You are on page 1of 8

FILIPINO

Ikalawang Markahan
Modyul 1- Unang Linggo

1
Ano ang target ko?

Pagkatapos ng Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


➢ Masagot ang mga tanong mula sa sa nabasang alamat, tula at awit.
➢ Maisulat ang wastong baybay ng mga salitang- hiram na natutunan kaugnay ng ibang
asignatura .
➢ Maibigay ang hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayaring napakinggan.
➢ Mahulaan ang maaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/ kaalaman.

Ano ako magaling?

Panuto: Basahing maigi ang tula. Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong binasa.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
KAIBIGAN KO
Dhona V. Tugna

Mula noon sa bawat araw ikaw ang kasama,


Sa paglalaro ng ML, Special Force at DOTA,
Sa lahat ng ito, ikaw ang kaclan at katropa,
Tagasagip kapag naubusan na ng data.
Sa ating pagsasama’y maraming natuntunan,
Mga trashtalk na ang karamihan,
Katulad ng pandemiyang COVID ngayo’y nararanasan,
Walang magandang naidulot sa kalusugan at kaisipan.
Paglalaro ng online games ay dapat ng bawasan
Mga gamer, salitang balbal at pagmumura ay dapat iwasan
Respeto at paggalang ay kailangang matutunan
Para sa online community tayo ay hangaan.

1. Tungkol saan ang tula?


A. ML, SF at DOTA
B. Epekto ng online games
C. Paglalaro ng online games
D. Epekto ng paglalaro ng online games
2. Sa anong sakit inihalintulad ang paglalaro ng online games?
A. COVID B. Cancer C. Cholera D. Chicken Fox
3. Bakit masama ang sobrang paglalaro ng online games?
A. Dahil napupuyat sila sa paglalaro
B. Dahil nauubos ang pera nila sa paglalaro on line
C. Dahil natutong magcutting class ang mga mag-aaral
D. Dahil natututong magtrash talking ang mga naglalaro nito
4. Alin sa mga sumusunod ang tamang baybay ng salitang tumutukoy sa
nakakahawang sakit?
A. Pandemya B. Pandemiya C. Pamdemiya D. Pandimeya
5. Alin sa mga sumusunod ang salitang hiram?
A. Data B. Tropa C. Tagasagip D. Paglalaro
6. Sa aling asignatura napapag-aralan ang mga salita sa loob ng
kahon?
Data Online Games Gamer Online Community
A. EsP B. EPP C. Science D. English
2
7. Ang trashtalking ay sa anong bahagi ng aralin sa EsP maiuugnay?
A. Pagkamabait C. Pakikipagkapwa
B. Pagkamagalang D. Pakikisalamuha
8. Ayon sa tula, ano ang nangyayari sa taong nalulong sa paglalaro ng online
games?
A. Nagiging palaaway C. Nagiging bulakbol
B. Nagiging palamura D. Nagiging pala-absent sa klase
9. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari sa kinabukasan ng taong nalululong sa
paglalaro ng online games?
A. Wala na siyang maiipong pera
B. Hindi na niya makakatapos ng kanyang pag-aaral
C. Madali siyang magkakasakit dahil lagi siyang puyat.
D. Hindi siya makakahanap ng mababait na mga kaibigan.
10. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari sa taong natututong magtrashtalking?
A. Madali siyang makakita ng kaaway,
B. Wala nang gustong makipagkaibigan pa sa kanya.
C. Palagi siyang mapapagalitan ng kanyang mga magulang.
D. Nawawalan na siya ng galang at respeto sa kanyang kapwa.

Aralin Alamat, Tula, Awit at Teksto


1

Ano ang balik- tanaw ko?

Panuto: Balikan ang tula o alamat na iyong napag-aralan na. Sumulat ng limang
detalye tungkol dito sa iyong sagutang papel.

Pamagat at Tauhan

Tagpuan

Panimula

Kasukdulan

Wakas

Ano ang gagawin ko?

Panuto: Buuin ang mga salita ayon sa paglalarawan dito.


1. R A M I A G N S U N I A K N U Diwata ng Bundok Arayat

2. I M T E S Y O R Pangyayaring hindi maipaliwanag

3
3. MAHRI Ang salitang ito ay galing sa ibang wika
4. L A N E Y O S P A Wika ng mga Kastila
5. A NYEMAPID Salitang hiram na ang ibig sabihin ay nakakahawang
sakit na mabilis na kumakalat

Ano ang kahulugan?


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang alamat tungkol sa isang magandang
diwata sa Bundok Arayat sa Pampanga. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Alamat ni Mariang Sinukuan


ni Eugene Evasco
Si Maria ay napakabait na diwata sa bundok Arayat sa Pampanga.
Magandang-maganda si Maria. Matangkad siya. Siya ay may
malaporselanang kutis. Kaakit-akit siya kung pagmamasdan mula ulo
hanggang paa. Mapapatingala ang sinuman kapag magsalita siya. Hindi
maipaliwanag ng sinuman kung anong misteryo ang bumabalot sa
katauhan niya. Natural lang kasi na ituring siyang isang diyosa.
Si Maria rin ang nagmamay-ari ng Bundok Arayat. Madalas niyang
binibigyan ang mga tao ng mga pagkain tulad ng prutas at gulay.
Isang araw, may mga nagtangkang manguha ng mga pagkain sa
kagubatan. Pinuno nila ang kanilang sako ng iba’t ibang klase ng prutas
at gulay. Habang sila ay umaalis natuklasan nilang unti- unting
mula sa .amazon.com/Mariang-Sinukuan-Eugene-Evasco
bumibigat ang kanilang dala.

Tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
2. Bakit siya tinawag na diwata?
3. Pansinin ang mga salitang nakalihis. Ano ang masasabi mo sa mga salitang ito?
4. Kailan itinuturing na salitang hiram ang isang salita?
5. Sa iyong palagay, kung hindi naging mapagmalabis ang mga tao kay Mariang
Sinukuan, ano kaya ang kalagayan ng Bundok Arayat ngayon?

Ano pa ang gagawin ko?

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat sa
iyong sagutang papel sagot.

Ang Bayani ng Aming Tahanan


Lovely Joy M. Estela
Mahirap ang kinakaharap ng bawat isa sa atin ngayon, hindi lang sa ating
bansa kundi sa buong mundo. Bawat isa sa atin ay may ginagampanang
obligasyon upang malagpasan ang pandemiyang ito,ang COVID19. Ito ang mga
linyahang palagi kong naririnig kay tatay, isa kasi siyang dyanitor sa isang
pambublikong ospital. Sa araw-araw na nararanasan ni Tatay Diego, nakikita niya
ang realidad ng buhay ngayon.
Si Nanay Elen kasi ay isang tindera sa isang grocery store dito malapit sa
amin, kaya kaming magkapatid lang ang naiiwan sa bahay. Bago umalis si Nanay
ng bahay ay hindi niya kinalilimutan ang kanyang face mask at face shield. Palagi
din siyang may dalang alcohol at wipes o kaya ay towel bilang pamunas.
Sina nanay at tatay ang bayani ng aming tahanan, at marahil isa din sa mga
milyong milyong bayani sa ating mundo. 4 Sila ang mga nakikipag sapalaran para
magbigay ng serbisyo. Kaya bawat habilin ni nanay at tatay ay sinusunod namin.
Tanong:
1. Ano ang paksa ng teksto?
2. Sino ang mga itinuturing na bayani ng tahanan?
3. Sa anong lengguwahe natin hiniram ang mga salitang nasa loob ng kahon?
Sa anong asignatura nauugnay ang mga ito?
Face mask face shield alcohol wipes
towel
4. Baybayin ang mga sumusunod na salita sa Ingles.
obligasyon pandemiya dyanitor ospital serbisyo
5. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari sa atin kapag hindi natin magampanan
ang dapat nating gawin laban sa COVID?

Ano ang natamo ko?

• Nasasagot ang mga tanong mula sa nabasang alamat, tula, teksto at awit
sa pamamagitan ng pangunahing detalye tungkol dito.
• Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin katulad
ng salitang hiram at salitang kaugnay ng ibang asignatura- mga salitang
ginagamit din sa ibang asignatura.
• Ang mga salitang banyaga o salitang hiram ay mga salitang walang
katumbas na salita sa Filipino kaya hiniram na lang ang pagbigkas at
pagbaybay ng banyaga dito. Salitang hiram ang tawag sa mga salitang
galing sa ibang wika. Maaaring ang mga ito ay may taglay na mga hiram
na titik gaya ng: c, f, j, q, v, x, z. at salitang kaugnay ng ibang asignatura-
mga salitang ginagamit din sa ibang asignatura.
• Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggang
sa pamamagitan ng hula o palagay sa mangyayari.
• Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/
kaalaman sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga pangyayari.

Ano ang kaya kong gawin?


Panuto: Basahing mabuti ang teksto, hanapin ang mga salitang hiram, isulat ang
tamang baybay nito sa Wikang Filipino, ibigay kung sa anong asignatura maiuugnay
ang mga salitang ito, magbigay ng hinuha kung ano ang mangyayari at magbigay ng
sariling wakas. Isulat sa sagutag papel ang iyong sagot.
Si Tonyo
Lovely Joy M. Estela
Si Tonyo ay nag aaral sa isang pampublikong paaralan. Siya ay panganay sa
kanilang tatlong magkakapatid. Mahilig din maglaro si Tonyo, ngunit hindi niya
kinakaligtaan ang pagtulong sa gawaing bahay. Naaasahan din siya sa paggabay sa
kaniyang mas nakababatang kapatid lalo na sa pahanon ngayon ng pandemia. Sa
edad na sampu, siya ay masasabing responsable. Wika niya “ Kawawa kasi teacher,
si nanay. Pagod na siya sa paglalabandera at si tatay naman pagod na riin sa pag
coconstruction. Kung hindi ako tutulong baka mas lalo silang mapagod, at magkasakit.”
5
Kumusta na ang target ko?
Panuto: Basahin ang awiting “Pilipinas,Tara Na!” at sagutin ang mga katanungan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong notbuk o journal.

Pilipinas, Tara Na!


WORDS BY: RENE NIEVA
COMPOSED BY: MIKE VILLEGAS AND RICO BLANCO
ARRANGED BY: ANGELO VILLEGAS
Ikaw ba’y nalulungkot RAP:
Naiinip, nababagot Mula puno’t dulo
Ikaw ba’y napapagod Ng archipelago
Araw gabi’y puro kayod? Ang sasalubong sa ‘yo
Mga ngiti ng bawat tao
Buhay mo ba’y walang saysay
Pagtanggap sa bisita at pagpapasaya
Walang sigla, walang kulay?
Sa Pinoy ay wala nang tatalo pa!
Bawa’t araw ba’y pareho
Parang walang pagbabago? Naranasan mo na ba
Ang mag-wakeboarding sa Camsur
Tara na, biyahe tayo
Ang mag-boating sa Loboc
Kasama ang pamilya
At sa Underground River ng Puerto Princesa?
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy ng todo. Natikman mo na ba
Ang Sisig ng Pampanga
Halika, biyahe tayo
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Nang ating makita
Bicol Express at Lechong Balayan?
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino. Tanong:
Nalibot mo na ba
Nakita mo na ba
Ang puno’t dulo ng Luzon
Ang mga windmills ng Bangui
Aparri thru Calabarzon
Lumang simbahan ng Paoay
All the way to Sorsogon?
At mga mansyon sa Silay?
Naki-parada ka na ba
Namasdan mo na ba Sa Higantes sa Angono
Ang mga vinta ng Zamboanga Bulaklak sa Panagbengga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon At Parol sa San Fernando?
Beach ng Boracay at La Union? mula sa www.youtube.com/watch?v=rbegxDpJolg/
www.youtube.com/watch?v=XVLmXCRhiTA
1. Ano ang paksa ng awit?
A. Ganda ng Pilipinas C. Pook-pasyalan sa Pilipinas
B. Libutin natin ang Pilipinas D. Magandang pasyalan ang Pilipinas
2. Kailan magandang pasyalan ang Pilipinas?
A. Kapag nababagot C. Kapag walang ginagawa
B. Kapag napapagod D. Kapag naiinip sa araw araw na ginagawa
3. Sino ang magandang isama sa pamamasyal?
A. Pamilya B. Kamag-anak C. Kapitbahay D. Katrabaho
4. Ano ano ang mga magagandang pasyalan ang nabanggit sa awitin?
A. Bundok Taal, Beach sa Boracay
B. Bahay sa Silay, Vinta sa Mindanao
C. Windmills sa Bangui, Simbahan sa Panay
D. Bulkang Mayon, Underground River sa Puerto Princesa
5. Alin sa mga sumusunod ang salitang hiram?
A. Enjoy B. Grupo C. Halika D. Barkada
6. Alin sa mga sumusunod ang tamang baybay ng salitang viaje?
A. Byahe B. Beyahi C. Biyahe D. Beyahe

6
7. Sa aling lengguwahe hiniram ang mga sumusunod na salita?
Windmills Beach Vinta Wakeboarding Boating Underground River
A. British B. English C. Spanish D. Mandarin
8. Sa aling asignatura maiuugnay ang mga sumusunod na salita?
Sisig ng Pampanga Bangus Dagupan Bicol Express Lechong Balayan
A. AP B. EsP C. EPP D. Science
9. Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng mga Pilipino para mahikayat ang ibang
tao para pasyalan ang Pilipinas?
A. Ipamalita ito sa mga kakilala.
B. Magsuot ng mga kasuotang Pilipino.
C. Ipagmalaki ang mga pasyalan sa bansa.
D. Bumili ng mga produktong gawa sa Pilipinas.
10. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari sa ating bansa kapag walang taong
mamamasyal dito?
A. Masasayang ang mga magagandang pasyalan.
B. Hindi makikilala sa buong mundo ang buong kapuluan.
C.Hindi makikita ng ibang tao ang kagandahan ng Pilipinas.
D. Hindi natin maipaglalamaki sa ibang tao ang kagandahan ng bansa.

Ano pa ang kaya kong gawin?

Panuto: Alam kong may paborito kang awitin. Pumili ka ng isa sa mga paborito mong
awit at ito’y iyong kantahin. Kung wala naman pwedeng magtanong sa mga kasama sa
bahay tungkol dito, pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na katangungan.
1. Ano ang paborito mong awit?
2. May nabanggit bang lugar sa awit, kung mayroon ,ano-anong mga lugar ito?
3. May mga salitang hiram ba sa awit? Kung mayroon ano-ano ang mga ito?
4. Anong mga salita ang nabanggit sa awit ang maiuugnay sa ibang asignatura?
5. Ayon sa paksa ng iyong paboritong awit, magbigay ng hinuha o palagay tungkol dito.

Panuto: Magsulat ng iyong natutuhan sa araling napag-aralan mo ngayon sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga tanong sa loob ng kahon. Maaring magpatulong sa magulang sa pagsagot.

2
Sanggunian
Aklat
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 4 Wika at Pagbasa sa Elementarya. Quezon City:Phoenix Publishing House,
2017
Internet
https://brainly.ph/question/1099135
https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/MMP_Full.pdf
https://www.coursehero.com/file/19087443/Alamat-ni-Mariang-Sinukuan/
https://www.youtube.com/watch?v=5b-PS43O-xg
https://www.amazon.com/Mariang-Sinukuan-Eugene-Evasco/dp/9710422219
https://www.youtube.com/watch?v=rbegxDpJolg
https://awesome.blog/2011/10/pilipinas-tara-na.html
https://www.slideshare.net/LuiMennardSantos/ortograpiyang-pilipino-10102573
https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-ampalaya.html?m=1

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE


Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS
Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief
Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS
ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
Writer: LOVELY JOY M. ESTELA
Content Evaluator: DR. FLORDELYN T. UMAGAT
Language Evaluators: RHODONA V. TUGNA
PERLIE O. SABANG
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA
Illustrator & Lay-out Artist: DR. JENNIFER G. RAMA
Content Validator: JOMAR R. PASCUAL
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Para sa katanungan, tumawag sa:


Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan, Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like