You are on page 1of 3

Kasanayang Pampagkatuto/Kompetensi:

F10TN-Id-i-2 Naikakategorya ang kontribusyon ng teksto sa iba’t ibang aspekto


ng
lipunan at disiplina

Pagtukoy sa iba’t ibang aspekto ng lipunan at disiplina

Ang Lakas ng Kabataan


(ni Jake N. Casiple)

Ayon sa isang lumang kasabihan, ang pagiging masipag ay tulay tungo sa tagumpay,
isang ugali na nagbibigay daan sa pag-angat sa buhay at pagkamit ng mga pangarap.

Sa isang maliit na barangay ng lungsod Bukana, may isang batang lalaki na


nagngangalang Andrew. Si Andrew ay isang halimbawa ng pagiging matatag sa
anumang hamon sa buhay, para sa kabataan at ito ang kanyang kuwento.

Simula noong bata pa, may mataas na pangarap na na minimithi si Andrew. Gusto
niyang maging inhinyero, mabago ang kanilang buhay at maiangat ang kaniyang
buhay na kinagisnan. Sa patuloy na pagtahak niya sa kanyang mga pangarap may
dumating na hindi inaasahang pagsubok. Ang kanyang ina ay nagkasakit at
nagkaroon ng komplikasyon sa puso. Tanging ang kanyang ama lamang ang
nagkakayod kalabaw sa bukid para sila ay may makakain. Gayunpaman, si Andrew
ay hindi nagpatinag. Gamit ang kanyang kaunting ipon sa alkansya, ay nagsumikap
si Andrew na gumawa ng paraan upang matulungan ang kanyang mga magulang at
makapagpatuloy sa kanyang pag-aaral.

Tuwing umaga, bago magtanghalian, si Andrew ay nagtitinda ng mga kakanin sa


kanilang barangay. Kinagigiliwan si Andrew ng kanyang mga mamimili dahil sa
kanyang pagiging masayahin at pagiging positibo sa pananaw sa buhay. Ginagawa
niya ito upang makatulong sa kanyang mga magulang at sa kanyang pangarap. Kahit
na pagod na pagod na siya sa mga gawain, hindi niya ito iniinda. Sa halip, itinuturing
niyang inspirasyon ang bawat pagkakataon na kumita. Sa murang edad ay palagi
niyang iniisip ang kapakanan ng pamilya.

Sa kanyang pag-aaral, si Andrew ay kilalang masipag at palaging handang matuto.


Kahit na pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, nag-aaral pa rin siya nang buong
puso. Hindi siya pumapayag na mabalewala ang kanyang pangarap, at itinuturing
niyang kayaman ang bawat aral na natutunan. Hindi alintana ang mga panunuksong
ginagawa sa kanya ng kanyang mga kaklase at kamag-aral, bagkus, mas pinipili niya
paligi ang mapagkumbaba at paglayo sa mga tukso.

Si Andrew ay palakaibigan, sa totoo lang, kahit siya ay maraming ginagawa, ay


nabibigyan niya nang kahit kaunting oras ang kanyang sosyal na aspeto, ang
makapaglaro sa mga kaklase at mga kaibigan. Kung minsan, ito rin ang nagsisilbing
pampawi ng kanyang hirap at pagod.
Nang dumating ang araw ng kanyang kolehiyo, hindi naging madali ang mga unang
hakbang. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, ipinakita ni Andrew ang kanyang tapang
at determinasyon. Siya ay nag-apply ng mga scholarship at part-time jobs para
makatulong sa kanyang pag-aaral. Sa hirap ng buhay kolehiyo, hindi siya nagpatinag.
Ipinakita niya ang kanyang lakas sa pagiging matatag.

Sa paglipas ng mga taon, natupad ni Andrew ang kanyang pangarap na maging


inhinyero. Isa siyang matagumpay na propesyonal na nagbibigay inspirasyon sa mga
kabataan. Hindi niya malilimutan ang mga pagsubok na kanyang hinarap at kung
paano niya ito nilabanan. Sa bawat tagumpay niya, lagi niyang iniisip ang mga
salitang, "Ang pagiging matatag ay may gantimpala."

Ang kuwento ni Andrew ay isang patunay na ang kabataan ay may mas malalim at
natatanging lakas. Sa kabila ng mga pagsubok at hamon, may kakayahan silang
harapin ang buhay ng may tapang at determinasyon. Ipinapakita ng kwentong ito na
ang pagiging matatag ay may kakayahan na magbukas ng mga pintuan ng
oportunidad at tagumpay.

MGA KOMPREHENSYONG TANONG:

PANG-UNAWANG LITERAL
1. Ano ang pagsubok na dumating sa buhay ng tauhan ayon sa kuwento?
Posibleng sagot: Ang pagsubok na dinanas ni Andrew ay nang nagkasakit ang
kaniyang ina at tanging ang kanyang ama na lamang ang kumakayod para sa
kanila. (Paktwal)

PAGHIHINUHA
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari sa pamilya ni Andrew kung hindi
siya naging matatag sa pagharap ng mga pagsubok niya sa buhay? (Paghula sa
maaaring maganap - Interpretatib)
Posibleng sagot: Maaaring hindi siya nakatapos ng kanyang pag-aaral at hindi
niya natupad ang kanyang mga pangarap sa buhay at sa kaniyang pamilya.
(Nakadepende sa sagot ng mag-aaral)

EBALWASYON
3. Batay sa kuwento, ano ang natutunan mong mahalagang aral na maaari mong
gamitin sa totoong buhay? Paano mo ito mapapahalagahan?
Posibleng sagot: Natutunan ko sa kuwento ang pagiging masipag at matatag sa
anumang hamon ang dumating sa aking buhay. Mapapahalagahan ko sa
pamamagitan ng pagtanaw ko ng utang na loob sa aking mga magulang at
pamilya sa kanilang mga sakripisyo para makapagtapos ako sa aking pag-aaral
at mabigyan ng magandang buhay.
(Nakadepende sa sagot ng mag-aaral)
PAGPAPAHALAGA
4. Kagaya ni Andrew, ano-ano ang mga pangyayari sa iyong buhay na minsan
kang nakaramdam ng kahinaan ng loob at kawalan ng determinasyon ngunit
mas pinili mo ang maging matatag at abutin ang iyong mga pangarap?
Magbigay ng isang sitwasyon.
Posibleng sagot: (Nakadepende sa sagot ng mag-aaral)

JAKE N. CASIPLE
Alangilan National High School

You might also like