You are on page 1of 6

Catch-up

Asignatura: FILIPINO 6- PAMPAGKABIGO Baitang Ikaanim


Irene P. Ruffy Dalubgurong
Guro: Namamahala Ma.Carmina B. Villones
Oras: 7:00-9:50 AM Petsa: Marso 1, 2024

Bahagi Oras Mga Gawain


Bago
Bumasa 50 1. Pagsisimula ng klase sa awitin na may pamagat
minuto na Pinoy Ako, Pinoy Tayo ng Orange Lemon

2. Anyayahan ang mga mag-aaral na magbigay ng


nagustuhan nilang mensahe ng awit.

3. Bumuo ng apat na pangkat, mayroong mga maliliit


na papel na ginupit inilagay sa kahon,pakuhanin ang
mag- aaral,nakasulat dito ay mga salitang
magkakaugnay na siyang gabay ng kasapi ng bawat
pangkat.

Pangkat1
Alinsangan – abaniko bentilador panyolito sa malamig
payong
Pangkat II
Pera- pambili pamabayad iniipon baon sukli

Pangkat III
Tuberkulosis- polusyon sigarilyo baga ubo hapo

Pangkat IV-
Ulila – ampunan palaboy walang ama walang ina kalye

(Kung sampu sa isang pangakt ang kasapi ay mag-gupit


ng 2 ulit ng salita)

4. Talasalitaan: Ang mga mga matalinhagang salita at


kanyang kahulugan ay nakasulat sa paper stips, bago
dumating ang mga mag-aaral ay idikit ito sa ilalim ng
silya/desk ng mag-aaraal, Ipahanap ito at kapag nakita
na ay ipabasa sa magkaparehang nakakuha.
Matalinhagangang salita Kahulugan
Isang kahig,isang tuka mahirap
Nagdurugo ang puso Nasaktan na damdamin
Binawian ng buhay namatay
Ilaw ng tahanan ina
Kapilas ng buhay asawa
5. Ipabasa ang sumusunod na pangungusap gamit
ang matatalinghagang salita:
1. Isang kahig, isang tuka ang kanilang pamilya
kaya’t marami ang naawa sa kanila.

2. Nagdurugo ang puso ng magkakapatid sa tuwing


makikita ang kalagayan ng kaawa-awang ina.

3. Maagang binawian ng buhay ang kanilang ina


kaya’t naulila ang mga bata.

4. Magaling sa tahanan at magaling mag-alaga ng anak


ang kanilang ilaw ng tahanan.

5. Mahal na mahal niya ang kapilas ng kanyang


buhay,kaya naman alagang laga niya ito.

6. Ipakita ang larawan ni Andres

Bonifacio Kilala mo ba ang nasa

larawan?
Ano ang nalalaman mo tungkol sa kanya?

Kilala pa natin mula sa maikling kwento tungkol sa


panahong si Andres Bonifacio ay bata pa.
Habang 1. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang
Bumabasa 60 teksto pagkatapos basahin nang tahamik, ay
minuto anyayahang magbasa ang bawat pangkat.

“Si Andres Bonifacio,Nang Kanyang Kabataan


2. Habang bumabasa ay maaring tumigil at magbigay
ng katanungan.

3. Talakayin ang kwento sa pamamagitan ng pagsagot


sa mga tanong ng guro .

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

2. Bakit maagang naulila sa magulang

ang magkakapatid?
3. Paano ipinakita ni Andres ang kanyang katatagan

sa harap ng problema?
4. Ano-ano ang kanyang ginawa sa panahon ng

problema at kahirapan sa buhay? Isa -isahin natin


ang
mga ito.
5. Ano ang iyong mararamdaman kung ikaw ang

nasa kalagayan ni Andres?


6. Magagawa mo rin ba ang katatagang ipinakita niya?

7. Paano ipina kita sa kwento na namuhay nang

marangal ang magkakapatid sa kabila ng kahirapan


sa buhay?
8. Paano pinaunlad ni Andres Bonifacio ang kanyang

sarili sa kabila ng kahirapan at responsibilidad sa buhay?


9. Paano mo matutularan angmagagandang

halimbawa na ipinakita ni Andrs Bonifacio

Pagkatapos
Bumasa 60
minuto A.1.Pangkatang Gawain

a. Bawat pangkat ay sasagutan ang pyramid diagram

b. Ang bawat pangkat ay mag-uulat.

2. Lagyan ng Kahulugan ang bawat titik ng salitang BAYANI


B-
A-
Y-
A-
N-

I-
B. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
Bilang isang kabataang may nais magtagumpay,ano
ang mga gagawin mo upang maging matatag sa mga
pagsubok na nararanasan. Paano mo maiuugnay o maii-
konek ang kwento ng kabataan ni Andres Boifacio.

Inihanda nina:

IRENE P. RUFFY
JAYVEE F. BAGUIO

Binigyang Pansin ni:

MA. CARMINA B. VILLONES


Si Andres Bonifacio Nang Kanyang Kabataan
Sa isang lugar sa Tondo, Maynila ,ay nagsimula ang makasaysayan makulay na buhay ng isa sa
bayani ng ating lahi.Batang pa lamanng ay marami nang pagsubok ang kanyang binaka.Marahil ito ay isa
sa mga naging sandigan niya , kung bakit siya naging matapang at puno ng paninindigan sa buhay.
“Andres anak, nararamdaman ko na hindi na magtatagal ang aking buhay, ikaw na ang bahala sa iyong
ama at mga kapatid.Ipangako mong hindi mo pababayaan sina Ciriaco,Procopio,Espiridiona,Troadio, at
Maxima.Ang habilin ni aling Catalina sa kanyang panganay.Lumubha ang sakit na tuberkolosis ni aling
Catalina na marahil ay nakuha niya sa kanyang pagtratrabaho sa pagawaan ng sigarilyo.Dahil isang
kahig,isang tuka ang kanilang pamumuhay,hindi nagawang ipagamot ng mag-anak ang kanyang
karamdaman.Maliit lamang ang kita ni Mang Santiago sa kanyang pananahi at pamamasukan bilang
Teniente Mayor sa kanilang munisipyo.Hindi nagtagal ay binawian ng buhay ang kanilang ilaw ng
tahanan.Hindi ito nakayanan ng kanyang kapilas ng buhay,kaya’t sumunod din ito matapaos ang isang
taon.Halos dumugo ang puso ng anim na magkakapatid sa pagpanaw ng kanilang magulang.Bilang
panganay,binalikat ni Andres ang responsibilidad bilang sa kanyang mga kapatid.”Paano na tayo?Ano na
ang mangyayari sa ating buhay?Bakit ba nangyari sa atin ito? Ang magkakasunod na tanong ng bunsong
kapatid ni Andres na si Maxima.Napilitang tumigil sa pag-aaral si Andres.Naghanap siya ng mga
mapagkakakitaan upang masuportahan ang mga pangangailangan nilang magkakapatid. Namasukan
siyang bodegero sa bahay- kalakal ng isang Aleman.Nang magkaroon siya ng kaunting ipon ay gumawa
siya ng mga baston na yari sa yantok at makukulay na abanikong pamaypay katulong ang kanyang mga
kapatid at inilako.Hanggang sa ito ay naging munting negosyo ng magkakapatid na siyang bumuhay sa
kanila.Hindi sila natuksong magnakaw o manlamang sa kapuwa,sa kabila ng kahirapang kanilang
naranasan.Nagawa nilang mamuhay ng marangal at matapat.
“Abaniko,baston kayo riyan... Mura lang po... Bili na kayo... ang walang pagod na sigaw ni
Andres sa araw-araw na paglalako ng mga paninda.”Bata,magakano ang tinda mo?tanong ng isang
matandang mamimili.”Muralang po. Sampung sentimos ang isang abaniko at kinse sentimos ang
baston,” sagot ni Andres.Bigyan mo ako ng dalawang abaniko,samahan mo na rin ng isang baston para sa
kuya ko.Trenta’y singko sentimos po lahat .Pagkabayad ay kaagad pumasok ang matanda sa kanyang
bahay kaya’t sinundan ito ni Andres dahil sa sobra ng sampung sentimos ang kanyang ibinayad. “Salamat
!isa kang matapat na bata.Iilan na alang kagaya mo,iho, nakikita ko sa iyong ginagawa na darating ang
panahon ay maraming tao ang hahanga sa iyo.Sanay magtagumpay ka sa iyong buhay!”masayang wika
ng matanda. Ngiti lamang ang naging tugon ni Andres sa sinabi ng matanda.Ipinagpatuloy nya ang
paglalako ng abaniko at basto. Lalo siyang ginanahan, sa kabila ng mabigat na responsibilidad,ay hindi
nakalimutan ni Andres na paunalarin ang kanyang sarili,hindi man siya nakapasok sa pormal na paaralang
ay pinunan niya ito ng pagbabasa.Ginawa niya itong libangan lalo na sa gabi na dapat ay nagpapahinga na
siya mula sa maghapong trabaho. Pinagtiyagaan niyang mag-aral at magbasa na tanging ang malamlam
na liwanang ng ilaw ng lamparang de-gaas ang kanyang tanglaw.Ilan sa mga aklat na kanyang nabasa ay
ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, at mga aklat tungkol sa buhay ng mga naging pangulo
ng Estados Unidos,at mga aklat tungkol sa rbolusyong Pranses.Bitbit ang kanyang mga kaalaman mula sa
aklat na nabasa at naging karanasan sa buhay, Si Andres na lumaki sa hirap ay isa sa naging susi kung
bakit nakalaya mula sa kuko ng mapang-abusong mga Espanyol ang mga Pilipino.Mabuhay ka Gat
Andres Bonifacio!Karapat-dapat kang ipagbunyi at ipagdiwang!Isa kang tunay na bayani ng lahing
Pilipino!

Matalinhagangang Kahulugan
salita
Isang
kahig,isang mahirap
tuka
Nagdurugo Nasaktan
ang puso na
damdamin
Binawian namatay
ng buhay
Ilaw ng ina
tahanan
Kapilas asawa
ng buhay

You might also like