You are on page 1of 22

KABANATA 2

SINING NG
MATATALINGHAGA
NG PAGPAPAHAYAG
Daluyan ng Matatalinghagang
ARALIN 3 Pagpapahayag: Idyoma, Salawikain, at
Talingaha

Moderno na ang ating panahon. Patunay ang mga


kableng nagsala-salabat upang maipakita ang mga
koneksiyong birtwal sa pagpapahayag ng bawat
indibidwal. Ang mga imprastrakturang nagsulputang
parang kabute ay nakapag-uugnay rin sa bawat isa kahit
na sabihing ‘wireless’ ang koneksiyong ginagamit.
Napakabilis ng pagpapahayag ng kaisipan sa
kasalukuyan. Ang mga aplikasyong pang-media ay
napakadali sa pagpapahayag ng kaisipan upang
makapagbahagi ang isang tao ng kaniyang mga
karanasan sa mundo.

Dahil nga makabago, makabago rin ang pagpapahayag


ng mga kaisipan. ‘Literal’ ang kahulugan ng mga salita
at direkta ang pamaraan ng paghahayag.
Paano kaya malilinang
ang mga pagpapahalaga
kung ang mismong
pagpapahayag ay hindi
na kaiga-igaya?
Naipaliliwanag ang kahulugan at
pagkakaiba-iba ng idyoma,
salawikain at talinghaga.
Naibibigay nag kahulugan ng mga
halimbawang idyoma, salawikain at
talinghaga.
Nakapagpapahayag nang masining
gamit ang mga idyoma, salawikain at
talinghaga.
Likas sa ating mga ninuno ang paggamit ng idyoma.
Ang idyoma ay matalinghagang pagpapahayag na
ID gingamitan ng mga salitang pinagtambal upang
YO makabuo ng kahulugang bago. Ito rin ay hindi direktang
M pagpapahayag ng mga kaisipan na likas na pamaraan ng
A
pagbuo ngunit nalilikha ang mga kahulugang inuunawa
sa pamamagitan ng malalimang pagdukal ng kaisipan o
pag-intindi.
Ang wikang Filipino ay puno ng mga idyoma---may
malalalim na kahulugan at sumasalamin sa kultural na
ID katangian sa pagsasalita ng mga Filipino dahil sa
YO kagandahan at pagkamalikhain nito.
M
A
Halimbawa:
Alimuon sa umaga: tsismis, usap-usapan
Nagbibihis tupa: Nagkukunwaring mabait
Bahag ang buntot: Duwag
‘Proverbs, ‘maxims’, o ‘epigrams ’ ang tawag sa
salawikain sa wikang Ingles. Naiiba ito sa idyoma.

Ang salawikain ay isang uri ng matalinghagang


pagpapahayag na karaniwang binubuo ng dalawang
masining na pangungusap na binuo upang magpahayag
ng mga kaisipan, kaaralan, pagpapahalaga at mabuting
gawaing pantao.
Tulad din ng idyoma, likas sa mga Filipino ang
paggamit ng mga salawikain. Ito ay nagsisilbing
gabay para sa pagpapabuti ng kalagayang panlipunan
lalo na sa pakikipag-usap sa kapwa.

Halimbawa:
Utos sa pusa, Kapag may isinuksok,
Utos pa sa daga. May madudukot.

Ang hipong tulog,


Tinatangay ng agos.
TALING
Ang talinghaga ayon kay Panganiban (1985) ay mga metapora.
HAGA
Ito ay mga pahayag na lalong mahahaba kaysa mga salawikain.
Magkakaugnay ang mga salita at nagtataglay ng mga kaisipang
kailangang matukoy sa gayon ay maunawaan ang kahulugan o
ang ibig sabihin nito. Ang kasiningan ng talinghaga ay
makikita sa mga bahagi ng Bibliya, sa mga akdang
pampanitikan tulad ng maikling kuwento, sanaysay, at dula.
Ang lalong kinakikitaan ng mga talinghaga ay
ang mga matatandang mula sa kultural na hindi
pa gaanong nararating ng pagbabago sa uri ng
komunikasyon lalo na ng media.

Halimbawa sa aklat ni Panganiban (1985):

Magdalita ang niyog,


Huwag magpakatayog;
Kapag uwang ang umuk-ok,
Masasaid pati ubod.
KAHULUGAN, GAMIT AT
MGA URI NG TAYUTAY
Sa katunayan, hindi lamang mga idyoma, salawikain at
talinghaga ang daluyan ng matatalinghagang
pagpapahayag. Ang mga Filipino ay may likas ding
katangian na gawaing mabisa ang pahayag. Sa taguri ng
iba, ito ay pagkakaroon ng ‘mabulaklak na dila’ dahil
ang pananalita, bukod sa nakawiwiling pakinggan, ay
nagtatago ng makabuluhang kahulugan na kailangang
unawain.
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan sa mga mag-aaral na:

Naibibigay ang kahulugan at gamit ng tayutay,


Natutukoy at napag-iiba ang mga uri ng tayutay,
Nakapagsasanay sa paggamit ng tayutay, at
Nakasusulat ng halimbawang akdang nilalapatan ng iba’t
ibang uri ng tayutay.
Ano nga ba ang
Tayutay?
Ang tayutay ay isang uri ng pagpapahayag kung saan
ay sadyang inilalayo ang mga salita sa karaniwang
kahulugan nito upang makabuo ng mapanghamong
pahayag sa isipan ng kahit sinong indibidwal.

Karaniwang ginagamit ang tayutay sa mga akdang


pampanitikan tulad ng tula, maikling kuwento, dula,
sanaysay, at sa pagbuo ng mga awit.
MGA URI NG
TAYUTAY
Maraming tayutay ang ginagamit sa
pagpapahayag. Hindi mabilang sapagkat hindi
lahat ng mga pahayag na ginagawa ng tao sa
lipunan ay naitatala. Kung isa-isahin ang mga
tayutay ay mayroong dalawampu’t apat na uri,
gayunman ang naririnig at palasak na ginagamit
ay ang sumusunod.
PAGTUTULAD
Ang pagpapahayag na pagtutulad ay
(SIMILE)
paghahambing sa katangian ng dalawang
magkaibang bagay. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
panulad gaya ng tulad ng, parang,
kawangis ng, kagaya ng, tila, at iba pa.

You might also like