You are on page 1of 13

MGA URI NG POKUS NG PANDIWA

● Ito ay relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng


pangungusap. Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ayon sa paksa at panlaping kinakabait
sa pandiwa.

Iba’t ibang uri ng Pandiwa:


● Tagaganap o Aktor
● Layon o Gol
● Tagatangganap o Benepaktib
● Gamit o Instrumental
● Ganapan o Lokatib
● Direksyunal
● Sanhi

Tagaganap/Aktor - ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pangungusap.


Gumagamit ng nomatibong panghalip na: ako, ka, kita, siya, tayo, kami, kayo, at sila.
➔ Ito ay sumasagot sa tanong na: SINO (PAKSA)

Halimbawa:
Mag - MAGbasa
Nag - NAGlakad
Ma - MAbasa
Na - NAbangga
-um - bUMalik

SUBUKAN:
Umalis ang buong pamilya sa pamamagitan ng bangka.
Pandiwa: Umalis
Paksa: buong pamilya

Layon o Gol - kung ang paksa ay tumutukoy sa layon o gol.


➔ Ito ay sumasagot sa tanong na: ANO

Halimbawa:
-in/hin - IntindiHIN
an/-han - bilugAN
Ma - MAbangga
paki - PAKIdala
-ipa - IPAkain

SUBUKAN:
Iniayos ni Ana ang mga damit ayon sa mga kulay nito.
Pandiwa: Iniayos
Paksa: ang mga damit

Tagatangganap o Benepaktib
➔ Sumasagot sa tanong na: KANINO

SUBUKAN:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Pandiwa: ipinagluto
Paksa: Kami

Gamit o Instrumental - ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ay ang kagamitang
ginamit sa pagsasagawa ng kilos ng pandiwa.
➔ Ito ay sumasagot sa tanong na: Sa pamamagitan ng ano?

Halimbawa:
ipa - IPAnlalaba
ipang - IPANGsusukbit
maipang - MAIPAMBABAYAD

SUBUKAN:
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Pandiwa: Ipinampunas
Paksa: basahan

GANAPAN O LOKATIB - ang pokus ng pandiwa kung ang paksa na ginaganapan o


pinagyayarihan ng pandiwa sa pangungusap.
➔ Ito ay sumasagot sa tanong na: SAAN

Halimbawa:
-an/-han - lalambitinAN
pag-...-an/-han - PAGsasabitAN
mapag-..-an/-han - MAGPAdadausAN
pang-...-an/-han - PANG - iihawAN

SUBUKAN:
Ang burol na iyon ang pinaglalabanan ng mga magigiting na kawal.
Paksa: burol
Pandiwa: pinaglalabanan

DIREKSYUNAL - ang paksa o simuno ay ang direksyon o tutunguhin ng kilos o pandiwa.


➔ Ito ay sumasagot sa tanong na: Tungo Saan? Tungo Kanino?
SUBUKAN:
Pinasyalan ni Kyla ang Plaza ng Tuguegarao.
Paksa: ang Plaza
Pandiwa: Pinasyalan

SANHI - kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang sanhi sa kilos na isinasaad ng
pandiwa sa pangungusap.
➔ Ito ay sumasagot sa tanong na: BAKIT

Halimbawa:
-i - Inialay
-ika - IKAtutuwa
-ikapang - IKAPANGhihina

SUBUKAN:
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-ina.
Paksa: ang hindi nila pagkikitang mag-ina
Pandiwa: Ikinalungkot

MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA


Ano ang pagsasaling-wika?
● Ito ay pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe o idea ng
teskstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Sa pagsasaling-wika,
kinakailangan maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin.

Bakit mapanganib na magsalin ang taong walang lubos na kaalaman sa dalawang wika?
● Ito ay mapanganib dahil kung ang tagapagsalin ay walang lubos na kaalaman sa
dalawang wikang kasangkot sapagkat maaaring hindi niya lubos na mailapat ang
diwang ipinahahayag sa orihinal na manuskrito o akda.

ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAMANTAYAN NG PAGSASALING WIKA:

1. Alamin ang paksang isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapagaralan ito at


magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo ang
nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling
isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan.
3. Tandaan ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang ang mga salita.
4. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita
ng wika ang iyong isinalin.
5. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Kailangan may
sapat na kaalaman sa matatalinghagang salita at tayutay na karaniwang ginagamit sa
isang tula.
6. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.
7. Huli, ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at
napagbubuti ng karanasan.

URI AT ELEMENTO NG DULA


Ano ang Dula?
- Ang dula ay isang uri ng panitikang nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
- Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong
makaaliw, makapagturo, o makapagbigay mensahe.

Eksena: Ito ay ang paglabas-masok sa tangalan ng mga tauhan.


Tagpo: Ito ay ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinagyayarihan ng mga pangyayari
sa dula.

Mga bahagi ng dula: Simula, Gitna, at Wakas


Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
Gitna - matatagpuan dito ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas - ang kakalasan at ang kalutasan.

Mga Uri ng Dulang Pantanghalan ayon sa andyo:

1. Komedya - ito ay katawa-tawa


2. Trahedya - mabigat o nakakasama ng loob o nakakaiyak
3. Melodrama - namimiga ng luha sa mga manonood
4. Tragikomedya - halong katatawanan at kasawian
5. Saynete - itinuturing isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop
ng mga Espanyol sa Pilipinas.
6. Parse - dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento.
7. Parodya - anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatawang kilos,
pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo.
8. Proberyo - isang dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain.

Elemento ng Dula:
1. Iskrip o Nakasulat na dula/banghay (PLOT)
- Pinakakaluluwa ng isang dula
2. Gumaganap na Aktor o Karakter
- Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip
3. Dayalogo
- Ito ay ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita
at maipadama ang mga emosyon
4. Tanghalan
- Ang pinagtatanghalan (entablado) ng isang dula.
5. Direktor
6. Manonood
7. Tema
- Ang pinakapaksa ng isang dula

POETIKA
● Sining sa pagsulat ng tula
● Pagsusuri at Pag-aaral ng mga tula
● Paggamit ng teknik, estilo, at porma ng tula

Ano ang Tula?

“Ang tula ay isang akdang naglalaman ng pinakamaraming kahulugan sa pinakakaunting


salita.”
- Cirilo F. Bautista

“Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig (heightened consciousness).


- Alejandro Abadilla

ELEMENTO NG TULA

1. TUGMA
Halimbawa:
- AABB
- AAA
- BAB

2. SUKAT
Uri ng sukat:
- Wawaluhin
- Lalabindalawahin
- Lalabing-animin
- Lalabingwaluhin

3. Saknong
Uri ng saknong:
- Couplet
- Quatrain
- Sestet
- Seplet
- Octave
- Trecet
- Quintet

4. Larawang-diwa
Ito ay isang elemento ng tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.

5. Simbolismo
Ito ay ang mga salita sa tula na may kahulugan sa pamanuring isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Puno = buhay
Ilaw = pag-asa

6. Kariktan
Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG AKDA (TOPIC)


- Ito ang nabubuong kaalaman, idea, kaisipan, mensahe o pananaw na nais iparating sa
mambabasa. At, ito rin ang pangkalahatang paksa o konseptong mahihinuha o makikita
sa tula.

Teoryang Pampanitikan: Sinusuri ang tula batay sa sistema ng kaisipan at kahalagahan na


naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, layunin ng may-akda at ang layunin ng tekstong
binabasa.

Persona: Ang taong nagsasalita sa isang tagpo o kabuoan ng tula. Kadalasan, ang persona ay
ang mismong makata o manunulat at maaari namang iba rin naman ang persona.

Tono: Tumutukoy sa saloobin ng may-akda o ng persona. Maaaring maging tono ay galit,


nangungutya, sentimental, sarkastiko o nagpapatawa. Malaking salik ang diksyon o pagpili ng
mga salita maging ang mga simbolo o talinghaga upang mapalitaw ang damdamin o saloobin
sa tula.

Bisang Pampanitikan: Tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong


damdamin o pananaw matapos basahin ang akda.

● Bisang Pangkaisipan - Nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip nang may kabuluhan
upang yumabong at umunlad ang ating isipan.
● Bisang Panlipunan - ang akdya ay nakakatulong sa pagpapahayag o paglalantad ng
katotohanan o tunay na pangyayari na makikita o masasalamin sa lipunan.
Pagpapahalagang pangkatauhan: Ito ay ang tinatawag na human values sa Ingles. Sinusuri
neto ang akda batay sa esenya o pagpapahalaga na dapat pairalin at isabuhay.

IDYOMA
- Ito ay nagpapahayag ng karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari
sa buhay, at sa paligid subalit kapupulutan ng higit na malalim na kahulugan.

Sawikain - ay ang matatalinghagang salita na karaniwang ginagamit sa pang araw-araw na


buhay. Ito rin ay karaniwang ding tinatawag na idyoma.

Halimbawa ng Idyoma:
- Alog na ang baba
- Anak-pawis
- Bahag ang buntot
- Balat-kalabaw
- Balat-sibuyas
- Basang-sisiw

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILI


● Sinimulan ni Jose Rizal ang pagsulat nito noong 1887 sa Calamba, Laguna at inilimbag
noong 1891
● Pilibustero/Filibustero - taong kritiko, taksil, lumaban o tumuligsa sa mga prayle at
Simbahang Katolika, at sa mga pamamalakad sa pamahalaan. (Tawag din ito sa mga
Pilipinong hindi yumuyuko sa mga kaapihan mula sa naghaharing uri. Kalimitang
pinapatapon sila sa ibang bansa.)
● Suliranin na hinarap ni Rizal habang sinusulat ito:
➔ Kakulangan sa salapi: hindi niya na natutulungan ang kanyang pamilya at
kailangan niya rin bayaran ang buhay niya sa Europa
➔ Ikinasal si Leonora Rivera sa ibang lalaki ng kanyang mga magulang
➔ Pag-aangkin sa kanilang lupain sa Calamba: nagkaroon ng maling paratang sa
pamilya niya
➔ Hidwaan ng mga Pilipinong kasapi sa La Solidaridad: nawalan ng pagkakaisa at
nawalan din siya ng mga kaibigan
* naisip ni Rizal na sunugin na lamang niya ang kanyang mga isinulat dahil sa patong-patong na
problema*
* sinasabi na mayroong bahagi ng nobela ang naihagis ni Rizal sa apoy sa bigat at tindi ng
kanyang mga alalahanin*
● Pinagtibay ni Rizal ang kanyang kalooban at dahil sa kanyang marubdob na adhikaing
imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at
pang-aabuso ng Pamahalaang Espanyol
● Natapos ni Rizal ang El Fili noong Marso 29, 1891
● Kay Jose Alejandrino ipinadala ni Rizal ang manuskrito upang mapalimbag ang El Fili
(Isang daang pahina (100) pa lamang nang maipahinto na ito dahil kulang ang pera)
● Si Valentin Ventura ang gumastos upang maituloy ang paglilimbag ng nobela noong
Setyembre 1891
● Inialay ni Rizal ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang
nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking utang na loob
kay Valentin Ventura
● Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng mga aklat at ibang bahagi ay sa
Pilipinas (binigyan muna niya ng kopya sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar, Graciano
Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt)
● Ipinasira ng pamahalaang Espanyol ang kanyang nobela subalit may ibang nakalusot
● Ang El Fili ay nakatulong kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang
mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896
● Inialay ni Rizal ang El Fili bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos,
at Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol
● Hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa pag-aalsa sa Cavite
(hindi pinayagan ng mga Espanyol na mabuksan ang kanilang kaso muli upang hindi na
lumabas ang katotohanan)
● Halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at binago
● Binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela kay Valentin Ventura noong 1925
● Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain
at siya’y nagtagumpay

LAYUNIN NG PAGKABUO NG EL FILIBUSTERISMO

➔ Imulat ang mata ng mga Pilipino dahil sa pagmamalupit ng mga mananakop


➢ Nais ni Rizal maimulat ang mata ng mga tao upang makita ang hindi magandang
dulot ng pananakop ng mga Espanyol
➔ Maipakita ang importansya ng pagiging mapanuri sa pagharap sa mga suliranin ng
lipunan
➢ Naglalayon na magbigay-inspirasyon sa kanyang mga mambabasa na labanan
ang pang-aapi at katiwalian sa lipunan
➔ Ilantad ang kalagayan ng Pilipinong gaya ng kanyang nasaksihan noong panahon niya
➢ Maipaliwanag sa lipunan ang katotohanan at mamulat tungkol sa pagpapahirap
ng mga Espanyol sa mga Pilipino
➔ Magtanim ng nasyonalismo sa mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo ng
Espanya
➢ Nais ipakita ang pang-aapi ng pamahalaan at kahalagahan ng pagkakaisa o
pakikibaka laban sa panlilinlang ng mga mananakop
➔ Pagbibigay-diin sa kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa kanilang mga karapatan at
kalayaan bilang tao
➢ Ipakita ang mapanlinlang na gawain at pang-aabuso ng mga prayle at
kolonyalistang Espanyol sa bansa

BUHAY NI RIZAL

● Buong Pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda


● Pambansang Bayani ng Pilipinas
● Kaarawan: Hunyo 19, 1861 - Laguna
● Ikapito (7) sa Labing isang (11) magkakapatid
● Saan nag-aral: Ateneo, UST, at Unibersidad Central de Madrid (ginamit ang pangalang
Mercado at hindi Rizal dahil mainit ang dugo ng mga Espanyol sa mga Rizal)
● Unang guro niya ang kanyang ina (Donya Teodora)
● Dalawampu’t isang taon (21) si Rizal nang lisanin niya ang Pilipinas upang magpatuloy
ng pag-aaral sa Espanya, Pransiya, at Alemanya
● Nagbalik siya sa Pilipinas noong Agosto 5, 1887 (umalis ulit siya noong 1888 upang
iwasan ang matinding galit sa kanya ng mga Espanyol dahil sa Noli at nagbalik muli
noong Hunyo 26, 1889)
● Inutusan ni Gobernador Heneral Despujol (noong Hulyo 7, 1892) na ipatapon si Rizal sa
Dapitan (noong Hulyo 15, 1892; nasa isla sa Mindanao) dahil sa bintang na siya’y may
kinalaman sa kilusang ukol sa paghihimagsik
● Nagtayo si Rizal sa Dapitan ng maliit na paaralan at nagturo sa mga batang lalaki roon
● Habang nakikidigma ang Espanya sa Cuba, humiling siya na makapaglingkod sa mga
pagamutan sa Cuba (pinahintulutan siya ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco)
● Hinuli si Rizal sa kanyang sinasakyang barko nang dumaong ito sa Barcelona at ibinalik
sa Pilipinas habang papunta siya sa Cuba
● Binaril siya noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan (Rizal Park o Luneta ngayon)

PAMILYA AT PAG-IBIG NI RIZAL

● Mga magulang:
➔ Tatay: Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
➢ Tinukoy bilang “modelo ng mga ama” ni Rizal sa kanyang mga memoir ng
estudyante
➔ Nanay: Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos
➢ May mataas na pinag-aralan, at nagkaroon ng kaalaman sa panitikan at
matematika
➔ Mga Kapatid:
➢ Panganay: Saturnina Rizal (Neneng)
➢ Pangalawa: Paciano Rizal
➢ Pangatlo: Narcisa Rizal
➢ Pang-apat: Olympia Rizal
➢ Panglima: Doña Lucia Rizal
➢ Pang-anim: Maria Rizal (Biang)
➢ Pangpito: Jose Rizal
➢ Pangwalo: Concepcion Rizal (Concha); namatay sa edad na 3
➢ Pangsiyam: Josefa Rizal (Panggoy)
➢ Ikasampu: Trinidad Rizal y Alonso (Trining)
➢ Labing-isa: Soledad Mercado Realonda (Choleng)
➔ Kinokonsidera na may kaya ang pamilya ni Rizal
➔ Segunda Katigbak
➢ Unang pag-ibig ni Rizal (minahal niya noong kabataan)
➢ Nagkakilala sa Trozo, Manila
➢ Mula sa Lipa, Batangas at kilala bilang “puppy love” ni Rizal
➢ 16 si Rizal at 14 siya noong naging sila
➢ Hindi nagkatuluyan dahil nakatakdang pakasalanan ni Manuel Luz
➔ Leonor Valenzuela
➢ Kilala sa palayaw na Orang
➢ Nagkakilala sa Intramuros, Manila
➢ Pangalawang pag-ibig ni Rizal sa UST
➢ Matangkad at eleganteng babae
➢ Mula sa Pagsanjan, Laguna at naging kapitbahay ni Rizal sa Intramuros
➢ Pinsan ng ikatlong kasintahan ni Rizal, si Leonor Rivera
➢ Hindi nagkatuluyan nang umalis si Rizal patungong Europa
➔ Leonor Rivera
➢ Anim na taong mas bata kay Rizal
➢ Nagkakilala sa Intramuros, Manila
➢ Nagmula sa mayamang pamilya na itinuturing na Elite sa Pilipinas
➢ Pinsan ni Jose Rizal
➢ Pinaka-maimpluwensyang manliligaw ni Jose Rizal
➢ Magkasintahan ng 8 na taon habang nagtuturo si Rizal sa iba’t ibang
bansa
➢ Siya ang inspirasyon kay Maria Clara
➢ Hindi gusto ng magulang niya si Rizal at itinago nila ang lahat ng sulat
niya sa kanya
➔ Consuelo Ortiga
➢ Nagkakilala sa Madrid, Spain
➢ Maraming nagkakagusto sa kanya dahil kilala siyang pinakamagandang
anak ni Don Pablo Ortiga y Rey
➢ Inspirasyon sa tulang “A La Senorita C.O. y R” na tungkol sa pag-ibig na
hindi dapat mangyari
➢ Binitawan ni Rizal nang malaman niya na mahal siya ng kaibigang niyang
si Lete
➔ O-Sei San
➢ Nagkakilala sa Tokyo, Japan
➢ Nagsilbi siyang interpreter ni Rizal
➢ Tinuruan niya si Rizal sa paguunawa at pagsusulat ng Nihonggo at
Japanese painting technique na “su-mei”
➢ Iniwan dahil kailangang umalis ni Rizal patungong US
➢ Bago umalis si Rizal, sinulatan siya at sinabing nagkaroon siya ng isang
magandang “gintong buwan”
➔ Gertrude Beckette
➢ Nagkakilala sa London, England
➢ Pinatira ng kanyang pamilya si Rizal sa kanila
➢ Gettie ang tawag sa kanya ni Rizal at Pettie ang tawag niya kay Rizal
➢ Tinuruan niya sa Rizal sa pagpinta at paglililok ng gawain
➢ Kaya umalis si Rizal sa London patungong paris ay upang maiwasan siya
➔ Nellie Boustead
➢ Nagkakilala sa Biarritz, France
➢ Anak ng mayamang negosyanteng si Eduardo Boustead
➢ Naglalaro ng fencing kasama si Rizal
➢ Niligawan din ni Antonio Luna pero mas mahal niya si Rizal
➢ Muntik nang awayin ni Rizal si Luna dahil sa malalaswang pahayag nito
➢ Hindi nagtagal ang relasyon dahil tumanggi si Rizal na palitan ang
kanyang relihiyon sa Protestantismo
➔ Suzanne Jacoby
➢ Nagkakilala sa Brussels, Belgium
➢ Nagkaroon ng pakikipagkaibigan ang dalawa noong 44 taong gulang siya
at 29 si Rizal
➢ Inialay ni Rizal ang tulang “A Las Flores de Heidelberg” sa kanya
➢ Hindi nagkatuluyan dahil lumipat si Rizal sa Ghent noong 1981
➔ Josephine Bracken
➢ Nagkakilala sa Dapitan, Zamboanga del Norte
➢ Hindi gusto ng mga kapatid ni Rizal dahil inakala na siya’y isang espiya
ng mga Kastila
➢ Tinawag na “dulce extranjera” ni Rizal sa kanyang huling tula na “Ultimo
Adios”
➢ Francisco Rizal y Bracken ang pangalan ng kanilang anak ngunit
namatay makalipas ng ilang oras dahil sa stillbirth
➢ siya ang pumunta kay Rizal upang ipagamot ang kanyang ama

You might also like