You are on page 1of 3

Ang Improvisation ay may dalawang uri.

Ang isang uri ng improvisation ay tumutukoy sa isang


pagtatanghal na isinasagawa ng mga artista sa entablado kung saan ang eksena, mga dayalogo at ang
daloy ng kwento ay isinagawa ng walang paghahanda at hindi nakabase sa isang iskrip.

Habang ang isang uri naman ng improvisation ay tumutukoy sa mga kagamitan na siyang hindi ginagamit
ng mga aktor sa kung ano ang tamang gamit nito. Ang upuan ay maaaring gamitin bilang isang inidoro.
Ang pamaypay ay maaaring maging sigarilyo. Ang walis ay maaaring maging mikropono. At marami pang
iba.

ISIPAN O IMAHINASYON

Dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na may tiyak na layunin at nasa tiyak
na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa
papel na kanyang gagampanan. Sa parteng ito ay kinakailangan din gumana ang imahinasyon ng mga
aktor upang mas maging epektibo ang pag-aarte na kanilang pinapakita sa madla.

KILOS O GALAW

Walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may
kahulugan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang
diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag
tumalikod sa mga manonood.

Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na

may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga
manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso
niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang
paraan kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat
ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay
ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.

Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling lalabas
upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.

Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa

entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na
posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang
posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng
entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o kahit na “extra” lamang.
Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.

Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang

balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang pagtingin.

Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay (relax). Ang kamay na naka
gapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay unang
huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong sasabihin.

Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang posisyon.

Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.

Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas
o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig,
sunod ay sa mukha, pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay
at mga daliri.

EMOSYON

Ang emosyon ay ang paglapat ng ating isip sa hindi malay sa anumang sitwasyon. Kinakailangan
maipakita ang emosyon na hinihingi ng bawat eksena. Ang pag-iyak, pagtawa, pagkaramdam ng kilig at
pagkagalit ang ilan sa mga emosyon na maaaring ipakita ng mga aktor sa mga manonood.

BOSES

Ang wastong pagbabagu-bago ng tono ng boses ay nagbibigay ng buhay sa isang pahayag, umaantig ng
mga damdamin at gumaganyak sa pagkilos. Sa parteng ito ay kinakailangan din maipakita ng mga aktor
ang tamang boses ng tauhan na kanilang ginagampanan. Kung ang kanilang ginagampanan ay isang
matanda, kinakailangan na magboses matanda din ang aktor na gumaganap. Kung bata naman ito,
kinakailangang maipakita rin ang pambatang boses na hinihingi ng eksena.

PAGHINGA

Ang paghinga ay nakadepende sa ginagampanan ng aktor sa dula. Kailangan maipakita ang tamang
paghinga ng isang aktor na tumatakbo, umiiyak, kinakabahan, natatakot, at iba pa.

PAGSASALITA

Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin. Kailangan ding malinaw, buo at malakas ang boses ng
mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang
katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang
ibang aktor ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin
ng pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o magsisimula sa
pagsasalita at huwag itong kalimutan.

You might also like