You are on page 1of 4

Gawaing Papel sa Pagkatuto

Filipino 9
Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________ Petsa: _______________________
Guro: ____________________________________________________________________

PAG-AANTAS NG MGA SALITA AT


MGA EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN

MELC: Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o


damdamin F9PT-IIc-46
Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin F9WG-IIc-48

A. Pag-aantas ng mga Salita

Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig


sabihin. Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang
malawak na kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito.
Magkaiba ng degree o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag ginamit na
sa pangungusap.

Halimbawa:
Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka
lamang.

Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa


kahulugan na magkaiba naman sa tindi o degree ng nais ipahayag, ganito
ang magiging ayos nila.
hagulgol
iyak
nguyngoy
hikbi

Gawain 1
Panuto: Iantas ang mga salitang magkakasing-kahulugan gamit ang
hagdan sa ibaba. Magsisimula sa baba ang pinakamababang tindi o degree
papunta sa tuktok na may mataas na tindi o degree.

1. makulit, maingay, 2. lungkot, lumbay,


magulo, malikot pighati, dalamhati

1
3. bulyaw,sutsot,tawag,sigaw, 4. galit, inis, poot, suklam

5. pagsamba,pagmamahal,pagsinta,pagsuyo

Gawain 2
Panuto: Gamitin ang mga salita sa panaklong ayon sa mas angkop na
antas upang punan ang mga patlang sa pangungusap.

1. Si Glenda ay nasaktan, ____________ at _____________ sa paghihiwalay nila


ng kanyang kasintahan. (nalungkot, nanibugho)

2. _____________, _______________ at ______________ ang kanyang ginawa para


marating ang malayong nayon ng kanyang mga magulang.
(takbo, karipas, lakad)

3. Di niya napigilan ang pagtulo ng luha sa nabalitaang pamamaalam ng


kaibigan. Siya’y _____________ at ______________ sa tindi ng kalungkutan.
Di naglaon, siya’y _____________na at di na napigilan ang bugso ng
damdamin. (humagulhol, umiyak, nagpalahaw)

4. Sa hirap ng exam, ___________ na ng husto si Sam. _____________ siya sa


hirap ng mga katanungan. Wari niya’y __________ na ang kanyang isip.
(natutuliro, naguguluhan, nalilito)

5. Tila ba’y bingi sa mga _________ at __________ ng biktima ang mga taga
roon. Di nila binalak tuklasin ang pinanggalingan ng mga ____________ at
tila nasasaktang mga ____________. (tili, sigaw, hiyaw, iyak)

2
B. Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon at Damdamin.


Mga pangungusap na padamdam na nagpapahayag ng matinding
emosyon na ginagamitan ng tandang padamdam (!)

Halimbawa:
OMG! Nahulog ang bata.
Ay! Andyan na ang puting tigre

Sambitlang iisahin o dadalawahing pantig.


Maiikling Sambitla Halimbawa:

Yehey! Naku! Huwag! Lagot!

Gawain 1
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang ekspresyon na gagamitin sa
pagpapahayag ng damdamin.

Wow! Tumpak! Galing! Aray!


Hala! Yehey! Aww! Naku!

A.
_______1. Ekspresyong nagpapahayag ng saya o matinding tuwa.
_______2. Kapag ika’y nagandahan o nabighani sa isang tao, bagay, lugar,
palabas at iba pang masisilayan.
_______3. Ang masasabi kung ika’y agad na sumang-ayon sa iyong narinig.
_______4. Maaari itong gamitin o sabihin kung maglalahad ng matinding
paghanga sa namalas o nakita.
_______5. Naglalahad ito ng pagkabigla.

B.

6. _______ Magsikilos na kayo’t madaliin nyo ang mga gawain dito.


7. Ito na ba ang alagang pusa ni Lei? ________ nakakagigil!
8. ______ Biglang sumakit ang likod ko.
9. Nanguna na naman si Glenn sa tagis-talino. ________
10. _________ Sa isang linggo ay pupunta raw tayo sa Baguio.

Gawain 2
Panuto: Sumulat ng dayalogo para sa isang maikling eksena o skit.
Pumili ng temang magpapakita ng matinding damdamin. Gumamit ng mga
ekspresyong nagpapahayag ng matinding damdamin.

3
Halimbawa: Diyalogo sa pagitan ng magkaibigan

Jude: Kumusta Sandy!


Sandy: Ayos naman pare. Ikaw kumusta? Grabe! Ngayon lang kita ulit
nakita dito.
Jude: Noong isang araw lang nagsimula ang trabaho ko malapit dito. Pauwi
na din ako.
Sandy: Aba, mabuti! Malayo ba ang iyong tahanan? Saan ka nagtatrabaho?
Jude: Sa klinika, mga isang pares ng mga bloke mula dito.
Sandy: Galing ah! Nagtatrabaho din ako dito, kaya ngayon mas madalas na
tayong magkikita. Halika magmiryenda at makibalita.
Jude: Magandang ideya. sa kabilang kanto may isang kainan na di
kamahalan ang presyo.
Sandy: O sige, tara na at patuloy tayong magkuwentuhan.

Batayan ng Pagpupuntos:
Paraan ng pagsulat ng dayalogo - 20
Ekspresyon ng matinding damdamin - 20
Kaayusan at kalinisan - 10
Kabuuan - 50

Inihanda ni:

MAYBELYN P. ARONALES
Teacher II

You might also like