You are on page 1of 4

Balangkas Konseptwal

Sa aming research kami ay naniniwala na posibleng

mabigyan ng mas maayos na buhay sa paaralan ang

mga studyante kung sila ay may kaalaman sa kultura

ng bawat ng isa. Kaya naman kami ay nagsagawa ng

mga hakbang at proseso ng aming pag-aaral upang

mabigyang linaw ang ipinaglalaban ng aming pag-

aaral at kung ano nga ba ang kahihinatnan o

magiging kinabukasan ng mga mag-aaral na may

kaalaman sa kultura.

Ang unang hakbang sa pag-aaral na ito ay ang pagtukoy namin sa aming

research method. Ito ay ang Qualitative Research. Kung saan namin

iintindihin at uunawain ng mas malalim ang mga karanasang ibabahagi ng

aming mga respondents. Sunod ang research design. Na ang aming

gagamitin ay ang Narrative Inquiry. Kung saan ang mga respondents ay

magkukuwento at magbabahagi ng kanilang mga karanasang

nakakonekta sa aming ginagawang saliksik na bahagi rin sa kanilang mga

buhay. Kasunod ay ang mga research instrument na aming isasagawa

para sa mga respondents. Ito ay ang pagsusulit, survey, at data analysis.

Kung saan aming inaasahan ang mga posibleng resulta na

makakapagpatunay at makakapagsabi na mayroon ngang kakulangan sa


kaaalaman ng mga mag-aaral sa kultura na nangangailangan ng agarang

solusyon. Ang mga katanungan sa mga pagsusulit na aming isinasagawa

ay binubuo ng mga katanungang may kaugnay sa kultura ng ating bansa.

Mga kulturang hindi nabibigyan ng pansin at atensiyon na nagreresulta ng

kakulangan ng mga mag-aaral ng sapat na kaalaman sa kultura ng iba.

Ang kalalabasan ay dalawa lamang ito ay kung kulang sa kaalaman o

sapat ba sa kaalaman ang mga mag-aaral. Ang survey ay magsusukat

kung gaano na kalawak at kasaklaw ang mga nalalaman ng mga mag-

aaral sa kultura. Dito ay aming aalamin ang mga grado o ang general

average ng mga studyante. Amin ring tutukuyin sa survey kung gaano sila

kaaktibo sa loob ng paaralan. Ang goal naman ng data analysis sa aming

research ay makatuklas ng mga kapaki-pakinabang na mga impormasyon

na makakapagbigay saamin ng mga konklusyon para sa aming research,

upang maging aming batayan at suporta sa aming pag dedesisyon sa

pagbibigay ng aming mga rekomendasyon sa pag-aaral na ito. Sa pag-

aaral na ito aming inaasahang mabigyan ng pagkakataon na maipakalat

ang isyung ito. Na hindi lamang ito basta-bastang kultura lamang. Dahil

ang kultura ay parte ng buhay ng bawat isa. Sa pamamagitan nito ay

magkakaroon ng maayos na daloy na samahan ang mga bawat studyante.

Bukod pa rito'y may pagkakataon pang makatuklas ng panibagong

kaalaman sa kultura ang mga studyante na magagamit nila sa kanilang

pamumuhay. Dito ay mabibigyan ng kaalaman at kamalayan ang bawat


mag-aaral sa kultura na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa

Balingasa Highschool.

Saklaw at Delimitasyon

Hindi saklaw ng pagaaral na ito ang mga estudyante ng baitang 7, 8 ,9 ,10

at 12 at mga guro at non teaching personnel sa balingasa high school,

hindi din sakop ng pagaaral na ito ang mga paaraalan ng masambong,

balingasa elementary, sergio osmeña sr. High school, bonifacio memorial

elem, shiena collage at iba pang paaralan maliban sa Balingasa High

school.
Mahina sa kultura

Pagsusuri
Maalam sa Kultura

Kakulangan sa Grado/ general


kaaalaman sa average
Kultura Survey
Active level / rate

Data Analysis
Rekomendasyon

You might also like