You are on page 1of 33

Bb. Christine Leigh M.

Bajado
LIGHTS,
CAMERA, ARTE!
PANUTO: May mga sikat na linya
akong ipapakita at kinakailangan niyo
lamang bigyan ito ng emosyon na
para bang tunay na artista.
PAANO NA KAYA (2010)

PARA SA MGA NA-FALL SA KAIBIGAN:

"Bogs, sana lumayo ka na lang...sana umiwas ka na lang maiintindihan ko pa yun.. pero Bogs
shinota mo ako, e. Shinota mo ang bestfriend mo."
- Kim Chui as Mae
STARTING OVER AGAIN (2016)

PARA SA MGA NA-GHOSTING:

"Anong karapatan mong hingin ang bagay na ipinagdamot mong ibigay? I deserved an
explanation. I deserved an acceptable reason."
- Piolo Pascual as Marco
MY EXS AND WHYS (2017)

PARA SA MGA NALOKO:

Callie: "Am I not enough? May kulang ba sa akin? May


mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko?
Kapalit-palit ba ako?”

Gio: No

Callie: then why? Bakit mo ako nagawang lokohin!


THE HOWS OF US (2018)

PARA SA MGA TANGA SA PAG-IBIG:

"Palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin. Isang ngiti, isang kanta, isang akap,
isang sorry wala umiikot na ulit yung mundo ko. Matalino akong tao pero pagdating sa 'yo, ewan
ko, natatanga ako."
- Kathryn Bernardo as George
HENERAL LUNA

“Negosyo o kalayaan. Bayan o sarili. Pumili ka!."


- John Arcilla as Heneral Luna
LABS KITA. OKEY KA LANG? (1998)

“Ned: "Kung galit ka sabihin mo sa'kin, sabihin mo sa'kin kung bakit. Kung nasaktan kita sampalin mo ako,
gantihan mo ako. Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ako."

Bujoy: “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako. And I’m so stupid to make the biggest mistake of
falling in love with my bestfriend!!!”

-Ned as Marvin Agustin


-Bujoy as Jolina Magdangal
LAYUNIN:

Natutukoy ang kahulugan Naisa-isa ang mga


ng Dula sangkap, elemento, bahagi
at uri ng Dula.

Naiuugnay ang mga aral na


nakuha sa mga naging
obserbasyon at karanasan
sa buhay.
DULA

• Ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” na


nangangahulugang gawin o ikilos.

• Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa


pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw.
Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng
panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng
buhay. Ipinapakita nito ang reyalidad sa
buhay ng tao gayundin ang kanyang mga
iniisip, ikinikilos at isinasaad. .
Ayon kay Sauco, ito ay isang uri ng sining
na may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood sa
pamamagitan ng kilos ng katawan,
dayalogo at iba pang aspekto nito.
• Ayon kay Schiller at Madame De Staele,
ito ay isang uri ng akdang may malaking
bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.

• Ayon kay Rubel, ito ay isa sa maraming


paraan ng pagkukwento.
Sangkap ng
Dula
MGA SANGKAP NG DULA
SIMULA

TAUHAN
ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula.

TAGPUAN
ang panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinasaad.

SULYAP SA SULIRANIN
pagpapakilala sa problema ng kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan,
o kaya’y sulirann ng tauhan na sarili niyang likha o gawa.
MGA SANGKAP NG DULA
GITNA

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.

TUNGGALIAN
Maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at
tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o
patung-patong na tunggalian.

KASUKDULAN
Sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi
at pinakamabugso ang damdamin o ang pinkakasukdulan ng tunggalian.
MGA SANGKAP NG DULA
WAKAS

KAKALASAN
– Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
tunggalian.

KALUTASAN
Dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula;
ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliran at tunggalian
sa panig ng mga manonood.
Elemento ng
Dula
MGA ELEMENTO NG DULA

ISKRIP O NAKASULAT NA DULA


ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
iskrip.

GUMAGANAP O AKTOR
ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.

TANGHALAN
– anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang
pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang sild na pinagtanghalan ng
mga mag-aaral sa kanilang klase.
MGA ELEMENTO NG DULA

TAGADIREHE O DIREKTOR
ang director ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-
iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumedepende sa interpretasyon ng director sa iskrip
MANONOOD
hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hnidi ito maituturing na dula sapagkat
ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat
mayroong makasaksi o makanood
MANUNULAT
sila ang humahabi ng kwento na itatanghal.
Bahagi ng
Dula
BAHAGI NG DULA

YUGTO ( ACT)
katumbas sa nobela ay kabanata, ito ang pinakakabanatang paghahati sa
dula.

TANGHAL- EKSENA (SCENE)


ang bumubuo sa isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng pagbabago
ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari.

TAGPO FRAME
ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhan gumanap o
gaganap sa eksena.
Uri ng Dula
MGA URI NG DULA

KOMEDYA
kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida
ay laging nagtatagumpay.

TRAHEDYA
kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding
pagkabigo at pagkamatay ng bida.

MELODRAMA O SOAP OPERA


kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay
eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay
pinipiga para lalong madala ang damdamin ng mga manonood upang
maawa at mapaluha sa nararanasan ng tauhan.
MGA URI NG DULA

PARSA
kapag tawanan at walang saysay ang kwento, at ang mga aksyon ay puro
“slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at
magbitiw ng mga kabalbalan.
PARODY
kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya
ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng
pinauukulan.
PROBERBYO
kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na
salawikain, ang kwento ay pinaiikot ditto upang magsilbing huwaran ng
tao sa kanyang buhay
Tanong-Sagot
Kung isasaDULA ang iyong
buhay, ano ang magiging
pamagat nito? Bakit?
Sinong artista ang nais
mong gumanap bilang
ikaw?
Kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataon na bumuo ng
isang DULA, anong uri ng dula
at bakit?

You might also like