You are on page 1of 43

IBA’T IBANG MGA DAHILAN NG MGA PILING TAONG HINDI

NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL SA KOLEHIYO

SA LUNGSOD NG VALENZUELA

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa

Our Lady of Fatima University

Bilang bahagi ng pangangailangan sa Pagbasa at

Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Apilado, Anthony C. Licup, Princess M.

Baetiong, Bryan Jake T. Limos, Marianne G.

Esmeres, Ma. Nanette C. Matutilla, Ansherina T.

Gonzales, Jayson D. Ramos, Brylle Justine A.

Ignacio, Desiree Rein E. Viray, Shekinah Louise B.

Pangkat Blg. 1
STEM 11 – 1

Ipinasa kay:

Bb. Cindy D.G. Damasco


Tagapayo

Marso 2018
ABSTRAK

Pangalan ng mga Mananaliksik: Apilado, Anthony C.

Baetiong, Bryan Jake T.

Esmeres, Ma. Nanette C.

Gonzales, Jayson D.

Ignacio, Desiree Rein E.

Licup, Princess M.

Limos, Marianne G.

Matutilla, Ansherina T.

Ramos, Brylle Justine A.

Viray, Shekinah Louise B.

Pamagat: “IBA’T IBANG MGA DAHILAN NG MGA PILING TAONG HINDI

NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL SA KOLEHIYO SA LUNGSOD NG

VALENZUELA”

Tagapayo: Bb.Cindy DG. Damasco


Kabanata 1

Ang Suliranin at ang Sanligan ng Pag-aaral

Panimula

Ayon kay Baldovido, itinuturing ang edukasyon na estado ng pag-aaral ng mga

estudyante sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga guro ng iba't ibang kaalaman. Ito ang

tumutulong upang hubugin ang katauhan ng isang indibidwal na magagamit niya upang

maging produktibo sa hinaharap (2011). Mahalaga ang edukasyon sa buhay ng isang tao

sapagkat ito ang magdadala sa kaniya patungo sa maayos na kinabukasan. Sa

pamamagitan ng edukasyon, inaasahang magkakaroon ng mga bagong kaalaman at

abilidad ang mga tao na magagamit nila bilang instrument sa pagharap ng mga pagsubok

sa buhay, at dahil doon, sinasabi na ang edukasyon ang bubuo at huhubog sa pagkatao ng

isang indibidwal. Mula sa ibinanggit ni Nani, isinaad ng Simbahan na ang edukasyon

ang nagbibigay kakayahan sa kahit sinong tao na tumulong sa pagpapatakbo ng lipunan

at sa pagtiyak na nakikinabang ang lahat sa bawat bunga ng pag-unlad (2013). Isa ang

edukasyon bilang pundasyon na tumutulong at nagpapatakbo ng lipunan. Isa itong susi sa

pag-unlad ng bawat isa kasama ang pag-unlad ng bayan. Batay sa artikulo ni Caacbay,

habang lumilipas ang panahon, maraming estudyante ang hindi nakapagtatapos ng pag-

aaral, ginusto man nila ito o hindi. May mga iba't ibang dahilan kung bakit hindi

nakapagtapos ng pag-aaral ang isang tao. Isa sa malaking dahilan ang kahirapan o ang

problemang pang-pinansyal, at ang pagiging rebelde ng isang kabataaan dahil sa mga

salik gaya ng problemang pampamilya at sa mga kaibigan. Itinuturing na isa ang

kahirapan sa kadahilanan kung bakit bakit may mga taong hindi nakapagtapos ng
pagaaral. Marahil na karamihan man sa kanila ang gustuhin na makatuntong sa unang

taon sa mas mataas na paraalan ay hindi magawa dahil sa kakukalangan sa pinansyal

(2017). Ang kahirapan ang pangunahing dahilan ng tao upang hindi makapagtapos ng

pag aaral. Ang pagtugon sa pangangailangan sa pagkain ang pinagtutuunan ng pansin ng

pinansyal na kakayahan ng isang pamilya. Gustuhin man ng isang tao ang makapagtapos

ng pag-aaral, hindi ito nangyayari dahil sa kaniya-kaniyang sitwasyon na mayroon ang

bawat mamamayan. Hindi nakapag-aaral ang isang tao dahil sa kakulangan sa pinansyal

na kakayahan ng sarili nilang mga pamilya. Hindi lang ang kahirapan ang sanhi ng hindi

pagtatapos ng isang mag-aaral. Isa dito ang pagrerebelde. Ang impluwensya ng mga

kaibigan o barkada na nakakaapekto sa pag-iisip ng isang tao ang karaniwang sanhi nito.

Mayroong iba’t ibang epekto ang pagrerebelde katulad ng mga sumusunod: Hindi

pagsunod sa magulang: Hindi pag-aaral ng maayos at; Hindi pagpasok sa klase; at

marami pang ibang gawaing pangrerebelde na nagdudulot ng hindi pagtatapos ng pag

aaral.

Isinaad ni Hilda Ong na isa ang edukasyon sa mga may kakayahan na pagandahin

ang hinaharap ng isang tao kung pagbubutihin ng isang tao ang kaniyang pag-aaral.

Maraming tao ang bingi sa sinasabi ng kanilang mga magulang na mag-aral sila nang

mabuti dahil iyon ang bagay na maipapamana sa kanila sa pagdating ng panahon (walang

nabanggit na taon). Karapat-dapat na isaalang-alang sa hinaharap ang edukasyon dahil isa

ito sa magiging gabay ng tao upang mas mapabuti at mas mabigyang pansin ang

magandang kinabukasan para sa hinaharap. Mas pinipili ng ibang tao ngayon na huminto

na lamang sa pag-aaral sa hindi malamang iba’t-ibang dahilan. Kahit na gabayan man sila
ng kanilang magulang, mas pinipili pa rin nila na huminto na lamang sa pag-aaral imbis

na magpursigi.

Ayon kay Ecle, pangunahing tunguhin ng edukasyon na magkaroon ng kaalaman

at pananaw sa mga bagay-bagay at impormasyon sa nakaraan, kasalukuyan at sa

hinaharap. Nagsisilbi ang edukasyon bilang mekanismo na humuhubog sa isipan at

damdamin ng isang tao na nagiging dahilan ng mga mabubuti at magagandang

pangyayari sa mundo. Isang saligan ang pagkakaroon ng mataas at matibay na edukasyon

para mabago ang takbo ng lipunan patungo sa pagkakaroon ng isang masaganang

ekonomiya (2011). Isa ang edukasyon sa mga tutulong sa iyo upang mahubog ang iyong

kakayahan at magkaroon ng malalim na kaalaman sa darating na hinaharap. Dagdag pa

rito, isa ang edukasyon sa kayamanan na maaaring dalhin ng isang tao sa kanilang

pagtanda. Kasama rin sa paraan ng paghubog ng isang tao ang edukayon dahil sa

pakikisalamuha na nagaganap sa isang paaralan.

Ang pangunahing suliranin na nais masagot sa pananaliksik na ito ang tungkol sa

mga iba’t ibang salik o dahilan na nakaapekto sa ibang mga tao na nagdulot sa kanila

upang hindi sila makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Sa pananaliksik na ito, pangunahing layunin ng mga mananaliksik ang mabatid

ang iba’t ibang mga dahilan na maaaring makaapekto sa ibang mga tao upang hindi sila

makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.


Paglalahad ng Suliranin

Pagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik ang “Ibat ibang mga dahilan ng

mga piling taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa Lungsod ng

Valenzuela”. Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang iba’t-ibang demograpikong propayl ng mga taong hindi

nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo?

1.1 Kasarian

1.2 Edad ng paghinto ng pag-aaral

2. Ano-ano ang mga iba’t-ibang salik na nakaapekto sa desisyon ng mga tao upang

huminto ng pag-aaral sa kolehiyo?

3. Sino-sino ang mga nag-udyok o nakaapekto sa tao upang huminto ng pag-aaral sa

kolehiyo?

4. Pinili ba ng ilang mamamayan na huminto o may nag-udyok sa kanila upang

huminto sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang “Ibat ibang

mga dahilan ng mga piling taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa

Lungsod ng Valenzuela”.

Ang mga sumusunod ang ilan pang mga layunin sa pananaliksik:

1. Malaman kung aling kasarian at edad ang may pinakamaraming huminto ng

kanilang pag-aaral sa kolehiyo.


2. Magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa iba’t-ibang dahilan kung bakit

hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ang ibang tao.

3. Malaman ang mga bagay na naging salik na nakaapekto sa mga tao upang hindi

nila matapos ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

4. Malaman kung sino-sino ang mga nag-udyok o naka-apekto sa mga tao upang

hindi sila makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

5. Mahinuha ang pagkakaiba-iba ng desisyon ng mga tao kung kusa nilang pinili ang

hindi makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo o kung may nag-udyok sa kanilang

desisyon.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Naniniwala ang mga mananaliksik na makatutulong sa mga taong nasasaklaw ng

pag-aaral na ito ang isinasagawa nilang pananaliksik. Ang impormasyon na nakalap sa

mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kanilang edad mula 18 pataas ang

makatutulong sa kanila upang makapagbigay ng ideya sa magiging solusyon ng mga

kasalukuyang problema na kinakaharap ng mga taong saklaw sa pag-aaral na ito.

Ang mga sumusunod ang tiyak na kahalagahan sa pag-aaral na ito:

 Para sa mga mag-aaral - upang maitama nito ang mga maling kaisipan patungkol

sa mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

 Para sa mga magulang – upang malaman ang mga posibleng salik na maaaring

makaapekto sa kanilang anak upang hindi makapagtapos ng pag-aaral sa

kolehiyo.
 Para sa mga tao - upang mabigyang halaga ang edukasyon at mapalawak ang

kanilang kaisipan ukol sa mga dahilan ng mga taong hindi nakapagtapos ng pag-

aaral sa kolehiyo.

 Para sa Gobyerno - upang mabigyang pansin ang suliranin sa edukasyon na kung

saan ay pagdami ng mga kabataan o taong humuhinto sa kanilang pag-aaral sa

kolehiyo.

 Para sa mga mananaliksik - upang mapalawak ang mga kaisipan sa mga dahilan at

salik na nakaapekto sa paghinto ng ibang kabataan o tao sa kanilang pag-aaral sa

kolehiyo.

Paradigma

INPUT PROSESO AWTPUT

-Kumuha ng mga -Inaasahang


artikulo na konektado magkakaroon ng
-Ano-ano ang mga sa isyu malalim na kaalaman
posibleng dahilan kung
tungkol karanasan ng
bakit hindi -Pagkonsulta mula sa iba’t ibang tao sa
nakapagtatapos ng pag- mga iba pang pag-aaral kanilang buhay, lalo na
aaral sa kolehiyo ang
-Kumuha ng iba pang sa mga dahilan at mga
isang tao? naging salik upang
impormasyon sa
-Sino-sino ang mga aklatan mag-udyok sa kanila na
nakaapekto upang huminto sila sa pag-
-Gumawa ng sarbey o aaral sa kolehiyo at
huminto sa kolehiyo ang
pagtatanong tuluyang hindi
isang tao?
makapagtapos.
Saklaw at Limitasyon

Patungkol sa “Iba’t-ibang mga dahilan ng mga piling taong hindi nakapagtapos

ng pag-aaral sa kolehiyo sa Lungsod ng Valenzuela” ang pag-aaral na ito. Sumasaklaw

lamang sa mga taong kabilang sa mga barangay ng Karuhatan at Marulas ang

isasagawang pananaliksik. Sumasaklaw rin sa ilang indibidwal na siyang magiging taga-

tuon sa sarbey kwestyuner ang 100 respondente mula sa mga nabanggit na barangay sa

lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga respondenteng

huminto sa pag-aaral sa kolehiyo at tuluyang hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa edad 15

pataas lamang ang kukuhanin ng mga mananaliksik bilang kanilang taga-tuon dahil ito

ang edad kung saan ay maaari nang tumungtong sa kolehiyo ang isang tao.

Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminong Ginamit

Ang mga sumusunod na terminolohiya ang mga saling ginamit sa pananaliksik:

EDUKASYON - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster“, ito ang aksyon o

proseso ng pagtuturo o pagiging pinag-aralan.

- Edukasyon ang pag aaral, pagkatuto at pag-intindi ng mga bagay

bagay mula sa paaralan o sa ibang lugar.

LIPUNAN - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster”, ito ang pagsasama

o pakikisama sa mga miyembro ng isang tiyak na lugar.

- Lipunan ang mga tao na kasalukuyang matatagpuan sa isang

lugar.
PROBLEMANG - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster“, ito ang estado na

PINANSYAL kung saan may mababang kalidad ng buhay o kakulangan sa pera.

- Problemang pinansyal ang pagkukulang sa pera o salapi dahil sa

kahirapan ng sitwasyon.

REBELDE - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster’’, ito ang

sumasalungat sa taong mayroong mataas na kapangyarihan o

awtoridad.

-Rebelde ang tawag sa mga tao o kabataan na sumusuway o

sumusalungat sa mga utos at kagustuhan ng kanilang magulang.

MEKANISMO - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster’’, ito ang isang

proseso, pamamaraan, o sistema para sa pagkamit ng isang resulta.

-Mekanismo ang proseso kung paano gagawin o ginagawa ang

isang bagay upang magkamit ng isang resulta.

DATOS - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster’’, ito ang tunay na

impormasyon na ginagamit bilang batayan para sa

pangangatuwiran, talakayan, o pagkakalkula.

- Datos ang mga nakalap na impormasyon mula sa pananaliksik.

DEKALIDAD - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster’’, ito ang antas ng

kahusayan ng isang bagay.


-Dekalidad ang importanteng nakikitang katangian kung gaano

kahusay ang isang bagay o pangyayari.

PANANALIKSIK - Ayon sa Diksyonaryong “Merriam Webster’’, ito ang maingat o

masigasig na paghahanap ng mga datos na makatutulong upang

masolusyunan ang isang problema.

- Pananaliksik ang pagkalap ng impormasyon ukol sa isang bagay

o pangyayari.

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura

I. Kaugnay na Literatura

a. Lokal na Literatura

Ayon kay Condes (2014), sa paglipas ng panahon mas dumarami na ang mga

taong hindi nakapagtatapos ng pag-aaral. Napakaraming tao ngayon na ikinakatwiran ang

kahirapan kung bakit may mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Taliwas dito ang

katanungan kung bakit may mga tao pa rin na nakamit ang kanilang inaasam na

tagumpay at pangarap kahit na nakaranas ng pagkakapos sa pinansyal at mas pinili pa rin

na makapagtapos para sa kanilang magandang kinabukasan. Isa itong realisasyon na hindi

hadlang ang kahirapan sa nais mong makamit na pangarap, bagkus ang edukasyon pa ang

maaaring maging susi upang makamit ang matamis na tagumpay sa iyong buhay. Kung

tunay na may hangarin ka sa buhay, dapat na isautak mo ang tapang na isa dapat na

isaalang-alang mo sa pagpapatuloy sa pagaaral kahit na may kahirapang nararanasan. Si


Bill Gates ang isa sa mga taong mayaman na nabubuhay ngayon sa mundo na kung saan

isang founder ng sikat ngayon sa teknolohiya na tinatawag na microsoft. Dati nang

nahinto sa paaralan ngunit mas pinili na magpatuloy dahil sa salitang tapang. Alam kasi

niya sa kaniyang sarili na magiging matagumpay lamang ang pangarap kung may

kumpyensa ka sa sarili. Hindi nakukuha sa magulang at hindi nabibili ang salitang tapang

at mas lalong hindi ito natututunan. Matutuklasan mo na lamang ito gamit ang iyong

sariling pantuklas mula sa iyong mga pansariling karanasan sa buhay. Ang tapang na ito

ang naging daan sa kaniyang magandang buhay dahil alam niya na ito ang tama at may

magandang maidudulot sa kaniya, ngunit kung alam mo na hindi mo na kayang magbigay

ng tapang sa iyong sarili, marapat na buoin mo muna ang iyong sarili at tsaka

magpatuloy. Talaga nga na "susi" ang edukasyon sa maraming pinto at bintana ng

maraming oportunidad. Diploma ang isang bagay na nakukuha mula sa pagkakaroon ng

maayos na edukasyon na maaari mong maging sandata sa buhay at sa hinaharap. Marapat

na maalis ang baluktot na katwiran kung bakit kailangan mag-aral ng isang tao. Isipin na

lamang na ito ang magiging pamana ng mga tao sa susunod na mga henerasyon at ito ang

magbibigay sa kanila ng magandang buhay.

Ayon sa datos ng Department of Education noong 2010, sa loob ng 100 na mag-

aaral, 58 na mag-aaral sa unang baitang ng elementarya ang nakakapag-hayskul at 14 sa

mga ito ang nakakapagtapos ng kolehiyo. Mula naman sa pag-aaral ng Labor Force

Survey ng National Statistics Office, isinasaad dito na 18% ng mga taong nakapagtapos

ng kolehiyo ang mga walang trabaho sa Pilipinas. Pangatlo ang mga taong nakapagtapos

sa kolehiyo sa listahan ng kadalasang hindi makakuha ng trabaho mula sa taong 2006

hanggang 2011. Karapatan ng isang tao ang magkaroon ng sapat na dekalidad ng


edukasyon. Karapat dapat itong bigyang pansin dahil bahagi ito ng pangangalaga ng

dignidad ng tao. Nakasaad sa Konstitusyon, Artikulo IV Seksiyon I ng 1986

Konstitusyon na dapat pangalagaan ng estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa

mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang

upang matamo ng lahat ang ganoong edukasyon.

Ayon kay Magtoto (2017), isa sa problema ng bansa ang edukasyon na siyang

dapat na pinakaunang prayoridad lalo na sa mga tao nang sa gayon magkaroon ng

magandang kinabukasan at makatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang tao ang pag-asa ng

bayan, ngunit kung nahahadlangan ang edukasyon ng isang tao, hindi ito magiging

matagumpay sa kaniyang pamumuhay. Mayroong iilang mga programang inilunsad ang

pamahalaan upang malutas ang mga isyu sa edukasyon ang pagbabago ng kurikulum,

pagsasakatuparan ng edukasyon para sa lahat at pagtataguyod ng cyber education project.

Ito ang lahat ng mga isyu tungkol sa sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay hindi

pa rin nalulutas: mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa, kakulangan ng mga

kwalipikado o mahuhusay na guro, mababang sahod ng mga guro, mababang kakayahan

na mabayaran o affordability, maliit ang budget ng pamahalaan para sa edukasyon,

kakulangan ng pagkakataon upang makapag-aral, kakulangan ng mga paaralan,

kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan, kakulangan sa bilang ng mga guro at

paghinto sa pag-aaral o drop-out na mga mag-aaral sa paaralan.

b. Dayuhang Literatura

Ayon kay Pivik (2015), maraming dahilan kung bakit hindi nakapagtatapos ng

pag-aaral ang isang estudyante. Ang kataasan ng bayad sa paaralan ang isa sa mga
malaking dahilan ng mga estudyante na nag-aaral sa kolehiyo, dahil sa malaking bayad

na ito, nagigipit ang isang estudyante sa mga bayarin na kanyang binabayaran tulad ng

bayad sa libro,renta sa bahay,pamasahe at iba pang pangangalinan na kalian tugunan ng

isang mag-aaral ito ang nagdudulot sa estudyante na hindi ipagpatuloy ang sariling pag-

aaral.

Mula kay Turker at Maanasi (2017), paghinto lamang sa pag-aaral ang

pinakamabisang solusyon para maiwasan ang mga kinakaharap nilang problema katulad

ng kakulangan sa pera at mabababang marka. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit

humihinto sa pag aaral ang mga kabataan: 1. Pagbubuntis ng maaga ang isa sa mga

dahilan kung bakit hindi nakakapagtapos ang karamihan sa mga kababaihan. Dahil dito,

kadalasan humihinto na sila sa pag aaral dahil sa kahihiyan at kukulangin ang oras nila sa

kanilang anak kung papasok pa sila ng eskwelahan; 2. Nahihirapan sa mga pang

akademikong gawain. Karamihan sa mga kabataan ang nahihirapan sa kaninalang pag-

aaral. Mabababa ang mga nakukuha nilang marka kaya naman naiisip nilang huminto

nalang sa pag aaral at magtrabaho agad; 3. Kahumalingan sa alak. Kapag nalulong ang

isang tao sa alak, mas pipiliin nito na mag-inom ng mag-inom lang kaysa sa pumasok sa

paaralan; 4. Pagkawala ng interes sa pagaaral. Mahirap pilitin na pagaralin ang taong

walang interes sa pag-araal dahil kung gusto nilang mag-aral, gagawa at gagawa sila ng

paraan upang makapag-aral; 5. Kakapusan sa pera. Kahit na gusto nilang makapagtapos

at magkaroon ng mataas na marka, nahihirapan sila na makamit ito; 6. Pananakot o

pangbubuyo sa isang tao. Mawawalan ng gana na pumasok sa paaralan ang mga taong

nakaranas nito dahil mas iisipin nila ang pananakit na ginagawa sa kanila ng ibang tao.

Dahil ditto, bumababa ang kumpyensa nila sa sarili; 7. Sekswal na pang-abuso. Dito
nararanasan nila na molestiyahin ng kanilang guro o kahit sa iba pang tao na maaring

maging dahilan upang matakot o magkaroon ng trauma at mawalan ng interes na

ipagpatuloy ang pag-aaral; 8. Hindi pangkaraniwang sakit. Maaring maging hadlang sa

pagaaral ito dahil hindi makapagpopokus ang mag-aaral sa eskwelahan, marahil

mapapadalas ang kaniyang pagliban sa klase; 9. Problemang pamilya. Nagiging dahilan

ito upang huminto ang isang tao dahil kapag nakikita ng isang tao na nagtatalo ang

kaniyang pamilya, nawawalan ito ng gana na mag-aral pa. Ang mga iyan ang ilan sa mga

dahilan kung bakit may mga taong hindi nakapagtatapos ng pag-aaral at mas pinipili na

huminto na lamang.

II. Kaugnay na Pag-aaral

a. Lokal na Pag-aaral

Labing-limang milyong Pilipino ang namumuhay sa P50.00 na pera bawat araw,

dahil doon, dumarami ang nakakaranas ng gutom. Ayon kay Gloria Macapagal-Arroyo,

naranasan na rin niya ang pagkagutom. Ang pagkakaiba, dumanas siya ng pagkagutom

dahil pinili niyang hindi kumain at hindi dahil wala siyang makain. Siya ang may

pansariling pagpapasya at may hawak sa pang-estadong kapangyarihan. Walang interes

na iangat ang nakararami sa balon ng kahirapan dahil hindi ito ang layunin ng gobyerno.

Kaniya-kaniyang pag-ahon sa balon ng kagutuman at kahirapan ang nangyayari sa mga

mamamayan sa bansa. Ang lokal na negosyo ang pangunahing sinusuportahan ng

gobyerno na kung saan higit na nakapanghihimok sa dayuhang kapital, at ang mga ito

ang puwersang bumubuo ng estado at ng naghaharing uri sa bansa.


Sa kadahilanang mayroong limitadong badyet ang pamahalaan, dapat na

magtakda ito ng prayoridad. Sa sektor ng edukasyon, hinihiling ng ibang tao sa gobyerno

na magparaya ang tersaryong edukasyon at huwag nang makipag-agawan ng pondo sa

elementaryang edukasyon. Kaugnay nito, iminumungkahi ang pagbawas ng alokasyon sa

tersaryong edukasyon. Hinahati ang pondo ng gobyerno dahil pinagtatalunan ito ng basic

education at tertiary education, ngunit hindi binabanggit kung anong halaga lamang ang

natitira para sa sektor ng edukasyon. Dito pumapasok ang rasyunalisasyon kung paano

pagkakasyahin ang kakaunting badyet para sa marami pang gastusin sa edukasyon at sa

iba pang sektor. (Lumbera, Guillermo & Alamon. 2007. UP Diliman)

b. Dayuhang Pag-aaral

Hindi pinagdedebatehan ang pagtatapos ng pag aaral kung mayroong mas

malaking benepisyo ito o wala. Mas mataas ang sahod ng mga nakapagtapos sa mga

hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Ang pagkakaiba ng sahod ng nakapagtapos ng

pag-aaral at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay palaki ng palaki. Bilang karagdagan, ang

mga mag-aaral sa kolehiyo ang nagkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng

trabaho. Halimbawa, noong 1999, nag-ulat ang halos 3/4 na mga mag-aaral sa kolehiyo

na ang pagkakaroon mas maraming pera o salapi ang nakaiimpluwensiya sa kanilang

desisyon na dumalo sa kolehiyo.

Kaugnay ng pagtatapos ng pag-aaral ng magulang ang pagtatapos rin ng kanilang

anak. Kung nakapagtapos ang isang magulang, malaki ang tiyansa na makapagtapos din

ang kaniyang anak. Habang mataas naman ang posibilidad na hindi rin makapagtapos ng

pag-aaral ang isang tao kung hindi nakapagtapos ang kaniyang magulang. Ito ang
realidad ng buhay na hanggang ngayon nangyayari pa rin sa karamihang mamamayan

ditto sa Pilipinas. (Horn, Zahn, & Lisa. 2002.)

Kabanata 3

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Naglalaman ang kabanatang ito ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral ng

mga mananaliksik. Kasama rito ang disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang

pag-aaral, mga halimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik, instrumentasyon, at

pangangalap ng datos pati na ang istatistikong ulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Deskriptibong sarbey ang gagamitin ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral

na tumutukoy sa isang paraan ng pakuha ng mga impormasyon mula sa mga respondente.

Gagamitin ang mga nakuhang datos upang mabuo ang pag-aaral ng mga mananaliksik sa

iba’t ibang mga dahilan kung bakit hindi nakapagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ang

ilang tao o kabataan.

Lokal ng Pananaliksik

Binubuo ng 100 katao ang saklaw sa pag-aaral na kung saan mga taong hindi

nakapagtapos ng pag-aaral o huminto ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo na nasa edad 15

pataas sa barangay ng Marulas at Karuhatan, Valenzuela City.


Taktika ng Pagkuha ng Datos

Nangalap ang mga mananaliksik ng respondente sa pamamagitan ng purposive

sampling na kung saan pinili ang mga kalahok batay sa kwalipikasyon na kinakailangan

ng mga mananaliksik. Edad 15 pataas ang kinakailangan na mga respondente at mga

taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral o nahinto sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

May mga hinahandang kwestyuner ang mga mananaliksik na sasagutan ng mga

respondente. Matapos sagutan ang sarbey, uusisain ito at pagsasama-samahin ang mga

magkakatulad na sagot gamit ang “pie graph”. Lilikumin ng mga mananaliksik ang

porsyento ng mga magkakaparehong sagot, na ibinigay ng mga respondente sa bawat

tanong galing sa sarbey kwestyuner. Maiging pag-aaralan, iintindihin at gagawan ng

buod at konklusyon ng mga mananaliksik ang mga sagot ng mga respondente. Gamit ang

paraang ito, malilikom ng mga mananaliksik ang mga dahilan ng mga respondente kung

bakit hindi sila nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Instrumento ng Pananaliksik

Kwestyuner:

Isa ang kwestyuner sa mga pangunahing intrumento na ginagamit sa mga

pananaliksik. Ang kwestuner ang naglalaman ng mga katanungan na maaaring

pagkuhanan ng sagot mula sa mga respondente patungkol sa “Iba’t ibang dahilan ng mga

piling taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa Lungsod ng Valenzuela”.


Ang kwestyuner ang sasagot sa katanungan ng mga mananaliksik ukol sa desisyon ng

mga piling mag-aaral na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa pagkalap ng

impormasyon ukol sa napiling paksa ng mga mananaliksik. Pagkatapos itong masagutan

ng mga repondente kaagad isasagawa ang pagkuha ng bahagdan sa bawat sagot ng mga

katanungan. Susunod dito ang paggawa ng pie graph na nakabase sa mga sagot ng mga

respondente.

Istatistikong Pamamaraan

Ang ginamit na istatistikong pamamaraan sa pag-aaral tungkol sa mga ibat’t ibang

dahilan ng paghinto ng pag-aaral sa kolehiyo ng ilang mga tao o kabataan ay ang

percentage technique. Ginamit ito upang matimbang at masukat ang mga datos galing sa

100 respondente.

Ang percentage technique ang magiging paraan upang lubos na makita ang

kinalabasan ng mga datos ayon sa gagawing pagsusuri sa iba’t ibang datos ng mga

respondente. Ito ang magbibigay-daan upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng

bilang ng mga magkakamukhang sagot ng mga respondente sa isang tanong. Ang ginamit

na pormula ay: Percentage o % = F / N x 100

Kung saan:

% = bahagdan o percentage

F = bilang ng sagot

N = bilang ng respondente
Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa sarbey

kwestyuner na sinagutan ng mga piling respondenteng hindi nakapagtapos ng pag-aaral

sa kanilang kolehiyo sa barangay ng Marulas at Karuhatan sa Lungsod ng Valenzuela.

Propayl ng mga Respondente

Talahanayan Blg. 1

Kasarian ng mga Respondente

Kasarian Bilang Bahagdan

Lalaki 52 52 %

Babae 48 48 %

Kabuuan 100 100 %

Ang Talahanayan blg.1 ay naglalaman ng kasarian ng 100 na mga respondenteng

hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Nakasaad sa talahanayang ito ang

mga bilang at bahagdan ng kanilang kasarian. Ipinakita dito na mas marami ang

respondenteng lalaki na may bilang na 52 katao (52%), kaysa sa bilang ng mga

respondenteng babae na may bilang na 48 katao (48%).


Talahanayan Blg. 2

Edad ng Paghinto ng mga Respondente

Edad Bilang Bahagdan

15 9 9%

16 9 9%

17 18 18 %

18 19 19 %

19 18 18 %

20 12 12 %

21 3 3%

22 6 6%

23 3 3%

24 1 1%

25 1 1%

26 1 1%

Kabuuan 100 100 %


Ang Talahanayan blg.2 ay naglalaman ng edad ng paghinto ng 100 na mga

respondenteng hindi nakapagtapos sa kolehiyo. Ang edad ng mga respondente ay may

gulang mula 15 hanggang 26. Nakasaad sa talahanayang ito ang bilang at bahagdan ng

mga respondente ayon sa kanilang edad. Ipinakita dito na ang pinakamaraming

respondenteng hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo ay 18 taong gulang

na may bilang na 19 katao at bahagdan na 19%. Pangalawa ang 17 at 19 taong gulang na

parehas may bilang na 18 katao at may bahagdan na 18%. Pangatlo ang 20 taong gulang

na may bilang na 12 katao at may bahagdan na 12%. Pang-apat ang mga 15 at 16 taong

gulang na parehas may bilang na 9 katao at parehas na may bahagdan na 9%. Panglima

ang 22 taong gulang na may bilang na 6 katao at bahagdan na 6%. Pang-anim ang 21 at

23 taong gulang na parehas may bilang na 3 katao at may bahagdan na 3%. Ang pinaka-

kaunti naman ay mga respondenteng nasa 24, 25 at 26 taong gulang na kung saan ang

mga edad na ito ay may bilang tig-iisa o 1 katao at may bahagdan na 1%.

Grap Blg. 1

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pambubulas o bullying mula sa mga

kamag-aral sa paaralan

Tanong 1 A. B. C.
A.
6%
B.
14%

C.
80%
Pamimilian:

A. Oo, ito ang nag-udyok sa akin upang huminto ng pagaaral


B. Oo, ngunit hindi ito ang nag-udyok sa akin upang huminto ng pagaaral
C. Hindi ito nakaapekto sa akin

Malaking bahagdan ng mga respondente ang sumagot na hindi nakaapekto ang

pambubulas o bullying sa kanilang paghinto ng pag-aaral. Mayroon itong 80 katao o

80%. Sumunod ang 14 respondente na sumagot ng nakaka-apekto ang pambubulas ngunit

hindi ito nag-udyok upang huminto sila ng kanilang pag-aaral. 6% Ang pinakamaliit na

bahagdan kung saan mayroong 6 katao at naapektuhan sila ng pambubulas na naging

dahilan ng paghinto nila sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Grap Blg. 2

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa marka o sa pang-akademikong

kahusayan sa paaralan

Tanong 2 A. B. C. D.

A.
D. 39%
43%

C. B.
10% 8%
Pamimilian:

A. Matematika o Mathematics
B. Agham o Science
C. Ingles o English
D. Iba pa

Karamihan sa mga respondente ay mayroon pang mga ibang kasagutan.

Naglaman ang sagot na ito ng mga 43 katao o 43%. Sa mga ispisipikong naibigay na

asignatura, Matematiks ang may pinakamaraming sagot na naglaman ng 39 katao o 39%.

Sumunod ang asignaturang Ingles na binubuo ng 10 katao o 10%. Ang pinakakaunting

asignaturang naging dahilan ng paghinto ng pag-aaral sa kolehiyo ay ang Agham na may

8 katao o 8%.

Grap Blg. 3

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa huling guro

Tanong 3 A. B.

A.
22%

B.
78%
Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi

Maraming respondente ang hindi sumang-ayon na ang guro ang naging isa sa

kadahilanan kung bakit hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Mayroong 78

katao o 78% ang hindi sumang-ayon dito. Mayroong maliit na bahagdan kung saan

binubuo ng 22 katao o 22% ang sumang-ayon na ang kanilang guro ang naging dahilan

ng kanilang paghinto sa kolehiyo.

Grap Blg. 3.1

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pananakit ng huling guro

Tanong 3.1 A. B. C.

A.
27%

C.
46%

B.
27%

Pamimilian:

A. Pisikal na aspeto
B. Emosyonal na aspeto
C. Iba pang dahilan
Mula sa mga 22 respondenteng sumagot sa blg. 3 na nakaapekto ang kanilang

guro, ito ang kanilang mga dahilan ng paghinto sa pag-aaral sa kolehiyo. Maraming

respondente ang nagsabing mayroong ibang dahilan kung bakit hindi sila nakapagtapos

ng pag-aaral sa kolehiya. Binubuo ito ng 10 katao at may bahagdang 46%.

Magkaparehas ng bahagdan ang mga respondenteng sumagot na sa pisikal at emosyonal

na aspeto sila sinasaktan ng kanilang guro kung saan ay naging dahilan kanilang paghinto

ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa parehong aspeto ay naglalaman ng 6 katao at mayroong

bahagdan na 27%.

Grap Blg. 4

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pagkakaroon ng karelasyon

Tanong 4 A. B.

A.
20%

B.
80%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi
Mayroong malaking bilang ng respondente ang sumagot na hindi naka-apekto ang

kanilang karelasyon upang huminto sila ng pag-aaral sa kolehiyo. Binubuo ito ng 80

katao o 80%. Samantala, mayroong 20 katao o 20% ang sumagot na naging dahilan ang

kanilang karelasyon upang hindi sila makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Grap Blg. 4.1

Mga kababaihang huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pagkakaroon ng ka-

relasyon na kung saan nakaranas ng maagang pagdadalang-tao

Tanong 4.1 A. B.

B. A.
50% 50%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi

Mula sa mga 20 respondenteng sumagot na naka-apekto ang kanilang karelasyon

sa paghinto nila sa kolehiyo sa blg. 4, mayroon itong 10 respondenteng babae. Nagkaroon

ng parehas na bilang at bahagdan ang sumagot na nagdalang-tao sila na naging dahilan ng


kanilang paghinto ng pag-aaral sa kolehiyo at sa may sumagot na hindi sila nagdalang-tao

ngunit naka-apekto ang kanilang karelasyon sa kanilang paghinto sa kolehiyo. Binubuo

ng 5 katao na may bahagdan na 50% ang parehong pamimilian.

Grap Blg. 4.2

Mga kalalakihang huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pagkakaroon ng ka-

relasyon na kung saan maagang nagkaroon ng sariling pamilya

Tanong 4.2 A. B.

B. A.
50% 50%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi

Mula sa mga 20 respondenteng sumagot na naka-apekto ang kanilang karelasyon

sa paghinto nila sa kolehiyo sa blg. 4, mayroon itong 10 respondenteng lalaki. Nagkaroon

ng parehas na bilang at bahagdan ang sumagot na maaga silang pumasok sa buhay

pamilya o maagang nagkaroon ng sariling pamilya na naging dahilan ng kanilang

paghinto ng pag-aaral sa kolehiyo at sa mga sumagot na hindi sila nagkaroon ng sariling


pamilya ngunit naka-apekto ang kanilang karelasyon sa kanilang paghinto sa kolehiyo.

Binubuo ng 5 katao na may bahagdan na 50% ang parehong pamimilian.

Grap Blg. 5

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa apeksyon ng mga kaibigan

Tanong 5 A. B. C.
A.
13%

B.
14%

C.
73%

Pamimilian:

A. Oo, sa positibong paraan


B. Oo, sa negatibong paraan
C. Hindi ito naka-apekto sa akin

Marami sa mga respondente ang sumagot na hindi naka-apekto sa kanilang

desisyon ang mga kaibigan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, at

nakapagtala ito ng 73% na may 73 katao. Sumunod ang bilang ng mga sumagot na

naapektuhan sila ng kanilang kaibigan sa negatibong paraan na may 14 katao o 14%. Sa

panghuli, binubuo ng 13 katao o 13% ang mga sumagot na naapektuhan sila ng kanilang

kaibigan sa positibong pamamaraan.


Grap Blg. 6

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pamilya

Tanong 6 A. B.

A.
44%

B.
56%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi

Malaki ang bilang sa mga respondente ang hindi sumang-ayon sa pag apekto ng

pamilya sa kanilang hindi pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Mas lumamang ang mga

nagsabing hindi naka-apekto ang pamilya sa kanilang hindi pagtatapos ng pag-aaral sa

kolehiyo. May 56 katao o 56% ang sumagot dito. Samantala, mayroong 44 katao o 44%

ang sumang-ayon na naka-apekto ang kanilang pamilya upang hindi sila makapagtapos

ng pag-aaral sa kolehiyo.
Grap Blg. 6.1

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pamilya kung saan naka-apekto ang

pinansyal na estado ng pamilya

Tanong 6.1 A. B. C. D.
D.
C. 5%
11%

A.
52%

B.
32%

Pamimilian:

A. Mababa sa P10,000
B. P10,000 – P20,000
C. P20,000 – P30,000
D. Mas mataas sa P30,000

Tumaas sa kalahati ang mga sumagot na mas mababa sa P10,000 ang sinasahod

ng kanilang pamilya. Ito ay may 52 katao o 52%. Sumunod ang mga sumagot na nasa

P10,000 hanggang P20,000 ang sinasahod ng kanilang pamilya. Pangatlo ang mga

sumagot na nasa P20,000 hanggang P30,000 ang sinasahod ng kanilang pamilya.

Panghuli, mayroong 5 katao o 5% ang sumagot na mas mataas pa sa P30,000 ang

sinasahod ng kanilang pamilya.


Mula sa mga nakuhang datos galing sa mga respondente, isa ang problemang

pinansyal sa naging dahilan ng kanilang paghinto ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang

pinakamataas na posibleng dahilan nito ang pagkakaroon ng mas mababa sa P10,000 na

sahod ng kanilang pamilya dahil mahigit sa kalahating respondente ang sumagot nito.

Ngunit, sa kabila ng mababang sahod, may mga respondente pa rin na hindi nagpa-apekto

sa problemang pinansyal na hinaharap.

Grap Blg. 6.2

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pamilya kung saan nagkaroon ng

problemang pampamilya

Tanong 6.2 A. B.

A.
44%

B.
56%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi
Mas malaki ang mga respondenteng sumagot na hindi sila nagkaroon ng

problemang pampamilya. Naglalaman ito ng 56 katao o 56%. Mayroong respondenteng

nagsagot na naka-apekto ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

problemang pampamilya na naging dahilan ng kanilang paghinto ng pag-aaral sa

kolehiyo. Binubuo ito ng mga 44 katao o may bahagdang 44%.

Grap Blg. 7

Pagpili ng mag-aaral na hindi makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo

Tanong 7 A. B.

A.
27%

B.
73%

Pamimilian:
A.Oo
B.Hindi

Karamihan sa mga respondente ay hindi pinili ang kanilang paghinto sa pag-aaral

sa kolehiyo. Mayroong 73 katao o 73% ang hindi pinili na hindi makapagtapos sa

kolehiyo habang ang ibang respondente ay pinili na sila ay hindi makapagtapos ng pag-
aaral sa kolehiyo. Mayroong 27 katao o 27% ang mga taong pinili na hindi makapagtapos

ng pag-aaral sa kolehiyo.

Grap Blg. 8

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pansariling dahilan

Tanong 8 A. B.

B.
33%

A.
67%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi

Malaking bilang ng respondente ang sumang-ayon na nakaapekto ang mga

pansariling dahilan nila kung bakit hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. May

67 katao o 67% ang sumang-ayon dito. May mangilan-ngilang respondente na sumagot

na hindi naka-apekto ang kanilang mga pansariling dahilan kung bakit hindi sila

nakapagtapos ng pag-aaral. May bilang na 33 katao o 33% ang mga hindi sumang-ayon

dito.
Grap Blg. 8.1

Pansariling dahilan na naging dahilan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral sa

kolehiyo

Tanong 8.1 A. B. C. D. E. F.

A.
15%
F. B.
30% 1%

C.
18%

E.
9%

D.
27%

Pamimilian:

A. Computer Games
B. Social Media
C. Katamaran / Pagkawala ng Interes
D. Trabaho
E. Hindi pa handa
F. Iba pa

Malaking bilang ng mga respondente ang sumagot sa na mayroong ibang dahilan

kung bakit hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral at may bilang na ito na 20 katao o 20%.

Sumunod ang respondenteng may bilang na 18 katao o 18% na may dahilang huminto

upang magtrabaho. Sumunod ang may bilang na 12 katao o 12% dahil sa katamaran o

kawalan ng interes sa pag-aaral. Sumunod ang may bilang na 10 katao o 10% na kung

saan dahil sa adiksyon sa computer games. Sumunod ang may bilang na 6 katao o 6% sa
kadahilanang hindi pa handang humarap sa mga pagsubok sa kolehiyo. Panghuli ang

bilang na 1 katao o 1% na dahil sa pagkahumaling sa social media. Ito ang mga

pansariling kagustuhan na nagresulta upang huminto ng pag-aaral ang isang estudyante sa

kolehiyo.

Grap Blg. 9

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa problema sa pagkontrol ng oras

Tanong 9 A. B.

A.
43%

B.
57%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi

Karamihan sa mga respondente ay nagsabi na hindi naka-apekto ang hindi nila

pagkontrol sa oras o pagkawala ng pagkontrol sa oras upang hindi sila makapagtapos ng

pag-aaral sa kolehiyo. Naglalaman ito 57 katao o 57%. Habang ang mga nagsabi na naka-
apekto ang hindi pagkontrol sa oras upang huminto sila ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo

ay mayroong 43 katao o 43%.

Grap Blg. 10

Huminto ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa paglala ng pansariling kalusugan/

kapansanan

Tanong 10 A. B.
A.
9%

B.
91%

Pamimilian:

A. Oo
B. Hindi

Maliit na bilang lamang ng respondente ang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo

nang dahil sa paglala ng kanilang pansariling kalusugan / kapansanan. Mayroong 9% o 9

katao lamang ang huminto sa pag-aaral nang dahil sa sarili nilang kalusugan /

kapansanan. Samantala, mayroong 91% o 91 katao na kung saan hindi sila nagkaroon ng

masamang kalusugan o malalang kapansanan upang hindi sila makapagtapos ng pag-aaral


sa kolehiyo. Kung mayroon man ay hindi ito naka-apekto sakanila upang hindi sila

makapagtapos ng kolehiyo.

Kabanata 5

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ang malaman ang mga dahilan

ng mga piling taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa Lungsod ng

Valenzuela. Sa pananaliksik na ito gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong

pananaliksik, upang makakalap ng mga datos na maaring hanguan ng interpretasyon

upang makamit ang layunin ng pananaliksik. Kumuha ang mga mananaliksik ng mga

artikulong konektado sa paksa upang kumuha ng mga impormasyong magagamit sa pag-

aanalisa ng mga pananaw ng mga respondente.

Batay sa sarbey na isinigawa sa pamamagitan ng kwestyuner, mayroong 100 na

mga respondenteng nasa edad 15 pataas ang hindi nakapagtapos o nahinto sa pag-aaral sa

kolehiyo sa barangay Marulas at Karuhatan sa Lungsod ng Valenzuela. Buhat sa mga

naging kasagutan ng mga respondente, nakagawa ng interpretasyon ang mga

mananaliksik ukol sa mga iba’t ibang dahilan ng mga kabataan o tao upang huminto sila

ng kanilang pag-aaral sa kolehiy.

Nang matapos magpasarbey ang mga mananaliksik, ginamitan ng istatistikong

pamamaraan ang mga datos na nakalap upang lubos na makita ang kinalabasan ng mga
datos. Sa istatistikong pamamaraan ay nagkaroon ng mga bahagdan na tumutukoy sa mga

magkakatulad na sagot ng mga respondente.

Konklusyon

Ayon sa datos na nakuha ng mga mananaliksik sa isinagawang sarbey, ito ang

mga nabuong konklusyon:

1. Ayon sa mga nakuhang datos ng mga mananaliksik tungkol sa mga taong hindi

nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo, ang kasarian na may pinakamaraming

bilang ng respondenteng hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay ang mga

kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.

2. Mula sa mga respondenteng nakalap ng mga mananaliksik na nasa edad 15

hanggang 26 bilang edad ng paghinto sa kolehiyo, ang mga taong hindi nakapagtapos ng

pag-aaral sa kanilang kolehiyo na nasa edad 18 ang may pinakamaraming huminto ng

pag-aaral. Sumunod ay ang may edad na 17 at 19. Ang pinakakaunting bilang ng

respondente ay ang edad na mula 24 hanggang 26.

3. Ayon sa mga datos na nakuha, mayroong iba’t ibang bagay na nakaapekto sa

paghinto ng isang mag-aaral sa kolehiyo. Sa pambubulas o bullying, maraming

respondente ang nagsabing hindi nakaapekto sa paghinto nila ng pag-aaral sa kolehiyo

ang pambubulas ng kanilang mga kamag-aral sa paaralan. Pagdating sa mga marka ng

mga respondente sa paaralan, mas marami ang huminto ng pag-aaral nang dahil sa

problema sa ibang bagay at pumapangalawa lang ang asignaturang matematika na

dahilan ng kanilang paghinto ng pag-aaral sa kolehiyo.


4. Mayroong mga taong naka-apekto sa mga respondente upang tuluyan silang

huminto ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa pagkakaroon ng karelasyon, malaking bilang ng

respondente ang nagsabi na hindi nakaapekto sa kanilang paghinto sa kolehiyo ang

pagkakaroon ng karelasyon habang nag-aaral. Ngunit may iilan na huminto ng pag-aaral

sa kolehiyo dahil sa maagang pagdadalang-tao at pagkakaroong ng sariling pamilya.

Pagdating sa problema sa huling guro, maraming respondente ang nagsabing

hindi nakaapekto ang kanilang guro sa kanilang paghinto ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa

mga ilang respondenteng nakaranas ng problema sa kanilang guro, nakuha sa datos na

mayroon silang ibang problema sa guro bukod sa pisikal at emosyonal na pananakit ng

kanilang guro.

Sa impluwensya ng kaibigan, maraming respondente ang nagsabi na hindi ang

kaibigan nila ang nag-udyok o nakaapekto sa mga respondente upang hindi sila

makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit halos nagkaroon ng parehas na bahagdan

ang nagsabi na nagkaroon ang mga respondente ng apeksyon galing sa kanilang kaibigan

sa positibo at negatibong paraan o impluwensya.

At huli, sa problema sa pamilya. Maraming respondente ang hindi sumang-ayon

na ang kanilang pamilya ang dahilan kung bakit hindi nila natapos ang kolehiyo. Isa sa

mga problema ang kakulangan sa pinansyal ang naging dahilan kaya hindi natapos ng

mga respondente ang kolehiyo kung saan ang sinasahod ng kanilang pamilya ay mas

mababa sa P10, 000. Sa kabilang banda, sinabi ng maraming respondente na hindi sila

nagkaroon ng problemang pampamilya upang hindi sila makapagtapos ng pag-aaral sa

kolehiyo.
5. Mas marami ang bilang ng mga respondenteng hindi intensyonal na pinili ang

hindi nila pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit, mayroong ibang tao na

intensyonal ang kanilang pagpili na hindi makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

6. Karamihan sa mga respondente ang sumang-ayon na nakakaapekto ang kanilang

pansariling dahilan kung bakit hindi sila nakapagtapos sa kolehiyo, habang may ibang

respondente ang nagsabing hindi nakaapekto ang kanilang mga pansariling dahilan.

Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng

pagtatanong ng mga posibleng pansariling dahilan ng mga respondente, pinakamarami sa

mga respondente ang nagsabi na mayroon silang ibang pansariling dahilan na hindi

naisaad ng mga mananaliksik upang sila ay hindi makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Ngunit, sa lahat ng pagpipilian na naisaad ng mga mananaliksik, ang pagtatrabaho ang

nakakuha ng pinakamataas na bahagdan na naging dahilan ng hindi pagtatapos ng isang

mag-aaral sa kaniyang kolehiyo. Sumunod na lamang ang mga sumusunod base sa taas

ng bahagdan: katamaran, computer games, hindi pa handa sa kolehiyo, at huli ay ang

social media.

Sa problema sa pagkontrol ng kanilang oras sa sarili, karamihan ng mga

respondente ang nagsabing hindi ito nakaapekto sa hindi nila pagtatapos ng pag-aaral sa

kolehiyo. Ngunit, mayroong kaunting bilang ang nahirapan sa pagkontrol ng kanilang

oras na nagdulot ng kanilang hindi pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Pagdating sa kalusugan ng mga respondente, mas marami ang bilang ng mga

taong hindi naapektuhan ng kanilang kalusugan ang pag-aaral nila sa kolehiyo. Subalit

mayroong ilang respondente ang nahirapan sa pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo na


kung saan ay hindi na nila tuluyan pang tinapos, ay dahil sa paglala ng kanilang

kalusugan.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga natuklasan tungkol sa mga ibat ibang dahilan ng mga piling tao kung

bakit hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, inirerekomenda o iminumungkahi

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

 Para sa mga mag-aaral - bigyang halaga ang edukasyon o pag-aaral dahil ito ang

susi tungo sa magandang kinabukasan. Edukasyon ang solusyon upang makamit

ang anumang pangarap.

 Para sa mga magulang - gabayan at bigyan ng sapat na suporta ang inyong mga

anak at sila ay hingkayatin na magtapos ng pag-aaral.

 Para sa gobyerno - bigyang pansin ang ganitong problema sa bansa tungkol sa

mga piling taong hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Makagawa ng mga programang

makatutulong sa mga taong hindi makapagtapos ng kolehiyo at upang mabawasan

ang bilang ng mga taong walang trabaho, mahihirap at bilang ng mga taong hindi

nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

 Para sa iba pang mananaliksik - ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito

tungkol sa mga iba't ibang dahilan ng mga piling taong hindi nakapagtapos ng

kolehiyo upang makakalap pa ng mga datos o impormasyong maaaring

makatulong upang mabigyang solusyon ang mga dahilan kung bakit hindi

nakapagtapos ng pag-aaral ang mga estudyante sa kolehiyo.

You might also like