You are on page 1of 21

EPEKTO NG DEPRESYON SA MGA MAG-

AARAL NG IKALABING-ISANG ANTAS SA


SENIOR HIGH NG PATEROS

Isang pananaliksik na iniharap para kay


Gng. Jenet P. Guinauan

Bilang pagpapatupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang


Filipino XI Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino sa
Pateros National High School Senior High School

Nina:

Vanessa G. Rayco

Andrea Rodillas

Jhucelle Boncallos

Christian Babon

OKTUBRE 2019
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailingan ng Asignaturang Komunikasyon


at Pananaliksik, Ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Pananaliksik
ukol sa “ EPEKTO NG DEPRESYON SA MGA MAG-AARAL NG IKALABING-ISANG
ANTAS SA SENIOR HIGH NG PATEROS”

inihanda at hinarap ng mananaliksik mula sa seksyon XI-HUMILITY ng Pateros


National High School- Senior High School.

Tinanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Grade 11 sa paaralang Pateros


National Highschool (SHS) , bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik.

_______________________
Gng. Jenet P. Guinauan
(Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik)

________________________
Gng. Noreen Baus-Billanes,Ed.D
(Punong Guro)
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot nang aming grupo sa aming


butihing Guro na si Gng. Jenet Paguio-Guinauan sa Asignaturang Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa oppurtunidad na ipinagkaloob sa
amin para magawa nang tama ang Pananaliksik na ito na patungkol sa isyung
SUICIDE lubos kaming nag papasalamat sapagkat maibibigay namin ang aming
hinuha o suhestiyon at nabigyan kami nito ng karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng ilang katanungang nais naming malaman ukol sa masamang
epekto nito sa mga kabataan na gaya namin.
Ang aming grupo ay nagpapasalamat muli sa pagsuporta upang makumpleto at
magawa ito ng maayos at maibahagi ang mga saloobin ng aming kapwa
estudyante.
TALAAN NG NILALAMAN

Dahon ng Pagpapatibay

Pasasalamat
KABANATA 1 : ang suliranin o saligan nito

A.Introduksyon
B.Layunin ng pagaaral
C.Kahalagahan ng pagaaral
D.Saklaw at Limitasyon
E.Paglalahad ng Suliranin

KABANATA 2 : MGA KAUGNAY NA PAGAARAL O LITERATURA

KaBANATA 3 : Disenyo at paraan ng pananaliksik

A.Disenyo ng pananaliksik
B.Mga respondente
C.Instrumentong pananaliksik
D.Tritment ng datos

KABANATA 4: Presentasyon at Interpretasyon ng mga


datos

Kabanata 5 : lagom , konklusyon , at rekomendasyon

A.lagom
B.konklusyon
C. rekomendasyon

Bibliograpiya
KABANATA 1:
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A.INTRODUKSIYON

Noong Unang panahon ang mga kabataan o ang mga tao ay may buong
komunikasyon kung baga sila ay nakakapag sabi ng kanilang nararamdaman sa
bawat isa dahil ito ang masusing paraan nila upang guminhawa ang
nararamdaman nila.Kung hindi sa kanilang mga kaibigan sila ay nag sasabi ng
kanilang problema sa kanilang mga pamilya lalo na sa kanilang mga
magulang.Noong unag panahon ang mga kabataan ay lapit sa kanilang
magulang at ito ay kanilang nirerespeto.Ngayon sa kasalukuyan ang mga
kabataan ay may sarili nang mundo at wala nang respeto sa kanilang
magulang.Sa sobrang kalayuan nila sa magulang nila kung ano ano na ang
ninanais nilang gawin.

Sa pananaliksik na ito papasok ang mga problema ng estudyante hindi lamang


estudyante kundi narin ang mga kabataan at mga taong nasa tamang edad na
din.Matatalakay sa pananaliksik na ito kung bakit pas pinipili ng isang indibidwal
na mag pakamatay kesa sa harapin ang problema.
B.LAYUNIN NG PAGAARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para malaman naten ang mga dahilan ng
mga kabataan kung bakit tinatapos nila ang kanilang buhay at malalaman din
natin kung ano ang dapat nating gawin kung tayo na ang nasa mahirap na
sitwasyon.

Lahat tayo ay nag kakaroon ng pag subok sa buhay ngunit hindi paraan ang
suicide para maayos ang ating mga problema.Lahat tayo ay gusting magkaroon
ng magandang buhay sa kasalukuyan, ngunit hindi naten ito makukuha ng basta
basta tayo ay may mapagdadaanan na mga problema ito ang paraan ni tadhana
para tayo ay magting matibay sa lahat ng pagsubok na ibibigay sa atin.

Ang pinaka layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga pangunahing


problema ng mga kabataan o ng mga taong nasa tamang edad na.

C. KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay mulatin ang kaisipan ng mga


magulang at ng mga kabataan na hindi tama ang pag papakamatay dahil ang
kailangan lang ng bawat isa ay pag unawa at pakikipag usap ng maayos.

Ayon sa aking mga miyembro nauuso ang pag papakatamay ngayun dahil sa
mabigat na pinag dadaanan ng isang tao at dahil dito walang mapag asabihan o
masabihan ang taong may problema dahil maaaring siya ay nahihiya sa taong
mapag sasabihan niya o dikaya nahihiya sa kanyang pamilya,maaaring siya ay
ayaw nang makadagdag sa problema ng iba.
D.SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay tukuyin o mas tutukan ang tungkol sa


topic na ito na hindi kadalasang pakikiusap ng isang problemadong tao sa
kanyang kaibigan o di kaya’t sa kanyang mga magulang. . At pokus ng aming
pananaliksik na magtanong at alamin ang mga problema ng mga estudyante sa
paaralang ng Senior High School sa Pateros.

Ang limitasyon ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa buong grade 11 at 12 na


aming makukuhanan ng ibat ibang impormasyon kung bakitr ang iba sa
kabataan ay lumalayo ang loob sa mga magulang.

At isa pa na ang limitasyon ng pananaliksik na ito ay mapagtanungan ang ibat


ibang estudyante ng kanilang ibat ibang opinyon tungkol sa mga problema na
kinakaharap nila o nang taong nawawalan na nang pag asang mabuhay.

E.PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang paksa na aming tatalakayin at kukunan ng pansin ay buong nakatuon sa


isang topic na pag kamatay ng maaga ng isang tao at kami ay hihingi ng
impormasyon sa mga estudyante sa paaralang Senior High School ng Pateros.

Ang bawat problema ng indibidwal ay nag babago sap ag babagong ito lalong
nasusubok ang kakayahan ng isang indibidwal nasusubok ang kanilangh
pananalig sa Diyos at higit sa lahat na susubok ang kanilang katibayan.

Saan nga ba nag mumula ang isang problema ng indibidwal?


Sa kabila ng aming mga katanungan ayan ang oinaka madaming sumagot na
iestudyantre.Maaari daw nag mumula nag problema ng isang indibidwal sa
Social Media,Paaralan,Trabaho,Kaibigan,Pera, at higit sa lahat as kanilang
pamilya o di kaya naman sa kanilang magulang.

Dahil sa sila ay kulang sa pakikipag komunikasyon o pakikipag usap kung ano


anon a ang pumapasok sa kanilang isipan.Pas nabibigyang pansin nila ang pag
papakamatay kesa sa ayusin ang kanilang kinakaharap na problema.

Hindi sa lahat ng bagay pag papakamatay ang solusyon sa problema ng isang


indibidwal.Dapat ay matoto tayo na makipag usap sa mga nakakatanda sa atin
upang mabigyang pansin nila tayo at upang payuhan nila tayo ng naayon sa
atin at upang gumaan din ang ating kalooban.

KABATA II:
MGA KAUGNAY NA PAGAARAL O LITERATURA

MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAG PAPAKAMATAY ANG ISANG INDIBIDWAL

Nasa 3 milyong Pilipino ang nakakaranas ng "depressive disorder", ayon sa pag-


aaral ng World Health Organization at sa impormasyong nakalap ng ABS-CBN
Investigative and Research Group.

Kaugnay nito, nagbabala ang mga espesyalista na hindi biro ang depresyon dahil
maaari itong humantong sa suicide o pagpapakamatay kapag hindi naagapan.

Mahigit 2,000 kaso na ng suicide ang naitala ng WHO sa bansa noong 2019

Sa buong mundo, ang suicide ang naitatalang pangalawa sa mga pangunahing


dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15-29.
Sintomas ng depresyon

Ayon sa espesyalista, importanteng malaman ang sintomas ng depresyon lalo't


posibleng maapektuhan ang mga kaanak ng mayroong ganitong kondisiyon.

Paliwanag ng mental health advocate na si Dr. Gia Sison, ilan sa sintomas ng


depresyon ay matagal na pagiging malungkot, iritable, at pagiging balisa.

Pero nilinaw niyang magkaiba ang depresyon sa pagiging malungkot lamang.

Ayon pa sa Department of Health (DOH), maraming dahilan ang pagkakaroon ng


depresyon tulad ng stress sa araw-araw na pinagdaraanan, problema sa relasyon,
pera, trabaho, at marami pang iba.

'Stigma' sa depresyon

Umaasa naman ang mental health advocates na maging "normal na usapin" na lang
ang depresyon at hindi lang magtatapos sa pagdiriwang ng World Mental Health
Day ang usapin tungkol sa mental health.

Iginiit din nilang panahon na para pag-ukulan ng higit na atensiyon ang usapin ng
mental health para mabawasan o maalis na ang stigma o panghuhusga sa mga
dumaranas ng depresyon.

Ilang personalities din ang nag-post at nagsulong ng mental health awareness sa


social media gaya ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Pero kahit anila marami ang nagsasalita tungkol dito, hindi naman ito madalas
napag-uusapan dahil sa takot sa stigma.

Paliwanag ni Dr. Katrina Tan ng National Center for Mental Health, kapag
nababanggit na ang "psychiatry" ay natatakot na agad ang mga tao.

Kakulangan ng mental health facilities

Isa pang problema ang kakulangan sa pasilidad at mga espesyalista sa bansa para
matugunan ang pangangailangan ng mga nakakaranas ng mental health disorders.

Ayon sa pag-aaral, dalawang mental health workers lamang ang nakalaan sa kada
100,000 populasyon sa bansa.

Pitong porsyento lang din ng kabuuang bilang ng mga ospital sa Pilipinas ang may
psychiatric ward o unit.

Kaya para sa mga mental health advocates, mainam na magkaroon ng mental


health hour o day, o kaya naman ay mga mental health mission na makakatulong sa
pagpapalawak ng impormasyon tungkol sa mental health at buwagin ang maling
mga haka-haka at stigmang dulot ng mental health disorders.

Mahalaga rin anila na maisabatas ang 'Mental Health Bill' para matugunan ang
basic mental health services sa mga komunidad sa buong bansa.

Pag-iwas sa depresyon

Nagbigay din ng ilang payo ang DOH para maiwasan ang depresyon tulad ng pag-
eehersisyo o pagpunta sa gym.

Nakakatulong kasi ang ehersisyo dahil nailalabas ng katawan ang mga endorphins
o tinatawag na "joy hormones" na nakakatanggal sa stress.

Makatutulong rin sa mga nakakaranas ng depresyon ang pakikipag-usap sa ibang


tao, pagkakaroon ng “break”o recreational activities, pagkakaroon ng healthy at
positive lifestyle, at pagkakaroon ng support group mula sa mga kaibigan at
kapamilya.

Para sa mga taong nakakaranas ng depresyon, maaaring tumawag sa Hopeline ng


DOH sa telepono bilang (02) 804-4673 at 0917-5584673 para sa counselling at iba
pang impormasyon.

-- Ulat nina Kori Quintos at Oman-Bañez, ABS-CBN News

KABANATA III
Disenyo at paraan ng pananaliksik

A.DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong


metodolohiya ng pananaliksik at ito ay napagaralan . Maraming uri ng
deskriptong pananaliksik at aming napiling gamitin ay ang talatanungan (
survey questionnaire ) para makalikom ng ibat ibang klase ng impormasyon at
ng mga opinion ayon sa mga sagot ng mga magaaral ng Pateros National
Highschool ( SHS). Ito an gaming napili upang makuha ang sapat ng sagot sa
aming katanungan tungkol sa aming pananaliksik ayon sa mga respondent.

B.MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente ng aming pananaliksik ay nakukuhanan nila ng


pagaaral ang aming pananaliksik. Ayon sa aming pananaliksik mas pinili namin
na grade 11 at 12 lamang an gaming katanungan. Dahil sila ang makukuhanan
naming ng maraming opinyon at higit sa lahat ng maraming impormasyon at
sakaling malaki ang maitutulong sa aming ginawang pananaliksik.

Ang mga respondente ang nangangahulugan na magbigay tulong sa


mga katanungan ng isang mananaliksik at ito ang pagsagot sa mga sarbey at
mga karagdagang katanungan ng isang mananaliksik.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pagaaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatanong o


Descriptive Survey Research Design, para makalikom ng mga datos upang
malaman ang mga opinyon ng mga respondent. Kumuha rin kami ng
impormasyon sa mahabang pagbabasa sa internet tungkol sa aming
pananaliksik halimbawa nito ay ang mga artokulo sa dyaryo, brainly ,
Wikipedia atbp. Kami ay lilikom ng mga impormasyon tungkol sa aming
pananaliksik at iyon ang mga kasagutan kung tama baa ng paraan ng kabataan o
ng mga taong nasa tamang edad na ang paraan ng pag papakamatay.
Sa pamamagitan ng pagsasarbey aming masasaksihan ang mga problema ng
mga estudyante na kinahaharap nila ngayon kami ay magbibigay ng walo o
sampung katanungan sa ibat ibang estudyante at ayon ito sa grade 11 at grade
12 sa aming paaralan na Pateros National Highschool (SHS).

D.TRITMENT NG MGA DATOS

Itong pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga pamanahong papel na ang


kahalagahan na walang anumang masama at pagtatangka sa mga katanungan
at ang mga ginawang sarbey ng ibat ibang mananaliksik ay upang matukoy ang
mga makukuhang datos at impormasyon sa pamamagitan ng matataas at
kompleks na istatikal na pamamaraan . Sa pamamaraan na ito matatalakay ang
ibat ibang kasagutan ng mga respondente at ang inaasahan maisagot nila dito
ay ang opinyon at damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa
bawat katanungan sa mga survey questionnaire. Ang istatistikal na tritment ng
mga datos ay bahagi ng pamamaraan sa pananaliksik. Ito ay tumutukoy sa mga
paraan na ginamit upang mailarawan ang mga numerikal na datos na nakuha o
nakalap sa pananaliksik.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRESENTASYON NG MGA
DATOS

9%

10%

PAMILYA
KAHIRAPAN
TRABAHO
23% 58% BARKADA

Dito makikita ang apat na kadahilanan kung bakit pas pinipili ng isang tao ang
tapusin ang kanyang buhay kaysa ayusin at harapin ang kinakaharap niyang
problema.

Ito ay maaaring ang isang tao ay nawawalan na nang pag asa sa kanyang buhay
dahil sa kanyang mga problema.

Halos kalahating persiyento ang problema sa pamilya ito ang pangunahing


problema, pumapangalawa naman ang kahirapan, pumapangatlo ang trabaho,
at ang pang apat ay ang kanilang barkada.
Iba’t-ibang salik na nakakaepekto sa isipan ng
isang indibidwal
Maaaring masabi na ang pamilya ang
pangunahing dahilan sap ag papakamaty ng
isang tao dahil maaaring sila ay kulang sa
PAMILYA komunikasyon.

Pumapangalawa naman ang kahirapan dahil


may mga tao na nawawalan na nang pag
KAHIRAPAN asang makaahon dahil sa hirap ng kanilang
buhay.

Pumapangatlo naman ang trabaho.Dahil ang


iba sa mga tao ay kaunti lang ang kakayahan
TRABAHO na maka pag trabaho dahil dito nawawalan
sila ng tiwala sa kanilang sarili.

At ang pumapang-apat naman ay ang barkada


masasabing isa rin ito sa problema ng mga
BARKADA kabataan dahil ang iba sa kabataan ay pas lapit
sa kaniolang barkada kaysa sa kanilang
magulang
ASPEKTONG NAKAKAAPEKTO SA PAG PAPAKAMATAY
NG ISANG INDIBIDWAL

26%
34%

PAMILYA

PAG-AARAL

KAHIRAPAN

40%

Labis na naapektohan ang bawat isa sa mga suliranin na kinakahirap nila.Hindi


mawawala sa suliranin ang problema sa Pamilya, sa Pag-aaral, At ang problema
sa kahirapan.Kahit saan pumunta ang isang tao ito ay nag kakaroon parin ng
problema dahil hindi nawawala ito sa pang araw-araw.

Sa di inaasahang pag kakataon nangunguna sa taong 2019 ang problema sa


Pag-aaral pumapangalawa naman ang Pamilya at pumapangatlo ang
Kahirapan.

Nagsanib-puwersa ang mga eksperto, guro, at kabataan para magsagawa ng


information campaign tungkol sa mental health.
Ayon sa mental health professionals, mahalaga na maging mulat ang publiko sa
lumalaganap na problema ng mental health sa mga Pinoy na maaaring mauwi
sa depresyon at suicide.

 'Depresyon kapag hindi naagapan, maaaring humantong sa suicide'

Sa datos ng National Youth Commission (NYC), dalawa sa bawat 10 kabataan


na may edad 15 hanggang 30 ang nakaisip na magpakamatay para wakasan
ang problema.

Ayon naman sa World Health Organization (WHO), higit 800,000 ang


namamatay kada taon dahil sa suicide o isa sa bawat 40 segundo sa buong
mundo.

Isa ang anak ni alyas "Grace" sa mga naging biktima ng suicide.

Halos 20 taon na ang nakalilipas matapos mag-suicide ang kaniyang 21 anyos


na anak ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang dahilan sa likod
nito.

Single mother si Grace at nagtatrabaho sa abroad noon.

Ayon sa Philippine Mental Health Association (PMHA), dapat alamin ang


warning signs ng suicide.

Narito ang ilan sa warning signs na dapat


bantayan, ayon sa PMHA:
1. Labis na kalungkutaan na tumatagal ng apat na buwan o higit pa;

2. Pagkukulong sa kuwarto;

3. Pagbabago ng ugali at hindi pag-aayos ng sarili;

4. Paghahanda, gaya ng pamimigay ng mga personal na gamit;

5. Pagbabanta sa balak gawin.


Sabi ng mga eksperto, mahalagang malaman ng mga magulang ang mga dapat
gawin para maiwasang magkaroon ng suicidal na anak.

Una na ang tamang paggabay at paglaan ng oras para sa bonding ng pamilya.

Maaari ring limitahan ang paggamit ng computer o smartphone at social


media.

Huwag mag-atubiling ipakonsulta sa mental health professional kapag


napapansing lumalala ang sitwasyon ng bata.

Puwede ring dumulog sa Hopeline Philippines na tumatanggap ng tawag mula


sa mga nangangailangan ng tulong.

*To those who are in emotional crisis and in need of immediate assistance,
please contact the 24/7 HOPELINE at:
+632-804-HOPE (4673)
+63917-558-HOPE (4673)
2919 (toll-free number for all GLOBE and TM subscribers)

--Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

MGA PARAAN UPANG MAIWASAN ANG DEPRESSION


1.)Matutung makihalubilo sa mga kaibigan.

2.)Matutung mag sabi ng problema sa pamilya o di kaya sa kaibigan upang


mapayuhan ng na aayun sa problema

3.)Libangin ang sarili

4.)Tatagan ang kalooban

5.)Huwag mag padalos dalos sa mga desisyon.


PORSYENTO NG MGA TAONG NAG PAPAKAMATAY

11%

25%

64%

LALAKI BABAE LGBT

Ayon sa World Health Organization Pas malaki ang porsyento ng nag


papakamatay sa kalalakihan kaysa sa mga kababaihan dahil ang mga
kalalakihan ay hindi marunong mag nang kanilang saloobin.

Samantalang Pangalawa naman ang kababaihan dahil ang iba sa mga


kababaihan ay marunong mag sabi ng kanilang mga hinanaing.

Pumapangatlo naman ang LGBT Community ito naman ay sa kadahilan na hirap


ang mga mamamayan o indibidwal tanggapina ng kanilang kasarian.

Ngayong taon mahigit sa 100,000 kada tao na nag papakamatay dahil sa


depression ay ang mga kalalakihan.
KABANATA V
LAGOM,KONKLUSYON,AT REKOMENDASYON

A.LAGOM
Karaniwang dahilan sa pag papakamatay ng isang tao ay ang kanilang
problema sa buhay halimbawa narito ang Pamilya,Kahirapan,Trabaho, at Pera.

Ang Pamilya ang mayroong pinakamalaking porsiyento (Pamliya 58%),


samantalang ang Kahirapan naman ay mayroong 28% sumunod naman ang
Trabaho na may roong 10% at ang huli naman ay ang Pera na may porsyentong
9%.

Ang mga aspektong nakakapaekto naman sa kabataan o ang mga taong nasa
tamang edad na ay Pamilya,Paaralan, at Kahirapan

Ang nangunguna ay ang Pag aaral na may pinaka malaking porsyento na 40% at
pumapangalawa naman ang Pamilya na may roong 34% at Kahirapan ang
pinaka huli na may porsyentong 26%

Samantalang sa prosyento nang mga taong nag papakamatay mayroong 3


bahagi ayon ang KALALAKIHAN na nakakuha ng pinaka mataas na porsyento na
64% at sumunod ang KABABAIHAN na may porsyentong 25% at LGBT na 11%

B.KONKLUSYON

Hindi masama ang Humingi ng tulong sa mga kaibigan lalo na sa magulang at


hindi rin masama ang humingi ng payo sa pas nakakatanda sa iyo.Kailangan
lang ng bawat isa ang respeto.Ang pag sasabi ng problema sa mga nakakatanda
sa iyo ay nakakagaan ng loob dahil nararamdaman mon a may taong handang
makinig sa iyo handang bigyang pansin ang tulad mon a problemado.

C.REKOMENDASYON

Matuto tayong humingi ng tulong at tumanggap ng tulong sa iba dahil hindi


kakayanin ng sarili natin pag mag isa lang tayo.Ang bawat isa ay may tinatahak
na problema ngunit hindi solusyon ang pag papakamatay.Hindi mo buhat ang
mundo.Matoto tayong maging bukas sa isa’t-isa dahil walang ibang tutulong sa
iyo kung hindi ang mga Kaibigan mo rin at higit sa lahat ang pamilya mo.

BIBLIOGRAPIYA
FOOTNOTE/TALABABA:
Hiniling ni Senator Joel Villanueva na paigtingin pa ang edukasyon at impormasyon
upang mapigilan ang pagpapakamatay sa harap ng tumataas na suicide rates sa bansa,
lalo na sa kabataan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Youth, sinabi ng National Poison Management and


Control Center (NPMCC) ng Philippine General Hospital na 46 porsiyento ng mga kaso ng
suicide o pagpakamatay noong 2010 — 30% dito ay nasa edad 20-35 taong gulang,
habang 16% ay nasa 10-19 anyos.
“Education regarding mental health and suicide prevention must be intensified… We
should also mandate schools to have suicide hotlines and the appropriate system to
support this,” diin ni Villanueva.
Sa ulat ng World Health Organization (WHO) ang pagpapakamatay ang pangalawang
sanhi ng kamatayan sa mga nasa edad 15-29 anyos sa buong mundo. May 2,558 suicide
cases ang naitala sa Pilipinas noong 2019.

https://brainly.ph/question/971250
https://www.slideshare.net/kkamjongin/epekto-ng-social-media-
sa-pag

https://brainly.ph/question/872832
https://thepinoysite.com/2012/10/07/social-media-at-ang-
modernong-pilipino/

https://thepinoysite.com/2012/10/07/sa-social-media-at-ang-
modernong-pilipino/

https://tl.innerself.com/content/personal/relationships/parenting/
16473-how-parents-and-teens-can-reduce-the-impact-of-social-
media-on-youth-well-being.html

You might also like