You are on page 1of 4

Early Christian College

OF ARTS AND TECHNOLOGY INC.


#202 R. Mercado St., Poblacion, Santa Maria, Bulacan

MATATAG ANG AKING


KALOOBAN

Ang kailangan ng daigdig ay katatagan ng kalooban ng magulang mula sa mga


ama at ina na hindi takot magsalita at manindigan para sa kanilang mga anak.

Ang layunin sa araling ito ay:

1. Nakakapagpakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag aaral.


1. pinag-iigihan – pinagbubuti
2. kakaripas – mabilis na tatakbo
3. hikahos – mahirap
4. ilalako – ititinda

Andres, Hari ng Saging

Madaling-araw pa lamang ay nagsisimula nang maglakad si Andres papunta sa paaralan. Malayo man
ang kaniyang tirahan sa kaniyang paaralan ay masipag siyang pumapasok. Kahit na pagod na at kumakalam ang
sikmura ay tuloy-tuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad. Hindi rin sagabal para sa kaniyang pagpasok ang
matinding sikat ng araw o malakas na buhos ng ulan.

Maliit man ang kinikita ng magulang ni Andres ay hindi naman sila pumapalya sa pagbibigay sa kanya
ng kahit maliit na baon. Maaari naming sumakay si Andres sa dyip upang mapabilis ang kaniyang biyahe
papunta sa paaralan ngunit nais niyang ipunin ang kaunting pera na mayroon siya upang makatulong sa
kanilang pangangailangan.
Pagdating sa paaralan ay pinag-iigihan ni Andres ang pakikinig at pakikilahok sa klase. Kahit na kulang
ang kaniyang mga kagamitan ay gumagawa siya ng paraan upang maipasa ang lahat ng proyekto at iba pang
kailangan sa paaralan. Nasa isip niya palagi ang kaniyang tatay at nanay. Nais niya na makakuha ng mataas na
marka upang sila ay mapangiti.

Pagkatapos ng klase ay mabilis na uuwi si Andres upang tumulong sa kaniyang ina sa pagluluto ng meryendang
ilalako niya sa mga kapitbahay.
“Banana-Q! Turon! Maruya!” ang sigaw ni Andres sa lansangan. Kapag nakikita siya ng kaniyang mga
kaibigan ay sumisigaw ang mga ito ng “Andito na pala si Andres, ang hari ng saging!” Nakikitawa lamang siya.
Hindi na mahalaga kahit ano pa ang sabihin nila. Ang mahalaga ay maubos ang kaniyang tinda.
Kapag dapit-hapon ay bibilangin na ni Andres ang kanyang kinita sa pagtitinda at hahatiin ito sa
dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ilalagay niya sa kanyang alkansiya at ang ikalawang bahagi ay ibibigay
niya sa kaniyang ina. Pagkatapos, siya ay magsasaing na. alam niyang pagod na ang kanyang magulang mula sa
paghahanapbuhay para sa kaniyang pag-aaral at para sa kanilang mga pangangailangan kaya ang ginagawa niya
ay pinagsisilbihan niya sila sa kaniyang munting paraan. Bago matulog ay inihahanda na niya ang kanyang mga
gamit para sa pagpasok kinabukasan. Pagkatapos ay lalapit na siya sa kanyang magulang, at saka magmamano
at yayakap sa kanila.

Pagod man ay bakas ang saya sa mukha ni Andres sa kanyang pagtulog. Kahit na ang kanyang pamilya
ay hikahos sa buhay, mayaman naman siya sa sipag at tiyaga.

Katatagan ng Loob

Sa pang-araw-araw na daloy ng buhay ay nakararanas ang bawat tao ng


lungkot at ligaya. May mga panahong madali ang lahat ng bagay. Dumadarating din
naman ang mga sandaling pighati at pagsubok ang hinaharap. Tama lang bang
bumitiw na at mawalan ng pag-asa?
Tatag ng loob ang iyong kaagapay upang makamit ang layunin at
malampasan ang bawat problema. Hindi makahahadlang ang anumang balakid
– tulad ng katayuan sa buhay, kapansanan, o kahinaan – upang makamit ang mga
layuning iyong itinakda. Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa na makakamit mo ang
iyong mga pangarap. Magtiwala ka sa iyong sarili at sa kaya mong gawin.
Matapang mong harapin ang anumang pagsubok.
Maaaring makatulong ang mga tao sa iyong paligid upang masolusyunan
ang iyong mga problema at makamit ang iyong layunin. Ang iba’t-ibang babasahin,
tulad ng mga diyaryo at magasin, programang napapanood – maaaring sa
telebisyon, pelikula, o Internet – ay mapagkukunan din nga mga
impormasyong makatutulong sa paglutas ng iyong mga suliranin.
Ang taong may tatag ng loob ay hindi nawawalan ng
pag-asa. Siya ay nagsusumikap hanggang kaya. Nakahahanap
siya ng paraan upang matamo ang naisin sa buhay.
Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasasaad sa
pangungusap ay katangian ng isang taong matatag ang loob. Lagyan
ng X ang patlang kung hindi.

_____________1. Sa kabila ng kahirapan ay nagsusumikap siya sa kanyang nga


layunin sa buhay.
_____________2. Mayroon siyang lakas ng loob at pag-asa na balang-araw, ang
kaniyang mga pangarap ay matutupad.
_____________3. Walang balakid o hadlang na makpipigil sa kaniya sa
pagtatapos ng kaniyang gawain.
_____________4. Mayroon siyang prinsipyo at buo ang kaniyang tiwala sa
sarili na malulutas ang anumang suliranin.
_____________5. Naniniwala siya na ang maliit na hakbang ay hindi
makatutulong sa pagtatanto ng kaniyang mithiin.
_____________6. Nakikisama siya sa mga kaibigang nag-uudyok sa kaniyang
gawin ang isang bagay upang malampasan ang problema kahit
na ito ay makasasama sa iba.
_____________7. Siya ay maramdamin at madaling masaktan sa mga
mungkahing natatanggap.
_____________8. Tanggap niya ang mga pagsubok ay bahagi ng buhay na
kailangang pagdaanan ng isang tao bago magtagumpay.
_____________9. Hindi siya pumapayag na maunahan, mahigpitan, o
malampasan ng sinuman sa pag-asenso sa buhay.
_____________10. Nagpapahalaga siya sa kaniyang sariling gawa at kakayahan.

Magagawa nating harapin ang anumang dagok ng buhay na darating sa


atin upang subukin ang ating diskarte sa buhay.

You might also like