You are on page 1of 2

Gawain:

Panuto: Balikan ang iba’t ibang bahagi ng abstrak.Tukuyin kung anong bahagi ng abstrak ang mga nakatalang
impormasyon.

1. Malaman ang pananaw ng kabataan sa tinatawag nating new normal


2. Panatilihing malinaw at tiyak at may kaugnayan sa pangangailangan ngayon ang programang ilulunsad
ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas.
3. Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik at
pakikipanayam. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang pag-
aaralan.
4. Ang pagtangkilik at panonood ng mga programang Filipino ay isa sa mga mabisang paraan upang lalong
mapaunlad ang industriya ng pelikulang Filipino.
5. Bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang paggamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya.
Malaki ang gampanin nito sa ating buhay lalo na sa pag-aaral, komunikasyon, balita, trabaho o negosyo.
6. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong kolehiyo sa lungsod ng Heneral Santos ang kursong may
kinalaman sa agham at teknolohiya?
7. Ang paggamit ng teknolohiya ay isa sa mga dahilan ng pagpasok nang huli ng mga mag-aaral sa klase
dulot ng pagpupuyat.
8. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng korelasyonal na paraan ng pananaliksik upang makita kung may
ugnayan ba ang pakikisama sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan.
9. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa ugnayan ng kamalayan at pananaw tungkol sa cyberbullying sa
pagliban ng mga mag-aaral sa klase.
10. Dapat pag-ibayuhin ang mga programang pang-SHS na may kaugnayan sa pagpapahalaga sa wikang
Filipino.

Panuto: Gamit ang ibinigay na halimbawa ng abstrak, tukuyin ang mga bahagi ng abstrak na nakapaloob dito.
At suriin kung ito ba ay nakasunod sa mga gabay sa pagsulat ng isang abstrak gamit ang isang tseklist.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga
batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing
pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng non-random convenient sampling, kung
saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga
respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na
naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean
score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

You might also like