You are on page 1of 5

Learner’s Activity

P Sheet
Mother Tongue (Ika-apat na Markahan – Linggo 5)

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________
Paaralan: ________________________________________________________________________

Dear Learner,

Good day!
In this week, you will identify and use adverbs of manner in different degrees of
comparison. MT3G-IVf-g-2.5.2

In this lesson, believing in one’s self is being integrated.

Your Teacher

Pang-abay na Pamaraan
Gawain 1
Gawain 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na talambuhay.

Ang Aking Talambuhay


Ang pangalan ko ay Jiesel Saavedra. Ipinanganak ako noong Setyembre 21,
2005 sa Gabi, Cordova Cebu. Lima kami sa pamilya. Ang aking ama ay isang
seaman at kasalukuyang empleyado sa isang pribadong kompanya. Ang aking ina
ay isang guro. Siya ay isang government employee. Nag-aaral ako sa Paaralang
Elementarya ng Gabi.
Noong ako ay apat na taong gulang pa lamang, nagkusa akong sumali sa
isang paligsahan sa sining sa kinder. Ang mga detalye sa paligsahan ay hindi
lahat naipaalam sa akin. Ang tema ay hindi nasabi nang wasto sa akin ng
aming guro. Nalaman ko lamang ang tema sa panimulang palatuntunan.

Akala ko ay hindi tama ang aking disenyo. Laking gulat ko


nang maraming nagandahan dito. Una, buong tiwala akong gumuhit ng
malaking puso sa kartolina. Ikalawa, ay maingat kong inilagay ang larawan ng
aming pamilya sa gitna. Kasunod nito, malinaw kong iginuhit ang isang anghel
sa itaas nang kanang bahagi ng kartolina. Sa pagtatapos, isinulat ko nang
malalaking titik ang pamagat na “Mahal ko ang Aking Pamilya.”

3
Sa programa ng pagkilala, lahat ng mga nanalong sining ay dinala sa
entablado. Lalo akong kinabahan dahil nakita ko ang aking gawa roon. Nang

1
ipahayag ang nagwagi, ako ang champion! Pumalakpak nang malakas ang mga
manonood
nang ipakita ang aking sining. Mabilis na tumakbo sa akin ang
aking ina at niyakap ako nang mahigpit. Umakyat kaming dalawa sa entablado
at tinanggap ang aking pagkilala. Ipinagmalaki ako ng aking mga magulang.

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga tanong. (1 point each)


1. Anong paligsahan ang sinalihan ni Jiesel?
____________________________________________________________
2. Bakit siya ipinagmalaki ng kaniyang magulang?
____________________________________________________________
3. Anong disenyo ang kaniyang ipinanalo?
____________________________________________________________
4. Sa palagay mo, bakit nanalo si Jiesel?
____________________________________________________________
5. Mabuti ba ang sumali sa mga gawain sa paaralan? Bakit?
____________________________________________________________

Gawain 3
Kopyahin sa inyong kwaderno ang nakasaad na aralin sa Gawain
3.
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa.
Ang pang-abay na pamaraan ay may iba-ibang antas ng paghahambing.

1. Lantay na Antas- ang pangunahing anyo ng pang-abay. Ginagamit ito


kung walang ginagawang paghahambing.

2. Pahambing na Antas- ginagamit ito kapag may dalawang


pinaghahambing sa isa’t-isa. Upang ito ay ipahayag, ginagamitan ito ng
mga katagang mas, higit na, at atbp.

3. Pasukdol na Antas- ginagamit ito kapag ang isa ay ihinahambing sa


dalawa o higit pa. Ito ang pinakamataas na antas ng pang-abay at
nagpapahiwatig ito ng kasukdulan. Upang ito ay ipahayag, ginagamitan
ito ng mga katagang pinaka, ubod ng, hari ng, nuno ng, at atbp.

Gawain 4 Panuto: Bilugan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap. (1


point each)
2
1. Si Cynthia ay tahimik na nakaupo sa kaniyang mesa ngayong umaga.
2. Siya ay matiyagang naghahanap ng salita sa diksiyonaryo.
3. Si Yellyn ay malakas na tumawa sa birong sinimulan kani-kanina lamang.
4. Tulalang nakatingin si Elvie sa mga panauhin.
5. Kami ay masiglang pupunta sa kamping bukas.

Gawain 5
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa bawat
pangungusap. Tukuyin kung ito ay nasa antas na lantay,
pahambing, o pasukdol. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. (2 points
each)

__________ 1. Higit na mabilis lumago ang puno ng mangga sa


harap-bahay kaysa sa puno ng mangga doon sa likod-bahay.
__________ 2. Sa kanilang sampung kalahok, si Sheena ang
pinakamalamyos umawit.
__________ 3. Mabilis akong sumulat kapag ako ay nagmamadali.
__________ 4. Mas mabilis na nakalabas ng silid si Roman kaysa kay
Harry.
__________ 5. Maayos na pinunasan ni Leni ang mesa.

Sanggunian:
Kagamitan ng mag-aaral pahina 332-334, 339-341

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang lahat ng mga
gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.
______________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

ANSWER KEY:

3
GAWAIN 2
1. Paligsahan sa sining
2. Dahil siya ay magaling at nanalo sa paligsahan
3. Hugis puso na may larawan ng kaniyang pamilya at may guhit na anghel sa ibabaw.
4. (depende sa opinion ng mag-aaral)
5. (depende sa opinion ng mag-aaral)

GAWAIN 3
Linaw laki
Ingat lakas
Bilis higpit

*Inilarawan ang kilos

a. Mas mabilis
b. Mas magaling
c. Pinakamabilis
d. Mas may talino
e. Pinakamadali

*Pang-abay na pamaraan
*inilalarawan nito kung paano ginawa ang kilos
*inilalarawan ang kilos
*gumamit ng mga salitang may antas ng paghahambing

GAWAIN 4
1. Si Cynthia ay tahimik na nakaupo sa kaniyang mesa ngayong umaga.
2. Siya ay matiyagang naghahanap ng salita sa diksiyonaryo.
3. Si Yellyn ay malakas na tumawa sa birong sinimulan kani-kanina lamang.
4. Tulalang nakatingin si Elvie sa mga panauhin.
5. Kami ay masiglang pupunta sa kamping bukas.

GAWAIN 5
pahambing 1. Higit na mabilis lumago ang puno ng mangga sa harap-bahay kaysa sa puno ng
mangga doon sa likod-bahay.
pasukdol 2. Sa kanilang sampung kalahok, si Sheena ang pinakamalamyos umawit.
Lantay 3. Mabilis akong sumulat kapag ako ay nagmamadali.
pahambing 4. Mas mabilis na nakalabas ng silid si Roman kaysa kay Harry.
Lantay 5. Maayos na pinunasan ni Leni ang mesa.

4
5

You might also like