You are on page 1of 6

Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

LEARNING ACTIVITY SHEET IN ARTS 4


Worksheet no. 3 Quarter 4 (Week 3)
Pagtitina-tali (tie-dye)
Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________________________
Aralin-Baitang:__________________________________________________________
Petsa: ____________________________________________________________________

I. Panimulang Konsepto
Mayroong iba’t-ibang uri ng kulay. May mga kulay na
mapusyaw (light colors), may mga kulay na matingkad (bright
colors), at may madidilim na kulay (dark colors).

Alam mo ba? Maari kang gumawa ng sariling disenyo sa tela


o damit gamit ang pagtitina-tali o tie-dye?

Sa araling ito, matututunan mo ang pagtitina-tali o tie-dye


sa isang kapirasong tela o damit upang makabuo ng magandang
disenyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ng
pagsasagawa nito

II. Kasanayang Pagkatuto


Explains the steps to produce good tie-dye designs.

Pagkatapos ng Gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakikilala ang iba’t-ibang uri ng kulay na
mapusyaw, matingkad, at madilim na kulay sa
pamamagitan ng pagtitina-tali o tie-dye;
2. Nakagagawa ng disenyong pagtitina-tali o tie-dye
sa isang pirasong tela o damit; at
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga kulay at
disenyo ng pagtitina-tali o tie-dye.

Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur


Email: deped.camsur@deped.gov.ph
Website: www.depedcamsur.com
Telephone No: (telefax) 8713340 |1
III. Mga Gawain
Gawain 1:
Panuto: Isulat kung ang mga larawan ay mapusyaw,
matingkad, o madilim ang uri ng mga kulay.

1._____________________ 2. ____________________

3._____________________

4. ____________________ 5. ____________________

Sources:
1. https://wdom.org/calling-all-disabled-artists/shutterstock_332346626/
2. https://www.artistsnetwork.com/art-mediums/an-underpainting-can-perk-up-your-color/
3. https://fineartamerica.com/featured/dark-path-cat-perry.html
4. https://www.pinterest.ph/pin/434456695288998031/
5. https://drawpaintacademy.com/color-saturation/

Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur


Email: deped.camsur@deped.gov.ph
Website: www.depedcamsur.com
Telephone No: (telefax) 8713340 |2
Gawain 2 Pagtitina-tali o Tie-Dye

Panuto: Gamit ang mga pangkulay o pangtina ng damit, sundin


ang mga hakbang sa pagtitina-tali o tie-dye upang makagawa ng ma-
gandang disenyo.

Mga Halimbawang disenyo ng Tie-Dye:

1 2 3 4

Sources:
1.https://www.facebook.com/104889114659414/posts/136155841532741/ tie-dye shirt
2.https://www.facebook.com/102028141741273/posts/111695520774535/
3.https://www.tiedyeyoursummer.com/techniques
4.https://www.facebook.com/410887239716925/posts/bengfresh-drop-from-the-tie-dye-projectvisit-
us-at-carlandros-clothing-depot109-/889924065146571/

Mga Kagamitan:
Tali/pisi, lastiko (rubber band), lumang damit o kapirasong tela,
Tina (dye), palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka at
asin.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Tupiin at talian ang tela o damit ayon sa gustong disenyo.
2. Ibabad ang tela o damit sa tubig para lumambot.
3. Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng
tina (dye).
4. Ihalo ang isang kulay ng dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig gamit ang
patpat na panghalo.
5. Ilagay ang tinaling tela o damit sa timpla mula 5 hanggang 15
minuto.
6. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela o damit sa purong
tubig.
7. Alisin ang tali, isampay, patuyuin at plantsahin.
8. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-sining.

Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur


Email: deped.camsur@deped.gov.ph
Website: www.depedcamsur.com
Telephone No: (telefax) 8713340 |3
Gawain 3
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng pagkakaunawa at pagpapahalaga sa mga kulay at disenyo. MALI
naman kung hindi.

_____1. Maraming nasayang na pang-tina ng damit si Ruby dahil


palagi niyang inuulit ang paggawa ng proyekto.
_____2. Maayos na naisagawa ni Lyn ang pagkukulay ng damit sa
pamamagitan ng tie-dye gamit ang matingkad at itim na
pang kulay.
_____3. Nasiyahan ang guro ni Rommel dahil maganda ang
kinalabasan ng kanyang proyekto sa Sining.
_____4. Masaya si Rosana ng makita niya na maganda ang
kanyang nagawang pagtitina-tali sa kanyang damit.
_____5. Hindi maayos ang nagawang proyekto ni Lito sa sining
sapagkat hindi siya nakinig sa guro habang nagpapa-
liwanag ito.

Rubrik sa Gawain 2
Nakagawa ng
Nakagawa ng
disenyo sa tela o
disenyo sa tela o
damit ngunit
damit gamit ang
hindi nasunod Hindi natapos
matingkad,
ang matingkad, gawin ang
mapusyaw at
Pamantayan mapusyaw at pagtitina-tali o
madilim na kulay
madilim na kulay tie-dye
sa pamamagitan
sa pamamagitan (1)
ng pagtitina-tali
ng pagtitina-tali
o tie-dye
o tie-dye
(5)
(3)
1. Nasunod ang mga
hakbang sa pagtitina
o tie-dye sa damit.

2. Nagamit ang katingka-


ran, kapusyawan, o ka-
diliman ng kulay sa
pagtitina.
3. Maganda ang kinala-
basan ng ginawang
pagtitina-tali o tie-dye
sa damit o tela

V. Mga Sanggunian:
Musika at Sining 4 – Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2015
Musika at Sining 4 – Patnubay ng Guro, Unang Edisyon 2015

Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur


Email: deped.camsur@deped.gov.ph
Website: www.depedcamsur.com
Telephone No: (telefax) 8713340 |4
Prepared by: ANGELO R. SIOSON, Teacher 1, Calabanga Central Division
Pilot School, SDO Cam. Sur

Quality Assured by: ELAINE P. RAVAGO, T-I, Calagbangan ES, Sipocot North
District, SDO Cam.Sur

Validated by: MARICEL T. ASIDO, Master Teacher I, Sagñay Central School,


SDO Cam.Sur

Reviewed by: IMELDA A. NARDO


EPS MAPEH

Layout Artist:

MARK ANTHONY C. BAYLON, TIC, Lanipga ES, SDO Cam. Sur

ELMER P. SERDAN, T I, La Purisima ES, SDO Cam. Sur

Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur


Email: deped.camsur@deped.gov.ph
Website: www.depedcamsur.com
Telephone No: (telefax) 8713340 |5
|6 Telephone No: (telefax) 8713340
Website: www.depedcamsur.com
Email: deped.camsur@deped.gov.ph
Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur
Answer Key
Gawain 1:
1. matingkad 2. mapusyaw 3. madilim 4. madilim
5. matingkad
Gawain 2: (Performance Task based on Rubric)
Gawain 3:
1. Mali 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali

You might also like