You are on page 1of 12

Mary Josette Academy

Tigbe, Norzagaray, Bulacan

Sukat ng Kapaboran sa Paunti-unting Pagkawala ng Kulturang Filipino ayon sa Opinyon


ng mga Estudyante ng Departamento ng Junior Highschool ng Mary Josette Academy sa
Tigbe, Norzagaray, Bulacan

Minnette Frances R. Perez


Princess Stephanie D. Lunita
Ayana Lindsay SM. Tianzon
Angel Ann DC. Bautista
Dave Andrei DG. Dungca
Jarell Ellema

Setyembre 16, 2019


Talaan ng Nilalaman

Pagkilala …………………………………………………………………………………………. i

Pagtatalaga ……………………………………………………………………………………… ii

Kabanata I: Suliranin at Kaligiran

Rasyunal/ Introduksyon ………………………………………………………………..... 1

Paglalahad ng Suliranin …………………...…………………………………………...... 2

Kalagahan ng Talakay …………………………………………………………………... 3

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ………………………………………………...…… 3

Kabanata II: Mga Kaugnay na Panitikan at Pag-aaral

Kaugnay na Panitikan …………………………………………………………………… 4

Kaugnay na Pag-aaral …………………………………………………………………… 5

Kabanata III: Metodo ng Pananaliksik

Respondente ………………………………………………………………………...…… 6

Instrumento ng Pananaliksik ……………………………………………………………..

Tritment ng mga Datos …………………………………………………………………..


Kabanata IV: Pagsusuri at Interprasyon ng mga Datos

Pagsusuri ……………………………………………………………………………

Interpretasyon ………………………………………………………………………..

Kabanata V: Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik ……………………………………….

Mga Sanggunian ……………………………………………………………………………


Pagkilala

Pinapasalamatan ng mga mananaliksik ang Diyos, na kung wala siya, ay wala kaming
lakas para tapusin ang lahat ng ito. Sa lahat ng mga bagay na binigay sa amin ng Diyos na
nagamit namin sa pananaliksik na ito, maging sa lahat ng tao. Kung wala silang lahat, wala din
ang pananaliksik na ito.

Ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat din sa kanilang mga ka-grupo, dahil sila ay
madaling kausapin, hingan ng sagot, at pakisamahan. Sa lahat ng mga oras na nabablanko o
nawawalan ng maaring ilagay sa pananaliksik ang isa sa mga ka-grupo, may ibang pumupuna
upang maipatuloy ang pananaliksik. Sa bawat pagsisikap na ginawa nila, malaki man o maliit.

Sa aming mga guro, na nagbigay ng inspirasyon upang maayos naming matapos ang
aming pananaliksik. Sa pagpapaunlak sa bawat tanong na ibigay namin, lalo na sa aming guro sa
Filipino, na si Bb. Haniel Lou N. Morales. Sa kanyang pasensya, na kahit sinabi naming wala na
kaming tanong, ay magtatanong pa muli pag-uwi sa aming tahanan. Na kahit pa gabi, Sabado,
Linggo, o walang pasok, sinasagot pa din ang mga ito.

Sa aming mga respondente, sa lahat ng estudyante ng departamento sa Junior Highschool


sa Mary Josette Academy, dahil sa kanilang pagpayag na umunlak sa aming mga katanungan o
survey. Sa pagbibigay nila ng oras sa mga mananaliksik. Kung hindi nila sinagot ng maayos ang
mga tanong na ito, walang patutunguhan ang pananaliksik na ito.

Sa Social Media, dahil kung wala ito, hindi namin magagawa ng madalian ang
pananaliksik. Dito namin napag-usapan ang mga gagawin at mangyayari sa pananaliksik sa ito.
Sa google, o kung ano pang mga aplikasyon sa aming mga cellphone na nagamit namin sa
paghahanap ng libro at pananaliksik na maari naming pagbasihan.

i
Pagtatalaga

Itinatalaga ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito sa mga taong nagbigay sa amin
ng inspirasyon upang ito ay gawin at matapos.

Una, sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Ms. Haniel Lou N. Morales, dahil siya
ang nagbigay a amin ng mga panuntunan upang mapadali at tiyak na maayos naming maisagawa
ang pananaliksik.

Ikalawa, sa aming mga magulang dahil patuloy ang kanilang pagsuporta sa aming pag-
aaral. Sila ay may malaking parte sa aming mga buhay at sila din ang aming nagging
inspirasyon. Inaalay namin sa kanila ang pagsusulit na ito, na aming pinagpaguran at kung
minsan pa ay pinagpuyatan din.

Ikatlo, sa aming mga nagging respondente na tumugon sa aming mga katanungan upang
mabigyan ang pananaliksik na ito ng tiyak at totoong mga kasagutan. Kung hindi sila tumugon,
ay baka hindi namin natapos ng maayos ang pananaliksik na ito.

At sa huli, sa aming mga nagging ka-grupo at mga kaklase na tumulong upang magawa
ito ng maayos. Nagamit namin ang bawat isa para matapos ito ng maayos, kahit may mga oras
na naguguluhan kami sa aming mga gagawin, naririyan ang isa’t isa para sumuporta.

ii
KABANATA I: SULIRANIN AT KALIGIRAN

I. Rasyunal/ Introduksyon

Sa modernong panahon, paunti unti nang nagbabago ang ating kultura. Hindi man halata
sa nakararami, ngunit ang pagsasalita ng dayuhang wika gaya ng paggamit ng salitang “sorry” sa
halip na “paumanhin” ay isa ng halimbawa ng pagpapairal ng kulturang popular. Ang kulturang
popular ay ang kulturang kumakalat sa kabataan ngayon. Ito ay ang umiiral na bagong estilo ng
damit, buhok, pananalita, pag-awit, at iba pa. Ito ay nakikita nating hindi lamang ginagawa sa
ating bansa, ngunit pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang pagkalat ng kulturang ito ay isang epekto ng modernisasyon. Ang kahulugan ng


modernisasyon ay ang pag-unlad ng isang bansa o lugar kung saan ang mga pangangailangan ng
tao ay natutugunan. Hindi lamang ito tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ngunit
kasama na din dito ang iba pang mga bagay gaya ng libangan na nagbabago din kasabay ng
pag-unlad ng panahon. Halimbawa, noon ay paglalaro sa labasng bahay ang karaniwang libangan
ng mga batang Pilipino, ngayon ay bihira nang makakakita ng mga batang naglalaro sa kalye
dahil sa pagsikat ng mga gadyets. Sa madaling sabi, ang modernisasyon ay makikita kahit saan at
ang kulturang dala nito ay matatawag na Kulturang Popular.

Sa pagpasok ng konseptong ito sa isip ng mga mananaliksik, gusto nilang mapatunayan


na hindi lahat ng pagpapadaling dulot nito sa kanilang buhay ay mabuti. Nais nilang malaman
kung may pagnanais parin ba ang mga kabataan na mapanatili ang ating sariling kultura. Umaasa
ang mga mananaliksik na hindi lamang maibalik o makita muli ang pagmamahal dito, ngunit
pagyamanin at palawakin pa ito sa mga kabataan ng modernong panahon.

1
II. Paglalahad ng Suliranin
Masasagot ng pananaliksik na ito ang isang mahalagang tanong para sa kabataang
Pilipino, ang paksa ng pananaliksik, kung gaano nga ba kapabor ang kabataan sa paunti-unting
pagpasok ng Kulturang Popular at pagkamatay o pagkawala ng ating sariling kultura. Itatanong
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa paksa:

1. Ano ang impormasyon ng respondente sa pamamagitan ng:

1.1. Edad

1.2. Baitang

1.3. Seksyon

2. Ano ang opinyon ng mga estudyante sa mga epekto ng kulturang popular?

2.1. Kung sila ba ay pabor sa social media na epekto ng kulturang popular?

2.2. Kung masasabi ba nila na magaganda ang mga dulot ng kulturang popular?

3. Ano ang mas pipiliin ng mga estudyante sa pagitan ng kulturang popular at kulturang
Filipino?

3.1. Kung mas pipiliin ba ang isang kultura dahil sa mga epekto at konsepto nito?

3.2. Kung mas pipiliin ba ang isang kultura dahil mas tanggap ito sa lipunan?

2
III. Kahalagahan ng Talakay

Ang pananaliksik ng sukat ng kapaboran sa paunti-unting pagkawala ng kulturang


Filipino ayon sa opinyon ng mga estudyante ng departamento ng Junior Highschool ay isinagawa
upang malaman kung gaano pa ba kapabor ang mga estudyante sa pagliban ng ating kultura
kapalit ng bagong kultura. Makatutulong ito sa madaming tao sa pamamagitan ng madaming
paraan.

Una, sa mga mag-aaral na maaring nagtataka kung mahalaga pa ba ang ating kultura sa
modernong panahon. Malalaman nila kung ano ang opinyon ng mga kabataan ukol ito, sa tulong
ng pananaliksik.

Pangalawa, sa mga normal na mamamayan na nagtataka kung bakit tinatangkilik na din


ng mga kabataan ang kultura ng ibang bansa. Malalaman nila kung nakikiuso lang ba ang mga
kabataan o tuluyan na silang handing ipagpalit ang ating kultura sa ibang kultura ng mga
dayuhan.

Pangatlo, sa iba pang mga mananaliksik. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa iba
pang mga mananaliksik bilang isang maaasahang sanggunian dahil ginawa ito ng mga
mananaliksik mula sa tunay at tiyak na datos.

IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gagawin sa mga estudyante ng Departmento ng Junior


Highschool ng Mary Josette Academy lamang. Maghahanap ng sampung estudyanteng nais na
masiyasat ang mga mananaliksik mula sa sampung seksyon ng nasabing departmento at sa kanila
magpapasagot at magpapasurbey. Walang pipiliing edad o kasarian ang mga mananaliksik sa
isang seksyon. Pinili ng mga mananaliksik ang mga estudyante ng Junior Highschool dahil sila
ay mga kabataang namulat na sa mga epekto ng parehong kulturang popular at kulturang
Filipino.

Ang pananaliksik na ito ay gagawin sa loob ng mahigit 1 buwan lamang.

3
KABANATA II: KAUGNAY NA PANITIKAN AT PAG-AARAL

I. Kaugnay na Panitikan

Ang Panitikan at Kulturang Pilipino (2014)

4
II. Kaugnay na Pag-aaral

Ang Pagkawala at Pagbabago ng mga Piling Kulturang Pilipino (2016)

Ayon kay Joshua Villar, mula sa kaniyang pananaliksik na pinamagatang, Ang


Pagkawala at Pagbabago ng mga Piling Kulturang Pilipino, “Ang kultura ay likas, ito ay
maibabatay sa paraan ng pangaraw-araw na gawi at pamumuhay na pinaniniwalaan o
kinasanayan ng bawat indibidwal sa isang pook o lugar. Ang Pilipinas noon ay mayroon ng
sariling kultura bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop at sa pagdaan ng
panahon lalo itong pinalawak at nilinang ng mga henerasyon.”

“Ang mga kulturang ito ay nagpapatunay kung sino tayo ngayon. Ngunit bakit parang
hindi na natin ito napapansin at bibigyan ng halaga ngayon?” dagdag pa nito ukol sa paunti-
unting pagkawala ng ating kultura.

Makikita na pinupunto ni Joshua Villar na ang ating kultura, ang bagay na nagpapakitang
tayo ay natatangi mula sa ibang mga tao, ay nawawalan na. Ang mga piling parte nito ay
nawawalan na sa piling nating mga Pilipino. Napapalitan na ito ng kulturang banyaga, kulturang
kinalakihan ng mga dayuhan, na ngayon ay maari na ring kalakihan ng mga susunod na
henerasyon.

Sa pananaliksik na ito, aalamin ng mga mananaliksik kung papayag ba ang kabataan ng


Mary Josette Academy na palitan na ang ating kultura. Mula sa kinagisnan ng mga magulang at
ninuno na kulturang Filipino patungo sa kulturang patok at uso sa iba’t ibang parte ng daigdig,
ang kulturang popular.

5
KABANATA III: METODO NG PANANALIKSIK

I. Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Junior High school ng
Mary Josette Academy. Binubuo ang Junior High School ng dalawang daan, walumpu’t walo
(288) na mga estudyante, ngunit isang daan (100) lamang ang sisiyasatin ng mga mananaliksik.

6
II. Instrumento ng Pananaliksik

7
III. Tritment ng mga Datos

You might also like