You are on page 1of 43

Isang pananaliksik na nauukol sa pagaaral tungkol sa: Edukasyong Sekswal

na maaring makatulong sa lahat

Isang Pamanahong Papel na Isinumete kay

G. EDUARDO P. FRIZAS Jr.

Isang Guro sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik

Sa wika at kulturang Pilipino

Bilang bahagi sa Pangangailangan

Sa Asignaturang Wika at Pananaliksik sa Pilipino

Isinagawa nina:

Locsin, Janille Rosales, Jezzrielle

Estadilla, Jonathan Sanao, Richael Rose

Rabelas, Cyriel Ariann Dela Rosa, Princeton

Asuncion, April Ane Januto, Earl Jodell

Barrantes, Janelle Legardo, Charles Harvey

Castro, Lei Xeanne Silva, Justin Eliver

Mamalumpong, Shajad Taylaran, James Aldrine

Nacario, Janaira Arda, Marjorie

Ramos, Alona May


Dahon ng PAGPAPATIBAY

Bilang Pagtupad sa pangangailangan ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik

Sa Wika at Kulturang Filipino, Ang Pamanahong-Papel na ito na Pinamagatang;

EDUKASYONG SEKSWAL Ay Inihanda at tinugunan ng Pagkat ng mga

mananaliksik mula sa Pangkat 2 -STEM Boyle na

binubuo nina:

Locsin, Janille Estadilla, Jonathan

Rabelas, Cyriel Ariann Rosales, Jezzrielle

Asuncion, April Ane Legardo, Charles Harvey

Dela Rosa, Princeton Nacario, Janaira

Januto, Earl Jodell Sanao, Richael Rose

Barrantes, Janelle Castro, Lei Xeanne


Mamalumpong, Shajad Ramos, Alona May

Silva, Justin Eliver Arda, Marjorie

Taylaran, James Aldrine

Tinatanggap sa ngalan kagawaran ng MCA Montessori School Taguig, bilang isa sa mga

pangangailangan sa asignaturang Kumunikasyon At Pananaliksik sa Wika At Kulturang

Pilipino

G. EDUARDO P. FRIZAS Jr.


Pasasalamat At Pagpapakilala

Taos pusong pasasalamat ang ibinibigay ng mga mananaliksik na ito sa mga

sumusunod na indibidwal na hindi nagsawang tumulong, nagbigay ng mga suporta at

kontribusyon upang mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.

Sa aming guro sa Kumunikasyon At Pananaliksik sa Wika At Kulturang Pilipino na si

Ginoong Eduardo Frizas na nagbigay ng pagkakataon upang magsagawa ng pag aaral at

paggabay sa amin sa mga tamang hakbangin sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

Sa aming minamahal na mga magulang, na sumuporta, umiintindi at tumulong sa

paggawa namin ng pag-aaral at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta.

Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa pangkat 2, STEM 11-Boyle ng MCA

Montessori School, para sa pagbigay ng tulong at impormasyon upang matapos ang

pananaliksik.

At higit sa lahat sa Panginoong Maykapal, sa pagbibigay ng lakas, sapat na kaalaman,

at gabay mula sa simula hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.


Talaan ng Nilalaman

Pamagitang Pahina ………………………………………………………………………….…………. 2

Dahon ng Pagpapatibay ……………………………………………………………………….………. 3

Pasasalamat o Pagkikilala …………………………………………………………………….……….. 5

Abstrakt………………………………………………………………………………….………………7

 KABANATA I- Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Introduksyon …………………………………………………………………………….…………….. 9

Layunin ng Pag-aaral ………………………………………………………………………………….10

Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………………………………………….…12

Saklaw at Limitasyon ………………………………………………………………………….……...14

Depenisyon at Terminolohiya ………………………………………………………………….……...15

 KABANATA II- Mga kaugnayan na Pag aaral sa literatatura

Lokal na Literatura ……………………………………………………………………………………17

Banyagang Literatura ……………………………………………………………………………….....19

 KABANATA III- Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik ……………………………………………………………………………...21

Respondente ng Sarbey ………………………………………………………………………………..21

Instumento ng Pananaliksik …………………………………………………………………………...22

Tritment ng mga Datos ………………………………………………………………………………..22

 KABANATA IV- Lagom, Konklusyon At Rekomendasyon

Lagom …………………………………………………………………………………………………28

Konklusyon …………………………………………………………………………………………....28

Rekomendasyon ……………………………………………………………………………………….32
Abstrakt

Tinutukan sa pagaaral o pananaliksik na ito ang kahalagahan at maaring solusyon sa napapanahong

problema ng mga pilipino at mas magkaroon pa ng kaalaman ukol sa edukasyong sekswal. Ang

edukasyong sekswal ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa pakikipagtalik sa ating kapwa. Mahalaga ang

pag-aaral nito lalo na sa mga kabataan, upang mas lumawak ang kanilang kaisipan at malaman kung

ano ang dapat at hindi maaaring gawin. Nakatutulong din ito upang maipasaisip ng iba kung bakit nila

ito ginugustong gawin at kung saan nakukuha ang motibasyon para ito'y gawin.

Ang motibasyon sa seksuwal ay nakakaimpluwensya sa pag uugali ng tao, kaya dapat alam nila ang

maaaring dulot ng pakikipagtalik. Upang ito'y maiwasan, tinuturo sa Sex Education ang ligtas/malinis

na pakikipagtalik.

Ang nilalaman ng pananaliksik na ito ay ang mga surbey na gawa ng mga mananaliksik na mag

sisilbing gabay kaalaman tungkol sa nakaranas, nakakaranas at hindi pa nakararanas ng Edukasyong

sekswal.

Bukod pa rito ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maagapan ang maagang pag bubuntis at

hindi pa handa magkaroon ng pamilya, ito ay mag sisilbing paalala sa iresponsableng sekswal

atraksiyon na hindi lang para sa may hustong gulang kundi sa mga kabataan na maagang nabubuntis at

maagang nag kaka-asawa.


 KABANATA I

Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

PANIMULA

Ang sekswal na edukasyon ay tungkol sa sekswalidad ng tao, kaya nangalap kami ng impormasyon
upang aming maipaliwanag kung ano nga ba ang naka paloob dito. Pag-aaralan natin dito ay kabilang
ang kalusugan at relasyon.

Dito rin natin malalaman kung ano nga ang  responsibilidad na maidudulot nito. Maari rin natin
matuklasan dito ang sekswal na reprodaksyon at sekswal na aktibidad ng ating katawan. Tatalakayin
natin kung ano nga ba ang epekto nito sa ating buhay, at kung paano nga ba ito iiwasan.

Nangyayari ang maagang pagbubuntis hindi lamang dahil pinili nila ito,ngunit dahil na rin sa kawalan
ng edukasyon, impormasyon at pangangalaga sa ating kalusugan. Isa pang dahilan Ng pagaaral sa
sekwalidad ng tao ay ang mga suliranin maaring kaharapin ng tao na may kaugnayan sa pakikipagtalik
maaari tayo rito'ng makakuha ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, Ang hindi inaasahan o Hindi
ginustong pagdadalang tao at ang mga paksang may kaugnayan sa kaharasan o panggigiit na sekswal.

Ang maari nilang maramdaman ay maaring Heteroseksuwal (naaakit sa katapat o kasalungat na


Kasarian), Homoseksuwal ( naakit sa kaparehong Kasarian) o kaya biseksuwal ( naakit sa kapwa mga
Kasarian).
Layunin ng Pag aaral

Ang sex education ay pag-aaral tungkol sa sekswalidad ng tao kabilang ang kalusugan, relasyon,

pakiramdam, responsibilidad, bahagi ng katawan, sexual reproduction, sexual activity, age of consent,

reproductive rights, birth control at pagpipigil sa pagtatalik. Ang edukasyon tungkol dito ay nagsisi-

mula sa kani-kanyang tahanan at ipinagpapatuloy sa paaralan para sa mga batang mag-aaral na

karaniwang nalalantad sa maseselan at sensitibong karanasan o impormasyon tungkol sa pagtatalik.

Ayon sa mga doktor, unang-unang dapat tingnan ng mga magulang ay kung handa na ba ang mga

anak bago talakayin ang sex education. Sila ang unang nakaaalam kung kaya na nila itong

maintindihan o kung sila ay may kakayahan nang makipag-usap tungkol dito.

Dapat na ihanda ng mga magulang ang sarili upang matiyak na tama ang kanilang kaalamang

ibabahagi sa mga bata. Suhestiyon para sa mga magulang ay dagdagan ang kaalaman at abilidad na

magturo nang maayos sa pamamagitan ng pagbabasa. Maaari ring magtanong sa ibang mga magulang

at propesyunal kung hindi sigurado sa gagawin. Panatilihin din ang bukas na komunikasyon sa mga

anak para maging mas komportable silang magtanong at pag-usapan ang anumang paksa. Pakinggan,

sagutin, gabayan at payuhan sila nang wasto at may responsibilidad sa lahat ng bibitiwang salita.

Hangad natin na ang mga estudyante na nasa hustong gulang ay maging maalam sa tama at mali,

kumilos nang naaayon at kung paano tumugon sa posibleng pang-aabuso ng mga mapagsamantala.

Gayunman, sa eskuwelahan ituturo sa mga estudyante ang pagkakaiba ng “good touch”

sa “bad touch” upang maiwasang maging biktima ng pang-aabuso. Sa pag-alalay ng mga guro,

gagabayan sila sa kaalaman tungkol sa “age appropriate developmental and

culture sensitive” sexuality education. Sa kabila ng iba’t ibang pananaw ng tao sa pagtuturo ng sex

education sa mga paaralan, minabuti ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang “Policy

Guidelines on the Implementation of the Comprehensive Sexuality Education” na naglalayon na

magkaroon ng pang-unawa, kaalaman, mensahe at pamamaraan ng pagtuturo ng sex education sa lahat

ng private at public elementary school, junior/senior high school, state universities at local universities

at colleges.
Bukod sa maagang pagbubuntis, isa rin sa mahahalagang gampanin ng mga guro ay maiiwas ang mga

mag-aaral sa sakit tulad ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) na dala ng HIV (Human

Immunodeficiency Virus) na nakukuha sa pakikipagtalik sa taong mayroong impeksiyon nito. Ang

layunin ng Sex Education ay para gawing mas produktibo, matalino at handa ang mga kabataan

pagdating sa salitang “Sex”. Ito rin ay pag-aaral patungkol sa kung anong kahalagan ng sekswalidad

ng tao, at isang mataas na kalidad sa pagtuturo dahil sa mga paksang narito na kaugnay sa pagtatalik o

sekswalidad. Nakapaloob dito ang Sexual Health , Sexual Behavior at ang pagdedesisyon mo sa mga

bagay-bagay.

Ang layunin ng pag-aaral ay para matulungan ang mga tao na palawakin ang kanilang kaalaman at

maturuan din ng magandang asal. Layunin ng pag-aaral tungkol sa pagtatalik at sekswalidad ay

magbigyan ng sapat na kaalaman ang karamihan lalo na ng

kabataan tungkol dito dahil sa paglipas ng panahon ay tumataas ang teenage pregnancy. Ito ay sa

kadahilanang kinukulang sa sapat na kaalaman ang mga kabataan at maaaring

dulot ito ng kuryosidad at masamang ihemplong mga kaibigan. Layunin din nitong mabawasan ang

pagdami ng populasyon sa isang particular na lugar o bansa at maiwasan ang pagkakaroon ng mga

delikadong sakit na may kaugnayan sa kasarian.


Kahalagahan ng Pag aaral

Magsisilbing gabay ito sa kabataan na wala pang alam pagdating sa ‘Sex Education’. Ang Sex

Education o Edukasyong Seksuwal ay isang pagtuturo sa anumang bagay na may kinalaman sa

sekswal na gawain. Kabilang sa mga tinuturo rito ang sumusunod sekswalidad, emosyonal na relasyon

at responsibilidad, dalubkatawan o Human Anatomy, reproduksyong sekswal, Birth Control at ligtas

na pagtatalik.

Ang Sex Education ay tutulong sa bawat Pilipino lalo na sa kababaihan na makakuha ng sapat na

impormasyon, kakayahan at motibasyon sa paggawa ng magandang desisyon tungkol sa

pakikipagtalik at sekswalidad.Ang sex education ay naglalayon na higit na maintindihan ng kabataan

ang kanilang sekswalidad at mabawasan ang mga kabataang maagang nagbubuntis. Itinuturo rito ang

birth control, ligtas na pakikipagtalik at reproduksiyong pangkalusugan na makakatulong sa pagbaba

ng populasyon sa Pilipinas na pangunahing dahilan ng kahirapan. Mababawasan din ang mga

kabataang na nasa lansangan dahil maiiwasan ang unwanted pregnancy at magkakaroon ng

pagdedesisyon kung saan ang bilang ng anak ay naaayon sa kakayahang buhayin ito. Maiiwasan din

ang pagkalat STD o Sexually Transmitted Diseases.

Ang Sexually Transmitted Diseases ay mga impeksiyon na karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng

sekswal na aktibidad, lalo na sa vaginal sex, anal sex at oral sex. Ilan sa mga sakit na nakukuha ay

Hepatitis, Clymedia, Gonorrhea, HIV/AIDS, at marami pang iba. Pagkatapos ng pananaliksik na ito,

malalaman at matutunan ang kahalagahan ng sex education At magkakaroon sila ng dagdag kaalaman

upang mas mapangalagaan ang kanilang mga sarili lalo na pagdating sa pakikipagtalik.

Sa Mag-aaral, upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman patungkol sex education kung saan sila

ay magagabayan ng kanilang mga guro. Madidisiplina din ang mga ito upang maiwasan ang

paglaganap ng maagang pagbubuntis.


Sa Magulang, matutulungan sila ng pananaliksik na ito upang mas mapadali ang pagbibigay kaalaman

sa kanilang mga anak at mas magagabayan nila ang kanilang mga anak tungo sa magandang

kinabukasan.

Sa Mananaliksik, habang ginagawa ang pananaliksik na ito mas lumalawak ang kaalaman ng mga

mananaliksik patungkol sa nasabing paksa.

Sa Guro, mahalagang malaman ng guro kung epektibo ba o hindi ang pamamaraan nila ng pagtuturo

ng sex education base sa pag-uugali ng kanilang mga estudyante.

Saklaw At Limitasyon
 SAKLAW

Saklaw ng pag sasaliksik na ito ang mga mag aaral sa S.H.S mula sa MCA (Montessori School, INC).

Ang mga mag-aaral na ito ang nag sagot sa inilaan naming survey sa mga S.H.S

 LAYUNIN

Ang layunin ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod

1. Gawing mas handa, mas produktibo at mas matalino ang mga kabataan pagdating sa usapin ng
Sex. It is a preventive awareness on how to say No.

2. Maunawaan at tiyakin ang proteksyon ng kanilang mga karapatan sa buong buhay nila

3. Ang edukasyon sa sekswalidad ay may positibong epekto, kabilang ang pagdaragdag ng


kaalaman ng mga kabataan at pagpapabuti ng kanilang pag-uugali na nauugnay sa kalusugan
at pag-uugali sa sekswal at reproduktibo.

 PAKSA

Ang paksa ng pananaliksin na ito ay Sex Education. Ang edukasyon sa seksual ay

tumutulong sa mga tao na makakuha ng impormasyon, kasanayan at motibasyon na gumawa ng

malusog na mga desisyon tungkol sa sex at sekswalidad. Ang Planned Parenthood ay ang

pinakamalaking provider ng sex education sa bansa lalo na sa bansang pilipinas, na umaabot sa

1.2 milyong tao sa isang taon.

Depinisyon at Terminolohiya
 Ang Department of Education (DepEd) ay ang kagawaran ng pamahalaang siyang may
tungkulin sa edukasyon ng bansa. Ang tungkulin ng DepEd ay ang itaguyod ang edukasyon ng
pilipinas. Isa sa tungkulin nito ang paninigurado sa Edukasyon. Kailangan nitong tignan de
kalidad ang edukasyon na nabibigay sa bansa. Ito ang may responsibilidad na pamunuan ang
sistema ng edukasyon sa buong bansa.

 Ang Sexually Transmitted Infection (STI) o Sexually Transmitted Disease (STD) ay  isang
impeksiyon na naikakalat sa pakikipagtalik . Maaari kang mahawahan ng STI kung ikaw ay
nakipagtalik sa isang taong may STI. Maikakalat ang mga impeksiyong ito ng anumang
pagtatalik na ginamit ang ari, puwit, o bibig ng lalaki at babae. Ang ilang STI ay naikakalat din
sa pamamagitan ng mga likido sa katawan tulad ng semilya, likido mula sa puwerta, o dugo.

 Ang Birth control o pagpigil sa pag-aanak ay nangangahulugan ng paglalagay ng agwat sa


magiging mga supling nito. Nakatutulong ang mga gamot o contraceptives sa pagpigil o
naiiwasan ang pagdadalang tao ng isang babae.

 Ang Sexual Reproduction ay Ang pagpaparami o reproduksiyon ay ang prosesong


biyolohikal kung saan nalalalang o nalilikha ang bagong indibidwal na mga organismo. Isang
pundamental na kasangkapang-katangian ng lahat ng nalalamang buhay ang reproduksiyon;
umiiral ang bawat indibidwal bilang resulta o kinalabasan ng reproduksiyon.

 Ang Heteroseksuwal ay sekswal na naaakit sa mga taong kabaligtaran ng kasarian

 Ang Homoseksuwal ay romantikong atraksyon, atraksiyong seksuwal o gawaing seksuwal sa


mga kasapi ng magkatulad na kasarian.

 Ang Biseksuwal ay isang ugaling pangkasarian ng tao o isang oryentasyong pangkasarian na


kinasasangkutan ng pangkatawan o maromantikong pagkabighani ng tao sa kapwa mga lalaki
at pati sa mga babae.

 Ang Reproductive rights ay ang mga karapatan ng mga indibidwal na magpasya kung
magpaparami at magkakaroon ng reproductive health.
 Ang Good touch ay isang paraan para ipakita ng mga tao na sila ay nagmamalasakit sa isa't isa
at tumulong sa isa't isa.

 Ang Bad touch ay isang paraan na ayaw mo at gusto mo na itong itigil kaagad.

 Ang Age appropriate developmental and culture sensitive ay isang balangkas na nakabatay
sa pananaliksik na nagbabalangkas ng mga kasanayan sa kapaligiran ng maagang pagkabata na
nagbibigay ng pinakamainam na edukasyon para sa pagkatuto at pag-iisip ng mga bata.

 Ang Sekswalidad ay isang hanay ng pag-uugali at diskarte na ang mga indibidwalginamit


upang pisikal na makaakit ng isa pang indibidwal.

 Ang Nangalap ay ang pagkuha o nangongolekta ng kung anumang partikular na mga bagay.

 Ang Reprodaksyon ay ang prosesong biyolohikal kung saan nalalalang o nalilikha ang
bagong indibidwal na mga organismo.

 Ang Aktibidad ay kakayahan o gawain.

 KABANATA II
Mga kaugnayan na Pag aaral sa literatatura

Lokal na Literatura

 Ayon kay Dr. Lulu Marquez, “Mahalagang matalakay sa bahay pa lang ang sex education

dahil base sa datos, sa mga kaanak pa rin pangunahing kumukuha ng impormasyon ang

teenagers tungkol sa ganitong sensitibong usapin.”

 Ayon kay Marquez, ”Ang mga teenager, primarily get information on sexual and reproductive

health from family and friends. Di lang 'yon, from websites, yes or from healthcare providers”

 Ayon kay Garganta, “Kailangan tiyakin din natin na matatanggap ng ganitong uri ng

pagtuturo o paghubog ay may kahandaan ng kabukasan, na magiging responsable sa mga

bagay na kanilang maririnig at makikita. Ito yung isa sa mabigat na kailangan nating hanapin

sa kakayahan ng ating mga kabataan o mag-aaral.”

 Ayon sa pananaliksik na ginawa ng National Statistics Office (NSO), “Ang Pilipinas ay

nangunguna sa talaan ng may mataas na bilang ng mga kabataang kababaihan na nagdadalang-

tao sa muranilang edad.”


 Ayon kay Josefina Natividad, YAFS coordinator at direktor ng University of the

Philippines Population Institute, “Ang mga kabataang Pilipino ay may limitadong access sa

Sex education at mga serbisyo ng ASRH, lalo na kung sila ay menor de edad at walang asawa.

Pitumpu't walong porsyento ay hindi gumagamit ng anumang paraan ng pagpipigil sa

pagbubuntis o proteksyon sa mga sakit at impeksyong naililipat sa pakikipagtalik kapag sila ay

nakikipagtalik sa unang pagkakataon. Habang ang mga programa ng gobyerno ay naglalayon

na maantala ang simula ng panganganak at mapabilis ang pagbaba ng fertility, patuloy na

tumataas ang teenage pregnancy.”

Banyagang Literatura

 Exemplary sexual health education (ESHE) provides accurate, complete, and

developmentally appropriate information on human sexuality. Research has repeatedly found


that sexual health education helps young people take steps to protect their health, including

delaying sex, using condoms or contraception, and being monogamous.

 Dr. Ruth Westheimer reflects on the importance of sex education, her long career as a

"psychosexual therapist," and her philosophy of life revolving around turtles. "Respect is not

debatable," she says. And, that respect needs to extend into every aspect of a relationship,

including sex, something that Westheimer does not take lightly. Everyone should strive to be

sexually literate and be taught to constantly nourish their relationships, both sexually and

otherwise, she says. Westheimer is concerned, however, about some young people's focus on

casual sex.

 According to Zoë Nichols “Sex education will remain a controversial subject in the

Philippines. Nonetheless, it is a developing matter that is expected to evolve with continued

conversations between governmental, faith and nongovernmental actors.”

 According to the Sexuality Information and Education Council of the United States

(SIECUS), “Sexuality education is a lifelong process of acquiring information and forming

attitudes, beliefs, and values. It encompasses sexual development, sexual and reproductive

health, interpersonal relationships, affection, intimacy, body image, and gender roles” A sex-

education program is one way by which children may learn about sexuality.”

 According to Advocates for Youth, “Thirty years of public health science clearly

demonstrates that providing young people with information about the health benefits of both

abstinence and contraception, including condoms, helps them make choices to protect their
sexual health, including delaying sex, and using protection against unintended pregnancy, HIV,

and sexually transmitted diseases (STDs) when they do become sexually active.”

 KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Layunin ng kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

mailahad dito ang mga ginamit ng mga mananaliksik at maisakatuparan ang ginawang pag susuri.
DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang Pananaliksik na ito ay tungkol sa Eduksyong Sekswal. Ang pananaliksik na ito ay

gagamit ng “close-ended at open-ended” na mga katanungan upang makakalap ng mga datos at

impormansyon sa mga respondente na maaraming magamit at makatutulong sa mga mananaliksik sap

ag aaral na ito.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa aming talatanungan, ngunit ang uri ng

disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot. Kung kaya lubos na nauunawaan

naming mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari ring magsagawa ng

obserbasyon upang makadagdag sa nakalap na mga datos at impormasyon.

RESPONDENTE NG SARBEY

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay lahat ng taong makakaranas, nakakarans o
nakaranas ng sex. Gagamit ang mga mananaliksik ng google forms upang magkaroon ng pantay na
representasyon ng mga datos. Hahanap at pipili ang mga mannaliksik ng isang daan at labing isa na
magrerespondente sa araling ito.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong Analitik ng pananaliksik.

Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, Ngunit napili ng aming mananaliksik na gamitin ang

“Deskriptibong Analitik”. Na gumamit ng talatanungan o survey questionaires para makalikom ng


mga datos. Naniniwala kaming mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang aming

pinag-aaralan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng porsyento ng datos sa pamamagitan ng pie chart sa google

forms. Ipinapakita dito ang mga resulta sa pagkukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan sa

bawat katanungan. Gagamitin ang pormularyong (Porsyento=Bilang ng tugon/Kabuuang Bilang ng

Respondente x 100) sa pagkuha ng porsyento ng tugon.

PORSYENTO NG LAGOM
Katanungan 1: Sang-ayon ka ba na ma-iplementa ang edukasyong seksuwal(sex education)

bilang isang subject sa paaralan?

Katanungan 2: Sa tingin mo, makatutulong ba ang araling ito upang mabawasan ang mga

kabataang nabubuntis nang maaga?

Katanungan 3: Mapipigilan ba ang pagkalat ng mga sexually transmitted disease sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito?


Katanungan 4: Sa tingin mo ba ay mababawasan ang pagdami ng populasyon kung

maisasama sa mga talakayan ang ganitong uri ng pag-aaral?

Katanungan 5: Magiging epektibo ba ang pag-aaral na ito sa pagbawas ng populasyon at ng

mga batang nasa lansangan?


Katanungan 6: Sa tingin mo ba ay nararapat lamang na mabigyang pansin ang paksang ito?

Katanungan 7: Sa tingin mo ba ay magiging bukas ang isipan ng mga kabataan sa ganitong

pag-aaral?
Katanungan 8: Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, makasisiguro ba na madali itong

maisasakatuparan para sa kapakanan ng lahat lalo na ang mga kabataan?

Katanungan 9: Sa tingin mo ba ay tama na makipagtalik kahit nasa tamang edad na ngunit

hindi pa niya ito asawa?


Katanungnan 10: Sa tingin mo ba, ang pagpapalaglag ng bata ay maituturing na

pangangalaga sa sarili lalo na't kung hindi pa kaya bumuhay at magpalaki ng isang bata?

 KABANATA IV

Lagom, Konklusyon At Rekomendasyon


Lagom

Naglalayon na maipaliwanag ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik at maisakatuparan

ang ginawang pagsusuri.Ang mga mananaliksik tungkol sa edukasyon sa seks ay gagamit ng mga

katanungan upang makakalap ng mga datos at mga impormasyon ng mga respondent na pwedeng

magamit sa pagaaral na ito. Ang mga napiling tumugon sa pagaral na ito ay ang mga may karanasan o

wala pang karanasan pagdating sa usapang seks at gumamit ang mga mananaliksik ng google form

para sa pantay na representasyon ng mga datos. Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng

talatanungan. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na angkop ang disenyong ito para sa paksang

pinagaralan. Ipinapakita dito ang mga resulta sa pagkukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan

sa bawat katanungan.

Konklusyon

Sa pagpapa ikli ng paksang ito , ang bawat paaralan ay nararapat lamang na mabigyang pansin ang

pag implementa ng edukasyong sekso o Sex Education. Ito ay hindi upang kunsintihin ang bawat mga

kabataan na makipagtalik , nangangahulugan lamang ito na sinusubukan nitong mas mahusay na

turuan at gumawa ng maagap na diskarte sa maselang paksang ito sa ating mag aaral sa high school.

Ang isang mahusay na programa sa edukasyon sa sex ay maaaring turuan ang mga mag-aaral tungkol

sa mga panganib, na magbabawas sa bilang ng mga kabataan na may STD at ang rate ng pagbubuntis.

Ang mga kabataang tinuturuan tungkol sa ligtas na pakikipagtalik at ang iba't ibang sakit na maaari

nilang makuha ay hindi makadarama ng kaligtasan, sa halip ay may kaalaman.

Ang mga young adult na ito ay nangangailangan ng edukasyon, hindi para sila ay lumabas at

makipagtalik, ngunit upang sila ay maging ligtas at ligtas sa hinaharap. Bukod pa riyan , iba’t iba ang

naging opinyon ng iilan sa’tin mayroong mga sumang-ayon mayroon din naming mga hindi. Iba iba

ang naging dahilan maging basehan ng bawat isa sa pag sang-ayon sa ganitong paksa. Maaring ang

naging dahilan ng mga hindi sumang-ayon sa paksang ito ay ang labis na kawalan ng sapat na
kaalaman tungkol sa paksang ito, na kung saan ito rin ang dahilan kung bakit nararapat lamang na

mabigyang pansin ang paksang ito upang nang sa gayon ay mag karoon ng kaalaman at kamalayan

ang bawat isa.

Hindi ito tinatalakay upang mag karoon ng lakas ng loob ang bawat isa sa’tin para gawin ang mga

bagay na hindi nararapat. Ilan sa mga dahilan kung bakit patuloy na lumalaganap ang ganitong

sitwasyon tulad na lamang ng , maagang pagbubuntis lalo na sa mga kabataan.

Pati na rin ang pakikipag talik sa isang tao na hindi pa niya ganap na kabiyak. Maraming posibilad

ang mangyari dahil sa kakulangan ng pag-aaral tungkol sa sex education, ngunit kung mabibigyan ng

pagkakataon na maipatupad ang pag implementa ng edukasyong sekswal sa bawat paaralan bilang

isang paksa mas mapadadali para sa lahat na mailigtas nila ang kanilang sarili sa hinaharap.

Ayon sa sarbey na aming pinasagutan sa kapwa naming mag aaral mayroong mga sumasang ayon at

may kaunting hindi sumasang ayon sa pag papatupad ng Sex education. Sa kadahilanang maaaring

hindi maging bukas ang isip ng ibang kabataan tungkol sa pag aaral na ito. Katulad ng pakikipag talik

kahit nasa tamang edad na ngunit hindi pa nila ito asawa, mayroong 76.6% na hindi sumang ayon at

23.4 ang sumang ayon. Ano nga ba ang dahilan ng pag sang ayon ng ibang mag aaral na nag sagot sa

sarbey? Maaaring maging dahilan nila ay sila ay nasa tamang edad naman na sila kaya maaari na

silang mag desisyin kung makikipag talik na ba sila o hindi

Child abortion o ang pag papalaglag nang bata, mayroong 33.3% na sumang ayon at 66.7% naman ang

hindi sumang ayon. Maaaring hindi nila alam ang kahalagahan ng tinatawag na "Safe Sex" kaya't

nakakabuo sila ng bata na hindi nila namamalayan.

Ito ay pagaaral patungkol sa kung ano ang kahalagahan ng sekswalidad ng tao, nararapat lamang na

ipatupad ang sex education sa high school student dahil para din ito sa lahat ng kabataan, may

negatibo mang epekto mas nangingibabaw pa rin ang positibong epekto nito.
Ayon sa aming isinagawang sarbey 94.6% ang sumangayon sa pagpapatutupad ng sex education

habang 5.4% naman ang hindi, kung mapapansin natin sa mga kabataan ngayon hindi man sa kanila

itinuro ang tungkol sa pagtatalik ay nagagawa at magagawa pa rin nila ito kaya't sa pamamagitan ng

sex education sila'y magagabayan, matuturuan ang bawat estudyante na maging maayos ang

pagdedesisyon sa mga bagay bagay, ang bawat kabataan ay nangangailangan ng sex education

upang mas maging bukas at mas maging malawak ang kaisipan ng bawat isa patungkol sa pakikipag

talik maaaring maraming hindi sumangayon ngunit paano nga ba matitigil ang pag dami ng batang

maagang nabubuntis kung hindi sila natuturuan at nagagabayan.

Ang pagsusuri sa resulta ay nangangahulugan lamang pagkatapos ng pagsasagawa ng pagtugon ng

mga mag-aaral sa senior high school students, Pagpapabuti ng sumasang-ayon at hindi sumasang-

ayon, Isang makabuluhang tugon ang naganap: Ang isang makabuluhang pagbabago ng tugon ay

makikita. Isang shift mula sa sang-ayon sa hindi sang-ayon ay maliwanag. Kaya, ang pagpapatupad ng

sex education ay may positibong epekto sa mga teenager at ito ay isang mahusay na paraan na

nauugnay sa pagpapatupad ng pagpapabuti ng edukasyon sa sex tulad ng nakasaad sa survey.

Higit pa rito, Ang survey ay nagpakita na ang 94% ng mga mag-aaral ay sumasang-ayon na ang
pagpapatupad ng sex education ay dapat ipatupad sa paaralan. Mula sa 91% na ito na sumasang-ayon
na ang sex education ay magpapahinto sa teenage pregnancy habang 9% ang hindi sumasang-ayon. Sa
pangkalahatan, sinasabi nito na ang 93% ng tugon ng mag-aaral ay sumasang-ayon, 15 hanggang 3
mag-aaral ang sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon,

Sa pagpapatupad ng sex education sa mga paaralan. Maaaring naroroon ang ilang estudyante wala
pang alam sa topic na SEX EDUCATION kaya sila di sumasang-ayon sa pagpapatupad nito. Ang
karamihan ng mga mag-aaral ay tila angkop sa kanila at napanatili ang paksa ng pananaliksik na ito.
Bilang karagdagan, kakaunti o walang nagpapahayag na ang pag payag sa pagpapatupad ang ipinakita.
Sa kabilang banda, 64% ng mga mag-aaral ay sumasang-ayon sa madaling pag tuturo ng sex education
lalong lalo sa kapakanan ng mga kabataan na sasangkot dito habang 35% ang hindi sumasang-ayon
dito,
Kahit na may ilang pagbabalik, pag-uulit at paglihis mula sa paksa ng pananaliksik, ang mga ito ay
hindi lumilitaw na nakakabawas sa kabuuang istruktura ng paksa ng pananaliksik. Sa kabuuan, ang
pagtuturo ng peer-medaited bilang isang interbensyon ay may malaking epekto sa mga teenager and
pag-aaral ng Sex Education.

REKOMENDASYON

Base sa mga kasagutan at konklusyon na nahinuha, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga

rekomendasyon.

Ang sex education ay dapat na nagsisimula sa sariling tahanan dahil ang pundasyon ay ang bahay
o tahanan at ang unang guro mo ay ang iyong mga magulang.
Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng mananaliksik na maging bukas tayo sa gantong
mga maseselang usapin upang magabayan nang mabuti ang mga anak. Huwag dapat pigilan ang
mga anak sa pagtatanong kahit pa maselan ang usapin dahil baka mag-udyok ito sa kanila na hindi
magtiwala sa mga magulang. Gabayan sila nang maigi ng kanilang mga magulang dahil hindi biro
ang mga ganitong sitwasyon lalo na’t umaasa pa lamang sa mga magulang at wala pang kakayahan
na makapagtrabaho.

Para sa mga kalalakihan, pag-aralan nang mabuti ang “Sex Education” dahil dapat kayo ang may
mas alam pagdating sa usapan na ito sa kadahilanan na sa pagdating ng panahon, responsibilidad
niyo ang lahat at kayo ang pundasyon ng tahanan.

Para sa mga guro, Ipaliwanag sa mga kabataan nang maayos ang ibigsabihin at layunin ng “Sex
Education” upang maging bukas ang kanilang isipan sa usaping ito at maiwasan ang pagkabuntis
ng kababaihan sa murang sa edad pa lamang.

Inirerekomenda ng mananaliksik na kung sakaling makikipagtalik sa mga kasintahan na hindi pa


ganap na mag-asawa at hindi pa handa sa pagbuo ng pamilya na gumamit ng proteksyon nang
gayon ay maihahanda pa ang sarili at mabibigyan ng sapat na oras upang makapagplano, marapat
lamang na magkaroon ng stable na trabaho. Bigyan ng payo ang karamihan patungkol sa
pakikipagtalik, pagbubuntis at pagpapamilya. Bigyan sila ng sapat na kaalaman at ituro sa kanila
ang mga dapat at hindi dapat gawin. Kung maaari ay mas maigi nang sa mga professionals na
humingi ng mga payo sapagkat sila ang mas may kaalaman patungkol dito.

Inirerekomenda ng mananaliksik, kung walang pangtustos sa batang nabuo mabutihing ipalaglag


na lamang ito dahil maaari mahirapan ang bata at kapag ito ay lumaki na, Malaki ang tsansa
makadagdag sa kahirapan sa bansa at makadagdag sa mga batang nasa lansangan na naghihirap o
kaya naman magtrabaho sa murang edad pa lamang.

Para sa mga kabataan (pangkalahatan), rekomendasyon ng mananaliksik na alagaan ang sarili,


iwasan ang unprotected sex o pakikipagtalik kung wala pang sapat na kakayahan na alagaan at
tustusan ang magiging bunga ng pakikipagtalik.. Tingnan at imbestigahan ang mga kahihinatnan
ng bawat galaw at desiyon sa buhay upang hindi mapariwara o maligaw ng landas pagdating ng
araw.

PANGHULING PAHINA

SANGGUNIAN:

Centers for Disease Control and Prevention. “Exemplary Sexual Health Education (ESHE).” Accessed
March 5, 2014 from http://www.cdc.gov/ healthyyouth/foa/1308foa/pdf/eshe_rationale.pd

CDC. Youth Risk Behavior Surveillance, 2011. Atlanta: US Department of Health and Human
Services, Centers for Disease Control and Prevention; 2012

Finer LB and Philbin JM, Sexual initiation, contraceptive use, and pregnancy among young
adolescents; Pediatrics, 2013

CDC. Youth Risk Behavior Surveillance, 2011. Atlanta: US Department of Health and Human
Services, Centers for Disease Control and Prevention; 2012

ABS-CBN Corporation, 2022 https://news.abs-cbn.com/life/01/07/18/paano-dapat-talakayin-ang-sex-


education-sa-mga-anak?fbclid=IwAR1Mg9jWrcP1Ra7srWrFgra3-XvVQqe0sUxBDJDVBFby5Gr-
T2Zd-2fRRAQ

Dr. Lulu Marquez, 2018 https://news.abs-cbn.com/life/01/07/18/paano-dapat-talakayin-ang-sex-


education-sa-mga-anak?fbclid=IwAR1Mg9jWrcP1Ra7srWrFgra3-
XvVQqe0sUxBDJDVBFby5Gr-T2Zd-2fRRAQ

Zoë Nichols, 2020 https://borgenproject.org/sex-education-in-the-philippines/?

fbclid=IwAR23wVPqGdiP6TRJd3ewmCphVN DNU_jexPNdCuy0VLGrnP38EmDOM7ASQ

The Sexuality Information and Education Council of the United States (SIECUS), 2017

https://underinfluenceblog.wordpress.com/2016/11/02/3-reasons-why-we-need-a-comprehensive-

sexuality-education-in-uganda/

Dr. Ruth Westheimer, 2018 https://www.gse.harvard.edu/news/18/02/harvard-edcast-dr-ruth-talks-


sex-and-ed

Exemplary sexual health education (ESHE), 2014 https://www.advocatesforyouth.org/resources/fact-


sheets/sexuality-education-2/
Josefina Natividad, YAFS coordinator at direktor ng University of the Philippines Population Institute,
2014 https://www.scribd.com/document/427925733/doc2

National Statistics Office (NSO), 2022 https://www.coursehero.com/file/14759671/fil-theisis-final/

Dr. Lulu Marquez, 2018 https://news.abs-cbn.com/life/01/07/18/paano-dapat-talakayin-ang-sex-


education-sa-mga-anak

APENDIKS

APENDIKS A (LIHAM SA PAGSASAGAWA NG SURBEY)


APENDIKS B (MGA EBALWASYON SA ISINAGAWANG

PANANALIKSIK)

APENDIKS C (BIYODEYTA)

APENDIKS D (LARAWAN NG MGA TUGON)

Enero 20,2022

 APENDIKS A

LIHAM SA PAGSASAGAWA NG SURBEY


MCA Montessori School

Taguig City

Para sa mga napiling respondente ng mananaliksik ng pangkat 2 ng seksyon Boyle,

Magandang araw sa inyong lahat pagbati mula sa mananaliksik! Ang mga mananaliksik na

nagsagawa nito ay mula sa Pangkat 2 ng Seksyon Boyle, baitang 11 mula sa paaralang MCA

Montessori School Inc, sa asignaturang KPWKP (Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang

Pilipino)

Ang paksang aming sinasaliksik ay patungkol sa Edukasyong Sekswal. Ang hangarin ng

paksang ito ay magbigay alam sa mga mambabasa kung ano ang dapat at hindi nila dapat gawin kung

gagawin nila ang pakikipagtalik nang sa gayon ay mailigtas nila ang kanilang sarili sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng Google Forms, nais naming malaman ang tugon ng bawat isa. Ito ay

naglalaman ng mga katanungan na dapat ninyong sagutin upang ang mananaliksik ay makakalap ng

impormasyon at gawin itong basehan ng gagawing pananaliksik. Kami ay lubos na nag papasalamat sa

pakikibahagi inyong opinyon at pagtulong sa aming pananaliksik. Ang inyong mga tugon sa ginawang

surbey ay malaking bagay para sa amin. Nawa ay makatulong itong pananaliksik para sa karamihan at

magamit ito sa hinahanarap at kasalukuyan.

Lubos na gumagalang,

RABELAS, CYRIEL ARIANN

Lider ng Mananaliksik sa Pangalawang Pangkat

 APENDIKS B

MGA EBALWASYON SA ISINAGAWANG PANANALIKSIK


Pamagat: Edukasyong Sekswal

Mananaliksik: Pangalawang pangkat ng seksyon Boyle

Taon at Pangkat: 2022 BOYLE Semestre: 1 Akademiko: 2021-2022

Sistema ng Pagmamarka:

Ang pinakamataas na markang maibibigay ay Lima (5), samantalang Isa (1) naman ang pinaka

mababang marka. Sa ebalweytor nakaayon ang pagmamarka. Upang makuha ang kabuuang marka, ito

ay pagsasama-samahin.

A. Paksa at Suliranin Sub Total:_______

1. Ang paksa ba ay angkop sa panahon ngayon?

2. Malinaw bang naipaliwanag ang paksa sa pamamagitan ng panimula?

3. Sapat ba ang impormasyon at kahulugan ng napiling paksa?

4. Ang paksang ito ba ay magandang gabay para sa karamihan?

5. Ispesipiko ba ang layunin ng pag-aaral?

B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Sub Total:_______

1. Ang literaturang tinalakay ba sa pag-aaral ay maayos at malinaw?

2. Ang dokumentasyong pag-aaral at iba pang saklaw na ginamit ay nasa ayos ba?

3. Angkop ba ang literaturang pinag-aaralan sa isinagawang pananaliksik?

C. Disenyo ng Pag-aaral Sub Total:________

1. Angkop ba ang pamamaraan na ginamit sa pagkalap ng impormasyon sa pananaliksik?

2. Sapat baa ng mga respondenteng napili para sa paksa sa pananaliksik?

3. Wasto ba ang instrumentong ginamit sa pangangalap?

4. Malinaw at naayon baa ng disenyong deskribtib analitik sa isinagawang pananaliksik?

 APENDIKS C

BIYODEYTA
Earl Jodell Januto

17 Years Old

Single

boyle.janutoearl@mcams.edu.ph

Richael Rose Sanao

17 Years Old

Single

boyle.sanaorichael@mcams.edu.ph

Charles Harvey Legardo

17 Years Old

Single

boyle.legardocharles@mcams.edu.ph

April Ane Asuncion

16 Years Old

Single

boyle.asuncionapril@mcams.edu.ph

Janelle Barrantes

16 Years Old

Single

boyle.barrantesjanelle@mcams.edu.ph
Jonathan Estadilla

Shajad17
Mamalumpong
Years Old

17 Years Old
Single

Singleboyle.estadillajonathan@mcams.edu.ph

boyle.mamalumpongshajad@mcams.edu.ph

Justine Eliver Silva

17 Years Old

Single

boyle.silvajustine@mcams.edu.ph
 APENDIKS D
LARAWAN NG MGA TUGON

You might also like