You are on page 1of 76

DULA

KAHULUGAN
DULA
–Salitang Griyego na “drama” na
ngangahulugang gawin o kilos
– Ito ay isang pampanitikang
panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan
Ang Dula ayon kay:
ARISTOTLE
• Ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay

SAUCO
• Ito ay uri ng sining na may layuning
magbigay ng makabuluhang mensahe sa
manonood sa pamamagitan ng kilos
Ang Dula ayon kay:
RUBEL
• Ito ay isa sa maraming paraan ng
pagkukwento
SCHILLER at MADAME DE STAELE
• Ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa
sa diwa at ugali ng isang bayan.
URI NG DULA
AYON SA ANYO
TRAHEDYA
Ang tema ng trahedya ay mabigat o
nakasasama ng loob at kadalasa’y
nakakaiyak. Karaniwang nasasadlak
sa kamalasan, kabiguan ang mga
tauhan.
KOMEDYA

Katawa-tawa, magaan sa loob


dalhin ang tema, at ang mga
tauhan ay laging nagtatagumpay
sa wakas.
PARSA
Isang dulang pangunahing layunin ay mag-
dulot ng katatawanan sa mga tagapanood.
Ito'y gumagamit ng eksaheradong
pantomina,pagbobobo(clowning) mga
nakakatawa,nakakatawang komikong
pagsasalita ng karaniwang isinasagawa sa
mabilisan at di-akmang layunin at di
pakaunawaan.
MELODRAMA
Isang dulang may malungkot na
sangkap ngunit nagtatapos nang
kasiya-siya para sa mga pangunahing
tauhan.Humihikayat ito ng pagkaawa
para sa protagonista at pakamuhi sa
antagonista.
PARODYA
• Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang
ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao
bilang isang anyo ng komentaryo,
pamumuna o kaya ay pambabatikos na
katawa-tawa ngunit nakakasakit ng
damdamin ng pinauukulan.
SAYNETE
• Mga karaniwang ugali ang
pinapaksa dito
TRAGI- KOMEDYA

• Magkahalo ang katatawanan at


kasawian
BAHAGI NG DULA
YUGTO
• Ito ang bahaging pinanghahati sa dula.
Inilalahad and tabing bawat yugto
upang makapagpahinga ang mga
natatanghal gayon din ang mga
nanonood.
TANGHAL
• Ang bumubuo sa isang yugto. Ito ay
maaaring magbadya ng pagbabago ng
tagpuan ayon sa kung saan gaganapin
ang susunod na pangyayari
TAGPO
• Ito ay ang paglabas at pagpasok ng
kung sinong tauhang gumanap o
gaganap sa dula
SANGKAP NG
DULA
TAUHAN
• Ang kumikilos at nagbibigay buhay sa dula.
• Ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila
ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula
TAUHAN
• A. Pangkalahatan

PROTAGONISTA
BIDA

ANTAGONISTA
KONTRABIDA
TAUHAN
• B. Debelopment ng Pag-uugali

LAPAD Nagtataglay ng isa


o dalawang ugali

BILOG
Nagtataglay ng
napakaraming
katangian o ugali
TAUHAN
C. Debelopment ng Pagbabago

STATIK
Hindi Nagbabago

DINAMIKO
Maraming Pagbabago
TAGPUAN
• Ang panahon at pook kung saan
naganap ang mga pangyayaring
isinasaad.
TAGPUAN

LUGAR Saan?

ATMOSPERA
Kalagayan

PANAHON
Kailan?
SULYAP SA SULIRANIN
• Pangyayaring nagbibigay ideya sa mga
manonood sa kung ano ang maaring
maging gusot dula
• Pagpapakilala sa problema ng kwento.
Pagsasalungatan ng mga tauhan, o
kaya’y suliranin ng tauhan na sarili
niyang likha o gawa.
SAGLIT NA KASIGLAHAN
• Ito ay ang saglit na paglayo o
pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
TUNGGALIAN
• Tao laban sa sarili
• Tao laban sa lipunan
• Tao laban sa tao
• Tao laban sa kalikasan
• Tao laban sa tadhana
KASUKDULAN
• Sa puntong ito nasusubok ang
katatagan ng tauhan. Dito
pinakamatindi at pinakamabugso
ang damdamin o ang
pinakakasukdulan ng tunggalian.
KAKALASAN
• Ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian
WAKAS
• Dito nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin
at tunggalian
ASPEKTO NG KWENTO
NG DULA
SIMULA
• Mamalas dito ang tagpuan,
tauhan at sulyap sa suliranin

TAUHAN TAGPUAN
SULYAP SA
SULIRANIN
GITNA
• Matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian at ang
kasukdulan
SAGLIT NA
TUNGGALIAN
KASIGLAHAN
KASUKDULAN
WAKAS
• Matatagpuan naman dito ang
kakalasan at kalutasan.

KAKALASAN KALUTASAN
ELEMENTO
NG DULA
ISKRIP O BANGHAY
• Ito ang pinakakaluluwa ng isang
dula. Sa iskrip nakikita ang banghay
ng isang dula.
Gumaganap o Aktor/
Karakter
• Ito ang mga nagsisilbing tauhan ng
dula at nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip.
DAYALOGO
• Ito ang mga bitaw na linya ng mga
aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga
emosyon.
TANGHALAN
• Ang anumang pook o lugar na
pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula.
TAGADIRIHE O
DIREKTOR
Ang nagpapakahulugan sa isang
dula-dulaan; Siya ang nagpapasya ng
itsura ng isng tagpuan at kilos ng mga
aktor o karakter.
MANONOOD
Saksi sa isang pagtatanghal. Hindi
maituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao.
TEMA
Ito ang pinakapaksa ng isang dula.
KOMBENSYON O
KASUNDUAN NG DULA
ASIDE
• Mga salitang binibigkas nang
mahina na ang nakakarinig lamang
ay isang tao o isang grupo at hindi
naririnig ng mga kasamahan.
MONOLOGO
• Madamdaming pananalita na
sinasabi ng isang aktor nang nag-
iisa at walang ibang tao sa
tanghalan
SOLILOQUY
• Ang aktor ay nagpapahayag ng
kanyang iniisip sa mga manonood at
hindi naririnig ng iba pang tauhan,
nagsasalita ang aktor sa kanyang sarili
at sinasabi niya ito nang malakas.
FLASHBACK
• Pagbabalik-tanaw sa mga
pangyayari.
Pagsusuri sa
Dula
• I. A. Walang Sugat
B.Severino Reyes
• Ang kanyang mga Dula ang hangarin ay Reporma
Sosyal at Patriotismo. Ang kanyang mga Dula ang
hangarin ay Reporma Sosyal at Patriotismo.
Naglathala ng Pahayagang Liwayway. Nakapagtapos
ng Batsiler sa Pilosopiya at Letras sa Universidad ng
Santo Tomas. Nakilala sa tawag na “Don Binoy, Ama
ng Dulang Pilipino Sagisag panulat na Lola Basyang at
Ama ng Lingguhang Liwayway”.
• II.Buod ng Katha
• Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay
Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang kaibigan
nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang
kanyang ama. Sabi niya napagkamalan itong isang
tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo
at nais ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto
ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si kapitana
Puten. Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa.
Nagkalayo sina Julia at Tenyong.
At dahil dito, may dumating namang mangliligaw si
Julia, isang mayang nag ngangalang Miguel.Sa pagalaon
ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala
ng liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na.
Ngunit, ang liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil
biglang nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lang ni
Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala
ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag man sa
kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay
Miguel.
• Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si Tenyong sa
simbahan na duguan na anyong mamatay na.
Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang
makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan
nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo
ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil
mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang
kanyang anak. Subalit, biglang bumangon si Tenyong
at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang
Sugat! Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang
siya ay makasal kay Julia.
III.Pagsusuri
A.Dula
1.Uri ng Dula Ayon Sa Anyo
Ang dulang Walang sugat ay isang uri ng Melodrama
sapagkat ang kwentong ito ay napapalooban ng
malungkot na sangkap ngunit nagtatapos nang kasiya-
siya para sa mga pangunahing tauhan. Ito ay
humihikayat ng pagkaawa sa protagonista na si Tenyong
at pagkamuhi sa antagonistang Frayle.
2.Sangkap ng Dula
a.Tauhan
a.1 Pangkalahatan
a.1.1 Protagonista
 Tenyong- isang lalaking mapagmahal sa
kanyang kasintahan , pamilya at bayan.
Julia- babaeng pinakamamahal ni Teñong.
a.1.2 Antagonista
Kura/ Prayle - Nais nilang kamkamin ang yaman
ng bayan at gawing alipin ang mga tao.
a.2 Debelopment ng Pag-uugali
a.2.1 Lapad
Tenyong- Mula sa simula ng kwento ay hindi
nagbago ang pakikitungo ni Tenyong sa mga Frayle at
ang pagmamahal niya kay Julia
Julia - Hindi nagbago ang pagmamahal ni Julia kay
Tenyong
Lucas- kanang kamay at utusan ni Teñong
Monica- alila ni Julia
Kapitan Inggo- ama ni Teñong asawa ni Kapitana
Putin na namatay
Putin- Ina ni Tenyong
a.2.2 Bilog
Juana - Ina ni Julia
Miguel- Pilit na ikinakasal kay Julia
Padre Teban - nagpakasal kay Teñyong at Julia alipin
ng mga Frayleng Kastila
Tadeo- ang ama ni Miguel my lihim na pagtingin kay
Juana
a.3 Debelopment ng Pagbabago
a.3.1 Statik
Tenyong, Julia , Lucas , Monica, Kapitang Inggo,
Putin
a.3.2 Dinamiko
Juana, Miguel, Padre Teban , Tadeo
b.Tagpuan
b.1.1 Lugar
Yugto 1 - Loob ng bahay, Bilangguan
Istasyon ng tren
Yugto 2 - Bahay ni Julia
Kuta ng mga kasamahan ni Tenyong
Yugto 3 - Sala nila Julia b.1.2
Atmospera - Isang araw puno ng tensyon
b.1.3 Panahon- Panahon ng Kastila
c.Sulyap na Suliranin

(Yugto 1) Pagkabilanggo at pagkamatay ng ama ni


Tenyong na si Kapitan Inggo. Dito ay pinahirapan ng
mga Frayle si Kapitan Inggo.
d.Saglit na Kasiglahan

(Yugto 1) Umalis si Teñong papunta sa istasyon


Gunguinto para maghimagsik laban sa Frayleng Kastila.
Yugto 1
e.Tunggalian
• Tao Laban sa Sarili - Julia laban sa damdamin para
kay Miguel.
• Tao Laban sa Kapwa- Julia laban kay Juana- Yugto2
Heneral Laban kag P. Teban –Yugto3
Teñong laban sa Relihiyoso –Yugto1
Julia Laban kay Miguel –Yugto2,3
• Tao Laban sa Lipunan- Teñong laban sa paghihirap at
pagkalaban sa mga Frayle.
• Tao Laban sa Tadhana - Si Julia ay pinipilit na ikasal
kay Miguel
f.Kasukdulan
Nabalitaan na ikakasal si Julia kay Miguel habang
nagkaroon ng labanan si Teñong laban sa mga kaaway.
g.Kakalasan
Dumating si Teñong na sugatan at huling hiling ay ikasal
kay Julia.
h.Wakas
Kinasal si Teñong at Julia nalinlang silang lahat na
Walang Sugat si Teñong. Napasigaw ang lahat ng
WALANG SUGAT
a.Simula - Nagsimula ang kwento ssa pagbuburda ni
Julia ng panyolito nang biglang dumating si Tenyong at
tinanong kung para kanino ang binuburdang panyo ni
Julia. Biglang dumating si Lucas at ibinalita kay Tenyong
na dinakip ang kaniyang ama dahil pinagkamalan itong
Tulisan
b.Gitna- Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo
at nais ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng
kasintahan na si Julia at kanyang ina na si kapitana
Puten. Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa.
Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may
dumating namang mangliligaw si Julia, isang mayang
nag ngangalang Miguel.Sa pagalaon ay itinakda ang
kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng liham kay
Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang
liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil biglang
nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lang ni Tenyong na
dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia.
c.Wakas- Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si
Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay
na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang
makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan
nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo
ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil
mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang
kanyang anak. Subalit, biglang bumangon si Tenyong at
nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang
Sugat! Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang
siya ay makasal kay Julia.
a.Aside
Unang Yugto, unang tagpo
- Makikita sina Julia at ang kaniyang mga kaibigan na
nagbuburda ng mga panyolito at napansin nila na ang
ibinuburda ni Julia na panyolito ay para kay Tenyong
kaya nagbulungan tungkol.
-Ito ay Aside sapagkat mahina lamang ang mga
bulungan ng mga kaibigan ni Julia at tanging sila
lamang ang nakakarinig at hindi ang lahat ng mga
tauhan sa entablado.
b.Monologo
kalawang Yugto, tagpo III
- Si Julia ay nagtanghal ng isang dalit na tanging siya
ang naroroon sa entablado at wala siyang mga
kasamahan. Ipinapahayag niya ang kaniyang damdamin
sa pamamagitan ng isang dalit.
-ito ay isang monologo sapagkat si Julia lamang ang
nag-iisa sa tanghalan at wala siyang kasama.
c.Soliloquy
Unang Yugto, tagpo II
-Makikita sa entablado si Julia at Tenyong na
naglalambingan dahil sa panyolito na ibinurda ni
Julia para sa kanya.
-Ito ay soliloquy sapagkat nagpapahayag ng kanilang
damdamin ang dalawa at parang nag-eemote silang
dalawa sa kanilang sarili at tila nagpaparinig sa kausap
pero ang kanilang mga pahayag ay diretso sa mga
manonood at hindi sa kanilang kausap.
• d.Flashback
• Ang dula ay hindi kakakitaan ng istilong
flashbacking sapagkat tuloy-tuloy ang daloy
ng dula at hindi na binabalik-balikan ang
nakaraan.
• Bisa sa Isip- Sa dulang Walang Sugat, tumatak sa
aking isipan na karapatan din natin na
ipagtanggol ang tama, ang ating sarili at ang mga
inaapi. Hindi lahat ng malapit sa Panginoon ay
maituturing na santo. Minsan ay sila pa ang
gahaman at mapang-api kagaya ng mga Frayle sa
dula. Tumatak rin sa aking isipan na hinding-hindi
mo mauutusan ang puso kung sino ang iibigin
nito kagaya ng ipinakitang pagmamahalan nina
Tenyong at Julia
• Bisa sa Damdamin- Sa dulang Walang Sugat,
nakaramdam ako magkahalong kirot sa
aking puso at saya. Kumirot ang aking puso
sa pangyayaring namatay ang ama ni
Tenyong ng walang kalaban-laban dahil sa
pang-aaping ipinapakita ng mga Frayle.
Nasiyahan ako sa pangyayaring ipinaglaban
ni Julia at Tenyong ang kanilang
pagmamahalan at hindi nagpatalo sa mga
mapang-api.
• Bisa sa Kaasalan- Sa dulang Walang Sugat,
Tinuruan tayo ng Walang Sugat ng tunay na
pagmamahal sa bayan at sa kapwa. Binigyan
tayo ng aral na ipaglaban kung ano ang
tama. Huwag magpapa-alipin sa mga
mapang-abusong maykapangyarihan at
ipaglaban ang wagas na pag-ibig na
kailanman ang puso ay hindi makakalimutan.
Teoryang Realismo
• Ang akda ay nagpapakita ng pangyayaring
makatotohanan kung saan ang mga may
kapangyarihan mapang-abuso at mapang-api.
Lalong- lalo na pang-aapi at pagpapahirap sa mga
bilanggo na hindi makatarungan.
Teoryang Feminismo
• Pagtanggi ni julia na magpakasal kay Miguel dahil
mas sinunod niya ang takbo ng puso at ipinaglaban
ang pagmamahal kay Tenyong.
Teoryang Moralistiko
• Sa dulang Walang Sugat, Tinuruan tayo na gawin o
ipaglaban ang tama lalong- lalo na sa pag-ibig. Hindi
dinedektahan ang puso kung sino ang mamahalin.
• Teoryang Romantisismo
• Ang pagmamahal na ipinakita ni Tenyong sa bayan
sa pamamagitan ng paglaban nito sa mga kastila
dahil sa pang-aalipin na kanilang ginagawa at ang
pagmamahal ni Tenyong kay Julia hanggang sa
wakas.
• Teoryang Sikolohikal
• Dahil sa pagkadakip at pagkamatay na sinapit ng
ama ni Tenyong sa kamay ng mga Kastila, ito ang
nag-udyok sa kaniya na maghimagsik at ipaghiganti
ang kaniyang ama.
• Teoryang Klasismo
• Ang dulang Walang Sugat ay isang obra
maestrang, tumatak sa isipan ng bawat Pilipino. Ito
ay isang pangkarinwang kwento na hinango sa mga
pangyayaring sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas
• Pagtawag
Oh mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligaya
na kinamtan sa dibdib ay tinutugunan kapagdaka ng
matinding dusa! Magdaraya ka!
• Pagmamalabis
Ang panyong iyan ay talagang sa iyo sampu ng
nagbuburdang si Juliang Iniirog mo.
• Pagpapalit- Tawag
Hindi maghahandog sa lahi ni Satan!
• Pagtanggi
Hindi maghahandog sa lahi ni Satan!
• Pagwawangis
Oh, Talagang maliwanag, daig mo ang araw na
bagong sumisikat
• Tanong Retorikal
Bakit pinipilit ang puso sa iba?
REFLEKSYON
Sa dula makikita natin ang walang katumbas na
pagmamahal ni Tenyong kay Julia at ang walang
hanggang pagmamahal niya sa bayan. Mahihinuha
natin na walang makakapigil sa pagmamahal ng isang
tao kapag ito ay totoo kahit na butas ng karayom ay
susuungin niya makamit lang ang inaasam-asam na
pag-ibig. Sa panahon ngayon tila wala ng halaga ang
salitang "pag-ibig" ginagamit nalang ito para makuha
ang gusto sa isang tao. Kaya sa mundong puno ng
huwad na pagmamahal, maging isang tao na may
paninindigan at may purong puso na walang halong
kalokohan at kasinungalingan.

You might also like