You are on page 1of 17

UNIBERSIDAD NG MAPUA

WIKA AT KULTURA

Ihahain na Tesis ng PANGKAT APAT


mula sa 11 – CHADWICK (IS110)
kay Bb. Wilrose C. Cipriano

Bilang Bahagi ng
Kahingian sa pagpasa sa Fil01
PANANALIKSIK

nina:

Bermejo, Frances Jeann Charlize S.

Tañas, Brent Andre’ A.

Hernandez, Eugene Evan R.

Angeles, Ayessa Shantel H.

Sandoval, Derrick Rome Godfrey M.

Opaco, Johanna Catherine

Tactay, Ma. Mitchel Josef M.

Ocampo, Mary Irish Charles De C.

Nobyembre 2021

PAGHAHAIN
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Hain bilang _1__

Layunin sa paghahain ng naturang Pananaliksik:

Upang makamit ito, ang layunin:

1. Malaman kung direktang proporsyonal ang edad sa kaalaman sa

gramatikang Pilipino.

Paksa:

“Ang pagiging direktang proporsyonal ng edad sa kaalaman ng Pilipino sa

balarilang tagalog: ng at nang edisyon.”

Suliranin:

Sa pagmoderna ng panahon, ang kabataan ay mas lalong

nakakalimutan ang tamang paggamit ng wikang tagalog, lalo na sa

paggamit ng “ng at nang”. Maraming mga bata at matatanda ang

kapansin-pansin na nagkakamali sa “ng at nang” kaya’t ginawa ang

pananaliksik na ito upang matukoy kung may mas may kaalaman ba

ang matatanda sa bararilang tagalog kaysa sa kabataan.


UNIBERSIDAD NG MAPUA

Dulog Pananaliksik:

Kwalitatibong pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng

mga katanungan sa isang sagutang google forms patungkol sa paksang napili at

magbibigay ng sarbey. Pagkatapos ay mangangalap ng mga respondeng mag-

aaral mula sa Unibersidad ng Mapúa at masasagot sa inihandang mga

katanungan ng mga mananaliksik.

Mga target na respondente:

Mga estudyante ng Unibersidad ng Mapúa; Mga Magulang ng mga mag-

aaral; at mga estudyante sa iba’t ibang paaralan base sa baitang.

Pamamaraang Gagamtin:

Ang pamamaraan na gagamitin ay pamamahagi ng sarbey.

Pagsasalaysay ng Planong Pananaliksik:


UNIBERSIDAD NG MAPUA

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang mabigyan pansin kung habang

pabata nang pabata ang edad, ay paunti nang paunti ang kaalaman ng mga

Pilipino sa balarilang tagalog, lalo na sa “ng at nang”. Gamit ng sarbey upang

makakuha ng datos at impormasyon na kakailanganin upang matukoy ang mga

salik nan aka paloob sa layunin ng pananaliksik na ito. Ang sarbey ay

maglalaman ng mga tanong patungkol sa paggamit ng “ng at nang” sa mga

pangungusap.

Mga Inaasahang Resulta:

Habang pabata nang pabata ang edad ng mga sumagot ng sarbey, mas

kakaunti ang kaalaman nila sa tamang paggamit ng “ng at nang”.

Mga Inaasahang Tatanggap: (Benepisyaryo)

Ang mga pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, mga

guro, at mga magulang, upang bigyan pansin ang kakulangan nila sa kaalaman

ng bararilang tagalog. Maaring masukat sa pamamagitan ng pananaliksik na ito

ang mga suliranin ng mas malaking bagay. Halimbawa, kung ang isang Pilipino

ay lito sa paggamit ng “ng at nang”, maaring lito rin sila sa wikang tagalog sa
UNIBERSIDAD NG MAPUA

kabuooan. Maari na dahil sa pagmoderna ng panahon, naglalaho na ang

pinagmulan ng ating kultura.

Programang Kurikulum: FIL01 - KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG FILIPINO
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Hain bilang _2__

Layunin sa paghahain ng naturang Pananaliksik:

Upang makamit ito, ang mga layunin ay:

1. Malaman ang epekto ng midya sa kaalaman ng mga estudyante

patungkolo sa kultura at wika.

2. Malaman ang mga estereotipo o mga opinion ng mga mag-aaral sa

kanilang pananaw, alamin, turuan, at ipabukas ang isipin ng mga ito. 

Paksa:

“Epekto ng midya sa kaalaman ng mga estudyante patungkol sa kultura at

wika.”

Suliranin:

Ang sosyal midya ay mayroong malaking salik na nakakaepekto sa mga

tao, isang paningin lamang sa isang article nang hindi tinitingnan ang mga

pinagmumulan maaring maniwala na agad ang mga mambabasa at ikalat ang

mga pekeng balita, gaya na lamang ang pag bibitaw ng maling impormasyong na
UNIBERSIDAD NG MAPUA

tungkol sa historya ng pilipinas. Isang magandang halimbawa ang Prinsesa

Urduja na isang alamat lamang at hindi isang bayana at ang madalas na itinuturo

saatin noong grade na ipinatay ni Lapu-Lapu si Magellan, bagaman isang bayani

si Lapu-Lapu at nanalo ang ating mga ninuno sa laban sa mactan, walang

malakas na ebidensya na nagpapatunay na ipinatay ni Lapu-Lapu si Magellan.

Ang mga sinabi ko ay isa sa mga maling akala ng mga pinoy na hanggang

Ngayon, wala pa rin silang ideya kung ano ang katotohanan. Ating bibigyan

pansin ang mga maling akala ng estudyante sa Unibersidad ng Mapua at ating

palawakin ang ating kaisipan. 

Dulog Pananaliksik:

Kwalitatibong pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng

mga katanungan sa isang sagutang papel patungkol sa paksang napili at

magbibigay ng sarbey. Pagkatapos ay mangangalap ng mga respondenteng

mag-aaral mula sa Unibersedad ng Mapua at amg sasagot sa inihandang mga

katanungan ng mga mananaliksik.

Mga target na respondente:


UNIBERSIDAD NG MAPUA

Mga mag-aaral ng Senior High school sa Universidad ng Maynila: Mga

kapatid/Kaibigan/Magulang ng mga mag-aaral.

Pamamaraang Gagamitin:

Ang pamaraang gagamitin sa pananaliksik ay etnograpiya. Ang mga

mananaliksik ay gagawa ng sarbey at magsasagawa ng interbyu.

Pagsasalaysay ng Planong Pananaliksik:

Isasagawa na ito upang mabigyang pansin ang epekto ng midya sa

kaalaman ng mga estudyante patungkol sa kultura at wika. Sapagkat napupuno

ng iba’t ibang opinyon at maling impormasyon ang mga tao kaya’t gagamitan

namin ng sarbey o interbyu upang makakuha ng datos at impormasyon na

kakailanganin upang matukoy ang mga salik na naka paloob sa layunin ng

pananaliksik na ito. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa loob ng Zoom

meeting sa Unibersedad ng Mapua at gagamitin ng kwalitatibong pananaliksik.

Mga Inaasahang Resulta:


UNIBERSIDAD NG MAPUA

Inaasahan ng mga mananaliksik na ang resulta ay magpapakita ng

malaking epekto sa pananaw ng kultura at salita, pagkakaroon ng bukas na

isipan at malalim na pagkakatindi sa ating kinabihasnan.

Mga Inaasahang Tatanggap:

Ang pananaliksik na ito ay maaring makakatulong sa mga paaralan, Ang

pananaliksik na ito sa paaralan dahil malalaman ng karamihan ang katotohanan

at mapapalago ang kaisipan ng mga estudiyante, ipinapagamit din ang kritikal na

pag-iisip ng mga magaaral, o itinatawag na pag-iisip sa laabs ng kahon. At ang

pagiging maingat sa pagkukuha ng impormasyon sa sosyal midya, dahil ang

isang maling akala ay nakakaepekto di lamang sa kasalakuyang panahon kundi

na rin sa nalalapit na kinabukasan sa susunod na henerasyon.

Programang Kurikulum: FIL01 - KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG FILIPINO
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Hain bilang _3__

Layunin sa paghahain ng naturang Pananaliksik:

1. Kilalanin ang mga epekto ng modernisasyon sa wika at kultura

2. Matukoy kung ang pag-moderna ng panahon ba ay kasangkapan ng

pagtulong o isang kapinsala sa wika at kultura

Paksa:

“Sa pagmomoderna ng panahon, mas nakakalimutan ba ng tao ang wika

at kultura?”

Suliranin:
Sa pag moderna ng panahon, unti-unting napapalitan o nababago ang

dati nating nakasanayan na wika at kultura. Kalakip sa pag modernisasyon ng

bansa ay ang teknolohiya at sosyal midya na kung saan pinaka apektado ang

kabataan dahil sa kadahilan na mas naunang naipakilala sa kanila ang mga

makabagong kagamitan tulad ng selpon, kompyuter at kung ano-ano pa. Sa

gayon, maaaring makalimutan ng kasibulan ang kanilang pinagmulan. Mahirap

manirahan sa isang bansa na lingid ang kanilang kaalaman tungkol sa ugat ng


UNIBERSIDAD NG MAPUA

sarili nilang bayan dahil dito nagsisimula at nagbubunga ang pagmamahal ng

isang indibidwal sa kaniyang lalawigan. 

Dulog Pananaliksik:

Kwalitatibong pananaliksik

Mga target na respondente:

Mga mag-aaral ng Senior High school sa Unibersedad ng Maynila: Mga

kapatid/Kaibigan/Magulang ng mga mag-aaral.

Pamamaraang Gagamitin:

Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng mga katanungan sa isang

sagutang papel patungkol sa paksang napili at magbibigay ng sarbey.

Pagkatapos ay mangangalap ng mga respondenteng mag-aaral mula sa

Unibersedad ng Mapua at ang sasagot sa inihandang mga katanungan ng mga

mananaliksik.

Pagsasalaysay ng Planong Pananaliksik:


UNIBERSIDAD NG MAPUA

Isasagawa ang pananaliksik na ito upang matuklasan kung ang

modernisasyon ng mundo ay nagiging sanhi sa pagkalimot ng wika at kultura at

ang mga epekto nito. Mula sa pag-aaral na ito, malalaman ang mga opinyon ng

bawat indibidwal kung sang-ayon ba sila na ang unti-unting natatabunan ang

nakilala nilang wika at kultura dahil sa moderna ng panahon at upang makamit

ang kanilang mga perspektibo, ang midyum na gagamitin ng mga mananaliksik

ay sa pamamagitan ng sarbey o panayam sa Google forms o Zoom. 

Mga Inaasahang Resulta:

Inaasahan ng mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito

ay malalaman ang kinalabasan ng modernasisyon sa kultura at wika, ang mga

kadahilan sa likod ng mga epekto na ito, at kung ang pag-moderna ng panahon

ay tunay na nakakatulong sa isang bansa. 

Mga Inaasahang Tatanggap:

Ang mga makikinabang sa pananaliksik na ito ay hindi lamang sa mga

estudyante at sa kabataan, sapagkat ito ay benepisyaryo sa ating kapwang

pilipino sa dahilan na mas magiging maalam sila sa mga maaaring madulot ng

modernisasyon ng panahon at kung paano nito na-aapektuhan ang ating kaalam


UNIBERSIDAD NG MAPUA

sa ating sarilin wika at kultura. Bukod doon, maaari itong gamitin ng mga

paaralan upang ikalat ang nakuhang impormasyon mula sa pag-aaral na ito.

Programang Kurikulum: FIL01 - KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG FILIPINO
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Hain bilang _4_

Layunin sa paghahain ng naturang Pananaliksik:

1. Maitanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang

Filipino sa makabagong panahon; gayundin ay mapalawak ang

kamalayan nila sa pambansang wika upang magsilbing unang

hakbang sa pagkakaisa ng watak-watak na pag-iral ng wika sa

Pilipinas. 

2. Mapagtibay at maisulong ang progreso sa istruktura ng wikang Filipino

upang maiangat ang dangal o pagkakailanlan ng pambansang wikan

bilang kaiisa sa lipon ng mga superior na wika sa Timog Silangang

rehiyon ng Asya. 

3. Magamit ang wikang Filipino upang maging tulay sa pagkilala sa lahing

Pilipino ng iba’t ibang masyon nang sa gayon ay makamit hindi lamang

respeto ng nakararami, kundi ay mapatatag din ng relasyon sa ibang

estado sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapahalaga sa parehong

wika.

Paksa:
UNIBERSIDAD NG MAPUA

"Kalbaryo ng Wikang Filipino: Ang pagbangon tungo sa global na

pedestal” 

Suliranin:

Ang wikang Filipino ay ang wikang hindi nakikilala. Bukod sa pagkaligta at

pagbabale-wala ng nakararaming bansa sa wikang ito, mismong mga Pilipino ay

hindi malay sa pag-iral ng nasabing wika. Kaya naman masasabing ang wikang

ito ay hindi napapahalagahan at tila kinalimutan na sa pagdaloy ng panahon. 

Dulog Pananaliksik:

Kwalitatibong Pananaliksik

Mga target na respondente:

Mga mag-aaral ng Senior High school sa Unibersedad ng Maynila:Mga

kapatid/Kaibigan/Magulang ng mga mag-aaral.

Pamamaraang Gagamitin:
UNIBERSIDAD NG MAPUA

Ang pamaraang gagamitin sa pananaliksik ay etnograpiya. Ang mga

mananaliksik ay gagawa ng sarbey at magsasagawa ng interbyu.

Pagsasalaysay ng Planong Pananaliksik:

Isasagawa na ito upang malaman kung ano ang epekto ng wikang Filipino

sa mga Pilipino sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Kung paano ito

nakakaapekto sa kanilang pag aaral, pagtatrabaho, at pang araw-araw na

pakikipag halubilo. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

paggamit ng Google Forms upang makapag sagot ng kani kanilang survey para

sa kwalitatibong pananaliksik.

Mga Inaasahang Resulta:

Inaasahan ng mga mananaliksik na ang resulta ay magpapakita ng

Mga Inaasahang Tatanggap:

Ang pananaliksik na ito ay maaring makakatulong sa mga paaralan, dahil

malalaman ng karamihan ang katotohanan at mapapalago ang kaisipan ng mga

estudiyante tungo sa pagpapaunlad ng sariling wika, ipinapagamit din ang kritikal


UNIBERSIDAD NG MAPUA

na pag-iisip ng mga magaaral, o itinatawag na pag-iisip sa labas ng kahon. At

ang pagiging maingat sa pagkukuha ng impormasyon sa sosyal midya, dahil ang

isang maling akala ay nakakaepekto di lamang sa kasalakuyang panahon kundi

na rin sa nalalapit na kinabukasan sa susunod na henerasyon.

Programang Kurikulum: FIL01 - KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG FILIPINO

You might also like