You are on page 1of 3

FILIPINO 9

PANG-UGNAY

Ang pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o


pangungusap. May tatlo itong uri – ang pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol. Pinagdudugtong nito
ang mga salita na may kaugnayan.

Tatlong Uri ng Pang-ugnay:

• Pangatnig
Ito ang nag-uugnay ng salita sa kapuwa salita, parirala sa kapuwa parirala, sugnay sa
kapuwa sugnay, o pangungusap sa kapuwa pangungusap.
Ang pitong uri nito ay:

• pamukod – gumagamit ng o, ni, maging, at man para sa pagpili, pagtatakwil,


pagbubukod, o pagtatangi

Halimbawa: Si Christine ay maganda, maging sa Lanie.


• panimbang – gumagamit ng at at saka para sa dalawang salita o kaisipan na
magkasinghalaga

Halimbawa: Ikaw at saka si Ben ay parehong mabait at magalang.


• panubali – gumagamit ng kung, kapag, tila, at sana para magsabi ng pag-
aalinlangan

Halimbawa: Pupunta ako sa gimik kapag pupunta rin si Kuya Allan.


• paninsay – gumagamit ng ngunit, subalit, at samantala para sa mga
magkasalungat

Halimbawa: Gusto ko siya ngunit hindi niya ako gusto.


• pananhi – gumagamit ng dahil sa, sanhi ng, sapagkat, at palibhasa para
mangatwiran

Halimbawa: Wala siyang reaksyon palibhasa ay hindi siya ang nawalan.


• panapos – gumagamit ng sa wakas at sa lahat ng ito para magpahiwatig ng
pagtatapos

Halimbawa: Matapos ang isang awiting, sa wakas ay makakapagpahinga na


rin.
• panlinaw – gumagamit ng kung gayon, samaktwid, at sa madaling
salita para magpaliwanag ng bahagi o kabuuan

Halimbawa: Hindi ko siya gusto kaya sa madaling salita, hindi kami


magkakatuluyan.

• Pang-angkop
Ito ang pagdudugtong ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng ng, na, at -g para
mas maging madulas ang pagkakasambit.
Halimbawa: magandang dalaga; angking talento, magandang gabi, tanyag na artista,
magaling na pintor.

• Pang-ukol
Ito ang mga salita na tumutukoy sa pinagmulan o patutunguhan, kinaroroonan o
pinagkakaroonan, at pinangyayarihan o kinauukulan ng isang kilos. Gumagamit ng ng,
sa, kay, ni, nina, kay, kina, ayon sa, ayon kay, sa harap, na may, at iba pa.
Halimbawa: Hindi ko gustong lumabas dahil ayon sa balita, mataas na ang kaso ng
COVID-19 sa Pilipinas.
DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado, hindi upang basahin
lamang ng mahina o malakas sa silid-aralan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Ang manunulat ng dula ay karaniwan na nagiging anino na lamang ng mga tauhan. Ang bawat
salita ng mga tauhan ay binibigkas o ipinararating sa mga manonood ng mga nagsisiganap. Ito ang
diyalogo o pag-uusap ng mga tauhan na binibigyang buhay ng mga aktor.

Bukod sa diyalogo, mahalaga rin sa dula ang pagkilos ng gumaganap; ang pagbabago-bago ng
damdamin mula sa malungkot hanggang sa masaya, o ang kabaligtaran nito. Mahalaga ring ipadama
o ipakita sa mga manonood ang panahon at lugar ng pangyayari. Malaking tulong din sa dula ang
pagbibihis sa mga aktor ng akmang kasuotan, pagpinta ng mukha, pag-iilaw sa tanghalan at paglapat
ng tunog o musika.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

SANGKAP NG DULA

• Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad
sa dula

• Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot


ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula

• Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang


suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari;
maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

• Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa


suliraning nararanasan

• Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan


laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

• Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa


sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin
o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

• Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos


sa mga tunggalian

• Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga


suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong
mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
ELEMENTO NG DULA

• Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
iskrip

• Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga


tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula

• Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay


tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

• Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

• Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

URI NG DULA AYON SA PAKSA O NILALAMAN

Komedya – katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay
lagging nagtatagumpay sa wakas.
Trahedya – kung ang tema nito’y mbigat o nakasasama ng loob kaya nakaiiyak,
nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ang nasasadlak sa kamalasan,
kabiguan, kawalan at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot
Melodrama – o soap opera, ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang
wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang
ang nangyayari sa araw-araw.
Tragikomedya – magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni
Shakespeare

Ang dula ay mauuri sa anyo nito na maaaring maikli lamang at maari rin namang napakahaba.
Yaong maikli na binubuo lamang ng isang yugto ay tinatawag na IISAHING YUGTONG DULA
o DULA-DULAAN. Iyon namang mahaba na binubuo ng tatlong yugto ay tinatawag
na TATLUHING YUGTONG DULA.

Sanggunian: https://philnews.ph/2022/01/10/ano-ang-pang-ugnay-at-mga-halimbawa-nito-sa-
pangungusap/
https://aralinph.com/ano-ang-dula-kahulugan-at-elemento/

You might also like