You are on page 1of 3

Harold Keith A.

Layan
PCED – 03 – 301P
PAGTUTULAY

Panuto: Pumili ng tatlong (3) saliksik na interesante para sa iyo o nakaayon sa iyong kurso. Tiyaking ang
mga ito ay magkakaugnay na saliksik, kung hindi man, tiyakin na lamang na ang mga ito ay may
magkakatulad na tema. Mula rito, bumuo ng tatlong (3) deskriptibong abstrak na maaaring magpakilala
sa mga ito. Inaasahang taglay ng mga abstrak na ito ang deskripsyon sa tesis na limitado sa kaligiran,
layunin, at paksa ng papel. Bumuo ng isang paglalahat sa mga paksang maaaring buoin sa iyong kurso.

Saliksik 1 Mga Mananaliksik Quijote, Terce, Sevilla at Agbones


Pamagat ng Saliksik Ang wikang Filipino sa Makabagong Panahon
Abstrak Sa patuloy na paglipas ng panahon, lumalaganap na ang ilan sa mga
makabago at tinatangkilik na Wika sa ating bansa, isa sa mga lubusan nitong
nabago ay ang pananaw ng mga kabataan sa Sariling Wika. Ang pananaliksik
na ito ay isinagawa para sa layuning malaman ang mga kasagutan kung ano
na nga ba ang kalagayan ng Wikang Filipino sa Makabagong Panahon.
Inilagay rito ang mga dahilan kung bakit pabago-bago ang Wikang Filipino at
ano-ano ang mga nagpapabago sa pananaw ng mga kabataan. Natukoy na
isa ang Teknolohiya sa dahilan kung bakit nagbago at nakaligtaan ng
karamihan sa kabataan ang Wikang Filipino sa kasalukuyan. Sinuri rito ang
mga bagay na nagiging hadlang sa paglinang ng Sariling Wika at sinasabing
hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang importansya at kahalagahan
ng Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na mayro'n sila at
dapat pang linangin upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang
Filipino. Nangalap sila ng mga datos mula sa mga nauna pang pag-aaral na
nagsasabing "Ang Sariling Wika ay paunti-unti nang kumukupas dahil sa
pagtangkilik ng karamihan sa mga banyaga". Ang Wikang Filipino ay siyang
nagbibigay sa atin ng talino, ngunit kung ito'y patuloy na babalewalain at
hindi tatangkilikin, maaari itong mapag-iwanan at tuluyang makalimutan.

Saliksik 2 Mga Mananaliksik Miguel, Lumibao, Digawan, Castro at Recto


Pamagat ng Saliksik Sikolohikal, emosyonal, Pisikal at espiritwal na epekto ng Musika sa mga
kabataan.
Abstrak Sa pabago-bagong sitwasyon na kinahaharap ng ating lipunan, patuloy ring
nakikisabay sa agos ang Musika. Sinasabing ang Musika ay isang sining na
nakapagpapabago ng nararamdaman ng isang tao dahil sa taglay nitong
kakintalan sa nilalaman. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang
mga katanungan hingil sa impluwensyang naidudulot ng makabagong
musika sa pag-uugali ng mga kabataan, ang makabagong musika ba’y
nakatutulong o nakasasama sa kanila sa emosyonal, sikolohikal, pisikal at
espiritwal na aspekto ng buhay. Kung ating susumain, malaki na ang
pinagbago ng ating musika lalong-lalo na sa nilalaman nito, hindi posibleng
ang musika ay maging dahilan ng pagbabagong nagaganap sa mga kabataan
kung bakit sila napaririwala sa buhay. Ang pag-aaral na ito’y nakapangalap
ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipagpanayam gamit ang
talatanungan upang malawak nilang maunawaan ang posibleng epekto ng
makabagong musika. Nagsagawa rin ng obserbasyon bilang isa rin sila sa
sakop ng kanilang pananaliksik. Batay sa naging kinalabasan ay sinasabing
ang Makabagong Musika ay lubos na nakaaapekto sa pag-uugali ng mga
kabataan sa paraang ang mga masasamang salita rito tulad ng mura ay
nagagamit nila sa iba’t-ibang pagkakataon.

Saliksik 3 Mga Mananaliksik Basilio at Lim


Pamagat ng Saliksik Epekto ng Paggamit ng kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga mag-
aaral.
Abstrak Isa sa mga salik na mapagkukuhanan ng kaalaman ay ang mga elektronikong
kagamitan tulad ng kompyuter, itinuturing itong katuwang ng mga mag-
aaral upang makalikha at makahubog pa ng kaalaman. Sa pagsabay rin ng
mga pagbabago, naiiba ang dahilan at gamit ng kompyuter sa mata ng mga
mag-aaral, ang karamihan ay mas inaatupag na maglaro imbis na gawin ang
gawaing pampaaralan. Sa pag-aaral na ito ay binibigyang tuon kung ano-ano
nga ba ang mga salik na nakatutulong upang maiwasan o mapalitan ang
maling gawi ng mga mag-aaral hingil sa komyuter. Ito ang naisip pagtuonan
ng pansin dahil hangarin ng mga mananaliksik na palawigin pa ang kaalaman
at pananaw ng mga kabataan sa kahalagahan at dapat tungkulin ng
kompyuter sa akademikong salik. Sa pangangalap ng impormasyon, dahil
ang pananaliksik ay isang palarawan, gumamit ang mga mananaliksik ng
obserbasyon, talatanungan at pagkuha ng datos sa mga naunang pag-aaral
gayundin ng mga datos sa aklat dahil ang kanilang paksa ay may kinalaman
sa edukasyon. Sa tulong nito ay natukoy na ang palagiang pagbabasa ng
aklat ay isa sa mga salik na makatutulong sa maling gamit ng kompyuter,
gayundin ang tamang pamamahala ng oras upang hindi makasagabal ang
panlibang na pakay sa paggamit ng kompyuter sa akademikong paraan.
Inaasahan na sa susunod pang pang pag-aaral ay mas makabubuti kung
pagtuonan din ng pansin ang masamang epekto ng komyuter at hindi
lamang ang salik sa pagbabago ng mali gawi ng paggamit nito upang
maglunsad pa ng mas malawak na kaalaman ang mga tagapakinig at
tagabasa sa impluwensyang hatid ng komyuter.

Paglalahat Ang tatlong pananaliksik na ito ay may kaugnayan sa makabagong panahon,


ang patuloy na pagbabagong nagaganap ay may kaakibat na epekto sa iba't-
ibang larangan tulad ng edukasyon, wika, musika at teknolohiya, dahil dito’y
ang mga mananaliksik ay nais bigyan ng tuon ang mga pagbabagong
nagaganap dito lalo na’t malaki ang epektong dulot nito sa mga kabataan.
Nais ipabatid na sa bawat pagbabago, anuman ang maling epekto ay may
kaakibat pa ring lunas upang ito’y maagaran at hindi na lumala. Sa mga
ganitong pananaliksik, ang madalas nilang tema ay may kaugnayan sa
akademikong sitwasyon ng mga bata, gayundin sa kanilang pag-uugali dahil
laging nakaakibat dito ang pasanin pangkatayuan ng isang kabataan,
kabataan ang laging pakay dahil ayon nga sa isang pananaliksik, ang mga
kabataan ang kadalasang naaapektuhan ng pabago-bagong kalagayan ng
ating kapaligiran. Dahil ito’y mga pananaliksik, nakapabilang ito sa iskolarling
batis upang ang mga kukuhaning kaugnay na pag-aaral ay makatwiran at
mabisa sa dahilang mga iskolar at guro ang nangunguna rito. Gumamit din
ng mga primaryang batis at sekondaryang batis upang maipakita na ang pag-
aaral ay naaayon sa panahon, kinasasangkutan kasi ito ng pakikipanayam,
obserbasyon at pagkuha ng kaugnay na kaalaman sa mga aklat bilang
pagpapatibay sa isinasagawang pananaliksik. Sa usapin naman ng kalakasan
at kahinaan ng mga pag-aaral na ito, lahat sila’y taglay ang kalakasang
makapanghikayat ng mga tagapakinig dahil ang paksa ay naaayon sa
panahon. Samantalang may tatlo rin itong kahinaan, una, hindi sapat ang
mga datos na pinagkuhanan dahil ang ilan sa mga ito’y pag-aaral pa noong
nakaraang 10 taon. Ikalawa, ang pag-aaral ay hindi pulido dahil kapansin-
pansing limitado lamang ang oras na kanilang nilaan sa pangangalap ng
impormasyon. At panghuli, hindi masyadong napagtuonan ang ilang bagay
sa bawat paksa dahil na rin sa lawak ng sakop nito, bilang resulta ay may
kakulangan sa kabuoang datos ng pananaliksik. Gayunpaman ang naging
resulta ay ang mga nasagawang pag-aaral na ito ay lubos na makatutlong sa
mga susunod pang mananaliksik upang magbigay gabay at aral sa mga
limitasyong naganap sa naunang pananaliksik.

Mga sanggunian:

https://vjntwika16-wordpress-
com.cdn.ampproject.org/v/s/vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-filipino-sa-
makabagong-panahon-isang-pananaliksik/amp/?amp_js_v=a6&amp_gsa=1&usqp=mq331AQFKAGwASA
%3D#aoh=16035475090282&referrer=https%3A%2F%2Fwww.google.com&amp_tf=From
%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F%2Fvjntwika16.wordpress.com%2F2016%2F11%2F08%2Fang-
wikang-filipino-sa-makabagong-panahon-isang-pananaliksik%2F

https://www.academia.edu/5939596/Pamanahong_Papel

https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERPOR
MANS_NG_MGA_MAG_nn

You might also like