Professional Documents
Culture Documents
Isang tulang romansa ang “Florante at Laura”. Binubuo ito ng 399 na saknong; may
lalabindalawahing pantig ang bawat taludtod; may apat na taludtod ang bawat saknong; at may
tugma. Gumagamit ito ng mga piling salita, mga simbolo, tayutay, at iba’t ibang pahiwatig.
Isinulat ang akda noong huling daantaon nang pananakop ng mga dayuhang Kastila sa
Pilipinas. Ipinalimbag ng may-akda ang “Florante at Laura” nang makalaya siya sa piitan noong
1838.
Napakahaba ng panahong sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas, mahigit na tatlong daang
taon. Pormal itong nagsimula noong taong 1565 at natapos noong 1898. Sa haba ng panahong iyon,
magkasanib ang kapangyarihan ng simbahang katoliko at ng pamahalaan sa pamamalakad sa
Pilipinas.
Ginamit ng mga Kastila ang krus at espada sa pananakot ng mga katutubo. Pinairal nila sa
bansa ang maling aral ng relihiyon at karahasan. Magkasabwat at pamahalaan at ang simbahan. Ang
sinumang hindi susunod sa among Kastila, tiyak na makakaranas ng kalupitan at kamatayan.
Inangkin ng mga mananakop ang malalawak na lupain. Pinatawan nila ng malalaking buwis ang
mga magsasaka hanggang sa isuko na ito sa pamahalaang Kastila. Ganoon din ang ginawa ng mga
prayle. Tinakot nila ang mga Pilipinong nakaririwasa. Magiging dahilan dawn g kanilang
kapahamakan ang kayamanan. Mapupunta sila sa impyerno. Kinamkam ng mga prayle ang
kayamanan ng sambayanan.
Mga mananakop na walang malasakit, walang ginawa kundi magsamantala sa
kamangmangan ng mga katutubo. Pinagkaitan nila ng malayang edukasyon ang sambayanan. Ang
kakaunting mayayaman ang kiinailangan pang mangibang bayan upang makapag-aral. Ang ilan ay
nagsikap na matuto sa kabila ng kahirapan ngunit pinagbitangang mga rebelde. Pinagmalupitan at
ginawa nilang alila ang mga mahihirap. Ang kalalakihan ay pinagsaka ng lupa. Ang kababaihan ay
nasa bahay lamang o kaya’y nagsilbi at inangkin ng simbahan.
Ang sumalungat sa kanilang kagustuhan ay parurusahan ng pamahalaan at ng simbahan.
Pahihirapan sila sa mga kuwartel at itatakwil ng simbahan. Walang karapatan. Walang katarungan.
Ganoon ang kinamulatang kalakaran ng ating mga propagandista, ng ating mga bayani.
Ganoon din ang kinamulatang kapaligiran ng dakilang manunulat ng “Florante at Laura”.
Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang pagsusulat, at noong
1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera nang lumipat siya sa
Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa Florante sa Laura bilang 'Celia' at 'MAR'.
Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang Espanyol ay ang
dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa bilangguan noong 1838 at
inilathala niya ang Florante at Laura noong panahong iyon.
Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa Balanga, Bataan
noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at punong tagasalin
ng hukuman.
Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan, sila ay
nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at anim na
babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.
Noong 1906, sinabi ni Padre Blas M. de Guernica, ang kura paroko ng Bigaa, na nakatala sa
Indice Alfabetico de Libro de Bautismos de Bigaa na bininyagan ang makata noong ika-30 ng Abril
taong 1788 sa pangalang Francisco Balagtas.Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso
Claveria na ang bawat katutubong Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Taong 1842,
binago ni Francisco Balagtas ang kanyang pangalan bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay
nabilanggo sa ikalawang pagkakataon noong 1856 nang ipahayag ang reklamo ng isang
kasambahay ni Alferez Lucas, na pinutol niya ang buhok nito. Siya ay napalaya noong 1860 at
ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula.
Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling hangarin
ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa takot na sila ay
dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol
ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging manunulat.