Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1 and 2
Aralin 1 and 2
Kahalagahan ng Ponemang
Suprasegmental
IKATLONG MARKAHAN
MODYUL 2
Katangian ng mga Kaalamang-
Bayan
IKATLONG MARKAHAN
Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala)
PANIMULA
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa
mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang
maging mas maliwanag at maiparating ang tamang
damdamin sa pagpapahayag. Sa modyul na ito,
maipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
ponemang suprasegmental gaya ng tono, diin, at antala.
PANIMULANG PAG-AARAL
PONEMANG
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
• Ito ang ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbolong may
kahulugan.
• Ito ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
• Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maparating ang damdamin
sa pagpapahayag.
• Ang ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa
pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng
mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
• Ang ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin
samantala ang naman ay rehiyonal na tunog o accent.
➢ Sa pamamagitan ng tamang pagbigkas at tono ay naipahahayag ang
iba‟t ibang damdaming nakapaloob sa pangungusap.
IKATLONG MARKAHAN
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalamang-
bayang nagpasalin salin sa bibig ng iba‟t ibang lahi dahil
sa ito‟y bukambibig ng taumbayan. Dito maihahambing
mo ang mga katangian ng tula / awiting panudyo,
tugmang de gulong, at palaisipan.
PANIMULANG PAG-AARAL
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay
likas sa ating mga ninuno. Ayon kay
Alejandro Abadilla, bawat kibot ng
kanilang bibig ay may ibig sabihin at
katuturan. Ito ang ipinalalagay na
pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang
iba pang mga akdang patula tulad ng
tulang panudyo, tugmang de gulong,
bugtong, palaisipan, at iba pang
kaalamang-bayan.
KAALAMANG
KAALAMANG BAYAN
• Ito ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at tradisyon ng
mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangang nagpasalin salin sa
iba‟t ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.