anumang hinihintay na kapalit.
DAY 4
Gagawa kayo ng talaarawan
upang itala kung paano kayo
nagpakita ng pag-unawa o
pagdamay sa kanila. Ipapasa ito
minsan sa isang linggo upang
lagdaan ng inyong guro. Tularan
ang talaaarawaan sa ibaba.
TALAARAWAN NG PAG-UNAWA
Kapuwa kong Suliranin ng Paraan ng
nabigyan ng pag- aking kapuwa pagpapakita ko
nawa ng pag-unawa
LUNES

MARTES

MIYERKOLES

HUWEBES

BIYERNES

Lagda ng Guro
DAY 5
GAWAIN 1:
Masayang-masaya ang nanalo
sa paligsahang ito. Ano kaya sa
palagay mo ang damdamin ng
hindi pinalad na manalo?
Gumawa ka ng isang sanaysay
para sa natalong kandidata at
iparamdam mo sa kniya ang
iyong pag-unawa.
Gawain 2:
Malungkot ang iyong kamag-aral na si
Mico.Napagalitan siya ng kaniyang magulang
sapagkat bumaba ang kaniyang marka.Kasama
siya dati sa mga nangunguna sa klase subalit dahil
sa pagbaba ng kaniyang marka ay hindi siya
nakasama.Ano ang maaari mong sabihin kay
Mico?
Mico, nais
kong
sabihin sa
iyo na
Salamat Po……
Ms. Rency I. Lungcay
Trece Martires City Elem. School
Trece Martires City,Cavite

You might also like