You are on page 1of 11

4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKALAWANG MARKAHAN – MODULE 3

Paggalang Ko Sa Iba

1
Modyul 3: Paggalang ko sa Iba

Unang Bahagi
Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag- aaral.
Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos na ang paggalang ay nangangahulugan ng pagrespeto at
pagmamahal. Pagrespeto sa kapwa, sa kalikasan, sa hayop at sa mga bagay na makikita sa paligid. Ang
paggalang ay isang ugali na nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao na may pagpapahalaga sa kapwa at
sa kanyang paligid.

Sa modyul na ito ay inaasahang nakapagpapakita ng paggalang sa mga sumusunod na sitwasyon:


(EsP4-llf-i-21)

8.1 Nakapagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga (EsP4P-IIf-i-21.8.1)


8.2 Nakapagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral (EsP4P-IIf-i-21.8.2)
8.3 Nakapagpapakita ng paggalang kapag mayroong sakit (EsP4P-IIf-i-21.8.3)
8.4 Nakapagpapakita ng paggalang sa pakikinig kapag may nagsasalita/nagpapaliwanag
(EsP4P-IIf-i-21.8.4)
8.5 Nakapagpapakita ng paggalang sa paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala
sa kapakanan ng kapwa (EsP4P-IIf-i-21.8.5)
8.6 Nakapagpapakita ng paggalang sa pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran
bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao (EsP4P-IIf-i-21.8.6)

Sa nakaraang modyul ay natutunan mo na ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang
mayroon ka nang bukal sa kalooban. Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa
kanyang kapwa. Mahirap man o mayaman, may kakayahan ang tao na tumulong sa mga nangangailangan.

Basahin at unawain ang kuwento ng magtiya at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

” Salamat sa Paggalang”

Si Tiya Juling ay isang guro sa Mababang Paaralan ng Mamboc. Sa pag-uwi niya sa hapon, bitbit niya
ang maraming aklat na babasahin. Inaabot siya ng hatinggabi sa paghahanda ng mga kagamitang panturo na
gagamitin niya kinabukasan.
Tuwing Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na maglaba ng kanyang mga damit sa umaga. Pagdating
naman ng hapon, matutulog siya at magpapahinga.
Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si Tiya Juling. Nasa loob lamang siya ng kaniyang
silid at nakahiga sa kaniyang kama. Nang araw na iyon, bisita naming sa bahay ang aking mga pinsan. Masaya
ang lahat. May ilan pa na tumatawa nang malakas at patakbo-takbo hanggang sa loob ng silid ni Tiya Juling.
Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maari ba niyong hinaan ang inyong boses dahil nagpapahinga si
Tiya Juling sa kaniyang silid? Iwasan din muna niyong pumunta sa kanyang silid upang hindi siya maabala,” ang
sabi ko sa kanila. “Sige, Raul,” ang pasang-ayong sagot ng aking mga pinsan. Itinuloy namin ang masayang
kwentuhan subalit nagging maingat kami na maistorbo si Tiya Juling.

2
Pagdating ng hapon, lumabas na ng kaniyang silid si Tiya Juling. “Nandito pala kayong magpipinsan,
Mabuti na lang at nakapagpahinga ako ng Mabuti. Nawala na ang sakit ng aking ulo. Maya-maya ay maari ko
nang simulant ang aking paglalaba,” ang sabi ni Tiya Juling.

Ngumiti ako sa aking narinig. Mabuti na lang at hindi naming nagambala si Tiya Juling sa kaniyang
pagpapahinga.
Sagutin ang sumusunod batay sa kwento:
1. Anong sitwasyon sa kwento ang nagpapakita ng pagmamalasakit ni Raul sa kaniyang Tiya Juling?
2. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Raul? Bakit?
3. Magtala ng mga dahilan kung bakit kailangang igalang ang mga taong:
 Nagpapahinga
 May sakit
4. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa mga taong nagpapahinga at may sakit?

Ikalawang Bahagi
Gawain1 Timbang-timbangin

_______________________ ________________________

Panuto: Gamit ang timbangan, ilagay sa kanang bahagi ang mga bilang na nagawa mo na at ginagawa mo
hanggang sa kasalukuyan. Ilagay naman sa kaliwa ang mga bilang na hindi mo pa nagawa.
1. Nakikinig ako kapag nagtuturo ang aming guro.
2. Ibinabalik ko nang tahimik at maayos ang aklat na hiniram ko sa silid-aklatan.
3. Nakikinig ako nang tahimik sa sinasabi ng nagtatalumpati sa harap.
4. Nakikipagkamustahan ako sa aking kaibigan nang malumanay at tahimik kapag nagkikita kami sa
simbahan.
5. Hinihintay ko munang matapos ang aking kapatid sa panonood niya ng telebisyon bago ko ilipat sa
ibang channel.
6. Iniwasan ko ang pakikipagkwentuhan nang malakas at maingay habang naglalakad kami ng aking
mga kaklase sa pasilyo ng paaralan.
7. Nakikinig akong mabuti sa mga panuto na sinasabi ng aming guro kapag may pagsusulit.
8. Tumitigil ako sa aking ginagawa upang mapakinggang mabuti ang iniuutos ni nanay.
9. Lumalakad ako nang tahimik at marahan kapag lilipat na ng ibang silid-aralan para sa susunod na
klase.
10. Tumatahimik ako at nakikinig kapag may nagsasalita sa stage.
Pansining mabuti kung alin ang mas maraming laman. Ano ang iyong nararamdaman?
Bakit mahalaga na matutuhan mong igalang ang ibang tao kapag sila ay nag-aaral, nagsasalita o
nagpapaliwanag?

3
Gawain 2 Isaisip: Ilarawan mo.
Panuto: Pag-aralan ang larawan. Isulat kung anong pasilidad ang pinapakita ng bawat larawan. Magbigay ng
paraan kung paano ito gagamitin ng maayos.

1. _________________

2. __________________

.3. ________________

4. _______________

5. _______________

4
Gawain 3 Isagawa: Masaya o malungkot
Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ito ay nagpapakita ng pagpapanatili ng kaaya-ayang
kapaligiran at malungkot na mukha kung hindi.
_________ 1. Pagtapon ng mga basura sa kanal.
_________ 2. Pagwawalis ng mga tuyong dahon sa bakuran.
_________ 3. Pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan.
_________ 4. Pagsunog ng mga plastic upang walang kalat.
_________ 5. Itatapon ko ang aking kalat kahit saan dahil may janitor naman na maglilinis.
_________ 6. Pagpitas ng mga bulaklak na makukulay at ilagay sa plorera.
_________ 7. Pagputol ng mga puno.
_________ 8. Pagrecycle ng mga basura.
_________ 9. Pagdadala ng sisidlan na bag kapag mamamalengke upang maiwasan ang paggamit ng mga
plastic bags.
_________ 10. Pagguhit sa mga pader at palaruan sa parke.

5
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Timbang-timbangin
Puntos Bilang ng nagawa na
10 puntos 8-10
5 puntos 5-7
3 puntos 1-4

Gawain 2 Ilarawan Mo
1. silid-aklatan/ malayang pagsagot
2. kantina/ malayang pagsagot
3. silid-aralan/ malayang pagsagot
4. palaruan/ malayang pagsagot
5. banyo o palikuran/ malayang pagsagot

Gawain 3 Isagawa: Masaya o malungkot


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Patnubay ng Guro
Clipart library

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 4


QUARTER 2, WEEK 3

MELC 8: Nakapagpapakita ng paggalang sa mga sumusunod na sitwasyon: (EsP4-llf-i-21)

8.1 paggalang sa oras ng pamamahinga


8.2 paggalang kapag may nag-aaral
8.3 paggalang kapag mayroong sakit
8.4 paggalang sa pakikinig kapag may nagsasalita/nagpapaliwanag
8.5 paggalang sa paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
8.6 paggalang sa pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng
pakikipagkapwa-tao

Pangalan:____________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksiyon:________________________ Iskor:_____________________

Written Output
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay nagpapakita ng paggalang at ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa kaibigang may sakit.
_____ 2. Maingat na isinasara ang pinto kapag may natutulog.
_____ 3. Tumigil sa paglalaro at pag-iingay kapag may nagpapahinga.
_____ 4. Pinagsasabihan ang mga kalaro na huwag magingay dahil natutulog ang nakababatang kapatid.
_____ 5. Inaaliw ang mga may sakit nang hindi inaabala ang kanilang pamamahinga.
_____ 6. Pumapasyal ako sa bahay ng aking kaibigan sa oras ng kanilang pamamahinga.
_____ 7. Hinihintay na matapos ang pagpapahinga ni lola bago magpatugtog ng paboritong maingay na musika.
_____ 8. Tahimik na hinihintay ang kaibigan sa labas ng kanilang bahay para makipaglaro.
_____ 9. Kinukulit ko ang taong may sakit.
_____ 10. Hindi ginigising ang magulang na nagpapahinga upang humingi ng pera.

7
Panuto: Para sa bilang 11-20. Hanapin at bilugan ang mga salitang tumutulong sa pagpapanatili ng kaaya-ayang
kapaligiran.

A S O W A L I S P A K O
S P U N O N A K I T A K
H A L A M A N U N A N O
A N T A N A W I N D A K
R D I S I P L I N A L A
D I T O M A L I N I S A
I L U S A R A L I N A T
N I L A B U L A K L A K
O G O N G P A R A I S O
S I L O K A L A T A S A
O B A S U R A H A N A L
K U S O T O P L A S T I

1. _________________________ 6. ___________________________
2. _________________________ 7. ___________________________
3. _________________________ 8. ___________________________
4. _________________________ 9. ___________________________
5. _________________________ 10. __________________________

Performance Task
Gawain B1.
Panuto: Gumawa ng isang liham ng paghingi ng tawad para sa taong hindi mo pinakinggan habang
nagsasalita. (5 puntos)

8
Gawain B2.
Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng isang malinis, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran. (5 puntos)

9
Susi sa Pagwawasto:
1. / 6. X
2. / 7. /
3. / 8. /
4. / 9. X
5. / 10. /
11-20.
A O W A L I S P A K O
S P U N O N A K I T A K
H A L A M A N U N A N O
A N T A N A W I N D A K
R D I S I P L I N A L A
D I T O M A L I N I S A
I L U S A R A L I N A T
N I L A B U L A K L A K
O G O N G P A R A I S O
S I L O K A L A T A S A
O B A S U R A H A N A L
K U S O T O P L A S T I
Mga salita:
11. walis 16.malinis
12. puno 17. bulaklak
13. halaman 18. paraiso
14. tanawin 19.paru-paro
15. disiplina 20.pandilig
21-25.
Puntos Pamantayan
5 puntos Nakapagsulat ng liham na naglalaman ng paghingi ng tawad, tinatanggap ang nagawang
pagkakamali at mangangakong hindi na uulitin sa taong nagawan ng kasalanan.
3 puntos Nakapagsulat ng liham na naglalaman ng paghingi ng tawad at tinatanggap ang nagawang
pagkakamali sa taong nagawan ng kasalanan.
1 puntos Nakapagsulat ng liham na naglalaman ng paghingi ng tawad sa taong nagawan ng
kasalanan.
26-30.
Puntos Pamantayan
5 puntos Maayos, malinaw na nakaguhit ng larawan na nagpapakita ng isang malinis, tahimik at
kaaya-ayang kapaligiran.
3 puntos Malinaw na nakaguhit ng larawan na nagpapakita ng isang malinis, tahimik at kaaya-ayang
kapaligiran.
1 puntos Hindi gaanong natukoy sa nakaguhit na larawan ang isang malinis, tahimik at kaaya-ayang
kapaligiran.
10
11

You might also like