You are on page 1of 4

CRUZ, RENIER P.

BSA
FINAL EXAM
FILI01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

I. Panuto: Ipaliwanag ang mga pananaw sa wika at iugnay sa kasalukuyan. (50


puntos)

Ang bansang Pilipinas ay nahahati sa maraming kapuluan at iba’t-ibang mga


rehiyon. Isa ito sa mga pangunahing kadahilanan kung bakit tayo ay may mga yunik na
dayalekto na ginagamit sa ating bahay, eskwelahan, opisina at sa ating pang araw-araw
na pakikipagusap sa ating kapwa. Dahil dito, tayo ay may magkakaibang uri ng dayalek
na naayon sa lugar na ating ginagalawan, katayuan sa buhay, edad, kasarian at iba pang
aspetong sosyal sa ating lipunan.

Ang Pilipinas, sa mga nakalipas na panahon, sa panahon ng ating mga ninuno ay


mayroong mga wikang ginagamit. Ito ay ang Alibata o Baybayin, ito ang pangunahing
wika na nakuha ng mga Pilipino mula sa mga dayuhan at sa paglipas ng panahon ay unti-
unting nawala ito at napalitan ng wikang tinawag na Filipino.
Sa kasalukuyan ay malawak ang paggamit ng mga kabataan sa wikang Filipino. Sa
panahon ngayon ay uso sa kabataan ang paggamit ng social media. Karamihan sa mga
kabataan ngayon ay gumagamit ng teknolohiya. Dito ay mabilis silang
naiimpluwensyahan. Ang paggamit nito ay sa pamamagitan ng pagpapalit-palit sa wikang
Ingles at Filipino. Makikitang naiipahayag ng mga kabataan ang kanilang sarili gamit ang
social media at wikang Filipino.

Nagagamit din ang wikang Filipino nang di-berbal. Sa papamigatan ng mga text
message ay nagagamit ng napakaraming kabataang Pilipino ang wikang Filipino. Marami
din ang mas komportable sa ganitong pamamaraan ng pakikipagtalastasan sapagkat
hindi nila kaharap ang kanilang kausap. Pinag-aaralan din ng mga kabataan ang wikang
Filipino sa kanilang mga paaralan. Isa ito sa mga akda na kasama sa kurikulum ng
paaralan. Patuloy nilang hinahasa ang kanilang kaalaman upang lalong maging
dalubhasa sa paggamit ng wikang Filipino. Sa pamamagitan nito ay natatalakay natin
ang pinagmulan at mga malalalim na konsepto na maiuugnay natin sa wikang Filipino.

Marami sa mga kabataan ngayon ang gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng


pag sasalita kagaya ng mga salitang nagmula sa gawa-gawang lengwahe ng mga jologs
na tinatawag na “jejemon” at ang “beki languange” na pinauso naman ng mga kaibigan
nating mga beki dahil dito ay maaring makalimutan nila ang mga tamang paggamit sa
wikang Filipino. Maraming kultura ngayon ang namamayagpag sa Pilipinas. Makikita ang
mga Koreanong grupo kagaya ng “BTS” at “Blackpink” na talaga namang tinatangkilik ng
maraming mga Pilipino. Nauuso din ngayon ang panonood ng cartoon na palabas ng
mga Hapones ito ay ang anime. Madami rin sa mga kabataan ang mas tumatangkilik sa
mga pelikula ng mga Amerikano o yung mga Holywood Movies. Sa kanilang
pagkahumaling dito ay nalalaman o nagagamit nila sa kanilang buhay ang wikang
ginagamit dito. Naiipakita nito ang lawak ng impluwensya sa atin ng mga nakikikita o
napapanood na bagay. Ang pag-unlad ng bansa ay isang sanhi kung bakit nagbabago
ang ating wika, nagkaroon ng mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, laptop,
desktop, smart tv at iba’t iba pang mga makabagong gadyets at teknolohiya. Sanhi ng
mga bagong teknolohiyang ito ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng bagong ginagamit na
mga salita.

Sa panahon ngayon ay malaki ang aking paniniwala na hindi masama na tayo ay


matuto at gumamit ng ibang wika. Naiipakita lamang nito ang ating angking talino at at
husay sa pag-iisip, huwag nating kakalimutan kung ano ang ating pinagmulan na sa
pamamagitan ng ating wikang Filipino ay nagkaroon tayo ng makulay na buhay. Ating
pahalagahan ang ating sariling wikang pambansa ating ipagmalaki ito hindi lang sa ating
lupang sinilangan kundi sa kabuoan ng mundong ating kinabibilangan.

II. Panuto: Bumuo ng modelo ng komunikasyon at ipaliwanag ang bawat bahagi


nito. (20 puntos)

Proseso ng Encoding at Decoding, ito ay ang modelong unang nagpakita ng


siklong katangian ng komunikasyon – pareho ang elementong taglay ng tagaunawa at
tagasagisag, binibigyang diin nito ang kahalagahan ng reaksyon ng magkabilang panig.
Ang sikulo ng modelo ng komunikasyon na ito ay nagsisimula ang mensaheng
gusting ipahatid ng encoder halimbawa ng unang nagbigay ng sulat tungkol sa pagtatapat
ng pagibig mula sa lalake, ang mensaheng kanyang sinulat tungkol sa matagal na niyang
nararamdaman na pagnanais na maging nobya ang babae kung saan ang liham na
kanyang isinulat dito patungo, pagkarating ng kanyang mensahe at nabasa na ng babae
ang kanyang pagtatapat ay kanyang sasagutin ang liham kung ano ang nararamdaman
nito patungkol sa pagtatapat na kanyang nalaman at ito naman kanyang ipapadalang
muli doon sa lalaki na unang nagpadala ng sulat hanggang sa patuloy ang pagpapalitan
nila ng mga liham kung anuman ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

III. Panuto: Isa-isahin ang mga sagabal ng komunikasyon. Ipaliwanag ang bawat
isa. (20 puntos)

May mga iba’t ibang sagabal sa komunikasyon, nariyan ang semantikong sagabal,
pisikal na sagabal, pisyolohikal na sagabal at sikolohikal na sagabal.

1. SEMANTIKONG SAGABAL ay ang pagkakaroon ng salita ng dalawa o higit na


kahulugan, pangungusap na hindi tiyak o sigurado ang kahulugan at ito ay hindi
maayos o organisadong pahayag, matatagpuan ito sa loob ng pangungusap
mismo. Ang mga halimbawa ng ganitong sagabal sa komunikasyon ay ang
salitang “lobo” na ang kahulugan ay maaaring isang laruan o isang uri ng hayop.
Pangungusap:
a. Lumipad ang lobo na hawak ni Jose.
b. May isang malaking lobo sa kagubatan na kumakain sa mga alaga naming
kambing.

2. PISILAK NA SAGABAL ay ang mga ingay sa paligid, mga distraksyon biswal,


suliraning teknikal kaugnay ng sound system, hindi mahusay napag-iilaw at hindi
komportableng upuan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagtunog ng cellphone
sa loob ng silid aralan.

3. PISYOLOHIKAL NA SAGABAL ay ang mismong kapansanan ng encoder at


decoder ang hindi maayos na pagbigkas ng mga salita, hindi mabigkas ang mga
salita at may kahinaan ang boses. Ang mga halimbawa ng ganitong hadlang ay
ang pagiging bulag, pipi o bingi ng isa sa mga taong mayroong partisipikasyon sa
komunikasyon.

4. SIKOLOHIKAL NA SAGABAL ay ang nga biases, prejudices, pagkakaiba-iba ng


mga kinalakihang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na
maaaring maging resulta ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
Ang halimbawa nito ay ang paguusap ng dalawang tao na magkaiba ang mga
lengguwahe.

IV. Panuto: Bumuo ng repleksyon kaugnay sa Komunikasyon sa Akademikong


Pilipino. (10 puntos)

Ang bawat paksang tinatalakay hatid ng mahusay na guro upang mapakinggan at


magbigay kaalaman sa mga estudyanteng nabigyan ng pagkakataon upang matuto sa
ilalim ng kursong Fili001 na “Komunikasyon sa Akademikong Filipino”.

Ang metalinggwistikang pag-aaral ng ating sariling wika, dito ay binigyang tuon


ang estraktura, gamit, katangian at kahalagahan ng wikang Filipino sa akademikong
larangan. Sa mga nakalipas na pagtatagpo sa pamamagitan ng online class tuwing Lunes
ika-5 ng hapon ay nabigyan kami ng pagkakataong matuto sa paraang interaktibo kung
saan natukoy at matalakay ang mga pangunahing kaalaman at konseptong
metalinggwistik na pag-aaral. Nalinang ang akademikong komunikasyong pag-babasa,
pakikinig, pagsusulat at pagsasalita sa isang mataas na kasanayan. Nailapat rin dito ang
pag-alam, pagtaya at pagpapahalaga sa mga kaalaman at konseptong may kinalaman
sa kultura at lipunang lokal at global ang komunikasyong kasanayan. Unti-unting nakilala
ang wikang Filipino sa pag-unawa at pagpapahalaga ng teksto at konteksto sa iba’t ibang
pamamaraan at paggamit ng wikang Filipino.

Sa takbo ng kursong ito ay naipaliwanag ang iba’t ibang kultura ng wika na


nagbigay ng daan upang malaman ang mga katangian ng wika. Nabigyang paliwanag
din ang mga teyorya ng wika, ang tungkulin ng wika kasabay ng iba-t ibang mga antas
ng wikang Filipino. Dahil sa kursong ito naipakilalang maigi ang iba’t ibang potensyal sa
paggamit ng ating sariling wika.

You might also like