You are on page 1of 23

i

ii

Kahalagahan ng Anekdota bilang isang Akdang Literari sa mga Mag-aaral na Filipino

ng UNO-R Tertiary Level

Febbie Kristel A. Carbajosa

Erol Justine P. Galvez

Roselle B. Portudo

Leian Angelo C. Taberno

Rolyn Roy A. Traspadillo

Kolehiyo ng Edukasyon

Universidad ng Negros Occidental – Recoletos

Pebrero 2020
1

Rationale

Sa paglipas ng panahon maraming akdang pampanitikan ang umusbong, kagaya ng mga Nobela, Tula,

Maikling Kwento, Alamat, Anekdota at marami pang iba. Kasabay ng pag-usbong nito ay ang paglabas ng iba’t

ibang pag-aaral at pananaliksik kaugnay sa mga akdang pampanitikan. Mayroong tungkol sa pag-aaral sa gamit

ng wika sa iba’t ibang akdang literari, ngunit bihira lamang ang tungkol sa anekdota at ito ay tungkol lamang sa

kasaysayan at gamit nito sa pagtuklas ng mga pananaw sa buhay (Wordfoolery. Everyday Etymology, 2020). It

helps the audience relate to the purpose of the speaker or writer (Ilsen Stacklie-Vogt, 2011).

Sa kabila ng mga pag-aaral na ito kakakitaan parin natin ng mga puwang kaya hindi lubusang nakikita ang

kahalagahan ng isang akda. Anecdote create a world of diversity and perspective (The Franklin Post, 2017). Sa

pag-aaral na ito makikita ang halaga ng Anekdota bilang isang akdang literari. Mahalaga na mapag-aralan ang

halaga ng Anekdota para hindi mabalewala at makalimutan sa paglipas ng panahon. Karamihan sa mga

manunulat ay pawang mahilig sa paggawa mga akdang sikat at mas tinatangkilik sa lipunan. Kaya mahalaga na

mapag-aralan ang kahalagahan nito sa panitikan para mamulat ang mga tao maging mambabasa man o

manunulat para makita ang halaga ng Anekdota sa paghubog ng paniniwala at pananaw ng mga tao sa buhay.

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay gustong mabatid ang kahalagahan ng Anekdota bilang isang

akdang literari na naghuhubog sa maraming pananaw ng tao sa mga bagay-bagay, sa pakinabang nito sa

personal na karanasan at sa mga salik na humuhubog sa karanasan ng tao.


2

Statement of the Problem

Ang pangunahing layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay upang maipakita ang

halaga ng Anekdota bilang isang akdang literari sa UNO-R Tertiary level sa departamento ng Filipino

partikular na sa:

1. Pagsuri ng mga piling akda na halimbawa ng isang Anekdota

2. Karanasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng Anekdota.

a. 1st year

b. 2nd year

c. 3rd year

d. 4th year

3. Natukoy ang epekto ng Anekdota sa pananaw at paniniwala ng mga mambabasa.

a. Guro

b. Estudyante

Methodology

Ang pamamaraan na gagamitin ng mga mananaliksik ay random sampling para mabigyan ng kasagutan

ang problema. Ayon sa The Economic Times ang random sampling ay bahagi ng teknik sa pagsuri ng mga

sample kung saan lahat ay may pantay na posibilidad para mapili. Mahalaga ang pamamaraan sa pananaliksik

sapagkat dito ipinapakita kung paano isasagawa ang nasabing pag-aaral. Sa pananaliksik mayroong sinusunod

na pamamaraan ang mga mananaliksik upang makabuo ng isang mapapanaligang sagot o konklusyon at ginawa

ito para malaman ang kahalagahan ng Anekdota bilang isang akdang literari sa pamamagitan ng pagsasagawa
3

ng isang kwalitativong dulog gamit ang online interview sa bawat pangkat ng mag-aaral at guro sa nasabing

departamento. Ayon sa pag-aaral ni Barrot, J. (2018) ang kwalitativong pananaliksik ay dito isinasalarawan at

inuunawa ang sosyal na penomina at interaksyon ng tao imbes na istatistikong impormasyon. Ginamit sa pag-

aaral na ito ang deskriptivong pamamaraan sa pananaliksik. Bago kumalap ng datos, ang mga manabaliksik ay

gagawa ng liham na ibibigay sa dekana ng College of Education upang maipabatid ang layunin sa gagawing

pananaliksik sa kaniyang respetadong departamento gamit ang kaniyang mga butihing guro at mag-aaral sa

asignaturang Filipino. Matapos maaprovahan, ang mga mananaliksik ay agad na mangangalap ng datos sa

pamamagitan ng online interview. Ang mga datos at impormasyon na makokolekta ay iingatan at pag-aaralang

mabuti gamit ang deskriptiv na pagsusuri. Matapos mapag-aralan at masuri ang mga sagot, ang mga

mananaliksik ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng konklusyon at solusyon base sa nakalap na datos sa mga

guro at mag-aaral.

References

1. Barrot, J. (2018). Practical Research I for Senior High School. Quezon City. C & E Publishing

Inc.

2. Parba, E. (2011). Ano ang anekdota? What is an anecdote. Retrieved 2021, from

https://www.academia.edu/37766783/Ano_ang_anekdota_What_is_an_anecdote
4

Ang Estado ng Implementasyon ng E-Learning Classroom

sa UNO-R SHS Departamento ng Filipino

Febbie Kristel A. Carbajosa

Erol Justine P. Galvez

Roselle B. Portudo

Leian Angelo C. Taberno

Rolyn Roy A. Traspadillo

Kolehiyo ng Edukasyon

Universidad ng Negros Occidental – Recoletos

Pebrero 2020
5

Rationale

Dahil sa banta ng COVID-19, maraming mga institusyong pang-edukasyon sa buong bansa kalakip na ang

Lungsod ng Bacolod ay nagsuspinde ng kanilang mga gawaing pang-akademiko at mga klase. Ang lahat ng mga

tauhang hindi nagtuturo ay kailangang huminto sa pagtatrabaho at pinayuhan ng Pangulo ng Pilipinas na

manatili sa bahay. Ang COVID-19 ay isang sakit na madaling makahawa sa immune system na maaaring

maging sanhi ng higit na pinsala sa mga indibidwal na nahawahan. Maraming mga bansa ang nagdeklara ng

pambansang emergency tulad ng Pilipinas at Estados Unidos ng Amerika. Ipinagpalagay ni na ang COVID-19

ay walang positibong epekto sa ang mundo lalo na sa mga institusyong pang-akademiko tulad ng a Mas Mataas

na Mga Institusyong Pang-edukasyon (HEI) ng pag-aaral (De Guzman & Pastor, 2020).

Walang mga empirical na pag-aaral na nauugnay sa E-Learning Classroom bilang isang intervensyon sa

mga oras ng krisis, o mga kaugnay na pag-aaral upang matukoy ang katayuan ng E-Learning Classroom sa mga

paaralan; subalit, maraming mga pananaliksik na tumatalakay sa E-Learning bilang isang mabisang

kasangkapan o diskarte sa pagtuturo. Mabisang gamitin ang Virtual Learning Environment (VLE) bilang isang

kagamitang panteknikal para sa paglulunsad ng proseso ng pagtuturo at pag-aaral (Chua, et al., 2020) Ayon sa

kanila, dapat maging makabago ang mga guro sa pagbuo ng tulad ng isang analitik na kapaligiran sa pag-aaral

na pinakamahusay na akma sa mga pangangailangan ng henerasyon ngayon ng mga mag-aaral. Sina McHaney

et al, 2019 ay nagkumpirma na batay sa simulation online kapag pinagsama sa mahusay na mga pedagogical na

diskarte, naaangkop na teknolohiya at teknolohiyang pang-edukasyon, at ang pagkakaroon ng mga eksperto ay

magbibigay ng isang mas mahusay na karanasan sa mga simulation. Ang mga simulation ay maaaring maging

napakahimok na tool para sa E-Learning Classroom.


6

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay gustong malaman ang estado ng implementasyon ng e-

learning classroom bilang alternativong modo ng pag-aaral sa UNO-R SHS sa departamento ng Filipino at para

malaman kung ano ang pinakamainam na gamiting e-learning classroom para sa proseso ng pagtuturo-

pagkatuto sa makabagong panahon.

Statement of the Problem

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang estado ng implementasyon ng e-

learning classroom ng UNO-R SHS departamento ng Filipino partikular na sa:

1. Karanasan ng mga guro sa paggamit ng E-Learning Classroom ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

2. Natukoy kung ang intervensyon ay angkop ayon sa iba’t ibang asignaturang Filipino

a. PAGBASA

b. KOMKUL

c. SULATF

3. Natukoy ang iba’t ibang Online Platforms na ginamit ayon sa iba’t ibang asignaturang Filipino

a. PAGBASA

b. KOMKUL

c. SULATF

Methodology
Ang pananaliksik ay ginawa para malaman ang estado ng implementasyon ng E-Learning Classroom ng

UNO-R SHS departamento ng Filipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang kwalitativong dulog gamit

ang isang online survey questionnaire sa isang maliit na pangkat ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang

Filipino. Ginamit ng pag-aaral na ito ang deskriptivong pamamaraan ng pagsasaliksik. Sa pagsisimula ng

pagkalap ng datos ang mga mananaliksik ay gagawa ng isang liham na ibibigay sa Punong-Guro ng SHS na
7

naglalaman ng aming layunin na gumawa ng pagsasaliksik sa kaniyang respetadong departamento gamit ang

kaniyang mga butihing guro sa asignaturang Filipino. Matapos maaprovahan ay agad na mangangalap ng datos

ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng Online Interview. Ang mga datos na makokoleta sa online na

interbyu ay pag-aaralan at aalisahin gamit ang deskriptiv at dokumentaryong pagsusuri. Matapos ang pagsusuri

sa mga sagot, ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng konklusyon at rekomendasyon base

sa nakalap na datos mula sa mga guro.

References

1. De Guzman, M. J., & Pastor, C. K. (2020). Business administration students’ skills and capability on

synchronous and asynchronous alternative delivery of learning. Asian Journal of Multidisciplinary

Studies 3.

2. McHaney, R., Reiter, L., & Reychav, I. (2018).  Immersive simulation in constructivist-based classroom

E-learning. Proquest. https://search.proquest.com/docview/1992263033?accou%20ntid=165126.

3. Chua, E. R. & et al. (2020). Technological strategies in teaching: the design of virtual learning

environment. International Journal of Scientific & Technology Research 9.


8

Ang Estado ng Karanasan ng mga Guro sa Pagtuturo ng MTB-MLE

sa Ilalim ng Bagong Kurikulum

Febbie Kristel A. Carbajosa

Erol Justine P. Galvez

Roselle B. Portudo

Leian Angelo C. Taberno

Rolyn Roy A. Traspadillo

Kolehiyo ng Edukasyon

Universidad ng Negros Occidental – Recoletos

Pebrero 2020
9

Rationale

Taong 2009 ay ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusan Blg. 74 s. 2009, ang Mother

Tongue-Based Multilingual Education. Ayon sa kautusan, gagamitin ang Mother Tongue o unang wika o

bernakular ng mga mag-aaral sa pagtuturo sa pres-school hanggang sa ikatlong baitang sa elementarya. Isa sa

mga hakbang ng kagawaran ng Edukasyon na isinakatuparan sa pagpapatupad ng Mother Tongue- Based

Multilingual Education ay ang paggamit ng MTB-MLE sa ilalim ng bagong kurikulum. Ayon sa Kautusang

Pangkagawaran Blg. 16, s. 2012 “Starting School Year (SY) 2012-2013, the Mother Tongue-Based-Multilingual

Education (MTB-MLE) shall be implemented in all public schools, specifically in Kindergarten, Grades 1, 2

and 3 as part of the K to 12 Basic Education Program. The MTB-MLE shall support the goal of “Every Child-

A-Reader and A-Writer by Grade 1.” Siyam na taon na ang nakalipas nang ipatupad ang K-12 Curriculum. Ang

MTB-MLE o Mother Tounge-Based Multilingual Educations sa Pilipinas ay isang pagtugon sa uhaw na

pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa pagtamo ng madaliang pag-unawa sa isang aralin. Ito ay

pinatunayan ni Cummins (1996) na ang paggamit ng unang wika ay tumutulong sa pagtamo ng pag-unawa at

paglinang ng kritikal na pag-iisip.

Sa pagtatag nito, wala pang mga pananaliksik na nagpapakita ng naging estado ng naging karanasan a

guro sa pagtuturo ng MTB-MLE sa ilalim ng bagong kurikulum. Subalit maraming mga pananaliksik ang
10

magpapatunay ng kahalagahan ng paggamit ng pangunahing wika sa paaralan. Ayon sa kay Gng. Regina ng

Pasig Elementary School na nagtuturo ng Mathematics 3 sa loob ng labimpitong taon, siya ay nag-aalala kung

paano maisalin sa pangunahing wika ang terminolohiya sa matematika. Napapansin niya na mas komportable sa

pagpapaliwanag ang mga mag-aral ng mga konsepto o ng mga ideya gamit ang kinagisnang wika. Ayon kina

Benson (2002) at Dutcher (2004) na ang pangkalahatang edukasyong matamo ng mga mag-aaral ay mas

napapalawig kung ipinagamit ang unag wika bilang pundasyong wika sa pag-aaral ng primarya.

Ang mananaliksik ng pag-aaral na ito ay gustong malaman ang estado ng implementasyon sa pagtatag

ng MTB-MLE bilang midyum ng pag-aaral sa kindergarten, Baitang 1,2 at 3. at para malaman ang mga naging

karanasan ng mga gurong kabilang sa pagtuturo ng Mother Tongue Based- Multilingual Education sa ilalim ng

bagong kurikulum.

Statement of the Problem

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang estado ng naging implementasyon

ng MTB-MLE sa pagtatag nito sa ilalim ng bagong kurikulum sa mga guro ng kindergarten, Baitang 1,2 at 3 ng

Andres Bonifacio Elementary School partikular na sa:

1. Karanasan ng mga guro sa pagtuturo ng MTB-MLE bilang midyum ng pag-aaral ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

c. Baitang na tinuturuan

2. Mga naging hamon o balakid ng mga guro sa pagpapatupad ng MTB-MLE sa loob ng paaralan ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

c. Baitang na tinuturuan

3. Natukoy ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng MTB-MLE sa loob ng paaralan ayon na
11

a. Edad

b. Kasarian

c. Baitang na tinuturuan

Methodology

Ang pananaliksik na ginawa ay upang malaman ang estado ng naging karanasan sa implementasyon ng

MTB-MLE. Minabuti ng mananaliksik na gamitin ang dulog-kwalitatibo sapagkat mas angkop ang naturang

metodo sa kalikasan ng naturang pananaliksik. Layunin ng kwalitatibong pananaliksik na arukin ang

mgakatugunan ng bawat partisipants na magmumula sa kanilang mga karanasan (Denzin & Lincoln, 1994).

Ginamit ng pag-aaral na ito ang deskriptivong pamamaraan ng pagsasaliksik. Sa pagsisimula ng palikom ng

mga datos, ang mga mananaliksik ay maghahanda ng liham sa Punong-guro ng Andres Bonificaio Elementary

School na naglalaman ng aming layunin sa gagawing pagsasaliksik. Matapos tanggapin at payagan, dito na

magsisimula ang paglilikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng random sampling method sa

pagpili ng mga magiging kalahok ng pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay lubos na iginagalang ang pagtago sa

pagkatao ng bawat kalahok na guro sa gagawing pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang

istandardisadong interbyu. Sa panahon ngayon, kung saan laganap ang COVID-19 virus, gagawa ng mediated

interview ang mga mananaliksik upang makipagkomunikasyon sa mga kalahok. Ang mga datos na makokoleta

sa online na interbyu ay pag-aaralan at aalisahin gamit ang deskriptiv at dokumentaryong pagsusuri. Matapos

ang pagsusuri sa mga sagot, ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng konklusyon at

rekomendasyon base sa nakalap na datos mula sa mga guro.

References

1. Taeza, J. (2014, March 5). Ang Suliranin at Pag-aangkop ng mga Guro ng Pampribadong Paaralan sa

Pagtuturo Gamit ang Di-kinagisnang Wika sa Programang MTB-MLE. Retrieved February 6,

2021,https://www.academia.edu/36354433/Ang_Suliranin_at_Pag_aangkop_ng_mga_Guro_ng_Pampri

badong_Paaralan_sa_Pagtuturo_Gamit_ang_Di_kinagisnang_Wika_sa_Programang_MTB_MLE
12

2. (2015, October 10). PAGTATAYA NG MTB-MLE : TUGON SA PAGPAPAUNLAD NG

IMPLEMENTASYON NG K TO 12 KURIKULUM. Retrieved February 6, 2021, from

https://issuu.com/ajhssr.editor/docs/zc1933252261

3. Abarquez, J. (2010, March 3). Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye 2009:

Isang Pagsusuri sa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng Filipinas.

RetrievedFebruary6,2021,https://www.academia.edu/34392348/Ang_Kautusan_ng_Departamento_n

g_Edukasyon_Bilang_74_Serye_2009_Isang_Pagsusuri_sa_Katatagan_ng_Programang_Edukasyon_

sa_Unang_Wika_MLE_ng_Filipinas
13

Mga Suliraning Kinakaharap ng mga mag-aaral ng UNO-R SHS-STEM

sa Pagsasalita ng Wikang Filipino

Febbie Kristel A. Carbajosa

Erol Justine P. Galvez

Roselle B. Portudo

Leian Angelo C. Taberno

Rolyn Roy A. Traspadillo

Kolehiyo ng Edukasyon

Universidad ng Negros Occidental – Recoletos

Pebrero 2020
14

Rationale

Pagdating sa wika, ang Pilipinas ay hindi magpapahuli sa yamang taglay nito. Ang bansang ito ay

tahanan ng mahigit 100 wika at ang bawat isa sa mga wikang ito’y may sari-sariling dayalekto (McFarland,

1994). Iba’t iba man ang wikang ginagamit mapasaan man sa bansa, Ang Filipino bilang Pambansang Wika ng

Pilipinas ang nag-uugnay sa ating lahat upang tayo ay magkaintindihan. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino,

maituturing na ang bawat mamamayang Pilipino ay multilingual o nakakagamit ng mahigit sa isang wika. Ang

kalimitang kaso ay ang pagkakaroon ng unangwika o mother toungue (ang wikang ginagamit sa tahanan) at ang

mga wikang natutuhan sa paaralan, ang pamabansang wikang Filipino at Ingles. Ayon sa kautusang

Pangkagawaran Blg. 25, ipinatupad ang Patakarang Edukasyong Bilnggwal sa mga paaralan na nagsimula sa

taong panuruan 1974-1975. Ang Filipino at Ingles ay magkahiwalay na paggamit bilang midyum ng pagtuturo

ng mga tiyak na asignatura.

Taong 2013 ang K-12 bilang Kurikulum ay isinabatas sa ilalim ng RA 10533. Isa na sa pagtatag ng K-12

ang pagkakaroon ng dagdag na dalawang taon sa hayskul na tinatawag na SHS o Senior High School (Grade 11

at Grade 12 ). Isa ang Academic Track pwedeng pagpilian ng mga mag-aaral na kanilang paghahandaan sa SHS.

Sa ilalim ng Academic Track, napapabilang STEM o Science, Technology, Engineering and Mathematics. Ayon

sa DEPED, This strand is designed for students who desire to pursue college degrees centered on Science,
15

Technology, Engineering, and Mathematics (STEM). Sa ilalim ng RA 10533, isa ang wikang Filipino sa

dalawang wikang gagamitin sa pagtuturo sa mga paaralan.

Ayon kay Maxima J. Acelajado, isang guro na memedyur sa Matematika, kung sariling wika ang

gagamitin sa pagaaral o pagtuturo ng anumang aralin, mas madaling matuto ang magaaralsapagkat konsepto na

lang tungkol sa pinag-aaralan ang kailangang pag-isipan nang mabuti. Sa kasalukuyan, mangilan-ngilan o wala

pang naisasagawang pag-aaral patungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral na kumukuha ng

STEM strand sa pagsasalita ng wikang Filipino at ang epekto nito sa kanilang pag-aaral ng mga asignaturang

Filipino at sa kalaunan matukoy ang ilan sa mga solusyon na tutugon sa mga suliraning ito. Ito ang nagtulak sa

mga mananaliksik upang malaman ang mga naging hamon sa mga mag-aaral na kumukuha ng Agham at

Matematika.

Statement of the Problem

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng

UNO-R SHS STEM sa pagsasalita ng wikang Filipino sa pag-aaral ng Agham at Matematika.

1. Ang mga suliraning ikinakaharap ng mga mag-aaral ng UNO-R SHS STEM sa pagsasalita ng wikang Filipino

sa pag-aaral ng Agham at Matematika ayon sa:

a. Kasarian

b. Edad

2. Ang mga naging epekto ng mga suliraning kinakaharap ng UNO-R SHS STEM sa pagsasalita ng wikang

Filipino sa pag-aaral ng Agham at Matematika ayon sa:

a. Kasarian

b. Edad
16

3. Ang mga solusyon at paraan upang matugunan ang mga suliraning ito na kinakaharap ng mga mag-aaral ng

UNO-R SHS STEM sa pag-aaral ng Agham at Matematika ayon sa:

a. Edad

b. Kasarian

Methodology

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang mabatid ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng

UNO-R SHS STEM sa pagsasalita ng wikang Filipino sa pag-aaral ng Agham at Matematika. Ang pag-aaral na

ito ay malalapatan ng kwalitatibong dulog. Layunin ng kwalitatibong pananaliksik na arukin ang mgakatugunan

ng bawat partisipants na magmumula sa kanilang mga karanasan (Denzin & Lincoln, 1994). Ito ay makakamtan

ng mga mananaliksik sa tulong ng mga piling mag-aaral ng UNO-R SHS STEM. Bago simulan ang

pagkokolekta ng mga datos ay gagawa ng liham pahintulot ang mga mananaliksik na ipapasa sa Punong-guro na

humahalili sa pagpapatakbo ng nasabing instirusyon upang ang mga mananaliksik ay payagan at makakuha ng

lehitimong datos sa mga mag-aaral. Ang mga kalahok ay mapipili sa pamamagitan ng Random sampling na

isasagawa ng mga mananaliksik. Ito ay 10 babae at 10 lalaki sa bawat seksyon ng nasabing institusyon. Ang

mga mananaliksik ay maghahanda ng instandardisadong Online Sarbey na magagamit sa pagkolekta at

pagsusuri ng mga datos. Ito ay pag-aaralan at aalisahin gamit ang deskriptiv at dokumentaryong pagsusuri.

Matapos ang pagsusuri sa mga sagot, ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng konklusyon

at rekomendasyon base sa nakalap na datos mula sa mga guro.

References

1. Taeza, J. (2012, October 8). Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang

Filipino. Retrieved February 6, 2021, from


17

https://www.academia.edu/4016854/Mga_Suliraning_Kinakaharap_ng_mga_Kalinga_sa_Pagsasalita

_ng_Wikang_Filipino

2. Acelajado, M. (2011). Ang Pagtuturo ng Matematika Sa Wikang Filipino. Retrieved February 6, 2021,

from https://ejournals.ph/article.php?id=7801

Ang Antas ng Pag-unawa ng mga Bata sa Piling Maikling Kwento

ni Luis Gatmaitan

Febbie Kristel A. Carbajosa

Erol Justine P. Galvez

Roselle B. Portudo
18

Leian Angelo C. Taberno

Rolyn Roy A. Traspadillo

Kolehiyo ng Edukasyon

Universidad ng Negros Occidental – Recoletos

Pebrero 2020

Rationale

Sa napapanahong kamalayan na ang bawat mag-aaral o simpleng mambabasa lamang ng mga akda ay

nagagayak sa napapanahong gamit, hindi na gaya ng dati ang pagbabasa. Sa panahon ngayon ay angat na ang

paggamit ng teknolohiya sa pagbabasa na naging dahilan ng pagbaba ng mga manunulat sa bansa at pagsira ng

mga piling publikasyion. Isang nakakatakot na hinaharap na baka isang araw kahit isang libro ay hindi na

makita sa ating mundo sa tuloy na pagtaas ng teknolohiya na nagpapadali sa bawat mambabasa at gumagamit

nito. Kaya ito ay ginagawan ng paraan ng mga manunulat na hindi ito mangyari sa ating bansa, upang hindi ma

baon sa limot ang mga gawang akda ng mga sikat na manunulat saating bansa. Isa sa mga nagtaguyod at

nagpatuloy sa pagsusulat at pagbuhay ng panitikan saating bansa ay si Dr. Luis Gatmaitan, isang doctor na

nagsisilbi sa mga mamayang mahihirap at isa rin sa kilalang manunulat ng ating bansa. Si Dr. Gatmaitan ay isa

mang alagad ng medisina isa rin sha sa tumataguyod at bumubuhay ng literatura saating bansa, ginawaran na
19

siya ng hindi mabilang na mga parangal dahil sa hindi ma bayarang gawa at paglilingkod para saating bansa. Si

Dr. Gatmaitan ay hindi lamang minahal ng mga mambabasa dahil sa nakakabilib na kwento na isang doktor ay

mapupunta sa mundo ng Pagsusulat, kundi minahal din sha sa kaniyang mga akda na bumukas sa mata at isipan

ng mga mambabasa sa toong kalagayan at damdamin ng mga tao sa ating bansa. “Hindi sapat ang reseta upang

maipamalas niya ang katotohanan sa ating lipuanan” dahilan kung bakit ninais ni Dr. Gatmaitan na

makapagsulat at maibulalas ang damdamin ng mga mamayanan. Isa sa mga nais niyang makapag basa ng

kaniyang mga akda ay ang mga mag-aaral, At naging dahilan ito kung bakit naisipan niyang gumagawa pa ng

madaming akda upang maiapabatid ito sa lahat ang kaniyang damdamin.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung bakit ginawaran ng Palanca Award si Dr. Luis

Gatmaitan sa kanyang mga maikling kwentong (panitikan.ph, 2021). Malaki ang impluwensya ng mga akdang

pambata dahil ito ang nagtuto sa kanila ng mga aral at kaaliwan nila. Sa puntong ito, nangingibabaw ang mga

akda ni Luis Gatmaitan na tungkol sa kanyang mga karanasan bilang isang doktor at manunulat. Ang

pananaliksik na ito ay nagbibigay-tuon sa pagsusuri ng Antas ng pag-unawa ng nga bata sa piniling nga akdang

maikling kwento ni Luis Gatmaitan.

Statement of the Problem

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman, Ang Antas ng Pag-unawa ng mga bata

sa piniling maikling kwento ni Luis Gatmaitan, Partikular na sa:

1. Bilang ng mga grade school students ng UNO-R na bumasa ng mga akda ni Luis Gatmaitan ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

2. Paano sila naaakit sa mga akda ni Luis Gatmaitan?


20

3. Nalaman ang pag-unawa ng mga mag-aaral base sa

a. Edad

b. Kasarian

4. Pinapahalagahan ba ito ng mga mambabasa at isinasabuhay?

Methodology

Pamamaraan, simpleng tumutukoy sa praktikal na "paano" ng anumang naibigay ng piraso ng

mananaliksik (Jansen, D. & Warren, K. 2020). Nangangailangan ito ng sistematikong paraan upang malutas ang

problema na tumutugon sa layunin ng pananaliksik. Tinutukoy din dito ang pag-aaral ng kaalaman kung saan

nakuha ang kaalaman. Mahalaga sa pananaliksik na sundin ang sistematikong pamamaraan upang malaman dito

ang estado ng Grade School Students ng UNO-R sa pag-unawa ng piniling maikling kwento ni Luis Gatmaitan

sa pagsasagawa ng kwalitativong dulog gamit ang Online Survey Questionnaire. Ginagamit ang paraan na ito sa

deskriptibong pamamaraan ng pagsasaliksik. Gagawa ang mananaliksik ng liham para sa mga magulang ng mga

bata at kanilang tagapayong guro na humingi ng pahintulot sa gagawing pananaliksik. Pagkatapos ng ma

approvahan ay agad ng magpadala ng Online Survey Questionnaire ang mananaliksik sa pamamagitan ng

paggamit ng teknolohiya. Ang mga datos na nakalap ay aanalisahin ng mga mananaliksik at magbigay ng

konklusyon o rekomendasyon.

References
21

1. Lacanin, L. (2012). Story Analysis Title: Sandosenang Sapatos (A Dozen Pair of Shoes. Retrieved 2021,

fromhttps://www.academia.edu/35313413/Story_Analysis_Title_Sandosenang_Sapatos_A_Dozen_Pair_of

_S hoes

THE LEVEL OF COMPLIANCE


OF SENIOR HIGH SCHOOL
STUDENTS TO CLAYGO
POLICY
16
Dissertation/Thesis/Unpublished
Materials
Implementation of R.A 9003 in
Negros Occidental High School
22

Solid Waste Management in Prk.


Katilingban, Brgy.40
Electronic Sources/Websites
www.google.com
www.merriamwebster.com
www.thesaurus.com

You might also like