Ito ang nobelang pumukaw sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kanilang buhay sa ilalim ng pag- kakabihag ng Espanya. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere TALASALITAAN marangya - mayaman o nakakaangat sa buhay dalubhasaan - kolehiyo ; pamantasan; isang institusyon ng kaalaman nagsunog ng kilay - nagsisipag o nag-aaral ng mabuti ang isang tao upang makakuha ng mataas na grado lagalag - lumayo o mapalayo sa sariling bayan dahil sa isang malaking sanhi ; wanderer kumutya - manghamak, manglibak, manuya Ipinanukala- ang sitwasyon kung saan ang isang tao o higit pa, ay nagbibigay ng suhestiyon upang magpatupad ang isang batas at alituntunin. salingin- tapikin o hawakan; touch pagpapalimbag -pag-imprenta ; isang proseso para sa pagsasagawa ng mga teksto at larawan, karaniwang sa tinta sa papel na ginagamit ang isang palimbagan; print; publish paghihimagsik - tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o mga may katungkulan. prayle -kastilang mga pari; nanggaling sa salitang espanyol na fraile; friar Mga Tatandaang Pangalan
Jose Protacio Mercado Rizal Alonso y Realonda
Francisco Mercado Rizal
Teodora Morales Alonso Realonda Y
Quintos Eugenio Sue
Harriet Beacher Stowe
Maximo Viola
Felix R. Hidalgo
Paciano Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Galing sa isang marangyang angkan si Jose
Protacio Mercado Rizal Alonso y Realonda na ipinanaganak noong ika- 19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Siya’ ikapitong anak ni Francisco Mercado Rizal na isinilang noong Abril 18, 1818 sa Binan, Laguna na nag-aral sa Dalubhasaan ng San Jose sa Maynila. Samantalang ang kaniyang ina si Teodora Morales Alonso Realonda Y Quintos Realonda ay isinilang noong Nobyembre 14. 1827 sa Sibacon, Santa Cruz, Maynila ay nagsunog naman ng kilay sa Dalubhasaan ng Santa Rosa. Ang apelyidong Rizal ay ginamit ng pamilya bilang tugon sa kapasyahan ng Kapitan- Heneral Claveria sa isang kautusan noong ika- 21 ng Nobyembre, 1841. Mahilig magbasa ng mga aklat si Rizal at isa sa kaniyang mga nabasa ang “The Wondering Jew” o “Ang hudyong Lagalag” ni Eugenio Sue. Ang aklat na ito ni Sue ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil. Nang mabasa rin niya ang “Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet Beacher Stowe, kung saan inilalarawan sa aklat ang diskriminasyon ng lahi at kung paano pagmalupitan at apihin ng mga puti ang kanilang mga aliping itim. Bunga nito, lalong tumindi ang hangarin niya na makabuo rin ng isang aklat na tatalakay sa kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Ipinanukala niya ang ideya sa pagsulat ng nobela noong Enero 2, 1884, lahat ay sumang- ayon kaya’y hinati-hati na agad ang mga kabanata upang isulat ng kaniyang mga kasama. Sa kasamaang-palad, ang magandang balak ay hindi naisakatuparan sapagkat nawili ang lahat sa sugal at pambabae ang nais nilang isulat. Bagama’t hindi niya nakuha ang suporta ng mga kababayan, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsulat ng nobelang ito.