You are on page 1of 8

1

IKAAPAT NA LINGGO

Aralin Mga Gawain Mo, Igagalang ko


4

Alamin Natin

Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na


sitwasyon: oras ng pamamahinga, kapag may nag-aaral, kapag mayroong may sakit
at pakikinig kapag may nagsasalita/nagpapaliwanag.

Subukin Natin

Iguhit ang sa bilang na nagpapakita ng paggalang sa iba, at kung hindi.


_____1. Sumasabay ako sa pagsasalita habang nagtuturo ang aming guro.
_____2. Ibinabalik ko nang tahimik ang gamit na aking hiniram lalo na kapag nag-
aaral ang may-ari nito.
_____3. Iniiwasan kong makagawa ng ingay na makagagambala sa taong
nagtatalumpati sa harap.
_____4. Iniiwasan ko na makipag-usap sa aking katabi kapag nagsisimba.
_____5. Hinihintay ko muna na matapos manood ng telebisyon ang aking kapatid
bago ko ito ilipat sa ibang channel dahil mahalaga ito sa kanilang takdang-aralin.
_____6. Iniiwasan ko ang pag-istambay sa harapan ng silid-aralan sa oras ng klase.
_____7. Nakikinig ako nang mabuti sa mga sinasabi ng aming pinuno sa pangkat.
_____8. Tumitigil ako sa aking ginagawa upang pakinggang mabuti ang sinasabi ng
aking magulang.
_____9. Nilalakasan ko ang tunog ng telebisyon kahit natutulog ang aking kapatid na
maysakit.
_____10. Iginagalang ko ang nagsasalita kahit hindi ko nagugustuhan ang kaniyang
sinasabi.

Balikan Natin

Paano mo maipakikita ang pagiging bukas-palad? Isulat Sa dalawang


kamay may ang iyong sagot.

2
Tuklasin Natin

Suriin ang mga nasa larawan. Ano kaya ang ipinapahayag nito? Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________

Talakayin Natin
Basahin ang Kuwento.

“Salamat sa Paggalang”

Si Tiya Juling ay isang guro sa isang pampublikong paaraan. Sa pag-uwi nya


sa hapon, bitbit niya ang maraming aklat na babasahin. Inaabot siya ng hatinggabi sa
paghahanda ng mga kagamitang panturo na gagamitin niya kinabukasan. Tuwing
Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na maglaba ng kanyang mga damit sa umaga,
pagdating naman sa hapon, natutulog siya at nagpapahinga.
Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si Tiya Juling. Nasa loob
lamang siya ng kaniyang silid at nakahiga sa kaniyang kama. Nang araw na iyon,
pumunta kaming magpipinsan kina Tiya Juling. Masaya ang lahat. May ilan pa na
tumatawa nang malakas at patakbo-takbo hanggang sa loob ng silid ni Tiya Juling.
Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maari ba ninyong hinaan ang inyong
boses dahil nagpapahinga si Tiya Juling sa kaniyang silid? Iwasan din muna ninyong
pumunta sa kaniyang silid upang hindi siya maabala,” ang sabi ko sa kanila. “Sige,
ate,” ang pasang-ayong sagot ng aking mga pinsan. Itinuloy namin ang masayang
kuwentuhan subalit naging maingat na kami na hindi maistorbo si Tiya Juling.
Pagdating ng hapon, lumabas na sa kaniyang silid si Tiya Juling. “Nandito
pala kayong magpipinsan. Mabuti na lang at nakapagpahinga ako nang mabuti.

3
Nawala na ang sakit ng aking ulo. Maya-maya ay maari ko nang simulan ang iba kong
mga gawain,” ang sabi ni Tiya Juling.
Ngumiti ako sa aking narinig. Mabuti na lang at hindi namin nagambala
si Tiya Juling sa kaniyang pagpapahinga.

Mga Gabay na Tanong:


1. Sino-sino ang dumalaw sa bahay ni Tiya Juling? ________________
_______________________________________________________
2. Anong sitwasyon sa kuwento ang nagpapakita ng pagmamalasakit ng
magpinsan sa kanilang Tiya Juling? __________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Sang-ayon ka ba sa ginawa nila? Pangatwiranan. _______________


_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang paggalang sa kapwa? _____________________

Pagyamanin Natin

Gawain 1: Sa loob ng bawat bilog. Isulat ang pangalan ng mga tao na


iyong ginagalang habang sila ay nagsasalita o nagpapaliwanag. Ilagay sa bawat
kahon kung paano mo ito naipakita.

Gawain 2: Tingnan ang mga larawan. Magtala ng mga dahilan kung bakit
kailangang igalang ang mga nag-aaral at may sakit o nagpapahinga. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

4
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________

Tandaan Natin

Basahin ang pahayag. Isulat ang buod o ang ilang mahalagang


natutunan mo rito sa tatlong pangungusap lamang.

Ang pagpapakita ng paggalang ay pagkilala sa karapatang pantao ng iba. Ang


paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay isang
hakbang sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng
lahat ang kaniyang kapuwa tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang
karapatang pantao. Isang karapatan ng tao ang pagpapahinga (Right to Rest) ayon
sa Listahan ng Human Rights (UNESCO – Article 24). Ang paggalang at pagtrato na
nais natin gawin sa atin ng ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais
mong gawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ay hindi lamang
naipapakita sa salita kundi pati sa kilos at gawa. Sa panahon na ang isa tao ay may
sakit, nagpapahinga o kaya ay nag-aaral nangangailangan siya ng tahimik na paligid.
Kaya ang iyong kilos ay kinakailangang maayos at marahan.

Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ng ating kapuwa. Igalang


natin ang kanilang oras ng pagpapahinga/pag-aaral at making tayo kung sila man ay
nagsasaita o nagpapaliwanag.

1. ____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
3. ____________________________________________________________

Isabuhay Natin

Lagyan ng tsek ( ) kung ito ay naranasan mo nang gawin at


ekis ( ) kung ito ay hindi.

SITWASYON
1. Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa
kaibigang may sakit.
2. Maingat na sinasara ang pinto kapag may
natutulog.
3. Tumigil sa paglalaro at pagiingay kapag may
nagpapahinga.

5
4. Pinagsasabihan ang mga kamag-aral o
kaibigan na huwag maingay dahil natutulog ang
nakababatang kapatid.
5. Inaaliw ang may sakit nang hindi ianaabala ang
kanilang pagpapahinga.
6. Iniiwasan ang pangungulit sa taong nag-aaral.
7. Pinapakinggan ang mga nagpapaliwanag at
hindi ito pinapahiya.
8. Tahimik na hinihintay ang kaibigan sa labas ng
kanilang simbahan para makipaglaro.
9. Hinihinaan ang tunog ng telebisyon kapag may
nag-aaral na kapatid.
10. Hindi ginigising ang magulang na
nagpapahinga at may sakit upang sagutin ang
tawag sa telepono.
1 hanggang 3 ang - Sikaping gawin ang iba pang paggalang.
4 hanggang 7 ang - Pagbutihin pa ang iyong paggalang.
8 pataas ang - Hinahangaan kita! Ipagpatuloy ang PAGGALANG sa
kapuwa.

Tayahin Natin

Panuto: Lagyan ng tamang simbolo ang bawat pangungusap.

kung nagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral,

kung nagpapakita ng paggalang kapag may nagpapahinga,

kung nagpapakita ng paggalang kapag may maysakit

kung nagpapakita ng paggalang/pakikinig kapag may


nagsasalita/nagpapaliwanag.
X kung hindi nagpapakita ng paggalang.

____1. Nakikinig ako sa aking guro sa tuwing nagsasalita siya.


____2. Habang gumagawa ng takdang-aralin ang aking kapatid inaaya ko
siyang maglaro ng online games.
____3. Masakit ang ulo ng aking magulang kaya hinayaan ko siyang
magpahinga sa kanyang silid at ako muna ang nagsaing at naghugas
ng mga plato.
____4. Araw ng sabado walang pasok ang aking ama/ina kaya hindi kami
nagpapasaway ng mga kapatid ko kapag sila ay nagpapahinga.
____ 5. Lahat ng tao ay natatakot na mahawa sa COVID19. Habang sinasabihan
kami ng aming mga magulang sa mga dapat gawin habang may
pandemic ay nakikinig kami.

6
____6. Naglalaro at nag-iingay kaming magkakapatid kahit may bisita sa bahay.
____7. Habang may nag-aaral ay tumatahimik ako.
____8. Iniiwasan kong makipagusap sa katabi habang nagsesermon ang
pari/pastor.
____ 9. Balewala sa akin kung natutulog ang mga kasama ko sa bahay basta
ginagawa ko ang nais kong gawin kahit nakakaabala ito sa iba.
____10. Nanunuod ka ng youtube na malakas ang tunog kahit may natutulog.

Gawin Natin
Gumawa ng isang tula na nagpapakita ng paggalang o
pagpapahalaga sa kapuwa. Suriin ang ginawang tula batay sa rubric
na ipinapakita.
_________________________________
Pamagat

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Rubrics ng Pagmamarka
Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Naipakita ang Naipakita ang lahat Hindi naipakita ang
lahat ng ng pagpapahalaga nararapat na
pagpapahalaga na ngunit hindi sapat pagpapahalaga.
kinakailangan at ang ideya na
sapat ang ideya na ipinapahayag
ipinapahayag
Kaangkupan Angkop lahat ang Angkop ang Hindi angkop ang
ginawang mga ginawang mga linya lahat ng mga linya
linya ng tula at ng tula ngunit may ng tula sa
naaayon sa ilang pahayag na nakatalagang
nakatalagang hindi naaayon sa paksa.
paksa. nakatalagang paksa.

Sanggunian:
Abac et al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Patnubay ng Guro (Unang
Edisyon). Philippines: Vibal Group, Inc.

de Robles et al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral


(Unang Edisyon). Philippines: Vibal Group, Inc.

7
Development Team of the Module

Writer: Nelie C. Bernardo


Editors: Roldan B. Sesno
Jocelyn C. Culubong

Content Evaluator: Erquily B. Escobal


Language Evaluators: Alicia S. Gapayao
Nenita P. Amanenci

Reviewers: Erquily B. Escobal


Michelle B. Buan
Fatima M. Simbahon

Illustrators/Layout Artists: Gin Krystalyn C. Nobleza


Jamilah M. Alih

Management Team:
DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC-ASDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
FERDINAND PAGGAO, EsP Focal Person
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Central Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like