You are on page 1of 13

Tanka at Haiku

Friday, 19 February 2021 2:28 pm

Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ang mga tulang ito ay parehong nagpapahayag
nang masidhing damdamin at naglalayong magsama-sama ng mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Isa
itong antolohiya na naglalaman ng iba't-ibang anyo ng tula na karaniwang ipinapahayag at inaawit ng nakararami.

Tanka
• Ginawa noong ika-8 siglo
• Maiikling awitin na puno ng damdamin at nagpapahayag ng emosyon o kaisipan
• Karaniwang mga paksa nito ay pagbabago, pagiisa, o pag-ibig
• Binubuo ng 31 pantig na may 5 taludtod
• 3 sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig habang tig-5 pantig naman ang 2 taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa
mga talutod ay: 7-7-7-5-5 o di kaya naman 5-7-5-7-7, maaari din ito magkapalit-palit pero ang kabuuan ng mga pantig ay
31 pa rin.

Naging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa't-isa ang dalawang kasintahang nagmamahalan. Ginagamit din sa
paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng 3 taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalwang taludtod upang
mabuo ito.

Haiku
• Ginawa noong ika-15 siglo
• Karaniwang paksa nito ay kalikasan at pag-ibig
• Binubuo ng 15 pantig na nahahati sa 3 taludturan
• Ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5, ngunit maari rin itong magkapalit-palit basta't ang kabuuan ng pantig ay
labimpito pa rin
Lumaganap nang husto sa Pilipinas noong panahon ng pananakop nang Hapon

Mahalagang bigkasin ng may wastong antala at paghinto. Kiru ang tawag dito, o "cutting". Ito ay kahawig ng sensura sa ating
panulaan. Kireji naman ang salitang paghihintuan o "cutting word". Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo sa 1 sa 3 parirala ng
bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan o
makapagbigay-daan sa marangal na pagwawakas.

Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sumimbolo sa isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay palaka na
nagpapahiwatig ng tagsibol. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang Kultura at Paniniwala ng mga Hapon upang
lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.

Kung may Tanka at Haiku ang Hapon, tayo naman sa Pilipinas ay may:

Tanaga
• Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining
na paggamit ng wika. Binubuo ito ng tig-7 pantig sa bawat taludtod sa bawat saknong.

Module 1 Page 1
Ponemang Suprasegmental
Friday, 19 February 2021 6:10 pm

Ito ay isang makahulugang tunog. Sa paggamit nito, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o
hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.

Diin
• ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.
• isang ponema, sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay.
• ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Hal: LA:mang - bukod tanging o natatangi
La:MANG - nakakahigit o nangunguna
Tono / Intonasyon
• Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagbigay-kahulugan, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, at
makapagpahina ng usapan.
• Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
• Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa
mataas.
Hal: Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
Antala/Hinto
• Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
• Maaaring gumamit ng simbolong kuwit( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - )
Mga Halimbawa:
a) Hindi// ako si Joshua.
Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y
napagkamalan lamang na ibang tao.
b) Hindi ako, si Joshua.
Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya
sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua
c) Hindi ako si Joshua.
Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.

Paano binibigkas gamit ang suprasegmental na antala o hinto, diin at tono ang Haiku at Tanka?
• Binibigyang diin ang malaking letra. Ang kuwit ay sa pag-antala at ang Tuldok, Tandang Pananong at Tandang Padamdam ay para sa kung anong tono
ito dapat basahin.
• Kapag nakakita ng kuwit, kailangang huminto o mag-antala. Kapag may mga ginamit na tuldok sa salita, tulad ng paiwa, pahilis, at pakupya kailangang
basahin ang salita ayon sa tuldok kung ito ay malumanay, malumi, maragsa at mabilis.
• Kapag ang salita o parirala ay nagtatapos sa tandang pananong kailangang papataas ang tono. Kapag tandang padamdam, kailangang bigyan ng
masidhing emosyon ang pagbigkas at kung tuldok pasalaysay ang pagbigkas.

Module 2 Page 2
Pabula
Saturday, 20 February 2021 2:31 pm

Ang pabula ay isang uri ng kwento kung saan ang mga tauhan dito ay gumagalaw at
nakakapagsalita na parang tao, sa dulo ng bawat merong aral na matututunan ang bawat
mambabasa.

Mga Tauhan sa Pabula

Mabisang gamitin ang mga hayop bilang mga tauhan sa pabula dahil mas nagiging interesado at
mas nauunawaan ng mga bata ang istorya kapag ang tauhan ay mga hayop dahil nakikita nila sa
mga ito ang gawi ng isang tao, sa paggamit ng mga hayop mas nauunawaan ang mensaheng nais
ipabatid ng pabula sa nagbabasa.

Pananaw ng May-akda

Mahalagang naipapaliwanag ang pananaw ng may-akda upang mas madaling maunawaan ng


mambabasa ang mensahe ng akdang binabasa.

Maipapaliwanag ang pananaw ng may-akda sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa ng akda


batay sa konteksto o pinakamensahe na nais nitong iparating

Bisa sa Isip at Damdamin


Mahalagang maunawaan ang bisang pangkaisipan ng akda dahil nakapaloob dito ang mga bagay na
naunawaan o tumatak sa isipan, mensahe o kabuuan mismo ng akda.

Mahalagang maipaliwanag din ang bisang pandamdamin ng akda sa dahilang kabilang dito ang
naranasang emosyon o damdamin ng mambabasa, kung nakaramdam ka ng saya o lungkot ibig
sabihin ay may bisang pandamdamin ang akda.

Pagbabago ng Karakter

Sa panitikan at sa ibang dula, napakarami at iba’t iba ang uri ng mga tauhan.

Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:


• Bida/ Protagonista
• Kontrabida/ Antagonista
• Dinamikong Karakter
• Lapad na Karakter
• Di- nagbabagong karakter
• Anti- Hero na karakter
• Simbolikong Karakter

Mahalaga ang karakter ng isang tauhan sapagkat ito ang nagbibigay ng buhay sa akda. Ang
pagkakaroon ng iba’t ibang karakter o katangian ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng suliranin
o tunggalian ang bawat isa.
Module 3 Page 3
o tunggalian ang bawat isa.

Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng karakter ng bawat isa. Kinakailangan na


ang pagbabago sa katangian o karakter ng tauhan ay nararapat at kinakailangan ding magkaroon
ng pagbabago sa ilang pangyayari sa akda.

Module 3 Page 4
Pagkakabuo ng Sanaysay
Sunday, 28 February 2021 1:28 am

Sanaysay
- nagmula sa dalawang salita, ang sanay at pagsasalaysay
- kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha.
- maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pangaraw-araw na
pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
- may 2 uri: pormal at di-pormal
- binubuo ng paksa, layunin, paraan ng pagkakabuo, kaisipan at iba pa

Mga Bahagi ng Sanaysay


Panimula- pinakamahalagang bahaging dapat nakapupukaw sa atensyon ng mga mambabasa
Katawan- makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay
Wakas- nagsasara sa talakay

Kaisipan, Layunin, Paksa at Paraan ng Pagkakabuo ng Sanaysay


Ano ang kaisipan ng sanaysay?
- Tumutukoy ito sa mga ideya at ang kaliit-liitang detalye na may kaugnayan sa paksa
- Tumutugon ito sa tanong na "Ano-ano ang mga nais sabihin ng may-akda?"
Ano ang layunin ng sanaysay?
- Tumutukoy sa nais makamit ng may-akda.
- Tumutugon sa tanong na "Bakit isinulat ang sanaysay?"
Ano ang paksa ng sanaysay?
- Pinatutungkulan ng sanaysay
Ano ang paraan ng pagkakabuo ng sanaysay?
- Ang paraan ng pagkakabuo ng sanaysay ay ang anyo at istruktura nito.
- Mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa
- Sumasagot ito sa tanong na "Paano ang pagkakabuo ng sanaysay?"
Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

Ang pormal na sanaysay at komposisyon ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita'y umaakma
sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kauganay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di pormal ay nagtataglay ng opinyon, kuro-kuro at paglalarawan ng isang may-akda. Ito ay
maaaring nanggaling sa kanilang obserbasyon sa kaniyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kaniyang sarili o mga bagay
na tungkol sa kaniyang pagkatao. Ito rin ay karaniwang naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba't-ibang bagay na nakikita at
nararanasan ng may-akda.

Mga Paraan ng Pagpapaka-hulugan


Kontekstwal na Pahiwatig (Context Clues)
- Ang isang salita ay hindi iisa ang kahulugan
- Nababatay ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa isang pahayag
Talinhaga at Idyoma
- May kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan
- Mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan
Konotasyon at Denotasyon
- Dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita
- Ang denotasyon ang karaniwang kahulugan na matatagpuan sa diksyunaryo
- Ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang kahulugan.
Tindi ng Kahulugan o Clining
- Pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig

Module 4 Page 5
Pagsusuri at Pagbibigay-kahulugan Sa Kwento
Wednesday, 24 March 2021 3:31 pm

Imahe at Simbol
Paano mabibigyan kahulugan ang mga imahe at simbolismo sa binasang akda?
- Nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolismo sa akda sa pamamagitan ng pagkakagamit nito at sa
paglalahad ng mga katangian ng bawat imahe o simbolismo.

Sa paanong paraan nakatutulong ang mga imahe at simbolismo sa pagpapadaloy ng kuwento?


- Ito ang mas lalong nagpapaganda sa daloy ng kwento, nagbibigay ng pagkakataon sa mambabasa upang mag-isip at
malinang ang kanilang imahinasyon.

Bakit mahalaga ang imahe at simbolismo sa isang akda?


- Mahalaga ang imahe at simbolismo sa isang akda upang mas mapalutang ang kagandahan ng akda at ang mensahe
nito.

Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita


1. Huwaran- magandang halimbawa
2. Kalupi- pitaka o wallet sa Ingles.
3. Hinablot- biglang inagaw
4. Patibong- bitag

parabula
• isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay.
• maikling salaysay na hango sa Bibliya na may hatid na aral sa mambabasa.
• nasa anyong patula o prosa. Tinatawag din ang parabula
• Ito ay isang talinghaga, ang mensaheng nais ihatid nito ay hindi lantad o tuwiran.
• Karaniwan sa mga talinghaga ay mga kuwento ng Panginoon na nagtuturo sa katangian ng kaharian ng Diyos.
Lumilinang ito sa aspetong espiritwal at moralidad ng isang tao.

Bakit mahalagang nabibigyan ng kahulugan ang mga mahihirap na salita?


• Mahalagang mabigyan kahulugan ang mahihirap na salita upang mas madaling maunawaan ng mambabasa ang
mensahe ng akdang binabasa.

Sa paanong paraan maaaring mabigyan ng pagpapakahulugan ang isang salita?


• Batay sa konteksto o pagkakakgamit nito sa pangungusap.

Pagsusuri ng Maikling Kwento


-Ang Kalupi-

Paano sinimulan ng may-akda ang paglalahad ng kuwento?


- Sa simula ng kuwento ay inilarawan ang tagpuan at ang pangunahing tauhan

Anong estilo ang ginamit ng may-akda sa pagpapatuloy ng kuwento? Nakatulong ba ito sa paglalahad ng suliraning
kakaharapin ng tauhan?

Module 5 Page 6
kakaharapin ng tauhan?
- Ang may-akda ay gumamit ng mga diyalogo sa paglalahad ng kuwento. Ito ay nakatulong upang madaling matukoy
ang kakaharaping suliranin ng mga tauhan sa kuwento.

Anong tunggalian ang ginamit sa akda?


- Ang tunggaliang ginamit sa akda ay tao laban sa tao. Dahil sa pinagbintangan ni Aling Marta ang bata na ito raw
ang nagnakaw ng kaniyang kalupi.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paano mo sinuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas?
- Sinuri ko ang ang maikling kwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas sa pamamagitan
ng pagtukoy sa paraan na ginamit ng may-akda sa paglalahad ng kaisipan sa bawat bahagi ng kuwento.

Bakit mahalaga ang pagsusuri ng maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas?
- Mahalagang masuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas sapagkat
sa tulong nito ay mas lalo pa nating nauunawaan ang ugnayan ng mga pangyayari at ang kabuoan ng mensahe ng
akdang binasa.

Module 5 Page 7
Kultura Ko, Ipagmamalaki Ko!
Thursday, 25 March 2021 1:40 pm

Paghihinuha ng Kultura
- Tayong mga Pilipino ay mayaman sa iba't-ibang kultura na minana natin sa ating mga ninuno at mayroong mga
kasabihan at istorya na nagpapakita ng iba't-ibang klase ng kulturang Pilipino.

Paano mahihinuha ang kulturang nakapaloob sa kuwento?


- Mabisang mahihinuha ang kulturang nakapaloob sa kuwento sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa pamumuhay
ng mga tauhan, mga pag-uugaling ipinakita, paglalarawan ng mga sitwasyon, mensaheng nakapaloob sa akda at
iba pa.

Bakit mahalaga ang paghihinuha ng kultura sa isang kuwento?


- Mahalaga ito sapagkat sa panitikan ay makikita na kung anong kultura mayroon ang isang bansa. Ang panitikan at
kultura ang sumasalamin at sariling pagkakakilanlan ng isang bansa.

Kultura Mo VS. Kultura Ko

- Kultura - Nagpasalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala at mga batas sa isang bansa o pamayanan mula sa
kanilang ninuno. Kultura din ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng lahi.
- Teleserye/Pelikula - Napapanood sa telebisyon o sa sine/pinilakang tabing na base sa nangyayari sa tunay na
buhay at ang iba naman ay kathang isip lamang. Nabubuo din ito ng naaayon sa kultura ng pinagmulang bansa.
- Paghahambing - Paraan ng paglalahad na kung saan nakakatulong sa pagbibigay - linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
- Mga Bansang Asyano – Hapon (Japan), Taiwan, Hilagang Korea, Timog Korea, Mongolia, Tsina, Pilipinas

Kumalat ang kultura ng mga koreano sa ating bansa dahil sa mga idols na lubhang kinahihiligan ng mga kabataan sa
ngayon, ngunit bagama't pareho tayong mga asyano ay may pagkakaiba-iba pa rin ang ating mga kultura at ang bawat
isa ay importante at katangi-tangi.

Pagsasalaysay ng Sariling Karanasan


Bakit mahalagang maiugnay ang sariling karanasan sa kultura ng isang akda?
- Mahalagang maiugnay ang sariling karanasan sa isang akda upang makaugnay ang mambabasa sa daloy ng
kuwento.

Paano mabisang maisasalaysay ang isang karanasan na may kaugnayan sa kultura ng isang akda?
- Mabisang maisasalaysay ang karanasan na may kaugnayan sa kultura ng isang akda kung ang mga inilalahad na
karanasan ay galing mismo sa sarili. Dahil din dito, mas mabilis na mailalahad ang mga mahahalagang detalyeng
kailangan sa akda.

Paglalarawan ng Sariling Kultura


Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang paglalarawan ng sariling kultura na gagamitin sa isang
pagsasalaysay?
- Kinakailangan na may sapat na kaalaman sa kulturang ilalarawan at may sariling karanasan na maaring base sa
mga nasaksihan, napanood, nabasa o napakinggan.

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa kulturang inilalarawan sa isang akda?
-
Module 6 Page 8
- Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa kulturang ilalarawan sapagkat ito ang iyong magiging
pundasyon upang makapaglahad ng sapat na impormasyon sa isinusulat na akda.

Module 6 Page 9
Ang Dula
Thursday, 25 March 2021 1:41 pm

Ang dula ay isang uri ng panitikan na may layuning ipalabas sa tanghalan o entablado. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo.

Dula
• paglalarawan ng buhay ng tao.
• itinatanghal sa entablado.
• mayroong kilos at salitaan ng bawat tauhang gaganap.
• makatotohanang pagtalakay sa buhay.

Tatlong Bahagi ng Dula


1. Simula- dito makikita ang dalawang mahahalagang katangian ng dula.
• Tauhan
• Tagpuan
Note: May pagkakataon na sa simula ng dula ay naipapakita rin ang tinatawag na sulyap sa suliranin na isa rin sa katangian ng
dula.
2. Gitna- makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena.
• Saglit na kasiglahan
• Tunggalian
• Kasukdulan
Note: Maaari ring makita sa gitnang bahagi ng dula ang tinatawag na sulyap sa suliranin.
3. Wakas- matatagpuan ang kakalasan at ang kalutasan o katapusan ng dula.
• Kakalasan
• Kalutasan

Katangian ng Dula
1. Tagpuan- panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.
2. Tauhan- ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula.
3. Sulyap sa suliranin- maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasaad sa mga pangyayari, maaaring magkaroon
ng higit na isang suliranin ang isang dula.
4. Saglit na kasiglahan- saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
5. Tunggalian- ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid at tauhan laban sa kanilang sarili.
6. Kasukdulan- dito nasusubok ang katatagan ng tauhan.
7. Kakalasan- ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
8. Kalutasan- sa katangiang ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.

Sa paanong paraan nauuri ang mga bahagi at katangian ng isang dula?


- Mauuri ito sa pamamagitan ng pag-alam muna sa mga bahagi. Sa bahagi nariyan ang simula, gitna at wakas. Mula naman sa
mga bahaging ito malalaman ang mga katangian ng dula tulad ng tagpuan, tauhan, sulyap sa suliranin, saglit na kasiglahan,
tunggalian, kasukdulan, kakalasan at kalutasan.

Bakit mahalaga ang pag-uuri ng mga bahagi at katangian ng isang dula?


- Mahalaga ito sapagkat kahit diyalogo lamang ang ipakita sa isang dula, malalaman na kaagad kung anong bahagi at katangian
ng dula ito nakapaloob.

Pagkakabuo at Elemento ng Dula


Mga Elemento ng Dula
1. Iskrip – pinakakaluluwa ng isang dula
2. Aktor – gumaganap/nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip, pinapanood na tauhan sa dula

Module 7 Page 10
2. Aktor – gumaganap/nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip, pinapanood na tauhan sa dula
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula
4. Direktor – ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula, nagbibigay buhay sa iskrip mula sa pagpapasiya sa
kaayusan ng tagpuan, kasuotan ng mga tauhan at sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
5. Manonood – ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor.

Tatlong bahagi ng dula


1. Simula – narito ang tagpuan, tauhan at maikling sulyap sa suliranin.
2. Gitna – makikita rito ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan.
3. Wakas – Naglalahad ito ng kakalasan at kalutasan.

Banghay
1. Paglalahad
- Isang tuwiran o pakahiwatig na panimula.
- Ipinapakilala ang mga tauhan, lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon.
2. Kaguluhan
- lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kaniyang pakikipagtunggali sa anumang balakid na
kaniyang kinakaharap.
3. Kakalasan.
- Nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangayayari.

Tauhan
1. Tauhang Bilog- nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula.
2. Tauhang Lapad- walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.

Diyalogo
- ginagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na, ang mangyayari pa at ang kasalukuyang
nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan
- ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita

Uri ng Dula
• Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan sa kuwento o dula.
• Komedya- ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
magkakasundo.
• Melodrama- kasiya-siya ang wakas bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi. Ang mga tagpo rito ay nilalapatan
ng himig at awit.
• Parsa- layunin nito na magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawa-tawa.
• Saynete- pinapaksa ay ang mga karaniwang pag-uugali ng mga mamamayan.

Module 7 Page 11
Likhasulat: Talent ko ‘to!
Sunday, 28 March 2021 8:08 pm

Pagsulat ng Argumento
Argumento
- Nakatuon ito sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
- Maaring tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna,
gamit ang mga ebidensya mula sa kaniyang sariling karanasan.
- Nagpapahayag na kasabay ng pagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang maging katanggap-tanggap

Opinyon o Pangangatuwiran
- Layunin nito’y hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng
makatuwirang pagpapahayag.
- Ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katuwiran o rason
- Pagbibigay ng sariling kaisipan o saloobin hinggil sa isang isyu o paksa.

Dalawang uri ng pangangatuwiran


1. Pangangatuwirang Pabuod o Induktibo – Ito ay nagsisimula sa mga halimbawa o particular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos
sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
2. Pangangatwirang Deduktibo – Mula sa pangkalahatan patungo sa particular o ispesipiko. Layunin nitong makabuo ng isang tiyak na
konggklusyon sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa isang pahayag na umaayon o bahagi ng pangkalahatang panuntunan o
katotohanan.

May batayan ba sa argumento o pangangatwiran?


- Meron. Ito ay ang pag-apila sa isipan na maaaring tawaging kumbiksyon at ang pag-apila sa emosyon o damdamin na maaaring
tawaging perswasyon.

Kumbiksyon
- Isang paraan ng pagbuo ng paniniwala o di paniniwala sa pamamagitan ng pag-apila sa isipan
- Ang pangangatwiran ay direkta sa talino at pang-unawa ng nakikinig o bumabasa

Sa pamamagitan ng kumbiksyon, higit na lumilinaw ang katunayan at katotohanan. Sapagkat ang paniniwala ay kalagayan ng isipan,
kailangang ang mga katwirang ihahanay ay puno ng katotohanan at batay sa mga katunayan.

Perswasyon
- isang paraan ng pagbuo ng paniniwala o di-paniniwala sa pamamagitan ng tuwirang pag-apila sa emosyon o damdamin
- nakatuon sa kahinaan ng pandama ng tao

Ang mga matuwid ay maaaring nakatutuwa, nakaiiyak, nakapagpupuyos ng galit, humihingi ng awa, at iba pa. Dahil dito, nabibigyang
pansin ang damdamin na siyang umiimpluwensiya sa paniniwala at nagpapakilos sa nakikinig o bumabasa.

Argumentum ad baculum - Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maiplano ang argumento.
Argumentum ad hominem – Isang nakakahiyang pag-atake sa personal na katangian/katayuan ng katalo at hindi ang isyung o panig
upang makahikayat.
Argumentum ad misericordiam-Upang makamit ang pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito upang pumili ng mga salitang
umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan

Pagsulat ng akda- Asyano Ako!


• Pagsulat – isang paraan ng pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan ng manunulat sa mambabasa.
• Multidimensyonal – naglalarawan ng anumang bagay na may maraming iba't ibang mga bahagi o aspeto.
• Pagrerebisa – tumutukoy sa pagbasang muli sa burador o draft ng makailang ulit upang sa maging mas mabisa ang isang sulatin.
• Katha - Ang katha ay isang uri ng akda na hango sa imahinasyon o haraya ng isang manunulat. Ito ay kathang-isip lamang tungkol
sa mga bagay bagay.

Module 8 Page 12

sa mga bagay bagay.
• Tula – Tinatawag na poem sa ingles. Isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng isang manunulat na
nagtataglay ng maririkit na salita. Binubuo ito ng taludtod (verse) at saknong (stanza).
• Sanaysay - Ang sanaysay ay isang komposisyon o sulatin na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda.
Tinatawag itong essay sa ingles.

Proseso ng Pag-sulat
• Bago Sumulat - Binubuo ito ng pagpiling paksa, paglikhang mga ideya at pagbuo ng mga ideya.
• Pagsulat - Pagbuo ng draft, pagtanggap ng feedback, pagsangguni, at pagrerebisa.
• Paglalathala - Kabilang dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya ay paglilimbag.

Mga Hakbang sa Pagsulat


• Pre-writing- Dito ang pamimili ng paksa at pangangalap ng impormasyon para sa susulatin.
• Actual Writing- Nakapaloob dito ang pagsulat ng borador/draft.
• Rewriting- Nagaganap dito ang pagrerebisa, pagwawasto at paghahanay ng ideya o lohika.

Sa iyong palagay, bakit mayroong proseso ang pagsulat?


- Mayroong proseso ang pagsulat upang maging mabisa ang nilalaman ng isang sulatin. Nagsisilbi itong gabay o balangkas sa pagbu o
ng isang makabuluhang akda o komposisyon.

Bakit mas mainam na gumawa muna ng borador o draft sa pagsulat ng isang sulatin?
- Sapagkat nakatutulong ito sa organisayon ng pagkakalahad ng mga ideya. Nagkakaroon ng pamatnubay ang manunulat upang
maiwasan ang maligoy at magulong kaisipan.

Mga Dapat isaalang -alang sa pagbuo ng isang kathang lingguwistiko


1. Dapat na ang katha’y likas na bunga ng iyong natutuhan sa pag-aaral ng wika at balarila.
2. Dapat ito’y maging isang kawili-wiling gawain mas maganda na gusto mong gawin ang isang katha keysa napipilitan ka lang mas
mainam ang resulta ng gawain kinawilihan mo itong isagawa.
3. Dapat ito ay nasasaklaw ng iyong mga karanasan maari din namang karanasan ng iba na iyong nasaksihan. Ang karanasan ng isang
tao ang mas mabilis pagkunan ng mga isusulat. Halos karamihan ng mga likhang sulat ay batay o ibinatay sa sariling karanasan.
4. Dapat bunga ito ng mabisang pagpapahayag ng mga pansariling kaisipan at kuru -kuro sapagkat dito natataya kung ang iang mag-
aaral ay may sapat na kaalaman sa paggamit ng lingguwistika sa pamamagitan ng kaniyang pagpapahayag ng pansariling kaisipan
at kuru-kuro.

M - Maikli lang dapat.


E - Eksakto ang gawing pagsulat.
M - Malinaw ang gawing pagsulat.

Module 8 Page 13

You might also like