You are on page 1of 6

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

Dula
Ito ay nag- ugat sa salitang GRIYEGO na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang
komposition na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor.
Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan:
1. Ayon kay SEBASTIAN ay nagsimula noong mga unang taon ng pananakop ngmga Amerikano.
Idinagdag pa ni TIONGSON na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto,
"characterization", at "internal conflict!"
Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagangkahulugan
2. Sa kabilang dako, ayon sa mga libro, ang drama ay drama kahit wala angmga sangkap na
nabanggit. Ito ang dramang Pilipino.
Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulangPilipino.
MEMISES- ay ang pagbibigay buhay ng aktor o aktres sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng
mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.
Pilipinong Dula
Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon.
Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mgakatutubong Pilipino.
Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan aturi ng lipunan.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng masmalawak na pang-unawa sa kulturang
Pilipino at nagbibigay ngkasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
https://www.scribd.com/document/349041892/Kasaysayan-Ng-Dulang-Pilipino

Mga Uri ng Dula

Komedya

•Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

Trahedya

•Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan,
karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya
nagwawakas na malungkot.

Melodrama o Soap Opera

•Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng
tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang
mapanonood sa mga de seryeng palabas.
Tragikomedya

•Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga
tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging
malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

Mga Bahagi ng Dula

Ang dula ay mayroon ding tatlong sangkap

1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.

2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.

3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan

Sangkap ng dula:

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad

sa dula

2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang
mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan

5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid,
at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula

6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa
dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga
manonood.
Elemento ng Dula:

1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang
sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip

2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan
sa dula

2. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na


tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

3. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap
at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

4. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng
ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

Eksena at tagpo:

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang
pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

https://teksbok.blogspot.com/2010/09/mga-uri-ng-dula.html

PAGTATANGHAL NG DULA

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.

S – seen before heard ( makita muna bago marinig)

T – talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)

A – act realistically ( Umarte nang totoo)

G – give your all ( Ibigay ang lahat)

E – exaggerate ( Eksaherado)

PAG-ARTE

Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na

may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga
manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso
niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang
paraan kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat
ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay
ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling lalabas
upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.

Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa

entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na
posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang
posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng
entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o kahit na “extra” lamang.

Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang

dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa
papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsan-minsan.
Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag
na huwag tumalikod sa mga manonood.

Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan

ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa
kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at nawawala
ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa
pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan
kung saan papasok o magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.

GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.

Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang

balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang pagtingin.

Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay (relax). Ang kamay
na naka gapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay
unang huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong
sasabihin.

Pagtawid at Pagbalik

– Ang gitnang bahagi na entablado ay tinatawag na “center”, ang harapan ay “downstage” at ang
likurang bahagi ay “upstage”
Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang posisyon.

(A) (B) (C)

Up Right Stage Up Center Stage Up Left Stage

(D) (E) (F)

Right Center Stage Center Stage Left Center Stage

(G) (H) (I)

Down Right Stage Down Center Stage Left Center Stage

Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.

Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas
o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig,
sunod ay sa mukha, pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay
at mga daliri.

Mga Kawani ng Produksyon

Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal. Kailangan niyang
madiskubri ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang magpapaliwanag ang dulang isinulat ng
tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya
nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.

Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at magsisilbing tagapag – ugnay sa iba
pang kawani ng produksyon.

Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan niya ang mga bagay na
kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw at iba pa.

Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga kasuotan at mga mga
ilaw sa tanghalan.

Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal na tunog at iba
pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay makikipagtulungan din sa mga paghahandang ginagawa ng
tagadisenyo ng Tagpuan.

Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro niya na maayos ang buong entablado na pagtatanghalan. Siya
rin ang mamamahala sa likod ng entablado sa posibleng kagipitang mangyayari.

Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.


Katutubong dula

1. Ilocano – dung-aw Pagtangis Pagpapahayag ng dalamhati dahil sa nawlan ng mahal sa buhay.


Ilokano, nakatutulong ang dúng-aw sa paglalabas ng kanilang saloobin at nakapagpapagaan ng kanilang
kalooban.

2. Sa burol, nagsisimula ang dúng-aw sa mahinàng pag-iyak ng namatayan hanggang sa lumakas nang
lumakas ang kaniyang boses Nagmimistulang isang buong koro ang nagdudúng-aw na nadaragdagan ng
mga tili at tindi ng paglalabas ng emosyon. Sinasabayan din ang pagbigkas ng nararamdamang pighati ng
kakaibang gawain, gaya ng pagtalon sa mabababang bintana o kayâ’y paghampas ng kamay sa dibdib.

3. Daling-Daling ay isang sayaw panliligaw na galing sa Jolo, Sulu. Ito ay isang popular na sayaw ng
mga kabataan. Ang salitang daling ay nangangahulugang “Aking Mahal”. Ang pangalan ng sayaw ay
“Aking Mahal, Aking Mahal”.

4. Ang mga mananayaw ay kumakanta habang sumasayaw o ang mga manonood ang siyang
kumakanta sa halip na mananayaw. Ang sayaw na ito ay nagpapakita kung gaano pinahahalagahan ng
dalawang magkasintahan ang isa’t-isa.

5. Matandang kaugaliang Pilipino Paghingi ng pahintulot ng magulang ng lalaki sa magulang ng babae sa


isang pag-iisang dibdib. Panhik at kaugnay rin ng salitang mamamanhik na may kahulugang makikiusap.

6.

7.

8. Tradisyon ng mga taga- gitnang Luzon Pagkaraan ng pagtatanim ng palay, ang mga magsasaka ay
gumawa ng damara sa tumana o sa taniman. Naghahandog ng premyo ang may-ari ng lupa para sa
pinakamabilis magtanim Pagkatapos ng pagtatanim, sila ay naghuhugas ng kamay at susundan ito ng
kainan at magkakasayahan habang nagkakantahan, nagsasayawan, nagkukuwentuhan at nagtutuk-
suhan

9. Pagtatalong patula. Ito ginaganapan ng isang lalaki at isang babae. Kung minsan ito ay humahantong
sa mainitang pagatalo. Kadalasang sinusunda n ng laro ng panyo na tinatawag na sayatan.

10. Salamat sa pakikinig!

You might also like