You are on page 1of 64

SCIENCE HIGH SCHOOL

Grade 12 MALIKHAING PORTFOLIO


LRN: 200020012002200320042005

HERNANDEZ, GABRIEL C.
PADERES, NICOLE JADE B.
POLVORIZA, LOIS L.
PRE, AMPY ANGELA R.
Name:____________________________________________ 18
Age: _____ G
Sex: _____
LAST NAME FIRST NAME MIDDLE NAME

12 ARISTOTLE 2018-2019
Grade:_______ Section: ________________________ School Year: ________
Track: Academic Strand: Humanities and Social Science (HUMSS)

Dear Parents/Guiardian:
This report card shows the ability and progress your child/ward has made in school.
You are welcome to discuss your child’s performance with us.

___________________________________________
Teacher Adviser

ALEXANDER H. AM-UNA, MAED


Principal

CERTIFICATE OF TRANSFER

Admitted to Grade:________________ Section:___________________

Eligibility for Admission to Grade:_________________________________________

___________________________________________
Teacher Adviser

ALEXANDER H. AM-UNA, MAED


Principal

CANCELLATION OF ELIGIBILITY TO TRANSFER


Pasasalamat
Para sa Panginoon

Lubos na aming pinasasalamatan ang Pangi-


noon dahil sa kaniyang mga biyayang ipinag-
kakaloob sa amin at mga panalangin namin
na kaniyang patuloy na tinutupad.

Para sa aming Pamilya

Kami ay nagpapasalamat sa aming pamilya


dahil sa walang sawang suporta, pagmama-
hal, at gabay na kanilang ibinibigay upang
kami ay umabot sa ganitong yugto ng aming
buhay.

Para sa aming guro

Nais naming magpasalamat kay Ginoong Ju-


lius T. Gat-eb dahil sa kahusayan niyang bilang
guro sa pagtuturo ng Filipino at sa patuloy ni-
yang pag-unawa.

Para sa aming mga kaklase

Kami ay nagpapasalamat sa aming mga ka-


klase dahil bawat nilalaman ng aming portfo-
lio ay kasama namin sila upang gumabay at
magbigay ng suporta rin

1
Paunang Salita
Ang portfolio na ito ay koleksyon ng mga
akda ng mga mag-aaral mula sa 12-Aristotle
sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan sa University of Baguio Science High
School.

Bukod pa sa pagtupad sa mga kinakailangan


sa asignatura, ang paglilikom ng mga awtput
na ito ay naglalayong magsilbing sanguniaan
o makapagbigay tulong o gabay sa mga iba
pang mga mag-aaral.

Hindi magiging posible ang pagkumpleto ng


mga awtput na ito kung wala ang tulong mga
sumusunod:

Ang Panginoong Diyos, sa pagbibigay ng


lakas at karunungan nang sa gayon ay amin
itong matapos. Ang aming guro na si G. Julius
Gat-eb na hindi nawalan ng pasensiya para
maibahagi sa amin ang mga kaalaman na
siyang aming ginamit sa paggawa ng mga
awtput na naririto.
Ang aming mga pamilya, na patuloy na nag-
uudyok sa amin upang magpatuloy sa kabila
ng mga suliranin. At panghuli, ang aming mga
kaklase at kaibigan na aming karamay sa lahat
ng laban mula umpisa hanggang sa aming
pagtatapos.

2
talaan ng
nilalaman
1 Pasasalamat
2 Pangunahing Salita
3 Talaan ng Nilalaman
4 Mga Abstrak
5 Mga Buod
6 Mga Ideyal na Bionote
7 Mga Ideyal na CV
8 Mga Posisyong papel
9 Mga Pictorial essay
10 Mga Travel Essay
11 Mga Replektibong Sanaysay
12 Mga Memorandum-Adgenda
13 Mga Katitikan
14 Mga Panukalang Proyekto
15 Mga Press Release
16 Glosaryo
17 Mga Sanggunian
ABSTRAk
ABSTRAK

ABSTRAK
Pagpapahalaga sa Sarili at Pagtatagumpay sa Akade-
miko: Paghahambing na Pag-aaral ng mga Kabataang
Mag-aaral sa Inglatera at Estados Unidos

Gamit ang pinagsamang kwantitatibo at kwalitatibong


pamamaraan, ang pananaliksik na ito ay siniyasat ang
pagkakaugnay ng pagpapahalaga sa sarili o self-esteem
at ang pagtatagumpay sa larangan ng akademiko hinggil
sa mga kabataan mula sa Estados Unidos at Inglatera. Ang
mga kwantitatibong datos na nalikom mula sa 86 na North
American at 86 na British na mga kabataan ay nagamit
para suriin ang koneksiyon sa pagitan ng pagpapahalaga
sa sarili at pagtatagumpay sa akademiko mula umpisa
hanggang dulo ng kanilang taon sa paaralan nang sila ay
labing-isa hanggang labing dalawang taong gulang. Sa
mga North American at British, ang mga kwantitatibong
resulta ay nagpakita na ang mababang pagpapahalaga
sa sarili ay nauugnay sa maraming tagapagpahiwatig ng
mas huling pagtatagumpay sa akademiko sa isang taon.
Bagamat lumitaw ang pagkakaiba ng dalawang bansa
sa dulo ng taon, ang Matematika ay nagpakita nang hindi
nagbabagong ugnayan sa pagpapahalaga sa sarili sa
parehong konteksto ng dalawang bansa. Sa kwalitatibong
pag-aanalisa naman ay nagpakita na ang pagsuporta sa
self-perception ng mga British na mag-aaral ay mas tumpak
na sumasalamin sa kanilang karanasan sa paaralan kumpara
sa mga mag-aaral mula sa Estados Unidos.

Mga susing salita: edukasyon, kalusugang pangkaisipan, akademikong


pagganap, pagsasaalang-alang sa sarili

Ampy Angela Pre

4
“Ikaw ang iyong kinakain: Isang masirin na pagsisiyasat
ng relasyon sa pagitan ng maanghang na pagkain at
agresibong katalusan”
(Naisalin)

Ang popular na kasabihang “Ikaw ang iyong kinakain”


ay nagmumungkahi na ang mga tao ay naiaangkop sa
mga katangian ng pagkain na kanilang kinakain? Dunong
ng mga sinaunang mga teksto at mga propesyonal
sa alternatibong gamot, mayroong pagkakatulad sa
kanilang hinuha na ang pagkain ng maaanghang ay
nagpapaangat ng pagkaagresibo. Ngunit, ang relasyong
ito ay hindi pa nasusubok ng pag-aaral. Sa pananaliksik na
ito, kami ay nagpapalagay na ang mga taong kumakain
ng mga “maiinit” at “maaanghang” na pagkain ay mas
madaling makakuha ng mga saloobing nauugnay sa
pagkaagresibo. Sa tatlong pag-aaral na isinagawa, may
nahanap silang ebidensiya sa kanilang panukala. Ang
unang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga taong
karaniwang kumakain ng maaanghang ay nagpakita ng
mas mataas na lebel ng pagkaagresibo. Ang pangalawa at
pangatlong pag-aaral naman, ayon sa pagkakabanggit,
ang maaanghang na pagkain at pagkakalantad lamang
dito ay nakapagpapabuhay ng mga konseptong may
kinalaman sa pagiging agresibo pati na rin ang pag-
iisip ng masama tungo sa iba. Ang kanilang gawa ay
maiaambag sa literatura sa mga prekursor ng agresyon,
at may mahalagang mga implikasyon para sa ilang mga
parokyano, kabilang ang mga nagmemerkado, mga
magulang at mga gumagawa ng patakaran.

Susing Salita: Agresibong katalusan; Agresibong layunin; Maanghang na


pagkain

Nicole Jade Paderes

5
Abstrak: Bullying, Cyberbullying, and Suicide

Maraming pag-aaral na mula sa obserbasyon at ilang mga


propesyonal na mahusay sa Sikolohiya ang nagpatunay na
may kaugnayan ang suicidal ideation at pagpapakatiwakal
sa mga karanasan mula sa bullying o pang-aapi. Ang pag-
aaral naman na ito ay sinusuri ang isang uri ng bullying na
nagaganap sa Internet o online environment- cyberbullying
na may koneksyon din sa suicidal ideation sa mga kabataan.
Noong taong 2007, 1,963 na highschool students mula sa
isang pinakamalaking distrito ng paaralan sa Amerika ang
sumagot ng sarbey patungkol sa paggamit ng Internet at
mga karanasan mula sa cyberbullying. Ang mga kabataang
nakaranas ng bullying o cyberbullying, bully man o biktima,
ay mas mataas ang suicidal ideation at gawin ang
pagpapatiwakal kaysa sa mga hindi nakaranas ng kahit
anong uri ng bullying. Ang mga biktima naman ay mas
mataas ang pagkakataon na mag-isip ng pagpapakatiwal
kumpara sa mga bully o ang mga mang-aapi. Pinatunayan
ng pag-aaral na ang Internet o online environment na
bagaman ito ay produkto ng modernisasyon ay ito rin ang
nagagamit upang makapanakit ng kapwa at ang mga
biktima ay nagkakaroon ng mga masasamang karanasan.
Ang mga datos na nakalap ay naglalahad ng ebidensya
na dapat bigyan ng pansin at seryosohin ang bullying sa
tahanan, ng mga magulang at sa paaralan, ng mga guro
at kinauukulan.

Mga Susing Salita: suicide, kabataan, bullying, cyberbullying

Lois Polvoriza

Abstrak
6
Resolusyon ng Psychological Association of the Philippines
sa Kaharasan Patungkol sa Kasarian at Violence Against
Women (VAW)
Psychological Association of the Philippines

Ang kamakailang nga pangyayari ay nagdulot ng pansin


sa publiko sa patuloy na suliranin ng dehumanisasyon
at karahasan na nakabatay sa kasarian laban sa mga
kababaihan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito ang
dokumentadong pagbebenta ng isang ‘t-shirt framing
rape’ bilang isang “snuggle with a struggle” sa isang
malaking department store chain, ang staging ng fashion
show ng pangunahing retail brand na nagtatampok ng
lalaking aktor na hinihila ang isang babaeng modelo gamit
ang tali ng hayop, at kamakailan lamang, ang marahas
na pagkamatay ng isang transgender na babae mula sa
Olongapo City. Sa resolusyon na ito, hinihimok namin ang
posisyon ng aming pambansang propesyonal na samahan
ng mga psychologist ng Pilipino, psychometricians,
sikolohikal na mananaliksik, at mga kaakibat na mga
propesyonal sa kalusugan ng isip sa pagpindot sa problema
ng karahasan batay sa kasarian at ang mga kaugnay na
pinsala sa kalusugan ng kaisipan at kagalingan, lalo na
para sa kababaihan.

Mga masusing salita: karahasan, kasarian

Gabriel Hernandez

7
BUOD

BUOD
BUOD NG PELIKULANG FREEDOM
WRITERS (2007)
Ang pagsusulat ay nagtataglay ng labis na
kapangyarihan sa ating lipunan. May kakayahan
itong magbigkis ng mga taong nahahati-hati sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng ating mga
karanasan. Ang Freedom Writers ay isang pelikulang
nagpapakita ng mga estudiyanteng nasasangkot sa
mga karahasan dulot ng alitan sa pagitan ng iba’t
ibang lahi. Sa pamamagitan ng kanilang guro na si
Erin Gruwell, isa-isa silang nabigyan ng diyornal kung
saan nailalahad nila ang mga kaganapan sa kanilang
buhay na posibleng hindi nila nagagawang masabi
sa ibang tao. Dahil dito, napag-alaman nilang halos
lahat sila ay pare-pareho ng mga pinagdadaanan
at ipinaglalaban kaya naman wala nang nangyayari
pang mga gulo sa klase. Sa halip, may nabubuo
nang pamilya sa loob nito. Subalit, hindi ganoon
kadali ang proseso. Mayroong mga hindi sumang-
ayon sa pamamaraan ni Bb. Gruwell at nagtangkang
sugpuin ito ngunit nanatiling matatag ang samahan
ng guro at mga estudiyante. Sa huli, nakamit din nila
ang pagkakaisa sa kabila ng kanilang pagkakaiba
sa pamamagitan ng pagsusulat at pagbabahagi
ng mga magkakatulad na karanasan.

Ampy Angela Pre

9
“PAPERMAN”
ni John Kahrs
(Walt Disney Animation Studios)

Ang pag-ibig ay siyang kusang darating. Ito ang nais na ipahiwatig ng pelikulang
“Paperman”, na siyang nakakuha ng gantimpala para sa “Best Animated Short Film” sa
ika-85 ng Oscars taong 2013.

Ang kwento ay nagsimula sa isang estasyon, kung saan mayroong isang ginoo na
naghihintay ng tren papunta sa kanyang opisina. Hawak hawak ang kanyang mga
papeles, napagtanto niya ang isang magandang binibini. Nang may dumating na tren,
tinangay ng hangin ang isa sa mga papel na hawak ng ginoo at lumipad patungo sa
mukha ng babae. Tinanggal ito ng lalake at napatawa nalamang ng marahan ang
binibini. Binalik ng ginoo ang papel sa tumpok na kanyang hawak at napansin niya na
namarkan ito ng pulang kolorete galing sa labi ng babae. Napabungisngis ang lalake
ngunit pagtinggin niya sa kanyang tabi wala na ang babae.

Sa kanyang opisina, sinubukan ng ginoo na gawin ang kanyang trabaho, subalit ang
kanyang pansin ay nasa papel na mayroong marka ng kolorete. Nang nailipad ang
papel na may marka, dali dali niya itong hinabol at dahil dito napatinggin siya sa kabilang
gusali at doon nakita niya ulit ang binibini na kanyang nakasalubong sa estasyon.
Sinubukan niyang kunin ang atensyon ng babae ngunit hindi siya nakita. Gumawa siya
ng madaming eraplano, gamit ang mga papeles na nasa kanyang mesa,at pinalipad
ang mga ito patungo sa binibini ngunit wala ni isa ang nakaabot sa kanya. Paglinggon
niya sa kanyang mesa iisa nalamang na papel ang natira, ito ang papel na mayroong
tanda ng pulang kolorete. Sa huling pagkakataon sinubukan niyang kunin ang pansin
ng binibini gamit ito, ngunit bago niya ito mapalipad tinangay ito ng hangin at nahulog
mula sa gusali. Nang tuminggin ulit siya sa kabilang gusali nakita niya na papaalis na
ang babae kaya dali siyang bumaba galing sa kanyang opisina ngunit tila naglaho na
parang bula ang babae.

Nakita niya ulit ang huling eraplano na kanyang ginawa na nakadapo sa isang buson.
Galit, ibinato niya ito na siyang ikinasanhi ng pagkalipad nito at patuloy na naglakad
ang lalake.

Ang eroplanong papel ay napadpad sa isang eskinita na puno ng iba pang mga
eroplanong papel. Biglaan, ang mga ito ay nagsimulang lumipad at tumungo papunta
sa ginoo na makikitang nagmumukmok sa daan. Dumikit ang mga ito sa kanya at tila
bang pinapapunta ito sa isang lugar. Samantala, ang eroplanong papel na may marka
ay dumapo sa isang halaman at nakuha ang atensyon ng binibini. Muli itong lumipad na
siyang sinundan ng binibini at natagpuan niyang siya ay napadpad sa isang tren ganun
din ang ginoo at ang mga eroplanong papel. Nang tumigil ang tren na sinasakyan ng
babae sa isang estasyon, lumabas siya dito at laking gulat niya nang nagkatagpo muli
sila ng ginoo. Napatawa nalamang ang dalawa at sa huli ay makikitang may kislap na
namamagitan sa kanila.

Makikita natin sa pelikulang ito na ang pag-ibig ay darating nang hindi inaasahan. Subalit
kapag pipilitin natin na mapapasaatin ang pag-ibig, mas lalo nating hindi makukuha ito.
Kaya hayaan na lamang nating darating ang panahon kung saan ang tadhana ang
mismong magbibigay ng pag-ibig sa atin sa takdang panahon.

Nicole Jade Paderes


10
Buod
Buod: The Stoning of Soraya M.
Opresyon at Patriyarka ang mga dahilan kung bakit si Zahra ay
nagsalaysay sa isang mamahayag patungkol sa kaniyang pamangking
babae namatay dahil sa pamamato. Pagkatapos paniwalain ni Ali ang
komunidad para siya ay makasal sa batang babae, na ang kaniyang
asawang si Soraya ay hindi tapat at kalaguyo ang pinagtratrabahuhang
byudo, ang mga awtoridad ay agad hinatulan si Soraya ng kamatayan sa
pamamagitan ng pamamato. Bago magsimula ang oras ng pamamato
ay nangolekta ang mga kalalakihan pati na rin ang mga lalaking anak ni
Soraya ng mga bato upang gamitin kinalaunan. Sinubukan ni Zahra iligtas
ang kaniyang pamangkin ngunit mahigpit ang seguridad upang hindi
makalabas si Soraya. Nang oras na ng paghahatol ay itinali si Soraya at
ibinaon sa lupa ang kalahati ng kaniyang katawan at sinimulan ng kaniyang
sariling ama ang pamamato at sumunod si Ali at ang dalawang lalaking
anak ni Soraya hanggang ang lahat ng mga lalaki ay sabay-sabay nang
binato si Soraya hanggang siya ay namatay.

Si Zahra ay winakasan na ang kaniyang pagsasalaysay at ang


mamamahayag ay hinarang ng guwardya upang inspeksyunin ang
kaniyang mga gamit at sinira ang lahat ng kaniyang tapes para walang
lumabas sa buong mundo na kahit anong impormasyon. Umalis na ang
mamahayag at pinatakbo ng mabilis ang kaniyang sasakyan at tumigil sa
isang eskinita kung saan iniabot ni Zahra ang tunay na tape na naglalaman
ng kaniyang salaysay at umalis na ang mamamahayag. Sumigaw si Zahra
na mahal niya ang kaniyang Panginoon at sa wakas ay malalaman na ng
buong mundo ang hindi makatarungang sinapit ni Soraya.

Mga Awards:
Movieguide Awards- Faith & Freedom- Award for Movies
Heartland Film Festival- Heartland Truly Moving Picture Award
Los Angeles Film Festival- Audience Award for Best Narrative Feature

Lois Polvoriza

11
Buod
Die Beautiful (2015)
Ang Die Beautiful ay isang pelikulang naglalahad ng kwento ng
isang yumaong transgender beauty queen. Si Patrick, lumaki sa
pangalang Trisha Echevaritia ay isang transgender na lalaking
may pangarap na maging isang beauty queen. Sa kabila ng
kanyang piniling kasarian ay hindi ito nagustuhan ng kanyang
ama kung kaya’t pinili nitong umalis ng bahay at nagsimulang
manuluyan sa bahay ng kanyang matalik na kaibigang si Barbs.

Naging masaya ang kanyang buhay kasama ng kanyang mga


kaibigang bakla. Sari-sari ang kanilang sinalihang patimpalak sa
kahit anong lugar na mayroong Gay Contest. Sa mga panahong
siya ay nabubuhay ay nakatagpo rin siya ng ilang mga lalaking
nagpatibok ng kanyang puso ngunit siya ay iniwan din dahil
sa nawalan siya ng kakayahan na bigyan ng pera ang mga
lalaking ito. Nawalan siya ng minamahal ngunit nakatagpo rin
ng lalaking bagpatibok muli sa kanyang puso. Siya ay naging
desperado sa pagbubuntot at pagmamahal kaya naman
ginagawa niya ang lahat upang magustuhan. Isang araw ay
inimbitahan siya sa isang inuman kung saan ito ay puno ng
kalalakihan, naging masaya ito. Hindi niya na namamalayan
ang mga pangyayari dahil sa ito ay lasing na. Isang lalaki ang
nagpatuwad sa kanya at ginawa ang mga bagay na hindi
kanais-nais. Tila nasira kanyang pagkatao nang nalaman niyang
siya ay ginahasa. Sa kabila ng iyon, tuloy pa rin ang buhay at
pagsali sa mga beauty contest.

Ang kaniyang pinakamataas na narating, na ipinalabas pa


sa telebisyon, ay ang Binibining Gay Pilipinas kung saan siya
ay nanalo at nakilala ng bansa. Ngunit sa kabila ng lahat ng
parangal ay doon din siya nabawian ng buhay. Si Trisha ay
mayroong iniindang sakit na Brain Aneurysm at ang tanghalan
ang nagsilbing huling hantungan para sa kanya. Ang kanyang
libing ay hinahawakan ng kanyang mga matatalik na baklang
kaibigan sa Happy Endings Funeral Home, at sa pitong araw na
siya ay pinaglalamayan, araw araw siya ay nagiiba nang anyo
at binibihisan para magmukha ng mga artisa katulad na lamang
nila Iza Calzado, Angelina Jolie, Miley Cyrus, at Beyoncé.

Gabriel Hernandez

13
IDEYAL
NA CV
15
CV
16
CV
17
18
19
20
21
22
CV
23
BIONOTE
BIONOTE
Ampy Angela R. Pre
Si Ampy Angela R. Pre ay isang klinikal na sikolohista at part-time na
propesor ng Sikolohiya sa University of the Philippines Diliman (UPD).
Nagtapos ng Bachelor of Psychology sa Saint Louis University (SLU)
sa Baguio City. Samantalang, nagtapos naman siya ng Master of
Arts in Clinical Psychology at Doctor of Psychology sa University of
Santo Tomas (UST). Ginawaran siya ng Psychological Association of
the Philippines (PAP) ng Outstanding Psychologist Award noong 2043
at ng Albada Lim Psychological Service Award noong 2040 dahil sa
kaniyang pagpupursigi sa pagbisita sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas
na kulang sa mga sikolohikal na klinika upang magsagawa ng libreng
konsultasyon. Nakapaglathala na rin siya ng dalawang libro, ang How
to Combat the Unseen Enemy at Outsmarting Stress na naglalayong
tulungan ang mga taong nakararanas ng mga mental disorder.

25
Nicole Jade B. Paderes
Si Nicole Jade B. Paderes ay isang Independent na manlilikha
ng mga Pelikulang Animasyon. Nagtapos siya sa University of the
Philippines sa ilalim ng kursong BA Film. Tinapos niya rin ang kanyang
Post Graduate sa parehong unibersidad na may karangalan na
Master in Arts major in Media Studies. Ang una niyang tampok na
pelikula ay may pamagat na “Scarlet” na ipinalabas sa taong
2023 at dito nagsimula ang pag-usbong ng kanyang karera. Hindi
niya inaasahan na ang pelikulang ito ay magkatatanggap ng
gantimpala sa Animahenasyon dito sa Pilipinas sa sumunod na
taon.

Makalipas ang dalawang taon, ipinalabas niya ang isang maikling


pelikula na nagngangalang “Banana Milk” (2025). Sinundan naman
ito ng “Someday” (2028) pagkatapos ng tatlong taon. Ito ay
nakapagtamo ng parangal galing sa Asia Pacific Screen Awards
(APSA) para sa Best Animated Feature Film.

Siya rin ay aktibong nagsasagawa ng mga workshop sa iba’t ibang


parte ng Pilipinas para sa mga interesado sa larangan ng pelikula
at animasyon. Ang kanyang mga worshop ay nagaganap tuwing
Marso hanggang Mayo.

26
Lois L. Polvoriza
Si Nicole Jade B. Paderes ay isang Independent na manlilikha
ng mga Pelikulang Animasyon. Nagtapos siya sa University of the
Philippines sa ilalim ng kursong BA Film. Tinapos niya rin ang kanyang
Post Graduate sa parehong unibersidad na may karangalan na
Master in Arts major in Media Studies. Ang una niyang tampok na
pelikula ay may pamagat na “Scarlet” na ipinalabas sa taong
2023 at dito nagsimula ang pag-usbong ng kanyang karera. Hindi
niya inaasahan na ang pelikulang ito ay magkatatanggap ng
gantimpala sa Animahenasyon dito sa Pilipinas sa sumunod na
taon.

Makalipas ang dalawang taon, ipinalabas niya ang isang maikling


pelikula na nagngangalang “Banana Milk” (2025). Sinundan naman
ito ng “Someday” (2028) pagkatapos ng tatlong taon. Ito ay
nakapagtamo ng parangal galing sa Asia Pacific Screen Awards
(APSA) para sa Best Animated Feature Film.

Siya rin ay aktibong nagsasagawa ng mga workshop sa iba’t ibang


parte ng Pilipinas para sa mga interesado sa larangan ng pelikula
at animasyon. Ang kanyang mga worshop ay nagaganap tuwing
Marso hanggang Mayo.

27
Gabriel C. Hernandez
Si Gabriel C. Hernandez o mas kilala na Jed ay isang
internasyonal na award winning na director at ang unang
Pilipino ng nanalo ng Palme d’Or sa Cannes Film Festival
noong Agosto 28, 2045, sa kanyang pelikula na “Halindusay”.
Siya rin ay ang CEO ng 1080 Productions, isang lokal na film
studio sa Baguio City na tumutulong sa mga filmmakers na
gumawa ng kanilang mga pelikula. Kabilang din siya sa Movie
and Television Review and Classification Board (MTRCB)
at aktibong miyembro ng Amnesty International. Bukod sa
pagkapanalo niya sa Cannes Film Festival, siya rin ay nanalo ng
Best Director sa Cinemalaya Film Festival sa pelikulang “Dua”.
Tinanghal naman ang kanyang pelikula na “Takbo” sa 79th
Berlin Film Festival kung saan nanalo ito ng Best Film at Best
Director, at sa Metro Manila Film Festival ay nanalo ito ng Best
Film. Si Hernandez ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Film
sa Unibersidad ng Pilipinas, summa cum laude. Tinapos din
niya ang kanyang Masters sa Media Studies sa Unibersidad ng
Pilipinas. Sa kasalukuyan, siya ay isang part-time instructor sa
Unibersidad ng Pilipinas.

28
Posisyong
Posisyong

Papel
PUV Modernization Program

Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transport Franchising


and Regulatory Board (LTFRB) ang Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP
noong 2017 na naglalayong palitan ang mga jeepney, bus, at iba pang pampublikong
transportasyon na edad 15 na taon pataas ng mas kumportable at mas nakabubuti sa
kapaligiran na mga behikulo para sa mas ligtas na biyahe ng mga pasahero habang
binabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima. Bagamat maraming mamamayan
ang tumutuligsa sa pagbabagong ito lalo na ang mga drivers at mga operators,
naniniwala akong isa itong hakbang patungo sa mas maunlad na industriya ng
pampublikong transportasyon sa ating bansa.

Jeepney ang pinakaginagamit na pampublikong transportasyon sa Metro Manila.


Tinatayang mayroong 180,000 na mga jeepney ang mapapalitan at upang makatupad
sa mga polisiya ng LTFRB ukol sa programang ito, inaasahang kinakailangan ng isang
milyong piso kada jeepney para sa mga bagong kagamitan katulad ng Euro-4 na
emission standards, Closed-Circuit Television (CCTV) camera, dashboard camera, Global
Positioning System (GPS), at iba pa. Subalit, handa ang gobyerno na magbigay ayuda
sa mga tsuper sa pamamagitan ng subsidiya na P80,000 sa bawat unit ng jeepney.
Bukod pa rito, mayroong espesyal na pautang na programa ang gobyerno kaakibat ng
Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP) kung saan maaaring humiram
ng pera ang mga drivers o operators para matustusan ang mga kinakailangang gastos.
Magkakaroon din ng transition period na tatlong taon upang bigyang oras ang mga
drivers at mga operators na makapaghanda sa isang malaking pagbabago.

Ayon sa Metro Manila Accident Recording and Analysis System (MMARAS), may
naitalang higit sa 11,000 na mga aksidente ng mga jeepneys noong 2016 kung saan
sinasabing pagkakamali ng mga driver at mga depekto ng mga jeepney ang mga
karaniwang sanhi. Ito ay isa pang dahilan para magpatuloy sa pagpapatupad sa
PUVMP para mapalitan na ang mga lumang kasangkapang maaaring magdulot ng
aksidente. Dapat ay parating isinasaalang-alang ang kaligtasan ng mga pasahero.
Ang mga bagong modelo rin na ilalabas sa programa ay higit na mas kumportable,
lalo na at ikinokonsidera rin ang mga Person with Disabilities (PWD). Dagdag pa rito,
ang mga bagong behikulo ay kumokonsumo ng mas kaunting gasolina. Samakatwid,
nagkakaroon ng mas kaunting polusyon.

Sa mga tsuper, mayroon ding maintenance ang kanilang mga jeepney.


Kadalasan ay may kamahalan ito, subalit sa bagong mga e-jeepney, ang mga gastos
sa maintenance ay mababa lamang o minsan ay wala talagang kailangang tustusan
kaya naman mas makaiipon ang mga drivers at operators. Para naman sa mga
pasahero, sa panahon kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng pamasahe sa
pampublikong transportasyon, karapat-dapat lamang na may katumbas itong ginhawa
sa kanilang panig - maayos na biyahe at malayo sa maiitim na usok at panganib.

Sa lahat ng nailahad na mga pakinabang ng PUVMP, inaasahan kong sana ay


sa wakas, makita na ito ng mga taong tumutuligsa sa nasabing programa. Isa man
itong malaking pagbabago sa ating nakagisnan, ngunit hindi dapat tayo matakot o
mangamba. Sa halip, dapat tayong matuwa na may nangyayaring progreso sa ating
bansa. Sa kalaunan, tayo rin lamang lahat ang makikinabang. Ang maimumungkahi ko
lamang ay ating baguhin ang ating negatibong mindset. Oras na para tignan natin ang
mga bagay-bagay sa positibong paraan at magkaisa tungo sa pag-unlad ng Pilipinas.
Para naman sa tagapagpatupad ng programa, maimumungkahi kong suriin nilang
mabuti ang bawat pampublikong transportasyon – kung sumunod nga ba ang mga
ito sa mga kinakailangan – bago pahintulutang magbiyahe nang sa gayon ay maging
maayos ang pagpapatupad sa programa at magampanan nito ang papel nito.

Ampy Angela Pre

30
Posisyong Papel
“Ang representasyon ng mga Mental Illness sa Media”

Sa kasalukuyan, ang isyu ng mental illness ay napapanahon. Dahil dito samu’t


saring mga palabas at mga libro ang nagawa upang kumatawan sa mga taong
nakararanas ng mga mental illness, gaya na lamang ng “Lady Dynamite”, “All the
Bright Places”, at iba pa. Subalit, ang mga ito ay may halong kontrobersya at debate
sa masa sa kadahilanan na ang mga kwentong ito ay imbis na magpaunawa sa iba
tungkol sa mga karanasan ay sinasabing mas pinaalala pa ito at niroromantisa. Sinasabi
rin na ang mga pagkalat sa mga ito ay nanghihikayat na gayahin ang mga gawain na
inilalarawan gaya ng pagkitil ng sariling buhay, pananakit sa sarili, at iba pa. Sa kabila
ng mga panayam na sinasabi tungkol sa isyu na ito, hindi ako sumasangayon.

Sa tingin ko ang pagrepresenta sa mga taong nakararanas ng mental illness sa


pamamagitan ng media, gaya ng pagpapahayag ng kanilang mga karanasan, ay mas
nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan sa lipunan. Dahil sa mga
palabas at mga libro na ating nakikita o nababasa, mas naiintindihan natin ang mga
nararamdaman ng mga taong dumaranas sa ganitong kalagayan.

Ang representasyon ay nakatutulong upang bigyan tayo ng sulyap kung ano nga
ba ang naidudulot ng malubhang sakit na ito. Ipinakikita rin na ang mental illness ay
nakaaapekto hindi lamang sa taong mayroon nito ngunit pati na rin sa kanilang mga
pamilya, kaibigan, at iba pa. Isa sa mga magandang halimbawa ay ang pelikulang
“It’s Kind of a Funny Story”. Ipinakita rito ang karanasan ng isa sa mga karakter
,na nagngangalang Bobby. Sa unang parte ng kwento siya ay may masayahing
personalidad ngunit naisiwalat na siya ay nagtatangkang magpakamatay ng anim na
beses at dahil dito unti-unting nasira ang kanyang relasyon sa sarili niyang pamilya.

Ang representasyon din ng mga taong nakararanas ng mental illness sa media
ay nanghihikayat na pag-usapan ang paksang ito. Halimbawa ay pagkatapos
maipalabas ang kontrobersyal na seryeng “13 Reasons Why” dahil sa mga grapikong
eksena, ito ay nagkaroon ng malaking debate sa mga nanood sa palabas. Ngunit, ang
seryeng ito ang naging daan para sa iba upang tumulong at kausapin ang mga taong
nagpapakita ng mga senyas ng mental illness. Nakatulong din ito sa mga kabataan na
nakaramdam ng parehong mga karanasan dahil napagtanto nila na hindi pa huli ang
lahat at mayroon pa ring taong makikinig sa iyo.

Ang mental illness ay isang malubhang sakit na hindi lamang dapat hinahayaan.
Sa pamamagitan ng media, ito ay nakatulong sa pagkalat ng impormasyon dito.
Bagama’t sa likod ng mga debate patungkol sa paksang ito, ako ay naniniwala na ang
representasyon sa mga taong ito ay nangangailangan ng boses para maipahayag ang
kanilang mga karanasan na siyang daan patungo sa pagsimula ng pag-uusap kung
paano lulutasin ang problemang ito. Dahil sa pagtatapos ng araw, ang ating layunin ay
dapat tulungan ang ating mga kapwa at ipaalam natin na hindi sila nag-iisa sa kanilang
paghihirap na laging may taong pwedeng sandalan sa panahon ng paghihirap.

Nicole Jade Paderes

31
Posisyong Papel
Posisyong Papel: #KiddieMeal

Ang Kiddie Meal ay kilalang serbisyo ng Jollibee na laging kinatutuwaan ng mga


bata dahil sa mga laruang kasama ng pagkain. Ngunit, sa likod ng inosenteng mga
salitang kiddie meal ay makikita ang paglaganap ng child pornography sa Twitter,
isang sikat na social media platform. Ang mga kabataan na mula sampung taong
gulang pataas ay malayang ibinebenta ang kanilang sarili sa paggamit ng hashtag
na #kiddiemeal kasama ang mga maseselang litrato o bidyo. Sa bawat litrato o bidyo
ay kumikita ang mga kabataan mula sa limang daang piso pataas na ibinabayad ng
mga pedophiles. Ako ay naninidigan na dapat mas bantayan ng mga magulang ang
online activities ng mga kabataan para sa kanilang kaligtasan at paigitingin ng mga
awtoridad at mga guro sa pagmulat sa mga kabataan ang mga kapahamakan na
dulot ng internet.

Noong taong 2016, ang UNICEF o United Nations Children’s Fund, ay iniulat na ang
Pilipinas ay nangunguna sa pinanggagalingan ng mga child sexual abuse materials o
child pornography. Kamakailan lamang ay may nawawalang labing-anim na taong
babae sa Baguio City at nang imbestigahan ng mga kapulisan ay nahuli nila ang suspek
na isang lalaki na nakilala lamang ng babae sa Facebook. Kaakibat ng modernisasyon
ay ang responsibilidad ng mga magulang na bantayan ang mga online activities ng
kanilang mga anak upang sila’y maging ligtas.

Ang bilang ng mga pedophiles ay tumataas sa buong mundo buhat ng internet


kung saan ay matatagpuan ang kahit anong nais. Ang kanilang target ay ang mga
minorya na nakikita nilang madadaling manipulahin. Ang mga kaisipan ng kabataan
ay madaling mabago ng kahit sinong nang-iimpluwensiya at wala pa sila sa wastong
edad upang mapagtanto ang negatibong epekto ng child pornography. Ang mga
kinauukulan ay dapat makipagtulungan sa mga telecom at social media platforms sa
pagpapaigting ng kampanyang laban sa child pornography.

Ang paaralan ay ang pangalawang tahanan at kung ano ang itinuturo sa


tahanan ay dapat ituloy sa paaralan. Ang DepEd at Anti-Cybercrime Group ay dapat
magsagawa ng mga seminar sa mga guro at mga estudyante patungkol sa mga
responsibilidad sa wastong paggamit ng Internet.

Hindi masama ang paggamit ng teknolohiya dahil ito ay simbolismo na ang


mga tao ay sumasabay sa modernisasyon ngunit ang isang gumagamit ay dapat
alam ang mga panganib na maaaring dala nito. Sa pagsugpo laban sa child
pornography at mga pedophiles ay dapat magtulungan ang mga mamamayan. Ang
mga magulang ay dapat gabayan at bantayan ang kanilang mga anak. Ang mga
kapulisan ay dapat makipagtulungan sa iba’t ibang sangay upang mahuli ang mga
lumalabag sa karapatang pantao ng mga bata. Ang pagpapakalat ng kamalayan sa
mga guro at mga estudyante ng DepEd at ng Anti-Cybercrime Group ay dapat mas
paigtingin upang lalong mabantayan ang mga kabataan at hindi sila mapariwara sa
kanilang buhay na ibinebenta na lamang ang sarili kapalit ang pera na mawawala
rin. Sa simpleng pag-ulat sa mga tweets na naglalaman ng maseselang litrato o
bidyo ay nakakatulong na upang mabawasan ang problema. Tayong lahat ay may
responsibilidad upang pangalagaan ang pag-asa ng bayan, ang mga kabataan.
Huwag natin silang hayaang masira ang kanilang buhay dahil sa pagmanipula ng mga
pedophiles bagkus ay dapat nating tulungan.

Lois Polvoriza

32
Posisyong Papel
Ang Rehabilitasyon at Pagsasara sa Baguio City

Ang Lungsod ng Baguio ay tinagurian bilang Summer Capital of the Philippines


dahil sa malamig nitong klima, magagandang atraksyon, at sa magiliw nitong
komunidad. Ayon sa 2015 Census, ang lungsod ng Baguio ay namamahay ng 345,336
na tao at isa na rin itong Educational Center of the North kung saan bukas para sa
mga mag-aaral galing sa buong Pilipinas upang magkapag-aral sa mga matataas ng
mga paaralan kagaya ng Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng Baguio, Unibersidad
ng Cordillera, at Saint Louis University. Iniulat ng Sunstar Baguio na mayroong pagtaas
na 17.52% sa turismo noong 2017, at ngayong padating na ang Panagbenga, ang
populasyon ng lungsod ay tataas pa lalo. Ang aking katayuan patungkol sa pagsara sa
Baguio City para sa rehabilitasyon ay depende sa paano ito maisasagawa sa paaraan
na hindi maapektohan ang kabuhayan ng mga taga-Baguio at ang paraan ng
pamumuhay nila.

Maraming positibong kuro patungo sa pag-angat ng turismo, ngunit, ito ba
ay mas mahalaga kaysa sa ating kalikasan na nasisira na? Ang mga pine trees ay
isang sangkap ng Baguio at sila ang dahilan kung bakit malamig ang klima, ngunit
dahil sa urbanisasyon na nagaganap, ang Baguio ay umiinit na. Mula sa World Health
Organization noong 2014, naiulat na ang Lungsod ng Baguio ay isa na sa mga may
pinakamaruming hangin sa Pilipinas. Hindi lamang sa hangin nagkakaroon ng problema,
ngunit pati na ang tubig ng Baguio ay nauubos, at ito ay tuluyan nang mauubos sa 2025
kapag hindi pa maiayos ang mga reserba ng tubig.

Dahil sa mga ekolohikal na pagkasira na nakapinsala sa Baguio, may plano
ang pamahalaan ng Baguio ng rehabilitasyon at pagkasara nito dahil sa nakitang
magandang kinalabasan ng rehabilitasyon sa Boracay at Manila Bay. Ngunit mayroong
mga ilang kahadlangan tulad ng hindi kaagad-agad ito maisasara dahil halos lahat
ng pagmamay-ari dito ay pribado at hindi tulad ng Boracay na ang gobyerno ang
nagmamay-ari. Hindi ito halintungan sa pag-aayos ng lungsod dahil nagbigay ng mga
ideya at proseso ang DENR at DOT.

Sa pagtitingin at paghahanay ng mga datos at mga balita, dapat talagang
mayroong tumulak sa ating gobyerno na sa madaling panahon nilang umpisahin ang
rehabilitasyon ng lungsod. Nawawala na ang tanyag na ningas ng Baguio, na ito na ay
nawawala sa mga daluyan ng kalsada ng Session. Ako’y talagang naniniwala na ang
lungsod na aking kinagigisnan ay hindi na magiging tampok sa mga turista kung hindi
gumawa ng aksyon ang pamamahala na manatili ito bilang isang destinasyon para sa
mga dumadayo ng lungsod na ito.

Ang Baguio ay siksikan at puno ng polusyon na halos ito na ang lumalabas sa mga
sasakyan at hindi tulad ng dati na makakapal na hamog na pumapalibot sa lungsod.
Mahirap na rin ang pagkuha ng tubig dahil sa mga “pollutants” na unti-uning nagsisira
na sa mga suplay nito. Mayroon ding mga kaso na pagbabaha sa mga ilang barangay
na nakasisira sa mga maliliit na mga panirahan. Ang pagtaas din ng mga gumagamit
ng sasakyan ay nagdudulot ng matitinding trapiko tulad sa Session.

Imposibleng maisasara ang Baguio dahil ito ay lugar ng pangangalakal at


dito umaasa ang mga turista dahil halos lahat ng negosyo ay nakaugnay sa mga
turista at mga hotel. Ngunit may iba’t ibang mga paraan upang hindi mawala ang
pinagmumulan ng ekonomiya ng lungsod habang ito’y nasa ilalim ng rehabilitasyon.
Ang pagbibigay ng trabaho sa gubyerno ay makapagpahaba lamang sa
rehabilitasyon. Naniniwala ako na ang pagbabago na hinahanap ng mga taga-
Baguio ay nais na makamit ay nagsisimula sa sambahayan at komunidad ng bawat
isa. Palakasin ang mga programa upang bawasan ang basura, muling paggamit, at
i-recycle ang basura sa lungsod at hikayatin ang inisyatibo mula sa mga sambahayan
at komunidad na makibahagi sa napananatilin at makabagong mga kasanayan sa
pamamahala ng basura.

33
Posisyong Papel
Bilang isang mag-aaral, maaari kong tulungan ang lungsod ng Baguio sa
paglalakad o pagsasamantala sa pampublikong transportasyon upang mabawasan
ang “carbon emissions” na nanggagaling sa mga kotse. Maaari ko ring bawasan ang
paggamit ko ng plastik upang itigil ang labis na pagpuno sa landfill sa Irisan. Ngunit
naniniwala ako na ang pinakamalaking tulong na magagawa ko ay ang kamalayan
upang mabawasan ang paggamit ng plastik, tumigil sa pagkuha ng basura, at itaguyod
ang kalinisan ng lungsod. Ito ay hindi lamang matutulungan ang lungsod, ngunit ito rin
ay ang makababalik ng integridad sa Baguio patungkol sa pagiging malamig at malinis.
Ang turismo ay hindi lamang magiging booming ngunit makatatulong din ito sa mga
turista na sundin ang kultura na pagtapon sa kanilang mga basura sa mga itinalagang
lugar o simulan ang paglalakad sa halip na magdala ng kanilang mga sasakyan sa
lahat ng dako.

Naniniwala ako na ang Baguio ay kaya pang iligtas ng buong komunidad, at sa


tulong ng gobyerno, kikilos sa pinakamaagang panahon na posible. Sa pamamagitan
nito, maaari nating mabawasan ang polusyon sa hangin sa Session Road o itigil
ang panganib ng pagkawala ng tubig sa 2025. Ang kooperasyon at mahigpit na
pagpapatupad ang mga susi sa pagpapanatiling buhay ang Baguio. Hindi lamang ang
lunsod at ang mamamayan ang makikinabang dito, kundi pati na rin sa darating na
mga susunod na henerasyon.

Gabriel Hernandez

34
Posisyong Papel
Pictorial
Essay
Pictorial Essay ni Gabriel
Hernandez, Lois Polvoriza,
at Tristan Ramos

36
Pictorial Essay
37
Pictorial Essay
Pictorial Essay ni Ampy Pre,
Jade Paderes, Georgette Ang,
Syrene Landingin at Jaybie
Ananayo

38
Pictorial Essay
Travel

STORY
STORY
Mt. Yangbew: A Ravishing View
ni Ampy Pre
Natutulog pa lamang ang lahat, tahimik,
at madilim pa maliban sa mga ilaw na
nagmumula sa mga bahay at mga gusali
na para bang mga bituin sa malayuan,
nagsimula na kami sa aming paglalakbay
sa araw na iyon. Hindi ko maikakaila na ang
pag-akyat ng bundok sa ganitong oras ay
hindi madali, ngunit ito ang pinakatamang
desisyon sapagkat aming nasaksihan ang
dilim at liwanag na unti-unting nagtatagpo
habang gumigising ang araw; aming
nasilayan ang pagsisimula ng isang bagong
umaga.

Ang Mt. Yangbew ay matatagpuan sa Brgy. Tawang sa La Trinidad, Benguet.


Kilala ito noon bilang Mt. Jambo dahil ginamit ang lugar na ito para sa National Scout
Jamboree ng Boy Scouts ng Amerika sa panahon ng mga Amerikano. Binansagan
ding “the little Pulag”, hindi binigo ng Mt. Yangbew ang aking mga inaasam-asam na
masaksihan. Ang mga kulay rosas at lila na nasa himpapawid na wari’y mga koton
kendi ay dahan-dahang nagiging kahel at asul, nagmimistulang isang larawan o obra
maestra. Masyado itong marikit na tanawin para hayaan lamang na lumipas. Kaya
naman, hindi ko napigilan ang aking sarili na kunin ang aking cellphone para ito ay
kunan ng napakaraming litrato. Tila ba’y nag-aalala ako na baka hindi ko makuhanan
ito nang maayos.

Marami-rami ring mga turista ang aming nakasabay na umakyat ng Mt.


Yangbew — may mga magkakaibigan, magkasintahan, at magkakapamilya. Sa
tuktok, matatanaw mo ang buong Baguio at
ang La Trinidad. Sa ganitong view, hindi ko
maiwasang maramdaman na napakasarap
lamang huminga. Sapagka’t napakalayo
mo sa lahat — sa gulo, sa stress, sa mga
problema. Sa wakas, kahit sa loob lamang ng
ilang oras, malaya ka. Malaya kang sumigaw,
umiyak, at ilabas lahat ng iyong hinanakit at
tinatagong damdamin. Payapa ang lugar na
ito; mainam para magpahinga at kumalas
muna sa mga gapos ng realidad.

Ang paggising nang maaga at pag-akyat ng bundok, kabilang na ang


ginaw, dilim, at ang aking iniindang sakit — lahat ng ito ay napalitan ng tuwa at
pagkamangha nang ami’y masilayan ang ganda ng tanawin sa tuktok ng Mt.
Yangbew. Ito ang aking unang beses na umakyat ng bundok kaya noong una ako
ay nag-aalinlangan. Sulit nga bang magpakapagod para dito? Hindi ko inaasahan
na ganito ang aking mararanasan. Hindi sapat ang kahit anong letra at salita para
ipaliwanag ang aking naramdaman noong umagang iyon. Isa itong pakiramdam na
hindi pamilyar sa akin; noon ko lamang ito naramdaman.

Ganitong mga bagay ang nag-uudyok sa akin para ipagpatuloy ang buhay.
Marami pa akong mga tanawin ang hindi nasisilayan. Maraming damdamin pa ang
ibibigay ng mga ito sa akin — mga damdaming mag-aalab ng iba’t-ibang bagay
sa aking sarili. Ito ang aking unang beses na umakyat ng isang bundok, ngunit ako’y
sigurado na hindi ito ang magiging huli. Totoo nga ang sinasabi nilang, “The best view
comes after the hardest climb.”

40
Travel Story
Lakbay sa Baybayin
ni Jade Paderes

Sa tuwing ang aking pamilya ay tutungo sa aming probinsya, isa sa mga


tanawing nadadaanan ay ang Suso beach na matatagpuan sa Sta. Maria, Ilocos
Sur. Bagama’t ito ay matatagpuan malapit sa highway at simple lamang, mayroon
itong taglay na kagandahang hindi kumukupas. Simula nang ako ay bata pa,
ang baybaying ito ang isa sa mga bagay na aking inaabangan tuwing kami ay
bumabyahe. Naantig ako sa asul na kulay ng tubig na siyang mas lalo pang nailantad
dahil sa malaputi na buhangin nito.

Ang tunog ng alon na siyang tumatama sa tabing dagat at ang hangin na


nagmumula rito ay isa pa sa mga bagay na aking hindi makakalimutan. Isang tingin
lamang dito at tila ba ay nalusaw lahat ng mga problema gaya ng pagbalik ng tubig
sa dagat.

Kahit ito ay dinaraanan lamang sa mga biyahe, para sa akin, ang pakiramdam
na makita at matunghayan ang ganda nito ay tiyak na nakakawala ng pagod.

41
Travel Story
Langit, Lupa Ulap, Impyerno
ni Lois Polvoriza

Ang pangarap at hirap ay laging magkasama at hindi pwedeng maghiwalay.


Madaling araw at ang mga magkakaibigan ay naghahanda para sa isang
hiking na siguradong hindi nila malilimutan dahil sa kasiyahan. Ang Mt. Ulap ay
isang ginto ng Itogon, Benguet dahil sa mga magagandang tanawin at
malamig na hangin na sumasalubong sa mga hikers. Mabato at sementadong
daanan, at damuhan ang tinahak nila para makaakyat sa itaas ng bundok.
Langit, dahil hindi nila malilimutan ang mga magagandang tanawin na
nakapaligid sa kanila at ang taas ng mga bundok na malapit na sa kalangitan.
Ulap, dahil sa mga puti at asul na ulap na nakakatanggal ng pagod kapag
nakikita kasabay ng tirik na araw kaya kinailangang uminom ng tubig.
Impyerno, dahil hindi biro ang pagod at hirap sa pagakyat ng tatlong bundok
na napunan rin ng mga nakakabusog na tawa at napakatamis na mga ngiti.
Matapos ang higit pitong oras na pagakyat at tatlong bundok at napakaraming
pahinga dahil sa kapaguran ay nakababa na sila sa camping site kung saan
ang mga makukulay na tent ay makikita. Ang mga magkakaibigan ay kami ng
aking mga kaklase na kung saan ay binalak talaga naming mag-hiking upang
makapag-unwind. Kahit kami ay sobrang napagod, napuno naman kami ng
masasayang alaala sa Mt. Ulap.

42
Travel Story
Simula ng Pagbabago
ni Gabriel Hernandez
Isang malamig na umaga ang aking
nagisnan. Alas-tres pa lamang ng
umaga kaya nanonoot pa ang lamig
sa aking mga buto ngunit kailangan
ko na bumangon dahil mayroon pa
akong susunduin na mga kaibigan.
Kami ay pupunta sa Mt. Yangbew sa
La Trinidad, gusto naming masilayan
ang bukang liwayway at ang mga
makakapal na ulap na yumayakap sa
mga bundok. Wala pang isang oras
at nakarating na kami sa paa ng Mt.
Yangbew.

Ang sumalubong samin ay ang matarik na


daanan na paakyat sa simulan na mag-
hike, mahirap ang simula ng pagakyat
namin, madilim, matarik, at mabato kaya
nangangapa kami paakyat. Ngunit sa
paglipas ng oras at sa bawat hakbang ay
napapawian ng preskong hangin. Wala
pang isang oras ay malapit na kami sa
tuktok ng Mt. Yangbew. Ang mga kulay sa
kalangitan ay unti unti nang lumilitaw na
parang isang larawan na tinatapos. Palapit
kami nang palapit sa tuktok ng bundok,
mayroon na ring mga tao doon na nauna at sila rin ay hinihintay ang bukang
liwayway.

Patakbo na ang aking paglakad, sa bawat hakbang ko ay dumagadugdog


sa aking puso. Ang aking nakita ay nakakapigil-hininga, ang mga ulap na
nagmimistulang dagat sa aking mga paa. Sa distansya ay nakikita ko ang bayan
ng La Trinidad, sa bawat lingon ko ay puro bundok at ulap lamang. Ang aking
naiisip lamang ang gano kaganda yung kalawakan, yung hangin na yumayakap
sakin na parang sinaunang Baguio. Paglabas ng araw sa likod ng ulap, ang init
ng araw ay parang yakap ng nanay ko. Sinulit naming ang oras naming doon,
nagtawanan at nagkwentuhan.

43
Travel Story
Replektibong

Sanaysay
Sanaysay
AMPY ANGELA R. PRE 12 - ARISTOTLE

REPLEKTIBONG PAPEL
Nang hindi matawag ang aking pangalan
sa listahan ng mga nanalo, ako ay
nadismaya sa aking sarili. Inaasahan ko
na itong mangyari, ngunit hindi pa rin
nawawala ang sakit. Sumagi rin sa aking
isipan na hindi talaga para sa akin ang
Ang aking mga ganitong bagay dahil wala naman
paglahok sa ako ng mga kinakailangang skills.
ganitong
patimpalak ay
"Hindi sa lahat
isang magandang
ng laban ay
karanasan.
ikaw ang
Masasabi ko na Unang beses kong lumahok sa magwawagi.
ako ay nag-enjoy
isang indibidwal na patimpalak Subalit, kung
at nagkaroon ako
mayroon kang
ng mga bagong sa isang Press Conference
aral na napulot
kaalaman ukol sa noong ako ay nasa ikalimang mula rito, ito ay
pagsusulat.
Ngunit, siguro ay baitang, ngunit ako ay hindi katumbas na rin
ng isang
hindi lamang ako pinalad.
masyadong
tagumpay."
nakapaghanda
para dito. Kulang
ako sa Kung mauulit man ang pangyayaring ito,
pagsasanay. titiyakin ko na paghahandaan ko na itong
mabuti. Magsisikap ako sa pagsasanay at
hindi ako mawawalan ng pag-asa. Susuko
lamang ako sa oras na naibigay ko na ang
lahat ng aking makakaya.

Ampy Angela Pre


45
46
47
48
mEMORANDUM

aGENDA
aGENDA
Katitikan
Katitikan

Ng
Ng

Pagpupulong
Pagpupulong
Panukalang
Panukalang

Proyekto
Proyekto
Press

Release
ENERGY-SAVING TREES IN BAGUIO CITY

Agosto 26, 2019


FOR IMMEDIATE PRESS RELEASE
Baguio City, Philippines

Ika-03 ng Mayo ay iprinesenta ng Environment Corporation ang kanilang proyektong


Energy-Saving Trees.

Iprinesenta ng kumpanyang Environment Corporation ang kanilang proyekto kung saan sila ay
magtataning ng mga puno sa Baguio City upang mapalitan ang mga naputol na puno sa pagtatayo ng mga
iba’t-ibang gusali. Makakatulong rin ang mga puno upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa Baguio
City, mabawasan ang mga kaso ng air-pollution related na mga sakit, at makatipid sa pagkonsumo ng
enerhiya.

“Ang Baguio City dati ay makikitaan ng maraming puno ngunit dulot ng modernisasyon ay
maraming pinutol na puno para sa mga pagtatayo ng mga iba’t-ibang gusali kaya naman ay hindi na
ganung kabuti ang kalidad ng hangin sa Baguio City. Patuloy rin ang pagtaas ng singil sa presyo ng
enerhiya kaya naman ang mga energy-saving trees ay lubos na makakatulong sa lungsod na ito,” ayon sa
CEO ng kumpanya, Ampy Pre.

Ipinaliwanag din ng residential doctor ng kumpanya, Dr. Jade Paderes, ang kahalagahan ng mga
puno dahil sa kasalukuyan, ang Baguio City ang isa sa mga pinakamadumi ang hangin sa rehiyong CAR,
at ang maduming hangin ay nakakadulot ng mga sakit na maaaring nakakahawa o nakakamatay.

Sa katatapos na pagpupulong noong ika-01 ng Mayo, ay nakipag-partner ang Environment


Corporation sa Arbor Day Foundation upang mapondohan ang Php 100 Million para sa mga
kasangkapang gagamitin, at mga itatanim na puno.

Ang Environment Corporation ay isang kumpanyang sinusuportahan ang pagiging maka-


kalikasan at makatao sa pamamagitan ng pagbuo ng mga proyekto na makakatulong sa kalikasan at mga
tao at kasabay nito ay moderno na ang pamamaraan ng mga proyekto.

Email address: environmentcorp@gmail.com


Contact no: 442 2341
GLOSARYO
MGA
Sanggunian
Sanggunian:
>Mercurio, R. (2019). Banks ready to extend financing for PUV modernization program.
Hinango
mula sa https://www.philstar.com/business/2019/01/16/1885365/banks-ready-
extend-financing-puv-modernization-program#6oWi4g3UltBwguD6.99 noong Pebrero 23,
2019.

>Francisco, K. & Sy, K. (2017). New jeepneys under PUV modernization program. Hinango

mula sa https://www.rappler.com/move-ph/issues/road-safety/185554-new-
jeepney-puv-modernization-program-pictures noong Pebrero 23, 2019.

>N.A. (2017). Use of modern jeepneys to lessen road accidents – DOTr. Hinango mula sa
https://ph.news.yahoo.com/modern-jeepneys-lessen-road-accidents-113014880.html
noong Pebrero 23, 2019.

> Barrett-Ibarria, S. (2017, November 28). ‘Lady Dynamite’ Takes the Crazy out of Mental
Illness. Retrieved from https://tonic.vice.com/en_us/article/59ynm5/lady-dynamite-more-
realistic-portrayal-mental-illness

> Chorneyko, T. (2017, May 23). 13 Reasons Why sparks important conversations. Retrieved
from https://www.copemanhealthcare.com/resources/13-reasons-why-sparks-important-
conversations

> NAMI. (n.d.). Retrieved from https://www.nami.org/Blogs/NAMI-Blog/December-2017/


The-Best-Movies-About-Mental-Health

> Russell, O. (n.d.). TV show ‘13 Reasons Why’ sparks conversation about depression
and suicide. Retrieved from https://www.knoe.com/content/news/TV-show-sparks-
conversation-about-depression-and-suicide-483083541.html

>Escobar, M. (2018). Filipino Twitter Shows Our Children Being Sexualized and Sold.
Retrieved from https://www.esquiremag.ph/long-reads/features/filipino-twitter-has-a-dark-
side-too-mdash-and-it-shows-humanity-at-its-worst-a1513-20180824-lfrm2

>PAP,. (2014). Resolution of the Psychological Association of the Philippines on Gender-


Based Violence and Violence Against Women (VAW). Philippine Journal of Psychology, 47
(2), 153-156.

>Booth, Z. at Gerard, J.M. (2011). Self-esteem and academic achievement: A comparative


study of adolescent students in England and United States. Hinango mula sa https://www.
ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3779915/#__ffn_sectitle noong Pebrero 08, 2019.

>Batra, R. K., Ghoshal, T., & Raghunathan, R. (2017). You are what you eat: An empirical
investigation of the relationship between spicy food and aggressive cognition. Journal of
Experimental Social Psychology, 71, 42-48. doi:10.1016/j.jesp.2017.01.007

You might also like